Chapter 6 : Asteroid with Tremendous Size
CHAPTER 6
NIANA'S POV
MY MIND was rather clouded by more than just mere confusion.
"Paano mo nalaman na napunta ako sa 2019? I mean—alam mo bang galing ako sa past?" agad kong tanong sa kaharap kong si Sophia. Naguguluhan na talaga ako dahil una, alam niya ang pangalan ko at nakikita niya ako. Gano'n ba siya ka-special at kaya niyang magawa ang mga bagay na 'yon? I can't believe that she's so advanced to see someone who came from the past.
"Oo. Alam kong galing ka sa taong 2018," nagsimula na siyang maglakad sa buong k'warto. Hindi ko na siya sinundan sa paglalakad, bagkus, ang mga mata ko ang sumunod sa kaniya.
"Paano mo nalaman? Isa ka lamang A.I. na ginawa ng Hanson Robotics. Gawa ka lang ng tao. Kaya paanong ikaw nakikita ako samantalang ang ibang mga kasama mo rito hindi ako nakikita?"
Wala pa ring mga scientist o ni isang tao rito na tumitingin sa gawi ko. Para nga lang akong hangin na dinadaanan nila dahil tumatagos lang ako sa mga katawan nila sa tuwing dadaanan nila ako. Parang dinaig ko pa ang multo dahil hindi nila ako nararamdaman.
"Dahil iyon sa mga mata ko. Pero huwag na nating pagusapan pa ang tungkol sa mga mata ko. Pagusapan natin ang dahilan kung bakit ka nandito sa panahon namin," sabi nito sabay tingin sa akin. Nakatayo siya sa likuran ng isang lalaking nagtitipa sa malaking computer sa harapan niya.
Kumunot ang noo ko. "H-hindi ko rin alam kung bakit ako nandito," pagsasabi ko ng totoo. "Basta ang alam ko lang ay napunta na lang ako bigla rito. 'Yon lang. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabalik sa panahon ko."
Marahan siyang tumango.
Grabe talaga. Kung hindi mo lang makikita ang metal sa uluhan niya, aakalain mong totoong tao siya. She act like a normal human being. Maayos na siyang nakakapaglakad, nakakagawa din siya ng iba't ibang facial expressions na mas mukhang authentic kaysa noong una ko siyang nakita. Aakalain mong tao siya sa mga simple gesture niya na tao lang ang gumagawa.
Bukod sa bakal sa ulo niya at sa boses niya, taong-tao na talaga siya.
"Kung gano'n kailangan mong malaman ang alam namin upang makapaghanda ang oras niyo," aniya. Seryoso ang mukha niya—hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa paraan niya nang pagsasalita o baka normal lang na paminsan-minsan mawala ang ekspresyon sa mukha niya.
"Ano namang kailangan ko malaman? At anong sinasabi mong kailangan makapaghanda ng oras namin?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Ilang oras mula ngayon, isang asteroid ang babagsak sa Earth. Kung hindi ito mapapahinto ng NASA at iba pang space agency na nagtutulungan ngayon sa buong mundo, hindi na makaka-survive pa ang mundong ginagalawan natin ngayon."
Napalingon sa kaniya ang lalaking nakasuot ng lab gown. Napahinto ito sa pagtitipa at sinundan ang tingin ni Sophia. Nakita ko ang pagkunot nito ng noo. Mukhang hindi niya ako nakikita gaya ng inaasahan ko.
"Sophia? Who are you talking to? And why are you using another language?" tanong ng scientist sa kaniya. Ilang beses pa nito sinipat ang pwesto ko.
Nilingon siya ni Sophia.
"Foreign language processing . . . loading datas . . . English language activated," ani Sophia. "I see a girl standing right there who came from the past. She needs to know what's about to happen soon—to make the past know what will happen," sabi ni Sophia bago ako ituro. Tuminging muli ang scientist sa gawi ko, pero alam kong hindi niya ulit ako nakita.
"Are you sure she came from the past? I don't see any girl here aside from you and other data analysts," sagot ng lalaki. Bahagya pa itong nagduda. "Just make sure you've warned her," tangi na lamang saad ng lalaki at mabilis na humarap sa computer niya't nagtipang muli. Mukhang wala siyang panahon na usisain kung nagsasabi si Sophia ng totoo.
Tiningnan ko naman si Sophia. Gano'n din ang ginawa niya sa akin.
"Follow me," sabi niya bago siya maglakad papunta sa isang pintuang gawa sa makapal na bakal. "HR code, Sophia," sambit niya bago mahati sa gitna ang malapad na pintuan. Tila isang code ang sinabi niya para magbukas ito.
Fudge, wow.
I've never been a fan of science until now.
Sinundan ko si Sophia hanggang sa mapadpad kami sa isang open space na balcony. Kita mula rito ang namumulang araw. Kapansin-pansin na ang buong paligid ay kulay pula na rin. Pero hindi mainit.
Napatingin ako sa araw na kulay pula. Hindi siya normal na kulay ng araw. Aakalain mong may nagaganap na eclipse dahil may kung anong kulay itim sa tapat ng araw. Hindi ko ma-determine kung ano ang bagay na 'yon. Pero sigurado ako na hindi 'yon airplane o ibon na dumadaan lang sa kalangitan dahil parang hindi 'yon gumagalaw.
"Anong meron? May eclipse bang nagaganap?" tanong ko sa kaniya habang hindi siya nililingon.
"Foreign language processing . . . loading datas . . . Filipino Language activated." She paused. "Isang oras na lamang ang natitira't babagsak na ang asteroid na tinatawag na two zero zero eight NT-five o mas kilala bilang Brobdingnagian," paliwanag niya. "Malapit na itong pumasok sa atmosphere ng Earth. Sa bawat minutong dumadaan, mas tumataas ang tsansa ng katapusan ng mundo."
Agad kong nilihis ang tingin ko sa araw papunta kay Sophia.
Brobdingnagian?
Parang pamilyar 'yung pangalan no'ng asteroid sa 'kin?
"Sigurado ba kayong asteroid 'yon?" If there's a stupidest question I've ever asked, that has to be asking an artificial intelligence if it's sure.
Tumango naman siya. "Hindi pwedeng magkamali ang computation ko sa 1912 asteroid na bumisita sa Earth. Huling bumisita ang two zero zero eight NT-five noong 1912. Bumalik ito noong 2008, pero dapat hindi na ito bumalik pa."
"Hindi na dapat na bumalik pa? Bakit?" inosente kong tanong.
"Noong 2008, dapat babanga na ito sa Jupiter dahil tripleng gravitational pull ng planeta," aniya. "Sa kasamaang palad, isang satellite ang bumangga sa surface ng asteroid kaya lumihis ito ng landas at tuluyang tumungo na sa Earth taong 2008. Pero pagkatapos ng halos labing isang taon, bumalik ang Brobdingnagian. Dapat masusunog na ito dulot ng araw, doon na kasi siya nagtungo nang dumaan siya sa Earth, pero dahil sa malaki ang two zero zero eight NT-five, nabawasan lamang ang laki nito at bumalik muli sa Earth. Umikot ito dahil sa orbit na ginawa ng araw at ngayon, tuluyan na siyang nahatak ng Earth."
Pagtango na lamang ang tangi kong nagawa. Naintindihan ko ang sinabi niya pero hindi ko maintindihan kung bakit pa rin ako nandito at kung anong kailangan kong gawin. May dapat ba akong baguhin sa future na 'to? May kailangan ba akong galawin sa timeline?
"Ibig sabihin ba maliit na lang ang Brobdingnagian?" Wala na akong ibang maisip pa na sasabihin.
Umiling si Sophia. "Nang dumaan siya sa Earth noong 2008, ang laki nito ay kasing laki ng kalahati ng dwarf planet. Pero ngayon, malaki pa rin ito at kayang-kayang wasakin ang Earth kung hindi mapipigilan ang pag-collide nito sa planeta natin."
Brobdingnagian.
I closed my eyes and tried to remember where I heard the word Brobdingnagian. I know, it means marked with tremendous size. Pero saan ko nga ba ito ulit narinig?
Nang hindi maalala kung saan ko ito narinig, minulat ko na lang muli ang mga mata ko.
"May magagawa pa ba kayo o ang NASA at iba pang space agencies upang mapalihis o mapatigil ang asteroid sa pag-collide nito sa Earth?" I asked, seeking a positive answer.
Hindi agad sumagot si Sophia.
"Merong tatlong paraan upang malihis ang direks'yon nito, o hindi ganap na mabangga ng Brobdingnagian ang Earth. Ang una ay ang paggamit ng isang spaceship or satellite upang banggain ang asteroid."
"Bakit hindi niyo gawin?"
"Sasagutin ko iyan mamaya," sagot niya. "Ang ikalawang pwedeng gawin ay ang gumamit ng laser upang pagpira-pirasuhin ito. Pero nakakalungkot man sabihin, wala pang nagagawang laser na kayang sumira ng ganyan kalaking asteroid."
"At ang ikatlong paraan?"
"Pwedeng mag-launch ng spaceship or satellite ang NASA at sino mang authorized na space agency para ikutan ang asteroid at ma-pull ito. Sa ganitong paraan, mapapalayo ng satellite mula sa Earth ang Brobdingnagian," paliwanag niya. "Sa kasamaang palad, wala nang oras pa na mag-launch ng satellite o spaceship. Sinubukan na rin ng bawat bansa na may nuclear weapon na pasabugin ang asteroid habang malayo pa ito. Pero walang nagtagumpay. Sa halip, napabilis lang nito lalo ang paglapit ng asteroid."
The fudge.
"Sa ngayon, kailangan nalang natin ng himala." Napatingin si Sophia sa itim na bumabalot sa araw kaya napatingin din ako rito. Kanina lamang ay maliit ito, pero palaki ito nang palaki sa bawat minutong lumilipas. "Kung sana, mas maagang na-detect ng NASA at iba pang space agencies ito, mas maaga sanang nagawan ng paraan. Dahil sa biglaang pagliko nito sa araw pabalik sa Earth, nagulantang ang lahat at pare-parehong nagkamali ng kalkulasyon. Wala ring nakinig sa banta ng mga eksperto tungkol rito. Hindi rin pinakinggan ang babala ko," dagdag pa niya.
Lumakas bigla ang hangin. Maraming ibon na nagkukumpul-kumpulan at nagkakagulo sa kalangitan. Sa lakas ng hangin tila winawagayway nito ang sanga ng mga puno.
Napapikit ako nang may marinig na boses sa isip ko.
"The first possibility of the Earth's end is based on Science. It will happen next year. Tama. Year 2019, an asteroid simply named as Brobdingnagian, which means marked with tremendous size, will fall into the Earth."
Tama!
Narinig ko na ang tungkol dito sa lecture namin kay sir Jim.
Agad kong binuksan ang mga mata ko para sabihin kay Sophia ang naalala ko, pero huli na ang lahat.
Tumama na sa Earth ang asteroid.
Saglit na nagkaro'n ng nakakabinging katahimikan hanggang sa may malakas na hangin na bumasag sa lahat ng salamin sa mga bintana ng bawat gusali na may kasamang paglindol. Tumumba rin ang mga puno, gaano man kalakas ang kapit nito sa lupa. Kasabay nito ang pagtalsik ng bawat bagay na nasa sahig—mga sasakyan, poste, at mga tao na tumatakbo para sa buhay nila.
Takot na takot ako kaya hindi ko napigilang mapahawak sa balkonahe. Marahil dahil vision lamang ito kaya kahit lumilindol na ay hindi pa rin ako nawawalan ng balanse. Gayunpaman mabilis ang tibok ng puso ko. Para akong hinihingal—para akong binabangungot.
Biglang uminit ang temperatura. Hanggang sa makita ko kung paano unti-unting malagas ang katawan ni Sophia. Si Sophia na ilang taong ginawa ay nilamon lang ng malakas na pwersa mula sa pagtama ng asteroid sa kalupaan.
Ngayon alam ko na kung bakit ko sinundan ang buhay niya.
Her warnings must've been taken seriously noong simula pa lang at dahil hindi pinakinggan ang kalkulasyon nya, natapos ang buhay ng bilyon-bilyong nilalang sa mundo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro