Chapter 26 : Attached
CHAPTER 26
NIANA'S POV
HINDI KO alam kung nagkataon lang o talagang ito 'yon. Kamukhang-kamukha ng tunnel na ito 'yong tunnel na dinadaanan ko sa first vision ko.
May mga dim light din sa itaas. Ang kaibahan nga lang, wala na 'yong mga bintana kung saan ko nakikita 'yong mga nangyayari sa buhay ni Sophia. Wala na ring pader na humaharang kung saan nakalagay 'yong year kung nasaan ako. Pero kahit gano'n, I can feel the same ambiance sa tunnel na nakita ko sa first vision ko at sa tunnel na dinadaanan namin ngayon.
Tahimik ang lahat ng mga naglalakad. Hindi ko alam kung dahil wala silang mapag-usapan o dahil sa tensyon na nararamdaman ng bawat isa sa amin. Sa vision na ito para na talaga akong totoong tao. Hindi lang dahil tensyonado at kabado ako, kundi dahil lahat ay nakikita ako.
Akala ko noong una, si Miniso lang ang nakakakita sa akin. Pero dumating si Jiji. Hanggang sa 'yong mga sundalo sa safe zone, pinapasok ako. Nakilala ko si aling Lanny, at ang mga anak niya. Lahat sila nakikita ako. Lahat sila nararamdaman ako.
Natatakot tuloy ako sa posibilidad na baka nasa loob na ako ng vision na ito. Na baka hindi na ito simpleng vision lang at baka narito na talaga ako sa taon na 'to.
Kaso imposible. Imposibleng mangyari 'yon dahil ayokong mangyari 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati katawan ko mapunta sa taon na 'to.
"Hanggang dito na lang kami. Sa dulo ng tunnel na ito, sa bukana, may mga sundalong mag-aabang sa inyo ro'n. Sila ang magdadala sa inyo sa pinakaligtas na lugar. Kailangan naming masiguro na ligtas kayong lahat na makakapunta ro'n, kaya magpapa-iwan kami rito para maging look out," paliwanag ng isang sundalo nang huminto sila dahilan para mapahinto rin ang lahat sa paglalakad.
Kanina tahimik ang lahat, pero ngayon, naghalo-halo na ang iba't-ibang reaksyon. 'Yong iba natatakot kasi hindi naman nila alam kung talaga bang may naghihintay sa kanila sa dulo ng tunnel. 'Yong iba parang nakahinga nang maluwag dahil may nakikita pa silang pag-asa. 'Yong iba naman, hindi maipaliwanag ang mga mukha. Para silang tutol, pero wala silang magawa.
"Sige na, magsimula na kayong maglakad. Baka abutin pa kayo ng mga kalaban," sabing muli ng sundalo, dahilan para magsimula na muling maglakad ang mga tao.
Tahimik muli kaming naglakad. May mangilan-ngilang nakikipag-usap sa mga kasama nila, but mostly, tahimik. 'Yong iba tulala. Halatang pagod na pagod na sa lahat ng mga nangyayari.
Kahit ako.
Nakakapagod talaga.
Nakakatakot, nakakakaba, nakaka-iyak.
Sa ganitong punto, parang ang kaya mo na lang gawin ay umiyak. Paulit-ulit na matakot. Paulit-ulit na magdasal at humiling na sana matapos na ang lahat ng ito.
Never in my dreams na naisip kong ganito kahirap ang mabuhay sa gitna ng giyera. Sa gitna ng bakbakan. Palagi ko lang nakikita sa TV, sa balita, na magulo ang lahat kapag may labanan. Pero hindi ko iniisip na ganito kahirap 'yon para sa mga taong apektado. Hindi ko naisip na ganito nakakapagod ang malagay sa peligro. Hindi mo tiyak kung mabubuhay ka pa pagkatapos ng giyera.
Hindi mo alam kung kailan ka makakabalik sa pamilya mo. No thing is sure during this time. Ang kailangan mo lang gawin, ay manatiling buhay. Kahit pa hindi na ikaw ang may hawak sa sarili mong kapalaran.
"Niana." Napalingon ako kay aling Lanny. Halata sa mukha niya na pagod na siya at nahihirapan. Pero dahil nakangiti siya sa akin, hindi ko masiyadong maramdaman na pagod na siya. Wala yata sa mga mata niya ang bakas ng pagsuko.
"Bakit po?" nakangiti kong tanong.
"Naalala mo pa no'ng una tayong magkita?" tanong niya sa akin kaya automatic na kumunot ang noo ko.
"Sorry po pero hindi ko po maalala. Nagkita na po ba tayo no'n?"
Bahagyang kumunot ang noo niya, pagkatapos ay muli itong bumalik sa normal. "Nagkakilala tayo noon sa ospital. Binisita ko ang asawa ko noon. Pagkatapos, nakita kita na parang malalim ang iniisip. Kaya tinabihan kita at tinanong kung may problema ka," aniya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
I'm sure to death na hindi pa talaga kami nagkakakilala. Hindi ko siya maalala. Kung nagkakilala na nga kami noon, maaalala ko 'yon dahil sharp ang memory ko. Hindi ako madaling makalimot lalo na sa mga taong tumulong sa akin noon. Base sa kwento niya, tinanong niya ako ng tungkol sa problema ko. Pagtulong na 'yon para sa akin.
"Sorry pero hindi ko po talaga maalala," saad ko. "Pero kung kilala mo po talaga ako, bakit hindi mo agad sinabi nang magkita tayo kanina?" tanong ko.
"Hindi ko agad natandaan ang mukha mo," sabi niya.
"Hindi po talaga kita maalala," muli kong saad. Kahit pilit kong tandaan, wala talaga. Hindi ko pa talaga siya nakikita noon.
Kumunot muli ang noo niya. This time, para siyang nag-isip nang malalim. "Hindi ko alam kung bakit hindi mo na ako naaalala. Pero ikaw, pati ang sixth sense mo naaalala ko pa. Ikaw 'yong babaeng nakakakita ng hinaharap. Ikaw mismo ang nagkwento sa akin niyan. Ang sabi mo pa nga, nakapunta ka sa future . . . teka—" Napahinto siya at parang may naisip.
"Bakit po?"
"No'ng nakita kita noon, ganiyang-ganiyan ang itsura mo. Parang . . . parang hindi ka yata tumanda?" tanong niya kaya kumunot ang noo ko. "Ang bata pa rin ng itsura mo," dagdag pa niya.
"Baka hindi po ako ang nakita niyo dati. Baka kamukha ko lang po," sabi ko.
Umiling siya. "Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw 'yon. Sinabi mo pa nga sa akin na nakapunta ka sa oras na hindi mo naman dapat napuntahan. May mga hindi ka nailigtas," aniya. Naningkit ang mga mata niya. "Sandali. Hindi ka taga rito ano?"
"Po? Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ka buhay sa taon na ito. Nakikita mo lang ang mga nangyayari ngayon dito, dahil sa sixth sense mo. Napunta ka rito dahil dinala ka ng sixth sense mo rito. Hindi ka talaga taga-rito," aniya kaya nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan.
"Pa-paano niyo po nalaman?" Kinakabahan kong tanong.
Napangiti siya. "Tama nga ako. Ikaw nga 'yong dalagang nakilala ko five years ago. Nandito ka. Nakikita mo ang hinaharap," aniya pa.
Hindi ko maintindihan.
Nagkakilala na raw kami noon pero hindi ko siya maalala. Hindi ko siya mamukhaan.
Alam niya ang tungkol sa sixth sense ko. Alam niya na nakikita ko lang ang future. Alam niyang hindi ako taga rito sa oras at taon na ito. Pero paano niya nalaman? Eh hindi ko naman sinabi sa kaniya? Bukod kay Midori, wala ng iba pang nakakaalam tungkol sa sixth sense ko.
"Malapit na tayo sa dulo ng tunnel," sabi ng isa sa mga kasama naming naglalakad.
Lahat ng tao natuwa. Excited.
Pero lahat 'yon agad napalitan ng sigawan, takot, at iyakan.
Hindi namin natuloy ang paglalakad dahil may grupo ng mga sundalo na sunud-sunod na nagpaputok ng baril. Nasa dulo sila ng tunnel, kung saan dapat kami palabas. Lahat ng mga nauuna sa pila, agad na bumagsak sa sahig at binawian ng buhay.
Napatakbo kami pabalik sa kung saan kami galing.
Patuloy sa pagpapaputok ng baril 'yong mga sundalo at base sa mga uniporme nila hindi sila sundalo ng Pilipinas.
"Niana, kailangan mo nang umalis. Kailangan mong sabihin sa lahat ang mga nalalaman mo. Kailangan mong gumawa ng paraan para hindi ito matuloy sa hinaharap niyo. Niana, ikaw lang ang pag-asa namin para matigil ang giyera na ito," sabi ni aling Lanny pero hindi ko agad inintindi ang sinasabi niya. Mas nag-focus ako sa pagtakbo.
Humahangos na kaming pareho dahil tumatakbo kami pabalik. Nakikipagbanggaan, nakikipagsiksikan sa maraming tao.
Hindi ko naintindihan ang tinuran niya. Hindi ko alam kung bakit niya kailangang sabihin ang mga 'yon.
"Akin na 'yang batang kasama mo. Ako na ang bahala sa kaniya," sabi ni aling Lanny.
Wala akong nagawa nang kuhain niya si Jiji sa akin.
"Ate . . ." ani Jiji. Gusto niyang ako ang magbuhat sa kaniya. Pero pinigilan ako ni aling Lanny.
"Alis na! Bumalik ka na sa oras mo. Kundi baka dito ka pa mama—"
Unti-unting nag-fade ang boses ni aling Lanny sa tainga ko. Naging distorted din ang buong paligid ko. Hanggang sa maging blurred ang lahat at wala na akong makita. Halu-halong ingay na rin ang naririnig ko.
Sa sobrang ingay at bilis nito, parang naging sobrang tinis no'n.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na bigla kong dinilat ang mga mata ko. Napaupo ako at parang kinakapos sa hangin dahil sa paghahabol ko sa hininga ko.
"Niana? Niana gising ka na!"
Agad akong napatingin sa nagsalita. Si Midori. Nakangiti siya sa akin. Nasa tabi siya ng kama kung saan ako napaupo. Doon ko lang napagmasdan ang lugar kung nasaan ako. Puro puti, malamang ay nasa ospital ako kahit hindi ko alam kung paano at bakit.
"Sandali, tatawag lang ako ng nurse," aniya bago nagmamadaling lumabas ng k'warto ko.
Hingal na hingal ako. Para bang any moment mauubusan ako ng hangin. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang pagpintig ng ugat sa sintido ko.
Then I remembered Jiji.
The tunnel.
Si aling Lanny at ang mga sinabi niya sa akin bago ako mapunta rito.
Pinapaalis niya ako. Pinababalik niya ako sa oras ko.
Alam talaga niya na hindi ako taga ro'n sa oras na 'yon? Kilala talaga niya ako pero paano?
Mas lalo pa akong natakot nang maalala ko na bago ako umalis. May mga sundalong walang awang pinagbababaril ang lahat.
Si Jiji! Si aling Lanny!
Gusto kong tumayo at hanapin sila. Pero paano ko gagawin 'yon?
Ilang taon ang pagitan ng mga oras namin. Imposibleng mahanap ko sila sa oras ko.
Fudge. I didn't notice that I'm already attached with my visions at sa mga taong nasa loob ng visions ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro