Chapter 33 : Big One
CHAPTER 33
NIANA'S POV
I STAYED for about two days in the hospital na dapat sana ay isang araw lang bago ako na-discharge at nakalabas ng ospital.
Midori with the support she gained from my mom, disagreed on letting me off the hospital dahil nawalan daw ulit ako ng malay at kailangan pa raw ako obserbahan maigi. Ang nanay ko naman na naniwala sa kaniya, pinag-stay pa ako sa ospital nang mas matagal kaya ilang araw tuloy akong bagot na bagot sa apat na sulok ng hospital room. Tatlong araw din niya akong hindi pinapasok paglabas ko sa ospital kahit pa anong pilit kong sabihin na maayos na ang lagay ko.
Tatlong araw na wala akong ibang ginawa kundi tumunganga sa kisame, habang iniisip kung anong nangyari sa panahon ni Carson. Sa pamumuno niya sa bansa. Kung anong pinag-usapan nila ni Daryl at kung anong nangyari sa tulong na hinihingi niya sa ama niya.
Gusto kong malaman kung paano napunta si Rhianne at Kean sa taon ni Daryl.
I know it can happen—hypothetically siguro. Pero hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.
Lalo pa't naglaho rin si Rhianne at Kean nang kausap ko sila. Kaharap ko mismo sila nang mag-fade sila, na parang alikabok na tinangay ng hangin.
Kahit nasa bahay ako for three days, hindi ako nakapagpahinga.
'Yong isip ko kasi, pagod na pagod. Kung saan-saan napupunta.
Kay Sophia. Sa taon niya. Sa asteroid na na-detect niyang babagsak sa Earth pero hindi na nila napigilan. How could that scene possibly get out of my mind? Eh nakita ko mismo kung paano bumagsak 'yong higanteng bato na 'yon sa lupa. Kung gaano kalakas 'yong impact, kung gaano kalakas ang hangin no'n.
Buti talaga at wala ako sa taon na 'yon. Buti na lang at vision lang 'yon. Dahil kung nando'n talaga ako, baka wala na akong oras para mag-react.
Rhianne and Kean entered my mind after Sophia.
Alam kong may initial cure na noon pa man. Kung hindi ako nagkakamali, si Doktora Sanchez mismo ang umaasikaso sa gamot na 'yon.
Malaki ang posibilidad na matapos ang crisis na 'yon. Malaki ang chance na hindi magiging sanhi ng pagkaguho ng mundo ang sakit na 'yon dahil gaya mismo ng sinabi ni Rhianne sa akin, epektibo ang initial cure na ginawa ni Doktora Sanchez—pero nawala rin siya sa harapan ko matapos niyang sabihin sa akin 'yon. Tila pahiwatig na hindi pa rin maaalis ang posibilidad na hindi makahanap ng lunas sa sakit na kumalat sa taon nila.
Lumipat naman ang isip ko sa gold reserves na nasa ilalim daw ng West Philippines Sea. Kung accurate ba talaga ang discover ni Miniso o baka nagkamali lang sila. Kung kailan malalaman ng mundo ang tungkol sa gold reserves at kung may paraan ba na mapigilan ang giyera na maghahatid sa karamihan ng kamatayan.
Iniisip ko kung makakaligtas ba sila Aling Lanny, Jiji, at ang mga anak niya sa digmaan na 'yon.
Napasinghap ako ng hangin bago sandaling napaisip kung bakit sa lahat ng vision ko, ang ika-apat na vision ang parang bitin, parang hindi natapos, at parang sinadya na putulin. Marahil hanggang doon lang talaga ang dapat kong malaman? Baka gusto lang ipakita sa akin ng sixth sense ko si Carson at ang anak niya, at si Rhianne at Kean?
Sa apat na visions na nakita ko, may tatlong nangingibabaw na tanong sa akin.
Paano mapipigilan ang mga posibilidad na nakita ko?
Dapat bang pigilan ang mga ito o mapipigilan ba talaga ito?
At ano ang ikalimang possibility of the end?
"ALAM KO na kung bakit nagkakagulo 'yong mga teachers noong nakaraang linggo," bungad ni Midori sa akin nang sabay kaming maglakad papunta sa locker. Kakatapos lang ng first subject namin ngayon at sa ipinagdiriwang ko ang araw ng sariling kalayaan mula sa halos isang linggo na pagiging bagot.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya habang nilalagay ang mga librong hindi ko kailangang gamitin ngayong araw. Hindi ko kasi ito naayos nang huli akong pumasok.
"Nagkaro'n daw kasi ng fake news," ani Midori kaya napatingin ako sa kaniya.
"Fake news about saan?"
"The big one," kaswal na sagot niya. Nilapag niya pa ang siko niya sa loob ng locker habang nakatingin sa akin.
"The big one?" taka kong tanong. "'Yong earthquake ba?"
Tumango si Midori. "Nakatanggap ng information ang faculties na no'ng araw na 'yon, magaganap ang the big one. Kaya parang balisa 'yong mga teacher kasi hindi nila alam ang dapat gawin at ang ilan ay nililipat na sa mas safe na lugar ang files nila," paglalahad niya. "And then ayon nga. They canceled the afternoon class for the student's safety."
Napatango na lamang ako.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
The big one.
Matagal na nang huli akong makakita ng vision. After ng vision ko kay Daryl, hindi na ito nasundan pa. Natutuwa ako pero kinakabahan pa rin ako at the same time. Hindi ko pa kasi nakikita ang fifth possibility, kaya hinahanda ko ang sarili ko in case makakuha ako ng information about dito.
At heto nga. Sinabi ni Midori ang about sa the big one.
Pero wala akong naramdaman na kakaiba.
Or so I thought.
Biglang umikot ang paligid ko.
Hindi tulad ng mga naunang pagkahilo ko sa mga dating vision ko, hindi ito nakakasuka. Parang nagkamali lang ako ng galaw at nawalan saglit ng balanse, gano'n 'yong pakiramdam.
Then I heard something shaking.
The earth is shaking.
Marami akong nakitang nagtatakbuhan. Lahat sila nakapatong ang kamay sa ulo, at iwas na iwas sa matataas na mga bagay, gusali, puno at poste habang nabibiyak ang lupa at nahahati sa gitna. Nakarinig din ako ng hiyawan at mga tunog ng sasakyang ambulansya at pulis.
Akala ko magtatagal ako sa scenario na 'yon, pero agad din itong nawala.
'Yon na ba 'yung fifth possibility?
"Niana, tara na sa next subject. Baka ma-late pa tayo," rinig kong yaya ni Midori sa akin.
Napatingin ako sa kaniya bago marahang tumango. Nagsimula na rin kaming maglakad, at nanatili akong tahimik.
Ano 'yong nakita ko?
Alam kong the big one 'yon dahil lumilindol sa vision na 'yon.
Pero ang weird dahil hindi ako tumagal do'n. Hindi ko nalaman kung kailan o anong taon mangyayari 'yon. Hindi ko alam kung 'yon na ba 'yong huling posibilidad.
Nakapasok na kami sa susunod na subject, kaya inalis ko na sa isipan ko ang vision na nakita ko.
Sa gitna ng klase, may na-realize ako.
Mangyayari ang the big one sa Pilipinas.
Hindi naman siguro aabot sa ibang bansa 'yong lindol na galing dito 'di ba? There might be a little chance to affect the nearest neighbor countries, pero malabong masira ng lindol na mula sa Pilipinas, ang buong mundo. Hindi rin mukhang pang-end of the world ang scenario na nakita ko, alam kong through time makakabangon pa ang mga taong naapektuhan ng lindol—although maaaring iyon ang pinakamalalang lindol sa kasaysayan ng bansa.
Pero kung hindi ang the big one ang ikalimang posibilidad ng pagguho ng mundo, ano kaya?
"BAKIT kaya nag-resign si Sir Jim?" tanong ni Midori habang nag-aayos ng mga gamit. Uwian na at kaunti na lang kami sa loob ng room. Cleaners kasi kami ngayong araw.
"Sinabi naman ni Ma'am Velanie 'di ba? May personal problem daw si Sir Jim kaya kailangan niyang mag-resign," sagot ko.
Nang maayos na namin ang mga gamit, sinukbit na namin 'yung mga bag namin. Lumabas na kami sa room at nagsimulang maglakad papuntang gate.
"Ano kayang problema ni Sir Jim at kailangan niyang mag-resign?" curious na tanong ni Midori.
"Malay ko?"
"Baka nag-away sila ng jowa niya," sabi ni Midori kaya napalingon ako sa kaniya.
"May jowa ba si Sir Jim?" taka kong tanong.
"'Yon ang alam ko."
"Kailan pa?" tanong ko.
"Ewan. Tsismis lang ng mga kaklase nating stalker ni Sir Jim 'yon," sabi ni Midori bago magkibit-balikat.
Hindi nawala sa isip ko 'yong sinabi ni Midori.
May girlfriend si Sir Jim.
Totoo man o hindi, ang mas gumugulo sa utak ko ay 'yong vision na nakita ko kay Sir Jim noon.
'Yong misunderstanding niya with a girl.
"Sasama ka na ba sa acquaintance party this year? Next week na 'yon," biglang tanong ni Midori.
"As usual, hindi," sagot ko kaya agad siyang napasimangot.
"Sumama ka na," pamimilit niya.
"Ayoko. Maraming tao."
"Sige na. Kahit ngayong taon lang."
"Give me one good, valid, and reasonable reason para sumama," saad ko kaya agad siyang napaisip. Tumingala siya at natahimik. "Alam mo naman na ayokong sumasama sa mass gatherings dahil maraming contact with other people. Meaning, maraming vision akong makikita. No way, 'no. Pahinga na nga ang sixth sense ko ngayon."
"Hmp! Wala na naman tuloy akong kasama," aniya bago naunang maglakad, parang bata na hindi nabilhan ng laruang tinuturo niya sa tindahan.
"Hoy, Midori!" Hinabol ko siya pero patuloy pa rin siya sa pag-iwas. "Bata ka ba?" ani ko pero mas lalo lang siyang lumayo.
I sighed.
"FO na tayo—"
"Sasama na ako okay? Fudge, Midori. Para kang bata," irita kong saad kaya agad siyang natawa.
"Hindi mo talaga ako mahindian," aniya bago kumindat.
Fudge. Pupunta ako sa acquaintance party.
Tama bang desisyon 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro