Part 26
**KHIEYTH's POV**
Nakatingin lang ako sa kawalan habang umiiyak. Hindi ko kayang makitang ganon ang kalagayan ni Khurt pero nasaktan din ako nang dahil sa ginawa nya.
Out of all the people in the world bakit si Megami pa.
Kahit gusto kong kunin si baby wala akong karapatan kasi si Megami ang tunay na mommy nya. Lagi nalang akong talo sa kanya.
Sa sobrang sakit nang nararamdaman ko naisipan kong tawagan si Monicole. Sinaktan ko sya tapos eto ako lumalapit sa kanya kasi may problema ako!
"Why?" malungkot na tanong ni Nicole. Mahahalata sa boses nya na umiiyak sya.
"N-nicole pwede ba akong pumunta ngayon sa condo mo?" Tanong ko. Yes I'm pathetic. Ang kapal nang mukha ko para lumapit sa kanya kahit alam kong ako ang dahilan kung bakit nasasaktan din sya.
"Daniel...ako na ba ang mahal mo? M-may Pag asa pa ba ako? Please Daniel Pag bigyan mo na ako...ako nalang please...wag na si Khurt.. Hindi ko kayang mawala kay sa akin..mahal na mahal kita Daniel" sabi ni Nicole habang Iyak nang Iyak. Nasaktan din ako ngayon pero mas Naaawa ako sa kanya.
"Nicole.....I'm sorry" bulong ko.
"Daniel sobrang nasasaktan ako" malungkot na sabi nya at alam kong pinipigilan nya ang pag iyak nya dahil naririnig ko syang humihikbi.
"Pupuntahan kita jan"sabi ko
Bahala na. Kakapalan ko nalang ang mukha ko. Ayaw ko talagang makita si Khurt ngayon. Gusto ko muna syang iwasan. If he cares about my feelings then hinding hindi nya ibibigay si baby kasi alam nyang masasaktan ako.
"N-no..please Daniel. Wag ka munang pupunta dito" natatarantang sabi ni Nicole pero hindi ko sya pinakinggan.
Hindi ko pa kayang harapin si Khurt kasi baka masaktan ko lang sya.
Dumiretsyo agad ako sa condo ni Nicole at pag pasok ko nakita ko kaagad sya na nakaupo malapit sa window.
"Nicole" Tawag ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at nakaramdam ako nang awa sa kanya dahil namumugto ang mata nya at bakas ang kalungkutan duon.
"Daniel... I miss you.." mahinang sabi ni Nicole. Sobrang lungkot nang boses nya pero mas napansin ko yung mga laslas sa kamay nya!
"My gosh Monicole! Are you freaking out of your mind! Tumayo ka jan at dadalhin kita sa Ospital! Mag papakamatay na ba! Bakit mo nagawa ito!" Galit na sabi ko sa kanya pero hindi ko parin maiwasan ang mag alala.
"Sorry Daniel pero ayaw kong pumunta sa Ospital" sabi nya then lumayo sya sa akin.
"Nicole! Ano bang pumasok sa isip mo at nag laslas ka!"sigaw ko. Nag papanic na ako dahil namumutla na sya!
"Daniel, Hindi ko kayang mapunta ka sa iba...I love you so much at kung hindi ka rin naman magiging akin then mas gusto ko pang mamatay na lang kaysa makita kang masaya kasama ang ibang lalake" malungkot na sabi nya.
"Nicole, dadalhin na kita sa hospital" sabi ko then lumapit ako sa kanya.
"Ayaw!" sigaw nya habang iyak nang iyak. Naawa naman na ako at natakot kasi baka mamatay sya pag hindi ko sya nadala sa hospital. Kahit may problem ako sya muna ang uunahin ko kasi hindi ko pa alam kung paano ko makukuha si Munching.
"Monicole, let's go to the hospital. Sasamahan na kita. Ako ang mag aalaga sayo. Hindi kita iiwan. I promise" sabi ko at tumingin naman sya sa akin.
"T-talaga? Hindi mo ako iiwan Daniel?" Paninigurado nya at halatang medyo natuwa sya.
"Hindi kita iiwan" pangako ko sa kanya kaya naman agad nya akong niyakap.
"Thank you Daniel. Sorry kung pabigat lang ako sayo. Sorry kung dinagdagan ko pa ang problema mo. Mahal na mahal kasi kita eh" mahinang sabi nya then sumama na sya saakin papunta sa hospital
**NICOLE'S POV**
Nakayakap ako kay Daniel at tahimik na nakatitig sa kanya. Sobrang naging malungkot ako nung pinili ni Daniel si Khurt. I never smiled again after that event. Sobrang na depressed ako at siguro kung hindi tumawag si Daniel malamang patay na ako ngayon. Hindi ko kayang mawala saakin si Daniel. She's my life at sya lang ang minahal ko nang ganito.
"Kaya mo pa ba? Malapit na tayo sa hospital" nag aalalang tanong nya. Tumango naman ako.
See?
Ang ganda nang ugali ni Daniel at madali lang syang mahalin. Nasa kanya na lahat nang magandang katangian na pwedeng taglayin nang isang babae.
"Nicole, From now on dapat lagi na kitang kasama. My god! You scared the hell out of me! Hindi ko alam na kaya mo palang gawin yan sa sarili mo. Natakot ako. Wag ka nang lalayo sa akin. Aalagaan kita. Ayaw ko nang may mawala pa na importanteng tao para sa akin. Nawala na nga saakin si Munching tapos mawawala ka pa sa akin" umiiyak na sabi ni Daniel habang makayakap sa akin.
"What do you mean?" tanong ko habang inaasikaso nang doctor yung sugat ko.
"Si Khurt. Ibinigay nya si baby Munching kay Megumi. Ayaw kong makita si Khurt hanggang hindi nya naibabalik si baby sa akin" mas napaiyak pa sya matapos nya itong sabihin.
"Galit ka kay Khurt? Alam ko naman na hindi ka nya sasaktan. Obsessed ba naman sayo iyon. Ayaw ka na nga nyang palapitin sa ibang tao eh. Baka may reason sya kung bakit nya iyon nagawa" sabi ko. Pinipigilan kong mapasigaw dahil sa sakit nang pag gamot nila sa sugat ko. Anyway kahit hindi ko gusto si Khurt para kay Daniel hindi ko din naman sya pwedeng siraan.
"Hindi ako galit kay Khurt! Nag tatampo lang ako at nag siselos kasi nakipag kita sya kay Megumi. Hindi ko kayang magalit sa kanya kasi sobrang mahal ko si Khurt kahit pervert sya" sagot ni Daniel. Nalungkot naman ako pero hindi ko ipinahalata kay Daniel. Wala na talaga akong pag asa sa kanya.
"Bumalik kana sa kanya. Baka mabaliw na si Khurt sa kakahanap sayo" sabi ko. Niyakap naman ako ni Daniel.
"No! Hindi ako babalik at hindi ako makikipag usap sa kanya hanggang hindi nya nakukuha si baby. Dito muna ako kasama ka"
nakasimangot na sabi na Daniel.
"Tss! Seloso at selosa. Bagay nga kayong dalawa"
Naiintindihan ko naman si Daniel.
"Pero alam mo. Pag ako napaiyak pa ulit ni khurt. Hindi ako mag dadalawang isip na iwanan na sya nang tuluyan" seryosong sabi ni Daniel
**KHURT's POV**
Pinilit kong magpa-discharge sa ospital kahit hindi pa pwede para makauwi na ako kaagad. Pero ganun nalang ang lungkot na naramdaman ko nang hindi ko nadatnan si Ching sa mansion. Kanina ko pa din sya tinatawagan ngunit hindi nya sinasagot.
Nag hire na ako nang personal investigator para malaman kung nasaan sya. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako pag hindi ko sya nakita. At lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
"Hello? Nakita mo na ba si Ching?" Tanong ko. tumatawag kasi yung invistigator ko
"Sir nasa hospital po sya ngayon"sagot naman nya. Pag karinig ko non ay kinabahan at nag panic agad ako. Muntik ko pang maihulog ang cellphone ko.
"Anong nangyari kay Ching!" sigaw ko. I'm going to kill my self pag my nangyari sa asawa ko!
"Sir calm down"
"Paano ako hihinahon eh nasa hospital si Ching!" sigaw ko na naman.
"Sir, ligtas sya. Kasama nya si Ma'am Monicole"
"Why?" Mahinang usal ko.
"Sir, don't worry. Safe si Miss Khieyth. Mukhang sinamahan nya lang duon si Ma'am Monicole dahil nag laslas ito"
Nanlumo naman ako dahil sa narinig ko. In the end iniwan nya din ako at mas nag alala pa sya para sa ibang tao. Ako na may sugat sa ulo ay nagawa nyang iwan para sa babaeng iyon
**NICOLE's POV**
Pinapauwi ko na si Daniel kasi baka hinahanap na sya nang possessive pervert nyang fiancee pero ayaw pa rin nya.
"Daniel umuwi ka na. Ayaw ko nang makadagdag pa sa problema mo. Pag usapan nyo nalang ni Khurt kung paano nyo makukuha si baby" sabi ko sabay hila sakanya patayo kasi sya ang humiga sa hospital bed.
"Ayaw ko! Nag tatampo pa ako!" inis na sabi nya then humiga ulit sya sa bed.
"Umuwi ka na. Para hindi mag alala si Khurt" pag pilit ko sa kanya then hinila ko ulit sya patayo. Sumimangot naman sya.
"Can't you understand what I'm saying! Ibinigay nya sa iba si baby ko kaya nasaktan nya ang feelings ko! Nag tatampo ako at lalayasan ko na sya!" Sigaw nya then hinila nya ako. Syempre mas malakas sya sa akin kasi ang hinila nyang kamay ko ay yung may laslas kaya napahiga din ako at ang position namin ay napaka awkward dahil nakapatong ako sakanya. Nag blush naman ako dahil sobrang lapit nang mukha nya sa akin.
"OH MY GOSH! N-NASAKTAN BA KITA? I'M SORRY" natatarantang sabi ni Daniel kaya napatawa tuloy ako.
"I'm fine. Ang kulit mo kasi Daniel eh" sabi ko at nag pout naman sya.
Nagulat kami nang biglang bumukas yung pinto.
Halata sa mukha ni Khurt na nagulat sya sa nakita nya. Tinitigan ko sya at may benda pa sya sa ulo. Hinihingal sya at halatang pagod at namumugto din ang mata nya.
Para saamin ni Daniel walang malisya ito pero siguradong big deal ito para sa O.A na si Khurt!
**KHIEYTH's POV**
"I-im sorry. Did I disturbed you?" Nauutal na tanong ni Khurt at pinilit nyang ngumiti at lumapit sya sa akin.
"Khurt! Lumayo ka nga sa akin!" Sigaw ko sa kanya pero hindi sya nakikinig saakin kasi busy sya sa pag titig nang masama kay Nicole.
"So, I guess pinagpipilitan ko lang talaga ang sarili ko sa kanya" mahinang sabi ni Khurt habang nakatitig parin sa kanya.
"Tsss! Na rape ko na sya" simpleng sabi ni Nicole at halatang mas nagalit si Khurt at mas nasaktan din sya.
"Kamusta ka naman? Sumaya ka ba dahil nakasama mo sya?" Pilit ang ngiti nya habang kinakausap si Monicole.
"Khurt! Pinag si-selos ka lang nya!" Hindi ko maiwasang makisali sa usapan nila. Kakaiba ang reaction ni Khurt ngayon. Maski ako ay naninibago sa ganitong asal nya.
Sa halip na sagutin sya ni Monicole ay tinitigan nya lang ito.
"Alam mo ba na masakit para sa akin na mawala sa akin ang anak ko? Alam mo ba na hindi lang ikaw ang nasasaktan? Inaamin ko naman na nakagawa ako nang pagkakamali pero bakit kailangan mo akong saktan nang ganito" lumuluhang sabi ni Khurt habang nakatitig saakin
"Khurt umalis kana nga!" Sigaw ko sa kanya. Expected ko ay mag papacute o mangungulit sya pero iniwas nya ang paningin sa akin at saka ibinalik ang atensyon kay Nicole.
"Magpagaling ka" sabi ni Khurt at tumingin ulit sya sa akin "Ching umuwi na tayo, kailangan kita" tuloy tuloy parin ang pag patak nang luha nya habang sinasabi iyon at lumapit sya sa akin para yakapin ako.
"Umalis kana! Mas kailangan ako ni Nicole ngayon!"sigaw ko then tinulak ko sya palayo sa akin.
"Paano naman ako? Sa tingin mo hindi kita kailangan! Nicole! Nicole! Puro nalang nicole!" Sigaw din ni Khurt kaya mas nainis ako.
"Hindi ko pwedeng pabayaan si Nicole. Kita mong binalak na nyang magpakamatay!" sigaw ko
Ewan! Hindi ko alam kung anong pinag lalaban ko! Basta! Naiinis ako!
"Masyado mong pinagtatanggol si Nicole! Ano mo ba sya! FIANCÉE mo AKO pero dahil lang sa isang pag kakamali ko inaaway mo na ako! Gumagawa ka ba ng paraan para mag hiwalay tayo!" sigaw ni Khurt sa akin. I know this time serious na si Khurt.q
"Wala kaming relasyon ni Nicole! Pero bago kita makilala sya na lagi ang kasama ko! May pinagsamahan din kami kahit papaano! At importante sya para sa akin kaya ayaw kong mawala sya sa akin! Hindi ako katulad mo na walang pakialam sa iba! Sarili mo lang ang iniisip mo! Nakakasakal kana! Fiancee nga kita pero hindi ibig sabihin non na hindi na ako pwedeng maging concern sa iba!" Hindi ko napigilang sabihin ang mga salitang yan dahil narin sa nararamdaman ko.
"Damn it Khieyth! Alam kong kasalanan ko kung bakit wala sa atin si Munching pero sinubukan mo bang alamin ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon! Hindi diba! HINDI kasi iba ang iniisip mo! Ayaw mong iwan si Nicole dahil sinubukan nyang maglaslas? Ako ba natanong mo kung bakit may sugat sa ulo?! HINDI diba! At kung nag ri-reklamo ka kasi nasasakal na kita sige! Bahala ka na! Gawin mo kung anong gusto mo!" Pagkatapos akong sigawan ni Khurt ay humarap naman sya kay Nicole "Tandaan mo, Ang babaeng ito ay Mahal na mahal ko. Kaya nya akong iwan para sayo kaya alagaan mo sya" makahulugang sabi ni Khurt at mabilis syang lumabas. Hindi agad ako naka react dahil iyon ang unang beses na sobrang nagalit sa akin si Khurt.
"Daniel....Dapat inintindi mo nalang si Khurt" sabi ni Nicole. Umupo naman ako sa bed.
"Bahala sya! Nakakainis na sya!" inis na sabi ko.
"Habulin mo na si Khurt. Konting bagay lang pinag aawayan nyo na. Hindi maganda sa relasyon iyan. Wag na kayong mag pataasan nang pride. Parehas lang kayong mag sisisi sa huli at mas maganda na yung laging nag si-selos si Khurt kasi alam mong sobrang mahal ka nya kaysa sa wala syang pakialam kahit anong gawin mo. Parehas naman kayong mali eh" sabi ni Nicole.
Damn it!
Palibhasa kasi hindi nila alam yung feeling nang mawalan nang mahal sa buhay!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro