eight
MABILIS na lumipas ang mga buwan. February 14 na. Kabi-kabila na naman ang mga disenyong puso. Maski saan ka tumingin ay puro pulang dekorasyon.
Ang sabi ko kay Gab noong birthday ni Mama, huwag na siya masiyadong pumunta sa bahay. Sinunod naman niya, halos dalawang beses na lang siya sa isang linggo pumupunta sa 'min. Nalulungkot pa nga si Mama saka si Kate dahil nami-miss daw nila ang madalas na pagbisita ni Gab.
Hindi man bumibisita masiyado sa bahay, lagi pa rin naman kaming nagkikita sa school. Sinasamahan niya ako t'wing lunch break. Kumakalat na rin sa buong school na mag-jowa na raw kami. Panay lang ang pagtanggi ko roon dahil nanliligaw pa lang naman 'yung tao.
Madalas siya magbigay ng bulaklak sa 'kin. Minsan naman chocolates. Ang sabi ko sa kaniya, huwag niya dalasan gumastos sa 'kin. Nakakahiya kasi mga estudyante pa naman kami. Sa mga magulang pa rin namin kinukuha mga ginagastos namin.
"HAPPY Valentine's day." Ngumiti sa akin si Gab at saka may iniabot na bouquet. Bahagya akong natawa nang mapagmasdan ang ibinigay niya.
"Akala ko bouquet ng mga payong ulit ang ibibigay mo sa 'kin." Tinanggap ko ang boquet na binigay niya. Inamoy ko iyon saka ipinatong sa lamesa sa sala ng bahay namin.
"Ayaw mo ba n'ong payong bouquet kong binigay last time?"
"Hindi naman sa ayaw! Nagulat lang ako. Hindi ko in-expect na gan'ong klase ng bouquet ang ibibigay mo sa 'kin. Pero cute siya." Natawa ako.
Napakamot na lamang siya ng batok at napaiwas ng tingin. Hindi siya makatingin nang diretso sa akin.
"Okay nga lang! Tsaka tatanggihan ko pa ba 'yun, nandoon 'yung mga payong kong kinuha mo?" Muli akong natawa. "Cute siya, pramis! At saka, hindi na ako kukulitin pa ni Mama sa mga payong na kinuha mo. Grabe ka naman kasi magpapansin!"
"Effective naman." Nginitian niya ako kaya naging guhit na naman ang mga mata niya.
"Sa sobrang effective muntik na kitang isumpa."
Natawa na lamang kaming pareho.
INAYA niya ako sa isang date dahil Valentine's day naman na raw. Hindi naman ako pumayag lalo pa nang malaman kong sa fine dining na mamahalin niya ako dadalhin. Allergic ako sa mga mahal!
"Ano ka ba? Hindi pa nga tayo ginagastusan mo na kaagad ako nang sobra-sobra."
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngisi ni Gab. "Hindi pa tayo?"
"Oh? Anong meron?" naguguluhan kong tanong.
"Nothing. Ang sarap lang pakinggan, coming from you, na may chance talagang maging tayo."
Napatingin ako rito. Seryoso ko itong tinitigan. May na-realize ako dahil sa sinabi niya. Darating din talaga ang araw na magiging kami at ma-a-attach na kami nang sobra sa isa't isa. Umusbong ang kaba sa akin. Napailing ako. Kapagkuwa'y pilit ko pa ring nginitian si Gab.
SA BAHAY na lang kami nag-stay buong araw. Wala naman kaming pasok dahil weekend. Nag-movie marathon na lang kaming dalawa. Ayoko kasi talagang pumayag na kumain kami sa mamahaling restaurant. Kahit pa mayaman sila Gab, ayoko namang pagkagastusan niya ako nang gan'on-gan'on na lang.
"Horror movie ang panoorin natin!" agad ko nang suhestiyon.
Napangisi si Gab. "Anong pinaplano mo sa 'kin?" Tinakpan pa niya ang katawan na animo'y walang damit na suot.
"Gago, anong iniisip mo?"
"Gusto mo lang yata ako mayakap kaya horror ang gusto mong panoorin, e!"
Napangiwi ako. "Ang feeling mo! Gusto ko lang naman manood ng horror! Ang dumi mo mag-isip." Halos paluin ko ito ng remote sa pagkayamot. "Edi diyan ka sa kabilang side, maglayo tayo!"
Tumawa si Gab dahilan para matulala ako habang nakatitig sa kaniya. Ngayon ko lang na-realize na ang perpekto pala ng mukha ng isang 'to. Pwede nang maging kakambal ni Cha Eun Woo.
"Tulo mo baka lumaway."
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig iyon. "Gago."
Kumuha kami ng tig-isang kumot at ibinalot sa mga katawan namin. Mga mukha lang namin ang nakalitaw habang pareho kaming abala sa panonood ng horror movie. Napahagikhik na lamang kami sa hitsura naming dalawa.
Tahimik lang ako manood pero itong si Gab napakaingay. Magugulatin pala ang isang 'to. "Yah! Ayan na may multo nang lalabas diyan!" At nang tumama ang hula niya, agad siyang sumigaw.
Grabe 'tong lalaking 'to. Tinalo pa ako sa pagtili.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro