Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGO

PROLOGO
KEVIN GARCIA (Kev)

         
"Wala akong anak na bakla. Hindi ikaw si Kevin."

Itinapon ni Papa ako sa labas ng aming bahay kasama ng aking mga damit. May pasa ang aking mukha dahilan nang ginawang niyang pagsuntok sa akin. Sinusubukan niya ako na labanan siya para patunayan na isa akong lalaki pero hindi.

Hindi ako lalaki at iyon ang katotohanan.
Hindi ako lalaki at wala doong mali.

Hindi ko maggawang tingnan si Mama na siyang pinipigilan si Papa na paalisin ako sa bahay. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ay ang sigaw na pakikipagtalo ni Mama kay Papa.

Pinulot ko ang mga damit ko at mga make up na nabasag. Isinilid ko iyon sa aking bag. Hirap akong tumayo dahil masakit pa ang aking katawan na nilatay ni Papa nang kanyang sinturon.

Nagiisa akong anak at isa pang lalaki. Mataas ang ekspektasyon sa akin ng magulang ko at maging tao sa paligid ko dahil isang heneral ang aking Papa.

Noong bata pa lang ako ay imunulat na nila ako na sundalo lang ang natatanging para sa akin at wala ng iba. Ngunit hindi iyon ang para sa akin, hindi iyon ang pinangarap ko.

Hindi bola ang gusto ko kundi barbie.
Hindi baril barilan ang gusto ko kundi make up.
Hindi babae ang gusto ko kundi isang lalaki.

Sa buong buhay ko na pagtatago ng tunay na ako, na tunay na kasarian ay napagod na ako. Gusto kong ipakita sa tao kung sino ako. Gusto kong ipagsigawan kung ano ang kaya ko.

Gusto kong iwagayway ang bandila na kulay bughaw na nangangahulugan ng katapangan at pagpapakatotoo ko.

Ang lahat ng iyon ay gusto kong gawin pero paano ko iyon maggagawa kung kahit sa magulang ko ay hindi ko maamin.

Sa kabila ng lahat ay may isang tao na nasa tabi ko. Isang tao na kinilala ako at minahal ako sa kung sino ako. Isang lalaki na ipinadama sa akin na wala sa aking mali at karapatan ko rin ang magmahal.

At ang lalaking iyon ay si Philip I. Estrada

Sumakay ako ng taxi at binanggit ko sa kanya ang address. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay ay inayos ko ang aking sarili.

Bumuntong hininga ako bago pindutin ang doorbell. Ilang segundo pa ay bumukas ang gate at walang ano-ano ay niyakap ako kaagad ni Philip ng mahigpit.

"Kev" bigkas niya sa aking pangalan.

Hindi pa man niya alam kung anong nangyari pero batid niya sa hitsura ko kung bakit ako ngayon nasa harapan ng bahay niya.

Isiniksik ko ang mukha sa kanyang dibdib habang umiiyak pa rin. "Hindi nila ako tanggap." sambit ko habang umiiyak.

"Tanggap kita at mahal kita..." bulong niya sa akin. "...Kevin"

Tatlong taon na kaming magkarelasyon at masaya kami. Tago man ang aming relasyon ay masaya ako doon dahil parehas naman namin iyon desisyon. Sabi nga nila, mas mabuti pang hindi malaman ng iba dahil marami lang ang magtatangka na sumira sa inyo.

Kasalukuyang Mayor si at palaging buo ang suporta ko sa kanya. Ang palagi kong pinapangako sa kanya ag susuportahan ko siya sa kung paano niya ako sinuportahan.

Ilang taon ang lumipas ay tumaas ang kanyang katungkulan sa lipunan hanggang sa tumakbo siya sa pagka-Presidente ng Pilipinas at patuloy pa rin akong nakasuporta at nananatili pa rin ang aming relasyon.





        

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro