Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

PROLOGUE

HINDI MAIPINTA ang mukha nina Lash at Lath habang nasa labas ng bahay nila at hinihintay ang pagdating ng bagong asawa ng kanilang ama. They both thought that after their mother's death, hindi na mag-asawa ang ama nila. Well, they were surprised when their father announced it after their mother's fifth death anniversary.

Wala silang sinabi ni Lath, walang silang naging komento. They kept their opinion to themselves. Alam naman nilang dalawa na hindi sila pakikinggan ng kanilang ama.

"Be nice, boys." Iyan ang kanina pa sinasabi ng kanilang ama. "Elspeth is a very special woman to me. Ayaw kong bastusin n'yo siya."

Lath conjured a fake smile. "Sure, Dad."

Sinalubong ni Lash ang mga mata ng kanyang ama. "Anong karapatan mong hingin sa amin 'yon? Be nice? I can't promise that, Dad."

Bumuntong-hininga ang ama nila. "Lash, please, intindihin mo naman ako. Hindi ito ang oras para mag-argumento na naman tayo. Matanda na ako at kailangan ko ng makakasama."

He snorted. Yeah, right. His dad was full of shit sometimes.

At the age of eighteen, Lash knew that their father was one horny man. Nagpakasal nga ito nang hindi nila nalalaman at ngayon, sa kanila na titira ang babae. At sa narinig nila mula sa mayordama, may excess baggage daw ang babae.

The woman had a daughter.

Buwisit. Dagdag pakainin pa.

"Sa tingin mo, pera lang ang habol ng bagong asawa ni Daddy?" pabulong na tanong sa kanya ng kakambal na si Lath.

Magkamukhang-magkamukha silang dalawa na napakahirap tukuyin kung sino si Lath at sino si Lash. They had always used it to their advantage. Tatlong tao lang ang napagsisino silang dalawa. Ang yumao nilang ina, ang kabilang ama at ang mayordoma. Maliban sa tatlong 'yon, wala na. Not even their best friends knew who was who.

And Lysander Callahan had been their best friend since Lash could remember.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam at wala akong pakialam."

Their family was wealthy. Malaki ang posibilidad na pera lang ang habol ng babae sa ama.

"Bakit hindi mo alam?" Kinunutan siya ng noo ni Lath. "You are Lash, Lash. Sa ating dalawa, ikaw ang mas matalino ako naman ang mas guwapo."

Lash rolled his eyes at his twin. "Wala akong pakialam. Basta makuha lang natin ang mana na nararapat para sa atin, I'm okay with that. Dad can do whatever he pleases."

"Mukhang pera ka talaga kahit kailan, Lash." Tumingala sa kalangitan si Lath. "I hope Mom was here."

"Mom is dead, Lath. Accept it," matigas na wika niya, saka itinutok ang mga mata sa sasakyang papalapit sa kanila.

His father's stance became of a man who was trying to impress. Nang tumigil ang sasakyan, lumabas mula roon ang babaeng halos kaedad lang ng daddy nila. She was a beauty but his mom was more stunning.

Agad itong niyakap ng kanyang ama at pareho silang nag-iwas ng tingin ni Lath nang halikan ng kanilang ama ang babae sa mga labi.

Gross!

Lath whispered to his ear. "I want to puke, Lash."

Tumango siya at kumuyom ang kamay. "Ako rin."

Hawak ang kamay ng babae, bumaling sa kanila ang daddy nila at ipinakilala ang bago nitong asawa. "Lath, Lash." May warning ang tono ng pananalita ng kanyang ama. "This is Elspeth, ang bago n'yong mommy."

Walang emosyon ang mukha niya. New mommy? Gusto niyang magwala pero ano ang magagawa n'on? He calmed himself—it was so hard— and didn't say a thing to acknowledge the woman.

Lath on the other hand smiled at the woman. "Hello, Tita Elspeth. I'm Lath."

"Hi, Lath." Dumako ang tingin sa kanya ng babae. "Hi, Lash."

Hindi siya tumugon. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. Ni hindi nga siya tumingin sa babae.

Tumikhim ang ama nila at halatang napahiya sa inasal niya. "Elspeth, pasensiya ka na." His father spoke again. "Lash can be really hard sometimes."

Ngumiti sa kanila ang babae. "Ikinagagalak ko kayong makilala." Bumaling ito sa kotseng pinanggalingan.

Seconds later, the car door opened and a girl stepped out.

"Siya ang anak ko. Her name is Nez."

"Nez is now your stepsister," dagdag ng kanyang ama.

Tumutok ang matiim na titig ni Lash sa anak ng bagong asawa ng daddy niya. Mukhang ilang taon lang ang tanda niya sa babae, pero hindi iyon halata kasi matangkad ito at may kurba na ang katawan.

Their eyes met. Her coffee-colored eyes aroused something inside him. Weird. Her nose was straight and proud. Her lips... Napalunok siya. They were natural red. So wet. So darn kissable. And so bloody luscious.

Lash could feel a strong urge to kiss her luscious mouth. 'Buti na lang ay nasa tama pa siyang pag-iisip.

Ano ba itong iniisip ko? He couldn't be attracted to his new stepsister!

Nagsalubong ang mga kilay niya nang maramdamang parang nag-iba ang pagtibok ng puso niya. He felt irritated. What the fuck was happening to his heart? Bakit bumibilis ang tibok niyon?

"Nice to meet you." Magiliw na ngumiti ang babae sa kanila ng Lath.

Instead of saying it back, Lash turned around and left the patio.

"Lash! Bumalik ka rito!" sigaw ng kanyang ama. Halatang galit ito.

He didn't listen. Sapo-sapo ng kanyang kamay ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Nararamdaman pa rin niya ang mabilis na pagtibok niyon. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

This was not good. This was bullshit! He was already eighteen. Hindi siya bobo para malaman ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng puso niya.

But why? Why her? She's nothing but a daughter of a gold digger!

Nang makapasok siya sa kanyang kuwarto, ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok ang galit na galit niyang ama.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!" His father's voice thundered angrily. "Hindi ba sinabi ko sa 'yong 'be nice'? Ano ba ang hindi mo maintindihan do'n?!"

Nagtagis ang mga bagang niya at matalim ang mga mata na sinalubong ang tingin ng ama. He was mad. And he was about to explode in rage.

"Be nice?" Lash chuckled coldly. "Nag-asawa ka nang hindi namin alam, Dad. And you expect me to be nice? You betrayed Mom!" Hindi na niya kayang pigilan ang galit na pilit niyang itinatago. He was always his father's adversary in everything he did that concerned him and his twin. "'Tapos ngayon patitirahin mo 'yang asawa mo rito na para bang isa tayong masayang pamilya? Well, news flash, Dad. We aren't! At hindi ko ituturing na ina iyang bago mong asawa tulad ng gusto mo. She will never be my mother. She's nothing but a gold digger—"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Lash na nagpatigil sa pagsasalita niya.

Ang galit sa mukha ng kanyang ama ay napalitan ng gulat, kapagkuwan at napuno iyon ng pagsisisi. "Lash, hindi ko sinasadya. I'm so sorry, son."

Tinalikuran niya ito at kinuha ang backpack sa closet na may laman nang damit. Palagi siyang handa. Alam niyang mangyayari iyon. Kailangan niyang lumayo pansamantala kung hindi ay maggigiyera talaga sila ng daddy niya.

"Lash, saan ka pupunta?"

"Away from you and your new wife!" Lash spatted his words like venom.

"Don't you dare shout at me, Lash!" balik sigaw ng ama niya. "Kahit kailan talaga, hindi ka nakinig sa akin. Wala kang ginawa kundi magrebelde sa mga desisyon ko simula nang mamatay ay mommy mo. Why can't you be like Lath? He understands—"

"No, he didn't." Hinarap niya ang ama. They have the same violet eyes. "Hindi mo kilala si Lath. If I'm a rebel, Lath is much worse. Kambal kami, Dad, pareho kami palagi ng iniisip at opinyon. Alam mo kung ano lang ang pinagkaiba naming dalawa?" He smirked coldly. "Lath perfected the art of pretending and masking what he really feels."

Isinukbit ni Lash ang backpack sa balikat at mabilis na umalis ng kuwarto niya. Bumaba siya sa hagdan habang nakasunod ang ama niya na sinusubukan siyang pigilan. Nang makarating siya sa sala, naroon ang mag-ina. The mother looked calm, but the daughter, Nez, looked confused.

Pinukol niya ito ng masamang tingin, saka deretsong lumabas ng bahay. Their house was built next to the beach. Madali para sa kanyang puntahan ang yate na iniregalo ng lolo at lola niya sa kanila ni Lath noong ikalabingwalong kaarawan nila.

Black Pearl was the name of the yacht.

Hindi na nagulat si Lash nang makita si Lath sa dalampasigan at mukhang hinihintay siya.

"Calm down a bit." Ipinasa nito sa kanya ang susi ng yate. "Bumalik ka agad at huwag kang lalayo. Ako muna ang bahala sa bahay at sa... bagong kapatid natin."

Nez. The beautiful Nez. The girl who irritated him with no apparent reason. The girl who made his heartbeat insanely fast.

Tumango si Lash at pumasok sa loob ng yate. Kailangan niyang lumayo pansamantala, kahit ilang araw lang. Kapag galit siya, kahit ang sariling ama ay hindi niya sinasanto. He needed to calm down before he punched his father square in the fucking face.

"I'M SORRY, ELSPETH," hingi ng tawad ni Tito Leandro sa kanyang ina, kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya. "Pasensiya ka na sa inasal ni Lash, Nez. Makakaasa kang hindi na mauulit iyon. You should talk to Lath, Lash's twin. Lath is a good boy, unlike his twin brother. He'll be a good brother to you."

Lash. So iyon pala ang pangalan ng isa sa kambal na halata ang galit sa mommy niya at sa kanya.

"Okay lang 'yon, Leandro," masuyong tugon ng kanyang ina at tumayo, saka niyakap si Tito Leandro. "Naiintindihan ko."

Ngumiti si Tito Leandro. "Salamat, Elspeth. Salamat sa pag-intindi." Niyakap din nito ang kanyang ina. "You want to see the master's bedroom, honey?"

Bumaling sa kanya ang ina, nagtatanong ang mga mata kung ayos lang na iwan siya sa sala.

"Okay lang ako, Mommy," sabi niya at ngumiti.

Ngumiti na rin ang kanyang ina at bumaling kay Tito Leandro. "Sige, gusto kong makita."

Nang makaalis ang dalawa, tamang-tama naman na pumasok ang isa sa kambal.

Was that Lash or Lath? Magkamukha ang dalawa. The same violet eyes. Same haircut and color. Same body built. Same voice. Same walk.

Nang magtama ang mga mata nila ng bagong dating, wala siyang maramdamang kakaiba. Her heart was still and calm.

Lumapit sa kanya ang lalaki. "Hey, I'm Lath. Eighteen years old," nakangiting pagpapakilala nito, saka inilahad ang kamay. "You're Nez, right?"

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Yes, I'm Nez. Fifteen years old."

Tumaas ang kilay ni Lath at hinagod ng nanunuring tingin ang katawan niya. She blushed at his blunt stare. "Hindi halata na fifteen ka pa lang," komento nito, saka umupo sa kaharap niyang pang-isahang sofa. "I can see that you have curves in right places. Akala ko eighteen ka na."

She gave him a small smile. "Well, I'm fifteen."

Tumango-tango si Lath, may ngiti pa rin sa mga labi nito. But Nez could feel that his smile was fake. Nararamdaman niyang walang laman iyon.

"Nez."

"Yes?"

Malapad itong ngumiti pero wala namang emosyon ang mga mata. His smile sent shiver down her spine. Kakaiba ang ngiti ni Lath. He seemed friendly with his smile, but his eyes... they were cold and emotionless.

"Ayos lang sa akin na narito kayo ng mommy mo sa bahay namin." May diin ang boses nito habang nakangiti pa rin. "Just don't act like a bitch and we're good. And don't act snob. Ayoko sa snob."

Mabilis siyang tumango. "Naiintindihan ko."

"Good." His smile widened even more. "Very good," he beamed at her. "Want some cake?"

"Ahm..." This boy is really weird. "Yeah. Sure."

"Great." Hinawakan siya nito sa pupulsuhan at hinila patungo sa kusina. "Nay Helen, pahingi ng cake," sabi nito, saka bumulong sa kanya. "That's Nay Helen, ang mayordoma rito."

Nginitian niya ang may edad na babae. "Ako po si Nez. Ikinagagalak ko po kayong makilala."

"Siya ang anak ng bagong asawa ni Daddy," imporma si Lath sa mayordoma.

"Ah." Magiliw na ngumiti sa kanya si Nay Helen. "Ikinagagalak din kitang makilala, Miss Nez."

Umupo sila Lath sa maliit na mesa na nasa gilid ng kusina at doon nila kinain ang cake.

Napatigil sa pagkain si Nez nang makitang inilahad na naman ni Lath ang kamay sa harap niya.

"Friends?"

Nakangiting tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Yeah. Friends."



LATH WAS NICE. Mas nakilala pa niya ito sa mga nagdaang araw na lumipas na palagi silang magkasama. He was a good friend and a good stepbrother. Palagi itong may ngiti sa mga labi.

Sa ilang araw na lumipas mula nang dumating sila sa mansiyon ng mga Coleman, si Lath palagi ang kausap at kasama niya, samantalang hindi pa niya uli nakikita ang kakambal nito.

Speaking of which, Lash had been gone for a week now. Hindi man lang nag-alaala ang ama nito at hindi ipinahanap. Mukhang hindi rin nag-aalala si Lath sa kakambal. Or maybe, Lath knew where Lash was.

It was maybe a bitchy attitude but Nez liked it that Lash was not around. Pakiramdam kasi niya ay mahihirapan siyang pakitunguhan ito. Ayaw niya ng kaaway, especially in Coleman's household.

Napakahirap mag-adjust sa bago niyang buhay at sa bagong bahay, pero dahil palagi niyang kausap si Lath ay naaliw siya. She was slowly coping.

And she didn't want to burden her mom. Ngayon lang niya ito nakitang masaya uli mula nang mamatay ang ama niya. Kaya nga ayos lang sa kanya ng nag-asawa ito uli at lumipat ng bahay. Kasi alam niya, magiging masaya ang mahal niyang ina.

And Nez needed to cope on her own. This was her life now—new house, new stepfather and new family.

"Lath? Lath?" tawag niya sa pangalan ng lalaki habang inililibot ang tingin sa dalampasigan. "Lath, nasaan ka na?"

Sabi nito ay tatambay sila sa dalampasigan pagkatapos ng hapunan. Kaya naman hayun siya kahit gabi na. She was desperate for a company and a friend. At si Lath lang ang maituturing niyang kaibigan sa bago niyang buhay ngayon. Lahat ng kaibigan niya ay naiwan sa probinsya nila.

"Lath? Lath?" Nez narrowed her eyes on the silhouette of a boy near the sea. Malapit ito sa dagat, sapat para yumakap ang tubig sa mga paa nito.

Naglakad siya palapit sa lalaki na ngayon ay kumpirmado niyang si Lath nga. Nakatingin ito sa dalampasigan at parang ang lalim ng iniisip.

"Lath?"

The boy stilled, then looked at her. Her heart instantly beat faster than its normal pace. "Ikaw ba 'yan, Lath?" paniniguro niya.

Naglakad palapit sa kanya si Lath at tumigil sa harap niya. Their bodies were just inches away.

Nez stepped back when his scent slammed into her. Sa isang linggong palagi silang magkasama at magkausap ni Lath, alam na niya ang amoy nito.

And this Lath didn't smell like Lath.

Bago pa siya makapagsalita, inisang hakbang ng lalaki ang pagitan nilang dalawa at walang sabi-sabing nilamukos ng halik ang mga labi niya.

Nez froze in shock. She couldn't move. She couldn't comprehend what was happening until she felt his tongue entered his mouth.

Her first kiss.

Nez was still frozen when the boy stepped away from her. He looked deep into her eyes. His violet eyes bored into her soul.

"It's Lash, not Lath." Nilampasan siya nito at naiwan siyang nakatunganga sa kawalan.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro