Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32 : Signing Off

CHAPTER 32

NIANA'S POV






NAKATINGIN sa akin si Rhianne at Kean.

Hindi ko alam kung ako lang o talagang pareho kami ng iniisip ngayon.

Nagkita na kami noon.

"Pwede ko na bang sabihin kung anong tulong ang kailangan ko?" inip at walang interest na tanong ni Daryl sa ama niya.

"Son, you're being disrespectful again," puna ni Carson. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya. Pero agad 'yong nawala nang tingnan niya ako. "I don't know why, but I have a feeling that we really met before," aniya bago muling maningkit ang mga mata.

"Dad, we don't have enough time," singit ni Daryl pero hindi siya pinansin ng matanda.

"Have we met before?" tanong ni Carson sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na nagkakilala na kami. Na nagkita na kami sa art club noon. Dapat ko bang sabihin sa kaniya na siya ang nagdala sa akin sa clinic noon? Dapat ko bang sagutin ang tanong niya sa akin?

"I—"

"We need to go, Niana. Kung hindi niya papakinggan ang tulong na hihingin ko sa kaniya, mas mabuti pang umalis na tayo," inis na saad ni Daryl. Halatang naubos na ang pasensya niya sa kaniyang ama dahil naninigas ang panga niya habang sinasamaan ng tingin ang ama.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Carson. "Niana?" biglang saad niya.

"That's her name. Sinabi ko 'yon kanina," sarkastikong sabi ni Daryl. "Let's go," dagdag pa niya bago ako hawakan sa braso.

"Sandali, Daryl," pigil ni Carson sa amin nang akma na kaming maglalakad palabas ng bahay. "We need to talk, privately. Para sa kailangan mo sa akin," ani Carson pero sa halip na kay Daryl siya tumingin, sa akin siya nakatingin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, marahil dahil sa isip niya hindi magkaro'n ng sense kung paanong hindi ako mukhang tumanda.

"Good," sabi ni Daryl bago ako bitawan. "Wait for me here," aniya kaya tumango na lamang ako.

Sabay silang naglakad ni Carson papunta sa isang kwarto. Hindi agad tinanggal ni Carson ang tingin niya sa akin. Tingin ko sigurado siya na nagkakilala na talaga kami noon. Lalo pa't nagduda na agad siya sa pangalan ko. Pero alam kong naguguluhan pa rin siya. Sino bang hindi?

I don't know if that truly matters too. Wala naman sigurong mababago sa mga nangyayari kung malaman niyang ako si Niana, 'yong babaeng pinapasok niya sa art club office. 'Yong babaeng nakapag-tour sa club na hindi ko naman dapat pinasukan.

Dahil sa art club ko nakita ang third vision ko.

"We met before, right?"

Napaangat ang tingin ko kay Rhianne. May katandaan na rin siya. Siguro nasa thirties or forties na siya. Si Kean naman, gano'n din. Mas matanda lang siguro ng isa o dalawang taon kay Rhianne dahil mas maraming puting buhok ang lalaki kaysa sa huli.

"Kapag sinabi ko bang oo, maniniwala kayo?" tanong ko.

Nagkatinginan si Kean at Rhianne.

"Your name is Niana, right?" tanong muli ni Rhianne kaya tumango ako.

Sa kanilang dalawa, parang si Kean lang ang hindi nakakaalala sa akin. Hindi na ako nagtataka dahil si Rhianne lang naman talaga ang nakakita sa akin sa second vision ko, kung saan ko siya na-meet. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko ulit siya ngayon pero sa ibang vision. It doesn't make sense to me, but nothing ever made sense with my ability.

Naningkit ang mga mata ni Rhianne sa akin. Malamang tulad ni Carson, sinusuri niya rin ako. Hanggang sa unti-unting lumaki ang mga mata ni Rhianne.

"Ikaw 'yong babae na tumulong sa akin noon! 'Yong sa mga infected, tama?" ani Rhianne bago tumingin kay Kean. "Siya 'yong sinasabi ko sa 'yong nagligtas sa akin sa banyo. Siya 'yong dahilan kaya nakaligtas ako sa delubyo na 'yon," sabi niya kay Kean. Malaki ang ngiti niya at napatakip siya sa kaniyang bibig gamit ang dalawang kamay, hindi makapaniwala.

"Naaalala mo ako? Kilala mo ako?" nagtatakang tanong ko.

"Oo naman! Kung hindi ka dumating noon sa banyo, malamang naging infected na rin ako noon" sabi ni Rhianne.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Alam ko na sa huling parte ng ikalawang vision ko ay naging infected din siya. Tandang-tanda ko pa noon kung ano ang itsura niya at ang lahat ng hinabol at na-infect niya.

"Ibig sabihin, no'ng lumabas ka sa bintana ng banyo, nakaligtas ka?" paniniguro ko na agad naman niyang tinanguan.

Hindi ko alam kung paano o kung dapat ko pa bang alamin gayong hindi ko rin naman maiintindihan kahit malaman ko kung paano nangyari ang sinasabi niya.

Nagkamali kaya ang vision ko?

O baka dahil possibility lang 'yon kaya posibleng iba ang naging sumunod na kwento sa vision ko kasama si Rhianne?

"Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ka nandito—no, wait. What I mean is, you still look the same. Noong magkita tayo, ganiyan ang itsura mo. Hanggang ngayon . . ." Tiningnan ako ni Rhianne mula paa hanggang ulo. Magsasalita dapat siya pero hindi niya natuloy, marahil hindi alam kung anong mga salita ang dapat niyang sabihin kaya napalingon na lang siya kay Kean bago ibalik sa akin ang mga nagtatakang tingin niya.

"Mahirap ipaliwanag," tangi ko na lamang sabi. "Pero anong nangyari matapos mong makalabas sa bintana ng banyo?"

"Tatlong buwan mula no'n, gumana ang initial cure na dine-develop ni Doctor Sanchez," maiksi niyang sabi kaya napangiti na lamang ako sa isip. Mukhang tama nga ang sabi ni Sir Jim na ang depressed zombies ang most likely na maging end of the world dahil sa cure na maaaring ma-develop ng mga eksperto. Mabuti naman kung gano'n nga.

Saglit kong nilingon ang pwesto kung saan pumunta si Carson at Daryl.

"Paano niyo pala nakilala si Carson?" tanong ko.

Ilang segundo na nanatiling tahimik si Kean at Rhianne, hindi sinasagot ang tanong ko.

"Alam niyo ba kung—"

Nang lingunin ko si Kean at Rhianne, unti-unti na silang nagfe-fade sa hangin—bagay na hindi ko maintindihan kaya tila nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko. Nakita ko kung paano dahan-dahang tangayin ng hangin ang katawan ni Kean at Rhianne na para bang alikabok na pinaypayan hanggang sa tuluyan na silang mawala sa harapan ko. As if they were never there in the first place.

"Kean . . . Rhianne . . ."

Hindi ko maintindihan. Bakit bigla na lang silang nawala?

Napahakbang ako pabalik kasabay nang biglang pag-ikot ng paligid ko. Hanggang sa mamalayan ko na nasa ibang lugar na ulit ako pero nasa parehong vision pa rin.

Madilim ang malawak na open space field kaya nagtaasan agad lahat ng balahibo ko sa katawan. Umihip pa ang malakas na hangin kasabay ng pagsasayaw ng mga puno sa paligid at ang pagi-ingay na ginagawa ng kwago sa lugar. Nakakakilabot.

Walang katao-tao sa lugar.

Parang ghost town.

Magsisimula na sana akong maglakad para humanap ng mga tao pero agad akong napatakip sa tainga dahil sa ingay na nagmumula sa kung saan. Tila may nagkalat na speaker sa paligid kahit hindi ko matukoy kung saan partikular na nanggagaling ang ingay na nage-echo sa paligid.

"The Office of the President officially vacated as the incumbent President of the Philippines resigned in his own accord after failing to secure water and food security. This is the last broadcast from the Office of the Press Secretary before we welcome the next President in line. God bless us all, and may we pass on this crisis the soonest."

Nawalan ako ng balanse sa hindi malamang dahilan.

Sobrang bilis.

Nakakasuka.

Parang hindi ako nasanay sa sixth sense ko dahil hindi ako handa sa mabilis na transition.

"Niana, ayos ka lang?" Napalingon ako kay Midori na sobrang lapit sa akin. Hawak niya ako sa magkabilang balikat para siguro hindi ako matumba sa sahig.

"A-ayos lang ako," saad ko bago tuluyang umupo sa kama at humihinga nang malalim.

"May nakita ka ulit, tama?" tanong niya kaya agad akong tumango.

"Ilang minuto akong nakapikit?"

"Sampung minuto?" hindi siguradong tugon ni Midori. "Anong nakita mo? Konektado pa rin ba sa tinuro ni Sir Jim?"

Tumango ako. "Tungkol 'yon sa kakulangan sa supply ng tubig na maiinom at pagkain dahil sa overpopulation. Tingin ko kaunti lang ang nakita ko kumpara sa tunay na mangyayari, pero ang krisis na 'yon ang dahilan kung bakit may ilan sa mga tao ang piniling kainin ang mga kapwa nila tao dahil sa gutom." Sabay kaming napangiwi ni Midori.

"Buti na lang hindi ganiyang sixth sense ang nakuha ko," narinig kong bulong niya. "Pero paano mo pa rin nakikita ang mga itinuturo ni Sir Jim kung tapos na ang klase niya kanina pa?"

Umiling ako bilang sagot.

Hindi ko rin alam kung bakit. Pero kung may susunod pa, tiyak ko na isa na lang 'yon. At kung ano man ang huling possibility of the end, marapat lang na ihanda ko na ang sarili ko para sa pinakamasamang posibilidad na mangyayari sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro