Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37 : John 3:16

CHAPTER 37

NIANA'S POV






LIGHT.

Pure light.

I can't see anything aside from white, blinding light. Sobrang nakakasilaw ang liwanag sa paligid but I managed to somehow still see where I am. Until my eyes finally adjusted from the light.

Malinaw ang lahat pero wala naman akong ibang nakikita bukod sa malawak at tila walang katapusang espasyo. Para akong na-trap sa isang lugar at hindi ko na alam kung may daan ba papasok o palabas.

May mumunting hangin din na dumadapo sa balat ko. Hindi ko alam kung anong meron sa hangin na 'yon, ngunit pakiramdam ko ang gaan-gaan ng buong katawan ko. Feeling ko kaya kong lumipad mula sa kinatatayuan ko dahil hindi ko na halos maramdaman ang bigat ko.

Nasaan kaya ako?

Nagsimula akong humakbang nang kaunti, tinatansa ang lugar at pinagmamasdan ito maigi kahit pa sigurado ako na sa bawat sulok ng mata ko, kahit saan man ako tumingin, tanging puting ilaw lang ang meron at wala nang iba pa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung anong dapat kong gawin. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matakot dahil nasa gitna ako ng kawalan.

"Niana."

Isang boses ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. 'Yong boses na tumawag sa pangalan ko, sobrang kalmado. Hindi ko maipaliwanag pero I feel safe when I heard the voice. Hindi ko alam kung sa lalaki o babae ang boses na 'yon dahil parang pareho. Sigurado rin ako na hindi ito pagmamay-ari ng kakilala ko dahil ngayon ko pa lamang narinig ang tinig na 'yon.

"Sino ka?" tanong ko rito habang lumilinga-linga sa buong paligid. Hindi ko alam kung nasaan ang may-ari ng boses dahil sa lawak ng lugar. Basta ang alam ko lang hindi ako nag-iisa. Kasama ko siya.

"Ako ang nagbigay sa 'yo ng kakayahang makita ang hinaharap," aniya, dahilan para agad akong mapakunot ng noo habang patuloy sa pag-ikot sa buong lugar ang mga mata ko.

"Ikaw?" tanong ko.

"Oo, ako," sagot nito. Hindi ko mahanap kung saan nanggagaling ang boses dahil para itong nagmumula sa lahat ng sulok ng lugar.

"Dapat ba kitang pasalamatan dahil binigyan mo ako ng kakaibang talento?" magalang kong tanong dito. Hindi ko alam kung sino siya, ang alam ko lang, naniniwala ako sa kaniya. I don't know but my head keeps saying that whoever owns that voice is telling me the truth.

Isa pa, alam niya ang tungkol sa sixth sense ko.

"Hindi mo ako kailangang pasalamatan, para sa talentong ikaw mismo ang nakatuklas," sagot ng boses.

"Pero sa dami ng tao na pwede mong bigyan ng ganitong kakayahan, bakit ako? Pwede namang kay Midori na lang. O kaya sa isa sa mga kaklase ko o sa mga professor ko. Bakit sa akin?" tanong ko habang iniikot ang paningin ko.

"Dahil ito ang misyon mo."

"Misyon kong magkaroon ng ganitong kakayahan?" kunot-noo kong tanong.

"Misyon mong gamitin ang kakayahan na 'yan, para sa ikabubuti ng nakararami. Ang misyon mo, ay ang alamin ang hinaharap ng sangkatauhan," sabi ng boses. Hindi nagbabago ang tono nito.

"Pagkatapos kong malaman ang hinaharap, anong kailangan kong gawin? Panigurado walang maniniwala sa akin kung sasabihin ko sa kanila ang lahat ng mga nakita ko," saad ko.

"Hayaan mong ang tadhana ang gumabay sa iyo," ani ng boses. "Narito ka upang ipakita ko sa iyo, ang wakas."

"Wakas?" pag-uulit kong tanong. "Anong wakas?"

Hindi na muli pang sumagot ang boses. Hindi ko alam kung umalis na ba ang may-ari no'n o narito pa rin pero nananatili lang na tahimik. Ang alam ko lang, biglang may sumulpot na malaking alon sa harapan ko.

Hindi agad ako nakapag-react dahil bigla na lamang itong sumulpot sa harapan ko. Napapikit ako at hinintay na tangayin ng malaking alon na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hinintay kong mabasa ako nito pero ilang segundo na akong nakapikit ay wala pa rin.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Doon ko lang nakitang, tumagos lamang sa akin ang malaking daluyong.

Ang sixth sense ko.

Tama.

Paniguradong ito na ang huli sa listahan ng possibility of the end. Kaya marahil sabi ng boses kanin ay ipapakita niya sa akin ang wakas. Marahil ito ang ibig niyang sabihin.

Sa lugar na walang kahit ano kundi liwanag, sumulpot ang malaking alon. Hindi ko alam kung saan ito papunta. Basta ang alam ko lang hindi ito purong tubig lang. May mga kasama itong lamang dagat, tulad ng isda at mga balyena, mga bato at koral, at iba pang uri ng bagay na nasa ilalim ng karagatan. May ilan ding kabahayang gawa sa kahoy na tinatangay ng alon. Lahat siguro ng tinatamaan nito ay tinatangay.

Ngunit wala akong nakikitang kahit ano sa paligid bukod sa liwanag.

Agad akong napatingin sa sahig nang agad itong umalog. Animo'y sumasayaw ang lupa sa lakas ng pag-alog nito. Nawalan din ako ng balanse dahil sa paglindol. Dahil dito, nagbago-bago ang daan ng malaking alon. Kung saan-saan ito umagos, hanggang sa mawala ito sa aking paningin.

I froze when I heard a sudden explosion. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon. Ang alam ko lang, malakas 'yon at nakadagdag sa lakas ng lindol at sa paggalaw ng lupa. Maya-maya pa, naging kulay pula ang itaas na parte ng kinalulugaran ko.

May mga piraso ng mga batong nagliliparan. May mga apoy ang bawat isa at aakalain mong bulalakaw na pababa sa kalupaan mula sa kalawakan. Hindi ko alam kung saan ito galing. Siguro konektado ito sa malakas na pagsabog kanina—maaaring isa itong pagsabog ng bulkan.

Another explosion froze me. Mas malakas ito at hindi lang isa. Siguro'y anim na sunud-sunod at malalakas na pagsabog ang nangyari.

Mas nagalit ang lupa at agad itong nahati. Napatayo tuloy ako upang lumayo sa nahahating lupa.

Wala akong ideya sa kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung anong meron pero alam kong kailangan ko nang lumayo rito.

Tumakbo ako nang tumakbo.

Pero agad din akong napahinto nang may malalaking punong bumagsak bigla sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan galing ang mga 'yon dahil wala naman akong mga punong nakita kanina. Iniwasan ko ang mga 'yon, ngunit palaging may bumabagsak na puno sa harapan ko. Siguro dahil sa pagyanig ng lupa ay nabubuwal ang ugat ng mga puno.

Mas lalo akong nataranta nang ang mga tipak ng batong nagliliyab sa kalangitan ay bumagsak sa sahig. Ang ilan ay tumama sa mga puno, dahilan para magliyab at umapoy ang mga ito.

Sinubukan kong tumakbo muli. This time, wala ng punong humarang sa tinatakbuhan ko.

Hindi kalayuan sa pwesto ko, may nakita akong kumpulan ng mga tao. Nakakapagtaka na may mga tao rito. Wala namang kahit ano rito sa lugar na 'to kanina. Kaya paanong nagkaro'n ng alon, puno at mga tao rito?

Pinagmasdan ko ang mga taong dikit-dikit at lahat nakapikit. Gusto ko sana silang tulungan dahil baka mabagsakan sila ng mga puno o nagliliyab na tipak ng mga bato.

Pero hindi ko 'yon nagawa.

Namangha ako dahil hindi sila natatamaan ng kahit ano.

Hindi sila nabagsakan ng mga bato mula sa langit o ng mga punong nabubuwal sa lupa. Hindi rin sila dinaanan ng malaking alon o ng pagkahati ng lupa.

Nagkaro'n tuloy ako ng ideya sa nangyayari.

Parang pamilyar ang ganitong scenario sa akin.

Nasilaw ako sa sobrang liwanag na bumalot sa buong lugar. Wala na akong makita dahil sa sobrang puti ng paligid. Wala akong makita pero alam kong umiikot ang buong lugar. Nahihilo ako at hindi ko alam kung anong dapat gawin kaya nanatili na lamang ang ako sa kinatatayuan ko.

Sa sobrang bilis ng pag-ikot nawalan ako ng balanse at tuluyang napaluhod sa sahig.

Sumasakit na rin ang ulo ko, bumabaligtad na ang sikmura ko at gusto ko nang masuka pero hindi ko magawa.

Mula sa kawalan, muling bumalik ang boses na kanina'y ume-echo sa lugar. Malamlam ang boses niya, kalmado, at may bakas ng awtoridad.

"Ang lahat ng naniwala ay maililigtas," aniya bago muling umikot nang sobrang bilis ang paligid.

Mas mabilis kaysa kanina. Mas nakakahilo, mas nakakawala ng tuliro. Napahiga ako at wala na akong magawa kundi hintaying huminto ang pag-ikot ng paligid. Hanggang sa mapatingin ako sa itaas.

"Niana! Niana okay ka lang?"

Luminga-linga ako sa buong lugar.

Nakahiga ako sa isang kama na umaandar. Nasa gilid ko si Midori at kasama siyang nagtutulak sa akin. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Basta ang alam ko lang, nahihilo pa rin ako at naiiyak na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ulo ko.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko pang muli ang boses.

Whoever believes in Him shall not perish but have an eternal life.

I just witnessed the judgment day, didn't I?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro