four
"DALAWA na ang nawawala mong payong, Mara. Kinakain mo ba 'yun o ano?"
Napabuntonghininga ako. "Hindi ko rin talaga alam kung saan napupunta 'yung mga 'yun, 'Ma. Wala naman akong ibang pinaglalagyan, e."
"Itong panibago mong dadalhin, sa bag mo na lang ilagay, okay? Para hindi na makuha ng kung sino."
Matamlay akong tumango.
"At huwag kalilimutan ang pag-inom ng gamot after lunch. Bukas rin pala kailangan na nating magpa-check up ulit."
Muli akong tumango at saka nagpaalam nang papasok na. Napahigpit ang kapit ko sa payong na dala. Ngayon ko na aalamin kung sino ba ang walang 'yang nagnanakaw ng mga payong ko. Ang sabi ni Mama, ilagay ko na lang daw sa bag ko ang payong. Pero hindi iyon ang gagawin ko, isasabit ko lang ulit ang payong na dala ko sa bintana pero babantayan ko na.
Mahuhuli din kita kung sino ka mang nagnanakaw ng mga payong ko.
HINDI nakatakas sa paningin ko ang grills kung saan nakasabit ang halos lahat ng mga payong naming magkakaklase. Bawat segundo, sumisilip ako rito. Minsan nga ay lumalabas pa ako't pakunwaring iihi sa CR pero ang totoo'y titingnan lang naman kung may kukuha ng payong ko.
So far, wala pa namang kumukuha. Baka may ideya din ang magnanakaw na iyon na nagbabantay ako. Hindi dapat ako magpahalata.
Bago i-dismiss ang klase ng hapong iyon, nagpaalam ako para pumuntang CR pero nagtago lang ako sa hindi kalayuang pader. Sumilip ako. Kailangan kong magbantay para makita kung sinuman ang walang-hiyang kumukuha ng mga payong ko.
Hindi ba niya alam na mahal ang mga bilihin? Binibili rin namin ang mga payong na kinukuha niya!
Nag-bell senyales ng dismissal. Agad akong naging alerto sa pagsilip. Kahit mukhang tanga ang hitsura ko'y wala akong pake. Malaman ko lang kung sino ang magnanakaw na 'yun matatahimik na ako.
Natigilan ako nang may kumuha ng payong ko sa grills ng bintana. Panay pa ang lingon nito sa kaliwa't kanan saka inilagay sa bag ang payong ko. Napakabilis lamang ng kamay niya. Halos malaglag ang panga ko nang malaman kung sino ang nagnanakaw ng payong ko. Hindi ako makapaniwalang siya ang salarin.
"Steff?" tanong ko habang lumalapit papunta rito.
Lahat ng mga kaklase ko ay may kaniya-kaniya nang daldalan. Hindi nila pansin ang namumuong tensyon sa pagitan namin ng kaibigan ko.
"Ikaw ang kumukuha ng mga payong ko? Bakit?"
"M-Mara...?" Napaiwas siya ng tingin kasabay ng marahas na paglunok.
"Anong kailangan mo sa mga payong ko?" Mas lumapit pa ako rito.
Panay ang salubong ko ng tingin sa mga mata niya pero panay naman ang iwas niya. Napakamot siya sa batok. "S-Sorry na. Eh, napag-utusan lang naman ako."
Napakunot ang noo ko at kapagkuwa'y nagsalubong ang mga kilay. "Napag-utusan? Sino ang nag-utos sa iyo?"
Tumingin si Steff sa likod ko dahilan para tumalikod ako at harapin kung sino ang tinitingnan niya. "Gab? Ikaw ang nag-uutos sa kaniya?"
Blangko ang ekspresyon ni Gab. Hindi man lamang siya nagulat at animo'y inaasahan na ang mga mangyayari. "Yes."
"Pero bakit? All this time ikaw pala ang kumukuha tapos pinagmumukha mo 'kong tanga kakahanap sa payong ko?! Alam kong simpleng bagay lang iyang payong na iyan pero para mo 'kong pinaglaruan, e. Akala ko pa naman mabait ka."
"Mara..."
"Tuwang-tuwa ka na ba? Masaya ka na ba na nagmukha akong tanga? Isip ako nang isip kung anong dahilan at lapit ka nang lapit sa 'kin. Alam ko na ngayon kung bakit, kasi wala kang magawa at gusto mo ng taong mapagtitripan." Tumakbo ako palayo doon. Kahit pa panay ang ulan, wala akong pakialam. Sumugod ako sa ulanan habang naghahabol na ng hininga.
Napatigil lang ako nang manikip ang dibdib. Napahaplos ako sa bahaging naninikip. Hinilot-hilot ko iyon habang nasa daan pa rin ako't nauulanan.
Nanlabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga tubig na pumapatak sa akin o dahil sa pagkahilo ko. Napaluhod ako sa lupa at makalipas ang ilang segundo'y napahiga na.
"M-Mama..."
Bago ako nawalan ng malay ay may taong nagpayong sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga mata niyang puno ng pag-aalala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro