Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 3

**KHURT's POV**

Binuhat ni Ching si baby. Ang cute nilang dalawa.

Nilalawayan lang ni baby si ching at mukha namang hindi nandidiri si Ching. I mean, artista sya and it's only natural kung mandidiri sya sa dami nang laway ni baby. Hindi nya naman ito anak so maiintindihan ko kung ganon ang magiging reaction nya.

"Mapapasaakin ka din" Iniisip ko na na magiging isa syang mabuting ina para kay Munching. Napakabait nya para tulungan kami ni baby. Aware naman ako na may mga bagay syang dapat iwasang gawin dahil she's on the peak of her career and one wrong move ay maaari itong masira. "Don't worry. Kung bumagsak ka man at kailanganin mo nang tulong andito ako para saluhin ka at tulungan ka tulad ng pag tulong mo saamin" Pinanuod ko lang sya habang nilalaro nya si baby.

Dati araw-araw akong nag iikot-ikot at nag hahanap nang magpapa breastfeed kay baby. 3 months palang si baby nung iniwan kami nang walang pusong babaeng iyon. Now, 6 months na ang super taba at mahilig mag drool na si baby munching. 3 months nag tiis si baby na mag breastfeed kung kanikanino. But worth it naman kasi nakahanap na ako nang bagong mommy nya.

Maganda si Ching, sexy at mabait pa. Sya lang ang nagkusa na tulungan at alagaan ang baby ko. Hindi din sya nagagalit kahit parang naliligo na sya sa laway ni baby. And kahit hesitant pa syang pumayag na maging mommy ni Munching ay naiintindihan ko. I need to give her some time to digest everything that happened today.

Anyway, I'm Khurt Niel Uriekha.19 years old. Single dad KANINA but now hindi na kasi nakahanap na ako ng bago kong asawa. Mahaba ang Blondie nyang buhok na mas nakakadagdag sa kagandahang taglay nya and I'm really greatful to ching kasi dahil sakanya may name na ang baby ko.It's not that I didn't bother to name her but It's because I want her to have a name that was given to her by her mother.

"look! Nakatitig sa akin si baby habang naka open ang mouth! Ang cute cute oh! gosh! Para syang sinampal kasi rosy cheeks sya tapos parang siopao ang cheeks nya at mukha na syang ball sa sobrang taba!" tuwang tuwa na sabi ni Ching at halata sa kanya na mahilig sya sa mga cute na bagay.

"Mag kamukha kayo~ like mother like daughter~" I smiled at her. Gusto ko nang i-uwi sa bahay si Ching. Daniel Khieyth Sequena, what a beautiful name.

"Excuse me! hindi mo ako asawa!" Inis na sabi nya ngunit nginitian ko lang sya. "Hindi pa sa ngayon" Gusto ko iyang sabihin sa kanya ngunit baka masapak nya lang ako. Napansin ko din na blue ang kulay nang mata nya. Napaka dark na pwede mo nang mapagkamalang indigo. Wala pa man syang ginagawa ay naa-attract na ako sa kanya! Gusto ko syang halikan!

"Asawa na kita! may baby na tayo!" Sabi ko then I hug her. Akin nalang si Ching tutal single naman sya. Napansin kong nakatitig sa akin si baby kaya naman isinubo ko yung isang finger ko kay baby.

"OUCH!!!!!"bigla nalang akong napasigaw kasi kinagat nya ako, tawa naman ng tawa si ching so I look at her with a best "WTF look" that i could show.

"hahahah ang kulit ni baby!!" sabi nya na halos mamatay na sa kakatawa

"ching oh!! kinagat nya ako!! bad si baby! pagalitan mo nga sya!!" sumbong ko kay ching habang sinasamaan ng tingin si baby

"che! hindi ko papagalitan si baby!! kasalanan mo yan!" mataray na sabi ni ching habang tuwang tuwa naman si baby.

"Sige ka! Mag tatampo ako! Hahanap na ako nang iba!" A frown made its way to my handsome face

"Oh, The hell I care. Kung gusto mong humanap nang iba, then go! samahan pa kita. Hindi naman kita asawa eh" inis na sabi ni Ching, nagulat naman ako duon. No! you're not going to leave me nor going to give me to other!

"Hala! Ching diba asawa kita! nagpakasal pa nga tayo kaya may anak na tayo eh!!" Gulat na sabi ko

"Gago ka! Ngayon nga lang tayo nagkita eh!" nakasimangot na sabi nya.

"Ah ganun ba? tss...asawa na kita ah! gagawa tayo ng pamilya natin tapos ibi-breastfeed mo lahat ng magiging baby natin" pilit ko sakanya habang mangiyak-ngiyak na ako. I think sapat na yung anim na anak? Pero kung gusto pa nya ay okay lang naman sa akin kahit madami tutal mayaman naman ako at sigurado akong kaya ko silang buhayin lahat.

"Bahala ka sa buhay mo. Basta ang mahalaga sexy parin ako at maayos ang career ko" parang walang pakialam na sabi ni ching kaya naman sumimangot.

"Hindi kana sexy pag nabuntis kita. Tataba ka pero babalik ka din naman sa pagiging sexy ulit kapag nanganak ka eh" masama ang loob ko dahil mas iniisip pa nya iyan kaysa sa magiging mga babies namin. Habang buhat buhat ko si baby kung ano-ano ang ginagawa nya kaya halos mahulog na sya.

"Tss..libre lang mangarap Khurt"

"Ikaw ang pangarap ko" parang automatic ang sagot na lumabas sa aking bibig..hindi nya ako pinansin at ngumiti naman sya kasi nag papalobo ng laway si baby

"bakit ba nasobrahan sa taba si baby?" tan0ng nya

"laging gutom si baby tapos ang takaw pa." Sagot ko habang nakatitig sa mga labi nyang nakakaakit..teka! bakit kay baby lang sya ngumingiti!!! Bakit saakin hindi sya ngumingiti! Thats so unfair!

"Asan ang gamit mo? i-uuwi na kita sa bahay para hindi mo na ako iiwan" Seryoso talaga ako na gusto ko syang i-uwi sa bahay ko. I mean, why not? Ideal girl na sya at nasa kanya na ang lahat and besides mabait sya sa anak ko. Natutuwa talaga ako dahil gusto nya ang baby ko and that is something that I've been looking for. Someone who will love my baby as much as I love her. My baby needs a real mother figure.

"Ahh nasa restaurant yung travel bags ko. Kunin mo nalang duon. Three days lang naman akong mag i-stay sa inyo diba?" sabi nya then pinunasan nya yung laway ni baby, nangunot naman ang nuo ko dahil sa sinabi nya.

Anong three days?! forever na syang titira sa mansion ko kasi asawa ko na sya! Anyway, I didn't bother to correct her baka lalong hindi sya sumama sa akin.

"Fine..wait me here. I'll get your things first" Pagkasabi ko nun ay humalik muna ako sa pisngi nya then pumunta na ako sa restaurant na sinabi nya para kunin ang mga travel bags nya.

Napahinto pa ako sa paglapit nang makita ko kung gaano kadami ang travel bags nya. Why the hell would she bring six travel bags with her? And it's not even small! It's freaking huge!

Bumalik agad ako sa kanya habang dala ang mga iyon at syempre nag patulong na din ako para mas madali.

"Bakit ang dami mong travel bags? parang dinala mo na lahat nang gamit sa bahay nyo ah" tanong ko nang makalapit ako sa kanya

"Suvinere lahat ang laman nyan. Binili ko sa ibat ibang bansa na pinuntahan ko and never na akong umuwi sa bahay" kaswal na sagot ni Ching habang tinitignan din ang mga bags nya.

"Bakit naman?" tanong ko although alam ko namang maaring hindi na sya umuuwi sa kanila or sa bahay nya dahil narin siguro sa schedule nya. Artist sya kaya hindi na masyadong nakakapagtaka iyon.

"Why would I bother to go back there? Aside from hindi na talaga maganda ang relasyon ko sa family ko dahil sa career na pinili ko ay nag run away bride ako sa mism0ng araw ng kasal ko..hahah funny isn't it? I hate my parents!! pinipilit kasi nila akong ipakasal sa taong ayaw ko And they even banned me to go back there and take any single thing with me" malungkot na sabi ni ching na para bang anong oras man ay iiyak na sya. Im wondering on how old is she nang naging artist sya at kung ilang taon na sya nang pinilit sya nang parents nya na magpakasal. Are they nuts? Ni hindi pa sya nasa legal age para magpakasal! Paano nya kinaya iyon sa murang idad.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Don't worry. Kahit ayaw sayo nang family mo gusto naman kita. Kahit pinalayas ka nila sa bahay nyo tatanggapin kita sa mancion ko.Hindi kita pipilitin na pakasalan agad ako pero ako nalang ang magpapakasal sayo." Paglalambing ko sa kanya habang pinupunasan ang luha nya. "Look at your self? You've became successful even without them by your side. Don't shed any tears for them again, it's not worth it" bulong ko pa sa kanya. How cruel and black hearted are they to do this to their daughter.

"abrrt~" nag make nang sound si baby Munching habang nag ka-clap nang hands nya.

"See? Ikaw daw ang mommy ni baby, ikaw nalang ang pwedeng mag breastfeed sa kanya" Sinapak naman ako ni Ching sa balikat pagkasabi ko nyan "WTF was that for?" I glared at her.

"Way to ruin the ambiance jerk!" Mataray na sabi nya at tinalikuran nya na ako at nauna nang maglakad

**KHIEYTH's POV**

Sumama na muna ako kay Khurt sa mansion nya. And I thought he's just kidding when he's using the term "mansion" to describe his house. I mean yeah halata namang mayaman sya but I didn't expect na ganito sya KAYAMAN! pwede nang maging princess si baby Daniella sa sobrang laki nang mansion nya! It almost looks like a freaking castle! Napaisip tuloy ako kung bakit sya iniwan nang so called asawa nya.

"Is she nuts?" Napabulong nalang ako. Nasakay Khurt na ang lahat. From face to wealth so why would she left him kung lahat nang meron si Khurt ay pwedeng mapunta sa kanya lalo na't may anak pa sila.

"Tabi tayong matutulog ah" Nagulat ako nang biglang magsalita si Khurt habang buhat nya si baby na sa ngayon ay tulog na.

"What?! No way!" gulat na sabi ko then nag blush ako. Infairness ang gwapo talaga ni Khurt.

"Asawa naman kita ah! so pwede tayong mag tabi sa higaan. Walang mali duon" Masungit na sabi nya then inilagay nya na si baby sa bed

"Ah..Oo nga pala. Walang malisya iyon kasi asawa naman ki--WHAT THE?!!!! EXCUSE ME!! HINDI KITA ASAWA!! SINGLE PA AKO!!" Saad ko na tila ba'y wala sa tamang huwisyo. sumimangot naman sya.

"Matulog kana nga!! next time pa naman tayo gagawa ng pamilya natin pag kasal na tayo eh!!" Singhal nya then hinila na nya ako pahiga sa bed at niyakap nang mahigpit. He's acting like a brat! Super nahihiya ako and i wish na mag vanish nalang ako na parang bubble. "What the hell am i doing?" Wala sa sariling bulong ko.

"Alam mo ba kung bakit ikaw ang gusto kong maging mommy ni Munching?" Biglang tanong ni Khurt at sa tono pa lang nya ay mahahalata mo nang seryoso ito. Magkaharap kami sa isat isa at nasa gitna namin si baby.

"No. Ano ba ang reason kung bakit sa dami ng babae sa mundo, ako pa ang napili mo para maging mommy ni Munching? When you could easily settle your problems with her real mom" simpleng sabi ko. Why would he make things more complicated that it is already? Why choose me? I don't wanna ruin them nor even be a hindrance to them.

"Aside sa maganda ka, sexy ka at pwede mo syang i-breastfeed, alam kong mahal mo si baby. That girl doesn't deserve my baby and she's not even worthy to be called the mother of my child" hinawakan nya ang mukha ko kaya mas napatitig ako sa kanya. Bakas sa mukha nya na marami syang iniisip.

"I don't have the right to say this but Ang tanga nang real mom ni baby kasi iniwan ka nya at iniwan nya ang isang cute and healthy baby. Iniwan nya ang pinaka magandang regalo ng dyos para sa kanya" dahil narin siguro sa sarili kong experience kaya nakaramdam ako nang lungkot para sa kanila. Kung tutuusin mabait at responsible naman si Khurt so bakit sya iniwan?

"Don't mention her again" seryosong sabi nya."Sana hayaan mo akong ma-inlove sayo at hayaan mo akong ituring kita bilang asawa ko. Hindi kita pipilitin na gustuhin ako basta wag mo lang kaming iiwan ni baby at kahit si baby lang ang mahalin mo sapat na sa akin iyon" malungkot na pagpapatuloy niya.

"I-Im sorry. I can't accept that Khurt. That's none of my business. I'm just here to help you. And It doesn't include in my plan to be your rebound" napaiwas ako nang tingin sa kanya. Ngunit ganon nalang ang gulat ko nang hawakan nya ang lips ko.

"Pwede bang ako nalang ang asawa mo? Could you please at lease give me a chance or even consider it for a while? kaya naman kitang buhayin kahit wag ka nang mag trabaho" mangiyak-ngiyak na sabi nya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya nanahimik nalang ako. Napa buntong hininga nalang sya at pilit na ngumiti. "Matulog kana nga! Baka magka eye bags ka pa. Good night. Wag mo akong iiwan ah" sabi nya at marahan nyang hinaplos ang aking mukha at hinawakan ang kamay ko. Kung titignan ay para na kaming mag asawa but this is all wrong. And I knew it. Sooner or later iiwan ko din sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro