Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Malamig ang gabing iyon, at ang tunog ng ulan sa labas ay lalo lang nagpapatindi sa sakit na nararamdaman ni Raquel. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama, tahimik na nagmumuni-muni habang hawak ang isang picture frame na may larawan nilang dalawa ni Markie, ang lalaking minsan niyang inakala na magiging forever niya. Pero ngayon, basag na ang tiwala niya rito, kasabay ng pagguho ng mga pangarap niya para sa kanilang dalawa. They were about to get engaged.

"Paano mo nagawa sa akin 'to, Markie?" bulong niya sa sarili, habang dumadaloy ang mga luha. Mahigpit niyang niyakap ang throw pillow sa kanyang harapan, pilit na nilulunod ang poot sa halip na galit. Dalawang linggo na lang at dapat kasal na sila, pero nahuli niya si Markie na kasama ang isang babae sa isang restaurant. Ang mas nakakadurog, colleague nito sa work na itinuring niyang best friend ang babaeng iyon.

Sa gitna ng kanyang pag-iiyak, napansin niyang umiilaw ang kanyang cellphone. Isang notification ang pumasok. Kahit namamaga pa ang mga mata, dinampot niya ang phone at tiningnan kung anong mensahe iyon.

"Find Your Dream Match is looking for participants! Join our dating show and get paid just by appearing! Everyone is welcome! Click here to apply!"

Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya, pero pinanood niya ang short promo video na na kasama ng notification. Isang masiglang host ang nag-eexplain ng mechanics ng show, habang ipinapakita ang mga nakangiting participants. Ang highlight? Hindi mahalaga kung makahanap ka ng partner o hindi—may guaranteed cash prize ka basta mag-a-appear ka lang sa show na ito.

"Pera?" mahinang sambit ni Raquel. Bigla siyang napaisip. Hindi naman niya hinahanap ang pag-ibig, lalo na ngayon na kakagaling lang niya sa masakit na breakup. Pera? Kailangan niya 'yon, more than anything else. Kahit sabihin pa na 'money is the root cause of evil', eh 'di willing na siyang maging pinakamasáma sa lahat. Malapit na siyang maubusan ng savings, at kailangang may mapagkakitaan siya sa lalong madaling panahon. She gave up her job in order to marry Markie. Magkatrabaho kasi sila at pinagbabawal sa kompanya nila ang mga relasyon. Sa kabila ng pagpaparaya niya sa career, ipagpapalit lang din pala siya ng 'di kagwapuhang boyfriend sa katrabaho rin nila.

"The audacity. Hindi man lang niya inisip na hindi naman siya gano'n kagwapo pero nagawa pa rin niyang magloko? Wala naman siyang face card!" yamot na pakli niya habang nagmo-moment ulit sa kama. Ilang saglit ay bumalikwas din siya at napatingin siya sa salamin. Kahit maga ang mata at bakas sa mukha ang stress, ramdam niya ang determinasyong bumangon kahit papaano.

"Hindi ako pwedeng matalo sa kagaguhan niya. Ano 'yon? Masaya siya tapos ako, nagmumukmok? Ako ang legal na girlfriend in the first place." Huminga siya nang malalim saka muling tiningnan ang phone na inilapag niya kani-kanina.

"Wala namang mawawala kung susubukan ko, 'di ba?" tila pang-uuto niya sa sarili, habang dahan-dahan niyang pinindot ang "Apply Now" button.

Habang pinupunan niya ang application form, naisip niyang ito na ang simula ng bagong kabanata sa kanyang buhay. Kahit sa simpleng paraan, parang nagkaroon ng kaunting liwanag sa madilim niyang mundo.

Sa kabila ng lahat, isa lang ang malinaw kay Raquel. Wala siyang balak ma-in love ulit. Kung may dahilan man para sumali siya sa show na iyon, ito ay para sa pera, hindi para sa pag-ibig.

***

In the heart of the vast ocean, aboard a private plane, sat a man who seemed to have stepped straight out of a fairytale. Si Donovan, ang secret prince ng Tien Maginda, ay nakatingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang aerial view ng Pilipinas na malapit na niyang marating. His posture exuded elegance—dressed formally, yet a distinct sadness lingered in his eyes.

Ang Tien Maginda, isang independent monarch state na malapit sa Vietnam at Pilipinas, ay kilala sa tradisyon, kayamanan, at mahigpit na mga protocol sa buhay ng kanilang royal family. Ngunit sa kabila ng lahat ng taglay niyang karangyaan, parang nakukulong si Donovan sa imahe ng pagiging "perpektong prinsipe." Aside from that, he didn't like the ruling system. Authoritarian kasi ang state nila at isolated, iyon bang bihirang makipagkasundo o makipag-ugnayan sa ibang bansa at mahigpit sa mga mamamayan nito. Only those with royal lineage among the Tien—citizens of Tien Maginda, are privileged to study abroad. He had visited several countries, but it was the neighboring nation, the Philippines, that became closest to his heart. Pasikreto na rin siyang nag-apply ng citizenship sa Pilipinas dahil na-meet naman niya ang years of residency na kinakailangan. Tuwing may pagkakataon na nakakauwi siya sa Pilipinas, inaasikaso niya ang itinayong negosyo sa tulong na rin ng pinagkalatiwalaang tauhan, at mayro'n na rin siyang established property. His parents knew nothing about this.

"Your Highness," tawag ang isa sa kanyang mga tauhan mula sa harap ng eroplano, "we'll be landing in Manila shortly." Tumango lamang si Donovan bilang sagot. Alam niyang ang buhay na naghihintay sa Pilipinas ay ibang-iba sa karaniwang mundo ng mga royal na ginagalawan niya. Pabalik balik lang naman siya sa bansang ito, pero ngayon lang siya naging desidido na manirahan nang permanente.

Walang dapat makaalam kung sino siya sa bansang ito. Ang lahat ng kilos niya ay balot ng misteryo. For months, he had meticulously planned his return to the Philippines—not to rest, but to hide. Behind his gentle demeanor and elegant suit lay a reason for leaving Tien Maginda, a reason he refused to reveal to anyone.

Paglapag ng eroplano, tahimik siyang sumakay sa isang pribadong sasakyan na naghihintay sa kanya. Ang nagmamaneho ay isang pamilyar na mukha—si Mang Dudong, ang dating royal driver ng kanilang palasyo.

"Kamusta ang biyahe, Sir Donovan?" bati ni Mang Dudong, habang sinilip ang prinsipe sa rearview mirror.

"Maayos naman, Mang Dudong," sagot niya, isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"Eh, bakit ka nga pala biglaang bumalik? Alam mo naman, hindi ganun kadali magtago ng prinsipe sa Pilipinas," biro ng matanda, pero ramdam ang pag-aalala sa tinig nito.

Ngumiti si Donovan, ngunit hindi na siya sumagot. Ang lihim niya ay masyadong mabigat para ibahagi kahit sa pinakamatapat na tauhan.

Ilang oras ang biyahe bago sila makarating sa isang malawak na lupain sa labas ng Maynila. Sa gitna ng lugar na iyon ay isang magarang mansyon na tila galing sa isang pelikula. Ito ang naging proyekto niya sa tulong ni Mang Dudong—isang pribadong tahanan kung saan pwede siyang magtago mula sa mata ng publiko.

Pagbukas ng pinto, bumungad kay Donovan ang modernong interior ng mansyon, ngunit may halong tradisyunal na disenyo ng Tien Maginda. Puno ng mga mamahaling kagamitan ang loob, ngunit hindi ito ang habol niya. Ang mahalaga, ligtas siya dito.

"Tandaan mo, Mang Dudong," sabi ni Donovan habang iniikot ang paningin sa mansyon, "walang dapat makaalam kung sino ako. Gusto ko ng tahimik na buhay dito."

"Maiintindihan ko, Sir. Pero tandaan mo rin, hindi mo maitatago nang matagal ang pagiging ikaw," sagot ng matanda, sabay iling.

Tumahimik si Donovan at naupo sa isa sa mga sofa. Alam niyang tama si Mang Dudong. Sa isang banda, gusto niyang maging normal kahit pansamantala. Pero sa kabilang banda, alam niyang ang pagiging prinsipe ay bahagi na ng kanyang pagkatao—isang bahagi na hindi niya basta matatakasan.

Habang binabalot ng katahimikan ang gabi, hindi maiwasang isipin ni Donovan ang mga susunod na mangyayari. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro