Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

one

"AFABLE, MARA," pagtawag ng teacher naming ahit na ahit ang kilay. Mas mataas pa sa grades ko ang pagkakataas ng isa niyang kilay habang nililibot ang paningin sa buong classroom.


Umehem ako bago ibinuka ang bibig. "Present po."


"Tulala ka na naman, Ms. Afable." Bumuntonghininga ang bakla kong teacher saka muling itinuon ang atensyon sa laptop niya. "Aguilar, Steff! Pakibilis ang sagot at nang matapos tayo agad!"


"Present po!" imik naman ng katabi ko. Napatingin ako rito nang bigla itong humagikhik. Lihim pa nitong ginaya ang mataray na pagmuwestra ng bakla naming teacher sa unahan.


Napailing na lamang ako sa kalokohan niya.


Napatigil lang si Steff sa mahinang pagtawa nang may kumatok sa pinto. Binuksan ni Sir Galvez ang pinto ng classroom at iniluwa nito ang isang lalaking naka-civilian na damit. I mean, hindi siya naka-uniform tulad namin. May sukbit itong bag at marahang pinasadahan ng tingin ang buong classroom namin. Tumigil ang paningin nito sa katabi kong si Steff saka ito mahinang kumaway. Lumabas din ang dimple nito nang bahagyang ngumiti.


Magkakilala silang dalawa?


Napatingin din ako kay Steff at katulad ng lalaki sa pinto ay nakangiti rin ito. Nakangiti sila sa isa't isa. Confirmed, magkakilala nga sila.


"Pasok ka, totoy. Ikaw na nga ba ang bagong transferee?" tanong ni Sir Galvez. "Kay gwapo namang bata nito!"

Tumango ang lalaki at saka pumasok ng classroom. Muli nitong pinasadahan ng tingin ang buong classroom. Tumigil ang paningin nito sa bakanteng upuan saka dumiretso papunta doon. Lalapat na sana ang puwitan nito sa upuan nang tawagin ito ni Sir Galvez.


"Magpakilala ka na muna sa mga bago mong kaklase. Dito ka sa unahan, introduce yourself."


Napakamot sa batok niya ang lalaki at lantang-lanta na pumunta sa unahan. Pilit itong ngumiti bago umehem. "Hello. I'm Gab Lopez."


"Iyon lang?" tanong ni Sir.


"Galing ako sa Alastair High School. I hope to be friends with y'all." Muli itong ngumiti pero hindi labas ang mga ngipin.


"OMG! Ang gwapo!"


"Alastair High School? 'Di ba school 'yun ng mga mayayaman? Ba't lumipat iyan dito sa public?"


Sari-saring bulungan ang umalingawngaw sa buong classroom. Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin ang mga iyon at saka ako kumuha ng papel sa bag.


"Pahinging papel, Mara," bulong ng kaklase ko sa likuran.


"Nag-aaral ka tapos wala kang papel?" walang emosyon kong tanong.


"Kunat mo talaga kahit kailan."


Nginiwian ko na lamang ito.


"Ako! Pahinging papel!" ani Steff.

Napabuntonghininga na lamang ako saka nagtanggal ng isang sheet ng papel. Blangko ang ekspresyon ko iyong binigay kay Steff.


"Thank you, Mara!" Akma ako nitong yayakapin pero nandidiri akong umiwas.


"Ba't siya binigyan mo ta's ako hindi?" reklamo ng kaklase ko sa likuran.


"Kaibigan ka ba?" Inirapan ito ni Steff. "Ako lang kaibigan nitong si Mara kaya sa 'kin lang mabait iyan, 'di ba? Ay teka pala! Pahingi pa ng isang papel!"


Napakunot ang noo ko. "Aanhin mo?"


"Huwag ka nang maraming tanong basta akin na."


Bumuntonghininga ako saka ibinigay na sa kaniya ang kailangan niya. Hindi na ako nagtanong pa, sinundan ko na lamang ng tingin kung saan siya papunta. Tumigil siya sa harap ng kinauupuan n'ong bagong transfer na lalaki. "May pre-test tayo kay Sir Galvez. Oh, papel!"


Bahagyang ngumiti kay Steff ang lalaki saka nagpasalamat.


Napakalawak naman ng ngiti ni Steff nang bumalik sa tabi ko. Naningkit na lamang ang mga mata ko, puno ng suspisyon.


"May gusto ka do'n?" tanong ko.


"Wala 'no!" Bahagya pa itong natawa. "Ba't mo tinatanong? Feeling mo ba aagawan kita?"


Napangiwi na lamang ako at saka itinuon ang atensyon sa papel na nakapatong sa desk ko. Pinangalanan ko iyon. Napansin ko sa peripheral vision ko na may nakatingin sa akin kaya agad akong napalingon. Nagkatitigan kami ng transferee nang masaktuhan kong nakatingin siya sa 'kin.


Ngumiti siya sa 'kin dahilan para agad akong umiwas ng tingin. Wirdong lalaki.


"Mara and Gab, magiging partners kayo sa activity na gagawin natin after ng pre-test," imik ni Sir Galvez.


Dinig ko ang malakas na pag-ayiiieee ng buong classroom. Bukod siguro kay Steff na nakayuko at nagpupusod ng buhok niya.


"Bagong loveteam! Ayieee!" sigaw ng kaklase kong lalaki sa likod.


Agad naman akong lumingon sa likuran at pinakyuan ito. "Tumigil nga kayo."


"Class, quiet!" Agad namang natahimik ang lahat dahil kay Sir. "We will start our pre-test na kaya huwag na kayong maingay. And no loveteam-loveteam here in my class, please."


Wala nang umimik pa sa mga kaklase ko at matiwasay nang sinimulan ang pre-test.


---




NATAPOS ang klase namin kay Sir Galvez nang badtrip na badtrip ako. Epal kasi kagrupo 'yung Gab na transferee na 'yun. Kaya yata pinalipat ng school 'yun kasi parang hindi nagseseryoso sa pag-aaral.


Okay lang sana kung siya lang ang apektado ng pagiging batugan niya. By partner ang activity kanina kaya malamang damay ako sa walang kalatoy-latoy niyang performance.


Bumuntonghininga na lamang ako habang naghihintay na tumila ang ulan. Wala pa naman akong dalang payong. Paano ako makakauwi nito? Makakapunta lang ako sa sakayan nito kung tatakbo ako sa gitna ng ulan. Hindi ko naman pwedeng gawin iyon dahil baka ano pang mangyari sa 'kin. Peste kasing sakit 'to, e.


Nagpalinga-linga ako para hanapin si Steff. Pero wala siya...


Iniwan na ako ng babaeng 'yun. Kaibigan my ass. Nang-iiwan sa oras ng kagipitan.


Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para i-chat si Steff. Sa gitna ng pagta-type ko ay may lumapit sa pwesto ko. Kita ko siya sa peripheral vision ko at nakilala kong 'yung transferee na lalaki.


Isinahod niya ang kamay sa bumabagsak na tubig galing sa bubong. Kapagkuwa'y binuksan niya ang hawak na payong at saka ako tinitigan. Hindi man ako nakaharap nang todo sa kaniya, kita ko pa rin naman siya sa gilid ng mga mata ko. Anong kailangan nito't ganiyan makatingin?


"Ngayon ka lang din uuwi? Anong ginawa mo't inabot ka pa ng alas sais?"


Hindi ako umimik at pinagtuunan pa rin ng pansin ang cellphone ko.


"Kinausap ako ni Sir Galvez kaya ngayon lang ako makakauwi, e. Hays. Ikaw, wala ka sigurong payong kaya di ka pa makauwi. Tama?"


Napalingon ako nang itanong niya iyon. Hindi na ako nagsinungaling pa at tumango na lamang bilang sagot.


"Kawawa ka naman kung gano'n."


Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Napaawang ang mga labi ko sa pagkabigla.


"Joke lang. Tara, sukob ka na sa payong ko." Inilahad niya ang kamay sa harapan ko.


Tinitigan ko lamang ang kamay niya habang bahagyang magkasalubong ang mga kilay ko. Napairap na lamang ako sa grabeng kapreskohan ng lalaking 'to.


"Ayaw mo? Bahala ka. Baka abutin ka pa ng gabi rito sa paghihintay na tumila ang ulan." Ngumiti siya nang labas ang mga ngipin. Kuminang ang kaputian ng mga ngipin niya. Papasa na siyang model ng toothpaste.


Biglang lumakas ang hangin kaya nasabuyan kami ng ulan sa pwesto namin. Ikinagulat ko naman nang bigla-bigla akong hatakin ni Gab sa tabi niya. Iniharang niya ang payong niya sa aming dalawa para di kami masabuyan ng ulan.


Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Sobrang lapit namin sa isa't isa na tipong humahampas na sa mukha ko ang hininga niya. Mabango iyon, amoy mint. Ngumiti siya sa akin at saka medyo lumayo nang humina na ang hangin. Hindi na kami natatalsikan pa ng ulan sa pwesto namin.


Napakamot siya sa batok at saka pilit na ngumiti.


"Susukob na 'ko sa iyo."


"H-Ha?" tanong ni Gab.


Hinila ko na lamang siya palapit sa akin at saka ko itinaas ang nakabukas na niyang payong. "Tss. Baka abutin pa ako ng magdamag dito pag hinintay kong tumila. Iyon ang sabi mo, 'di ba?"


Ako ang humawak ng payong habang naglalakad kaming dalawa. Wala siyang magawa dahil napakahigpit ng kapit ko sa tangkay ng payong. Nang tingnan ko siya ay panay ang paglunok niya, halata sa taas-baba niyang adam's apple.


Anong problema ng ugok na 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro