fourteen
MABILIS na lumipas ang mga araw, linggo, hanggang sa umabot na ng isang buwan mula nang ma-ospital ako. Walang palya ang pagbisita sa akin ni Gab. Ayaw niya paawat. Kahit anong pilit ko sa kaniyang huwag palagiang bumisita, hindi talaga siya mapigilan. Kahit nga sila Tita, nababahala na dahil sobrang hindi raw healthy kay Gab ang routine niya araw-araw simula nang ma-admit ako sa ospital.
Lagi raw siyang nagpapalipas ng gutom. Wala siyang bukambibig kundi ako. Kung wala sa kwarto niya'y, narito naman siya sa akin at nagbabantay. Ganoon lamang ang araw-araw niyang gawain sa loob ng isang buwan.
"GAB, hindi mo naman kailangang araw-araw nakabantay sa 'kin dito. Nandito naman ang Mama ko."
Napatigil si Gab sa pag-aayos ng kumot ko at napabuntonghininga. Hinarap niya ako at sinalubong ng tingin ang mga mata ko. "I can't afford to live normally knowing you're here. Hayaan mo 'kong gawin 'to, please." May pagsusumamo sa tinig niya.
Wala akong magawa kundi mapaiwas ng tingin. Napalunok ako nang marahas bago ibinuka ang bibig. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Akala ko ba ga-graduate ka?"
Tumango siya. "Sabay tayong babalik sa school. Sabay tayong ga-graduate."
Umiling. "H-Hindi, Gab. Hindi mo naiintindihan." Iniwasan kong tumulo ang luha.
Inosente niya akong tiningnan.
Napaiwas ako ng tingin. "Hindi kita masasabayan sa pag-graduate."
"Ang sabi mo, papalabasin ka na nila rito next month. Hihintayin na lang kita."
Agad na nagsipagtuluan ang mga luha ko. "Y-You don't understand."
Tumango siya. "You're right, I don't understand. Ilang beses mo na sa 'king sinabi na makakalabas ka na kasi gagaling ka na. Pero isang buwan ka nang nandito, Mara. May dapat ba akong malaman?"
Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso.
"I'm not stupid, Mara. Alam kong may mali sa mga sinasabi niyo sa 'kin ni Tita. I tried to ask the doctor but he refused to say anything. May tinatago ba kayo sa 'kin?"
Nanginig ang mga daliri ko lalo pa nang magtaas siya ng boses. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko sa puting kumot na nakapatong sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang mga tingin niya sa akin.
"Please, tell me, Mara. I don't want to be clueless sa kalagayan mo. Araw-araw nag-o-overthink ako." Lumuhod siya at hinaplos ang mga kamay ko habang nagsisituluan ang mga luha. "I-I don't want to... l-lose you."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Huminga ako nang malalim at saka inilagay ang atensyon sa dingding ng kwarto.
"Mara..."
Nagsituluan ang mga luha ko kasabay ng pagsalubong ng tingin ko sa kaniya. "G-Gab..."
"Please..." Tumayo siya at pinagpantay ang tayo namin.
"H-Hindi pwede..."
Naguguluhan niya akong tiningnan. "Na ano?"
Muli akong huminga nang malalim. Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Tibok na lamang ng puso ko ang tangi kong naririnig sa sobrang lakas nito. Nanginginig ang mga kamay, pinunas ko ang luha sa aking pisngi.
"Please, Mara. May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?"
Napaiwas akong muli ng tingin at saka itinungo ang ulo ko. Itinaas naman ni Gab ang baba ko at iniharap ako sa kaniya. Wala akong nagawa kundi salubungin ang mga mata niyang namumugto na. "G-Gab..." Napalunok ako. "May sakit ako. At ang sabi ng doktor noon, nine months na lang daw ang itatagal ko. Dalawang buwan na lang ang natitira, G-Gab..."
Sunod-sunod na nagsipagtuluan ang mga luha ni Gab. Agad niya akong niyakap at saka siya napahagulgol. "Hindi tayo susuko. Gagaling ka. Do you understand?" Tiningnan niya ako mata sa mata pero umiwas ako ng tingin.
"Kailangan na lang nating tanggapin, Gab. Tanggap ko na rin namang pareho kami ng kahihinatnan ni Papa."
Umiling siya nang umiling. Walang habas ang pagtulo ng luha niya habang napapaluhod na sa sahig. Hindi ko siya matingnan dahil baka hindi ko mapigilan ang nagbabadyang paghagulgol. Nanatili akong blangko ang ekspresyon ngunit ang mga luha'y dahan-dahang tumutulo sa pisngi.
Sa gitna ng pagluha ay nakarinig kami ng pagkatok. Inayos naming dalawa ang mga sarili namin bago niya buksan ang pinto. Natigilan na lamang ako nang makita kung sinong bisita.
"Debbie..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro