Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34 : Fa Mulan and Li Shang

CHAPTER 34

NIANA'S POV





"HINDI TALAGA ako kumportable sa damit na 'to. Pwede bang iba na lang?" iritado kong saad kay Midori habang mine-make up-an niya ako. Ilang beses na akong humarap sa salamin para lang tingnan ang itsura ko, ang suot ko. Pero hindi ko talaga gusto.

"Niana, 2018 na. You need a new look at least every once in a while," sagot ni Midori. "Ayan! Tapos na," she exclaimed after her last touch.

"Ang kapal ng make up!" agad na reklamo ko.

"Gaga! Wala nga halos akong dinagdag dahil mabilis kamo mairita 'yang balat mo sa make up," aniya. Tumingin siya sa salamin. "Ang ganda ko talaga. Ewan ko ba sa 'yo. Ang ganda mo rin naman, kaso ang manang mong kumilos at manamit," puna niya pero hindi ko siya pinansin at pinagmasdan lang lalo ang itsura ko sa salamin.

Imbis na nakasalamin ay naka-contact lense ako ngayon. Straight na straight din ang hanggang balikat kong buhok, at may kaunting blush sa pisngi ko. Ginamitan din ni Midori ng eyeliner ang mga mata ko para mas sumingkit pa itong tingnan.

"Kung lalaitin mo lang ako, tara na. Lumarga na tayo, anong oras na," sabi ko.

"Luh. Akala ko ba ayaw mong pumunta sa acquaintance? Tapos ngayon parang mas excited ka pa sa akin," aniya.

"Kung may choice lang talaga ako, hindi naman ako sasama sa 'yo sa acquaintance party na 'to. Hindi naman compulsory," sagot ko kaya humagikgik siya sa gilid ko.

"Sus! Ang sabihin mo, hindi mo matanggihan ang pinakamaganda mong kaibigan."

"Midori, 'wag na tayong maglokohan. Ikaw lang naman ang kaibigan ko." Mahina akong tumawa dahil sa sinabi ko.

"Kaya nga ako ang pinakamagandang kaibigan mo," pag-uulit niya, but this time, with flips hair.

"Oo na, ikaw na. By default, ikaw talaga," pang-aasar ko pa rito kaya mahina niya akong hinampas sa braso.

"Gaga ka talaga."

Sabay kaming naglakad palabas ng bahay. Nakasukbit sa braso ko ang braso ni Midori habang naglalakad kami. Wala sila mama at papa ngayon kaya dito na kami nag-ayos ni Midori sa bahay namin.

Nang makarating kami sa tapat ng university, rinig na rinig na agad ang ingay na nagmumula sa loob. Pinagsamang tugtog mula sa speakers at hiyawan ng mga estudyante. Marahil ang lahat ay nagkakaro'n na ng kasiyahan sa loob kahit hindi pa man nagsisimula nang pormal ang event.

Hiningi sa amin ang ticket namin para sa party sa harapan ng university. Pinaalalahanan din muna kami na off limits ang second and third floor ng university at ibang building pwera sa kung saan gaganapin ang mismong party. Pero bukas naman daw ang tatlong restrooms sa ground floor kung sakaling kailangan namin magbanyo. Nang tumango kami, pinapasok na nila kami sa loob.

Project ng Student Council ang project na 'to kaya sila rin halos ang gumagalaw ngayong gabi.

Dahil nga Disney ang theme ng acquaintance ngayong taon, pabonggahan ng damit ang mga babae. Maraming magkakapareho ng pino-portrait. 'Yong mga tipikal na princess at prince sa mga disney movie ang madalas naming makasalubong ni Midori habang naglalakad. May ilan din namang villains tulad ni Maleficent.

Si Midori, piniling gayahin si Merida. 'Yong disney princess na galing sa Brave movie dahil sa kulot niyang buhok. Ako naman, mas pinili ko si Mulan. Luckily, kami lang ang gumaya sa dalawang princess na 'yon. Ang karamihan ay Belle, Cinderella, at Snow White.

"Kukuha lang ako ng inumin, dito ka muna," sabi ni Midori sa akin nang marating namin ang upuan namin. Nasa may open field ito ng school ang event place, sa harap ng lumang building ng paaralan. Ito na rin ang magsisilbing grand dancefloor para sa party na magaganap.

"Kuha ka na rin ng pwedeng kainin habang nanunuod," bilin ko sa kaniya.

"Ikukuha kita ng boylet?" aniya kaya inirapan ko siya.

"Fudge, Midori. 'Wag mo 'ko ituld sa 'yo,"" sabi ko kaya natawa siya bago naglakad palayo.

Tumingin-tingin ako sa buong paligid para tingnan ang kabuuang disenyo ng lugar. Bukod sa iba't ibang kulay ng mga ilaw na paikot-ikot sa paligid, malakas na tugtog mula sa speakers, at mga estudyante na nagbabatian sa tuwing may makikita silang kakilala sa lugar, mukhang may pasabog din ang Student Council dahil may nakita akong fireworks na dinadala nila sa likod ng stage. Mukhang magkakaro'n ng fireworks display mamaya.

"Hey, looks like I found my partner."

Napalingon ako sa nagsalita.

Nakatali ang buhok nito. May kulay pulang kapa, at may pekeng espada sa tagiliran. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niya, kamukhang-kamukha niya 'yong ka-partner ko—ni Mulan.

"Li Shang," nakangiti kong saad.

"Yes, Mulan?" nakangiti rin niyang sabi.

Huli kong nakita ang lalaking ito, sa fourth vision ko. Pero matanda na siya ro'n.

"Kumusta ang lagay mo? Ang tagal kitang hindi nakita ah," ani Carson bago umupo sa tabi ko. Inalok niya ako ng hawak niyang juice, pero tumanggi ako dahil alam kong may dala rin si Midori mamaya para sa akin.

"Ayos na ako, salamat nga pala," sagot ko. Sabay kaming tumingin sa stage na nasa harapan namin. Doon nagsasalita 'yong mga host at mga magpe-perform ng special intermission number.

"Ano bang nangyari sa 'yo? Kinakausap pa kita no'n tungkol sa painting ng Greek mythology, tapos bigla ka na lang nag-pass out," tanong niya.

"Wala. Pagod lang siguro ako no'ng araw na 'yon," mabilis na pagdadahilan ko.

Nanatili kaming tahimik na dalawa, hanggang sa maalala ko 'yong recent vision ko. 'Yong vision ko kay Daryl at sa fourth possibility of the end.

"Carson," pagtawag ko sa kaniya. Hindi ko siya nilingon dahil ayokong makita agad sa mga mata niya ang sagot sa tanong ko. Pero siya, naramdaman kong lumingon sa akin.

"Hmm?"

"Sumagi ba sa isip mo na gusto mong maging leader?" tanong ko.

"Hmm. Ilang beses na akong naging leader sa mga group activity namin. Sa thesis. Sa mga reporting."

"No. I mean—leader, as in presidente ng bansa," paglilinaw ko.

Saglit siyang napatahimik at nanatili akong naghihintay para sa sagot niya.

"Hindi ko alam. Hindi siguro? As you can see, I hate responsibilities. Tsaka hindi madaling trabaho ang pagiging presidente. Mahirap nga pasunurin ang isang grupo, paano pa kaya ang isang bansa?" matatawa niyang saad.

Kunwari'y tumawa rin ako sa tinuran niya habang sa kaloob-looban ko ay curious ako.

Kung wala naman pala sa isip ni Carson ang pagiging presidente ng bansa, paano siya naging presidente sa vision ko?

But maybe he changed his mind. As we grow older we tend to learn new sides of us, and that might also be the case for him. After all, bata pa kami at marami pa kaming pwedeng malaman. Maari pang magbago ang isip namin sa maraming bagay.

Lumingon ako sa kaniya. Sakto namang nakatingin siya sa akin kaya hindi ko naiwasang mapatingin nang diretso sa mga mata niya.

I saw a lot of arguments.

Failures.

Love.

I saw Daryl in his future.

Pero hindi ko nakita ang pagiging presidente niya. Hanggang sa umabot na ako sa pinakadulo ng future niya.

Carson's death.

Doon nagkaro'n ng maraming glitch.

Car accident, then maggi-glitch. Suicide, then glitch again.

Tingin ko, magkakaro'n ng malaking problema si Carson sa hinaharap. Kaya hindi ma-determine ng sixth sense ko kung anong tunay na ikamamatay niya sa hinaharap.

"Niana?"

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. "Yes?"

"May sasalihan ka bang sport sa founding anniversary ng school?" tanong niya kaya agad akong umiling. "Sayang naman," saad niya.

"Kailan nga ba ulit 'yon?" tanong ko.

"Sa October pa naman. Matagal pa. Pero ang balita ko, special ang founding anniversary ngayong taon."

"Paanong special?"

"May music festival daw kasing magaganap sa foundation day. Sana totoo," nakangiti niyang saad, tila excited sa paparating na buwan.

Hindi na ako sumagot pa at nanatili na lang nakikinig sa emcee. Ilang sandali pa, dumating na si Midori. Naabutan niya kaming magkatabi ni Carson, kaya ang mga mata niya nanghuhusga na agad. Ramdam kong gusto na niya akong asarin, pero hindi niya magawa dahil kasama ko si Carson.

"I need to go, ladies. See you when I see you and enjoy the rest of the night," ani Carson bago kami iwan ni Midori.

"Hoy, ano 'yon?" agad na tanong ni Midori bago i-abot sa akin 'yong juice na dala niya. May inabot din siyang fries sa akin kaya kahit naiinis ako sa mapanghusga niyang mga mata, ay nakangiti pa rin ako.

"Wala. Tinanong lang niya ako kung may sasalihan ba akong sport sa foundation day," sagot ko habang nilalantakan ang dala niya.

"Hindi ako naniniwala na 'yon lang ang pinag-usapan niyo."

"Edi 'wag kang maniwala."

Habang kumakain, may mga tanong pa rin na pumapasok sa isip ko.

Wala sa isip ni Carson ang pagtakbo bilang presidente ng bansa. Wala rin akong nakita sa hinaharap niya na naging presidente siya o kahit tumakbo man lang siya para sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

Pero nakita ko sa fourth vision ko na siya 'yong presidente sa taon na 'yon. Anak niya si Daryl sa vision ko na 'yon at parehong Daryl sa nakita ko sa mga mata ni Carson ngayon-ngayon lang.

Imposible rin naman na si Carson sa fourth vision ko at ang Carson na kaharap ko kanina ay magkaiba.

Dahil may iisa silang anak.

Fudge.

I shook my head.

I should stop thinking about that. Ang kailangan kong isipin ay kung kailan ulit ako makakakita ng vision at kung ano ang fifth possibility.

Para makapaghanda ako kung sakaling mas malala 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro