Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29 : Hideout

CHAPTER 29

NIANA'S POV






MAKALAT.

Magulo.

Lahat ng tao natataranta.

Sa grocery na 'to, sobrang daming tao. Hindi ko alam kung ano talagang gusto nilang gawin sa buhay nila, pero wala silang pakialam kahit makabangga na sila, o mabangga sila. Wala silang pinapatawad, kahit madapa sila, matisod, tuloy pa rin sila sa pagtakbo.

Lahat sila iisa lang ang ginagawa—kumukuha ng mga pagkain sa bawat stalls, sa bawat estante ng grocery. Para silang nakikipaghabulan kay kamatayan. Balisa na silang lahat pero hindi sila tumitigil sa pagkuha ng kahit anong una nilang mahawakan. Ang ilan pa nga ay nakikipag-away pa para sa pagkain at kung ano pang essential goods na nakuha nila sa stalls.

Hindi ko alam kung libre ang lahat ng nasa grocery kaya sila nagkakagulo at kuha nang kuha ng mga pagkain. Ang alam ko lang hindi nagpapa-awat ang mga tao. Kahit pinipigilan na sila ng mga staff ng grocery at maging security guard ay wala silang pakialam.

Nanatili akong nakatayo. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko.

Oo nga't hindi na bago sa akin ang mapunta sa vision ko, pero nagtataka ako kung paano at bakit ako napunta rito. Wala ng klase si Sir Jim, imposible namang nagtuturo pa siya sa mga oras na 'to kaya ko nakikita ang mga 'to.

Ramdam at alam kong nasa future na naman ako. Dama ko 'yon dahil nawala ako sa ospital at biglang napunta sa magulong lugar. Ito lang ang bagay na alam ko sa ngayon. Nasa future ako at may kailangan na naman akong alamin.

At 'yon ay kung bakit magulo ang mga tao.

Kung tama ang bilang ko, ika-apat na ang vision na 'to sa mga nakita ko ngayong araw. Ibig sabihin, kung konektado nga ang vision na ito sa tatlo pang nauna, ito na ang fourth possibility of the end.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa na makita ang ika-apat na chance kung kailan at papaano guguho ang mundo, lalo na't hindi pa rin ako gaanong nakaka-move on sa third vision ko. Sa world war three na muntik ko na rin halos ikamatay kung hindi agad ako nakaalis do'n.

Nagsimula na akong maglakad.

Tumitingin-tingin ako sa bawat hallway ng mga estante. Nakikita ko kung gaano halos magpatayan ang mga tao para lang sa mga pagkain na nasa grocery na kung tutuusin hindi naman nila mukhang binabayaran. Siguro nga libre ang mga nasa grocery na ito kaya ganiyan sila ka-wild, pero I need an assurance. Gusto kong malaman kung may mas malalim pa bang dahilan.

Nakakita ako ng isang bata. Iyak lang siya nang iyak. Mukha siyang mag-isa pero hindi ko siya magawang malapitan dahil una, mukhang hindi naman ako nakikita ng kahit sino dahil tumatagos silang lahat sa akin kada tatakbo sila sa gawi ko, at pangalawa, natatakot ako sa mga nasa likuran ng bata.

May dalawang lalaking nag-aagawan sa bote ng alak. Masasama ang titig nila sa bawat isa. Nando'n sa mga mukha nila ang galit at inis sa isa't-isa.

"Akin 'to!" inis na saad ng isang lalaki. Balbas sarado ito, maitim ang mga mata, malaki ang pangangatawan at may hawak na cart na puno ng kung anu-anong klase ng pagkain.

"Nauna ako rito!" giit ng lalaking ka-alitan niya. 'Di hamak na dehado siya pagdating sa laki ng katawan, pero matapang siya para sa liit niya.

Hindi ko nasubaybayan ang pag-aaway nila, ang alam ko na lang ay nagsuntukan na sila. Hindi ko kayang panoorin ang mga marahas na bagay, tulad no'n. Kahit pa sabihin na nating nakakita na ako ng mga patay sa third vision ko.

Ang alam kong sunod na nangyari, walang nakuhang alak ang parehong lalaki. Kinuha 'yon ng bagong dating na lalaki na nagmamadaling umalis kasama 'yong cart ng lalaking balbas sarado. In the end tuloy, walang napala 'yong dalawang lalaki na nagsusuntukan. Nautakan sila ng hamak na lalaking nagmamadali lang.

Lahat ng tao, kapag nakakuha na ng mga bagay na gusto nilang kuhain sa grocery, ay agad na ring lumalabas. Kaya 'yon ang ginawa ko.

Basag na ang glass door ng naturang grocery. Siguro dahil sa dami ng mga tao, pinili na lang nila na sirain ang entrance para mas marami ang makapasok sa loob. Ngayon sigurado na ako na hindi lang dahil libre o naka-sale ang mga item sa grocery kaya sila nagkakagulo.

Sumabay ako sa agos ng mga tao. Mabuti't hindi ako nasisiksikan dahil tumatagos lang ako sa mga katawan nila kundi baka kanina pa ako napisat dito. Sa dami ng mga tao na pumapasok, parang imposible nang makalabas ka pa. Pero dahil nga vision ko lang ito at tumatagos ako, agad akong nakalabas sa grocery.

Hindi ko alam kung may giyera ba ulit.

Kung may asteroid ba na babagsak kaya natataranta ang lahat.

Kung may depressed zombies din ba sa lugar na ito kaya may pagka-apocalyptic ang scenario sa lugar na ito.

Nagkalat ang tao sa lahat ng kalsada. May mga nagmamaneho ng kotse pero ang ilan sa kanila bumabangga sa kung saan-saan. Sa dami ng tao sa kalsada, hindi na naiwasan ng mga kotse ang mga ito, at nababangga na ang karamihan. Kung hindi ka maingat, malamang isa ka na rin sa nasagasaan at nagulungan ng mga sasakyan.

"Bakit nandito ka pa? Kailangan mo nang tumakbo!" Agad akong nagulat nang may isang taong nakahawak sa akin. Isang lalaking tingin ko mas matanda sa akin ng dalawa o tatlong taon. "Sumama ka sa 'kin," aniya bago ako hatakin.

Dala siguro ng gulat, wala akong nagawa kundi magpahatak sa kaniya. Kinakabahan ako lalo na nang tumawid kami sa kalsada kung saan maraming nababangga. Pero dahil magaling ang lalaking kasama ko, fortunately hindi kami nabangga.

Oo tumatagos nga ako, pero dahil nahawakan ako ng lalaki na ito, pakiramdam ko mababangga na rin ako kung sakali.

Hindi kami nag-imikan. Hindi kami nagsasalita. Hindi ko muna tinanong ang pangalan niya dahil nagmamadali kami.

Hingal na hingal na siya. Hatak-hatak niya ako sa kanang kamay niya, sa kaliwang kamay naman niya may dala siyang malaking plastic. Tingin ko galing din siya sa loob ng grocery kanina.

Malayo na kami sa grocery pero patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan kami papunta, o kung bakit pa kami tumatakbo gayong malayo naman na kami sa gulo.

Namalayan ko na lang na nasa maliblib na lugar na kami. As in sobrang layo na talaga namin kaya hinatak ko na ang kamay ko sa kaniya, dahilan para mapatigil kami sa pagtakbo at lingunin niya ako.

"What?" tanong niya.

"Sa-saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo tumatakbo. Hindi nga kita kilala e," ani ko.

"Pasalamat ka nga't niligtas pa kita kanina. Kundi baka kanina ka pa nasagasaan o natulak-tulak ka na ng mga tao," sabi niya bago siya magsimulang maglakad. "Kung hindi ka sasama sa akin, bahala ka na sa pupuntahan mo," dagdag pa niya.

Bigla akong napakurap dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, tulad sa mga vision ko noon.

Pero tulad ni Sophia, Rhianne, Miniso, Jiji, at aling Lanny, nakikita ako ng lalaki na ito. Ibig sabihin, may alam siya tungkol sa mga nangyayari at may dahilan kung bakit niya ako nakikita.

"Sandali! Sasama ako!" sigaw ko dahil malayo na sa akin 'yong lalaki. Kinailangan kong tumakbo para mahabol siya. Ang bilis niyang maglakad dahil mahahaba ang binti niya. "Saan ka ba pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay," sagot niya kaya kumunot ang noo ko bago luminga-linga sa paligid.

"No offense pero nasa gitna ng gubat ang bahay mo?" taka kong tanong.

"Ang bahay ko at ang hideout ko ay iisa," sagot niya kaya tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa.

"Anong pangalan mo?" tanong kong muli. Medyo maputik at mabato ang dinadaanan namin kaya ingat na ingat ako sa paglalakad. Hindi ko rin sigurado kung may ahas ba rito o kung ano man na maaari kong maramdaman sakaling tumama ito sa akin.

"Daryl," maikli niyang sagot bago lumingon sa akin. "Ikaw?"

"Niana," sagot ko pagkatapos ay tumango siya. "So, ikaw lang mag-isa sa bahay na tinutukoy mo? Kasi sabi mo, bahay ko."

"Para sa isang estranghera, ang dami mong tanong."

Hindi na ako muli pang nagtanong hanggang sa matanaw ko ang malaking bahay sa gitna ng kagubatan. Nakakamangha lang malaman na may malaking bahay sa gitna ng kawalan considering na nasa hinaharap ako kung saan halos lahat ng gubat sa planeta ay nakalbo na at halos lahat ng kalupaan sa mundo ay okupado na ng mga gusali at kalsada.

"Bakit pala hinatak mo ako kanina? Hindi mo naman ako kilala," tanong ko habang papalapit kami sa malaking bahay.

"Hindi ba pwedeng maging mabuting mamamayan?"

"'Yon ba talaga ang dahilan?"

Agad siyang huminto sa paglalakad bago lumingon sa akin. Saglit akong natakot sa ibinigay niyang tingin sa akin.

"Gusto kong maging mabuti sa lahat, dahil ang tatay ko, hindi naging gano'n sa mga nasasakupan niya," seryosong saad niya bago siya muling tumalikod sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

Dahil sa sinabi niya, mas na-curious lang ako sa kung anong nalalaman niya.

Kung ano ang mga impormasyong makukuha ko sa kaniya.

At sa kung anong nangyayari sa taon na 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro