CHAPTER 3
CHAPTER 3
NEZ STAYED on the beach for an hour after Lash left. Nang bumalik siya sa mansiyon, sa likod siya ng bahay dumaan sa isiping baka nasa patio si Lash dahil doon ang paborito nitong tambayan.
Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang isa sa kambal na nakaupo sa recliner at may hawak na gitara.
Mabilis na inisip ni Nez kung sino sa kambal ang may talent sa musika. And when she got the answer, her heart instantly hammered in nervousness.
Lath couldn't even conjure a single note even if his life depended on it, but Lash could. Isa iyon sa maraming pinagkaiba ng kambal. Tanging ang mga mukha lang ng mga ito ang magkapareho.
Inayos niya ang bahagyang nakusot na damit at maingat na naglakad palapit sa pinto na hindi kalayuan na kinauupuang recliner ni Lash. Hindi niya maiwasang marinig ang malamyos na paggigitara ni Lash.
Talagang sinadya niya na dahan-dahang maglakad para marinig niya ang paggigitara ng lalaki.
Nang makarating sa pinto, Nez was reluctant to open it. Gusto pa niyang marinig maggitara si Lash. This was a one and a lifetime chance.
Bumuntong-hininga siya at pinihit pabukas ang pinto. Akmang papasok na siya sa kabahayan nang marinig ang boses ni Lash. Nanlaki ang mga mata niya.
Dear God! He was singing! And what a beautiful voice he had!
Lash was singing softly but Nez could hear him just fine. Pamilyar sa kanya ang kantang inaawit nito. Parang narinig na niya iyon, hindi lang niya maalala kung saan at kailan.
Hindi mapigilan ni Nez na lingunin si Lash sa kinauupuan nito. Parang may nagliparang paruparo sa tiyan niya nang makitang nakatingin din sa kanya ang lalaki habang kumakanta.
Napalunok siya.
"Pumasok ka na," sabi ni Lash sa malamig na boses.
All she could do was nod and entered the household.
Nakahinga nang maluwag si Nez nang maisara niya ang pinto at malayo na siya kay Lash. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba palagi na lang tumitibok ang puso niya nang mabilis kapag malapit ito? Was it because she was afraid of him? Iyon lang naman ang explanation sa nararamdaman niya.
"Nez, saan ka galing?" Boses iyon ng stepfather niya.
Agad siyang nag-angat ng tingin at nginitian si Tito Leandro. "Sa dalampasigan po, Tito." Nilaban niya ang pamumula ng kanyang pisngi. "Nagpapahangin lang."
Tumango-tango ito. "Nag-agahan ka na ba?"
"Opo."
"Nakita mo ba si Lash?" biglang tanong nito.
Tumango siya. "Opo. Nasa likod-bahay po siya."
Tito Leandro looked at her and sighed. May pag-alala ang kislap ng mga mata nito. "Nez, you know that you and your mother are important to me, right?"
Tumango siya. Alam niya iyon. Tito Leandro was an amazing stepfather. Hindi siya nito itinuring na hindi kapamilya. Pinag-aral siya nito sa abroad at sa mamahaling paaralan pa. He treated her like she was really his daughter.
Ngumiti ito. "May hihingin lang sana akong pabor sa 'yo, hija."
"Ano ho 'yon?" Malaki ang utang-na-loob niya sa taong ito at gagawin niya ang lahat mapasaya lang ito.
"Stay away from Lash."
Napakurap-kurap siya at umawang ang kanyang mga labi. "Ho?"
Tito Leandro sighed and looked at her with worry. "Stay away from him, Nez. Lash is bad news. Hindi mo kilala ang anak ko katulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Ayoko lang na may mangyaring masama sa 'yo o mapahamak ka."
Nag-isang linya ang kilay niya. "Tito Leandro, hindi naman siguro lingid sa kaalaman n'yo na palagi kaming nagbabangayan ni Lash, pero hanggang doon lang 'yon. I don't think Lash would hurt me physically."
Tito Leandro chuckled. "That's the thing, Nez. Lash won't hurt you physically, pero may ibang paraan pa para saktan ka niya. Just stay away from him, okay? Tatlong buwan lang naman sila na narito—Lath informed me—after that, sa 'yong-sa 'yo na ang mansiyon at puwede mong gawin ang kahit ano."
All Nez could do was nod. Gulong-gulo ang isip niya sa ipinapagawa ng kanyang stepfather.
Hanggang sa mawala ito sa harap niya, napako pa rin siya sa kinatatayuan. What was that all about? What the hell? Stay away? Gusto niyang matawa. Para kay Lash, isa siyang tao na may ketong. Alam niyang ito ang lalayo sa kanya at hindi siya.
Tito Leandro might be a good father figure to her, but he was never a good father to Lash. Sa tatlong taon na pamamalagi niya sa mansiyon bago siya ipinadala sa London para mag-aral, nasaksihan niya kung paano mag-away ang dalawa tuwing umuuwi si Lash kapag summer. She saw how Tito Leandro treated Lash. It was heartbreaking.
Kaya naman paminsan-minsan ay nakakaramdam siya ng hiya kay Lath. Maayos ang pagtrato sa kanya ng ama nito, while Lash was treated differently. Ito ang tunay na Coleman. Sampid lang siya sa mansiyon na 'yon.
"Makikinig ka ba?"
Napaigtad si Nez sa kinatatayuan at bumaling sa pinanggalingan ng boses. "Lash!"
He smirked at her. "Dapat makinig ka kay Dad. I ate people when I'm mad."
Pinukol niya ito ng matalim na tingin. "Ano naman ang pakialam mo kung makikinig ako sa kanya o hindi? It'smy life, ako ang magdedesisyon kung ano'ng gagawin ko—" Tinangay ng hangin ang iba pa niyang sasabihin nang inisang hakbang ni Lash ang pagitan nilang dalawa.
Their bodies were just an inch apart.
His smirk was still there, dark and dangerous. "Nez, you should listen to, Dad. I am bad news. Alam mo 'yon, hindi ba? Be a good girl and stay the heck away from me—"
"Huwag mo akong utusan na para bang empleyado mo ako, Lash. May sarili akong isip. Gagawin ko kung ano'ng gusto ko."
Lalo pang ipinagdikit ni Lash ang katawan nilang dalawa. "Baby, you should listen to that old man." Hinawakan nito ang baba niya at inilapit ang mukha sa mukha niya.
Nez could smell his aftershave and minty breath. He smelled good. Humahalo sa mabango nitong amoy ang pabango nito na hindi niya makalimutan. She could feel tingling sensation on her chin where he was touching her. His arms were ripped with just enough muscles and he looked so good up close.
Damn you, Lash!
"B-bitawan mo ako," nauutal na sabi niya. Walang galit o lakas ang boses niya. Her voice didn't hold firmness like she wanted it to sound. Her voice came out husky and soft.
Napakalas ng kabog ng dibdib ni Nez. Nawawala sa tamang huwisyo ang isip niya. Ang tanging laman lang niyon ay ang mabangong hininga ni Lash at ang estrangherong sensasyong nararamdaman niya sa pagkakalapit ng mga katawan nila. Ang kamay nito ay nasa baba pa rin niya at ang isa naman ay nakapalibot sa baywang niya.
She wasn't thinking right, she knew that. Kaya naman nang lumapat ang mga labi ni Lash sa mga labi niya, wala siyang nagawang aksiyon kundi ang tugunin ang halik nito. She kissed him back and she wanted more.
Nez purred like a contented cat when Lash lips traveled down to her jaw, to her neck and down to the valley of her breast. Napalunok siya habang ninanamanam ang masarap na sensasyon ng dulot ng mga labi nito sa parte ng katawan niya na hindi angkop para halikan nito.
Pero bigla siyang nagising sa pagnanasang nararamdaman at marahang itinulak ang lalaki. "G-get off me." Same as earlier, there was no firmness on her voice. "P-please."
Salamat sa Diyos at pinakawalan siya ni Lash pero hindi nito inilayo ang katawan sa katawan niya. He had a naughty spark in his eyes.
His smirk widened. "Hmm, you look flushed, baby." Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong. "Alam mo ba kung ano'ng hitsura mo ngayon habang namumula iyang pisngi mo?"
"H-hindi," matapang niyang sinagot ang tanong nito. Nagpapasalamat siya na hindi nanginginig ang boses niya tulad ng nararamdaman niya ngayon sa loob-loob niya.
His violet eyes seared through her. "You're blushing like a woman who had just lost her virginity and your pussy still wants more."
Nez gasped audibly at Lash's dirty words. Namilog ang mga mata niya sa gulat at nasisiguro niyang mas namula pa lalo ang mga pisngi niya.
Lash chuckled and shrugged. "Makinig ka sa matandang 'yon, Nez. I may lose my self-control and ravish you here and now."
Her heart pounded loudly inside her chest. Dear God. This man! This man was not Lash! Ang Lash na kilala niya noon ay palagi siyang inaaway at sinisigawan. The Lash she knew before was always brooding and pushing her away to the point that she would cry because of his rejection to be her stepbrother. 'Yon ang Lash nakilala niya... 'Yon lang Lash na kilala niya, ten years ago.
Pero kilala nga ba niya ang lalaki? May alam ba siya tungkol dito maliban sa ipinapakita nito sa kanya at sa ibang tao? No. She didn't know Lash at all. Why? Because he never gave her a chance to know him. Unlike Lath who gave her a chance to know what was behind his fake smile and emotionless eyes.
Akala ni Nez ay kilala niya si Lash, pero nagkakamali siya. Because the Lash standing in front of her now was somewhat similar yet different from ten years ago.
"You wouldn't..." pabulong na sabi niya pero alam niyang narinig iyon ng lalaki. "Hindi mo sa akin gagawin 'yon."
"At bakit naman?" He looked annoyed.
"Dahil stepsister mo ako at mali 'yon," lakas-loob niyang sagot. "Maling-mali 'yon."
Lalong dumilim ang mukha ng lalaki. Pero bago pa ito makapagsalita, tinalikuran niya ito at mabilis na umakyat sa hagdanan.
She was on the middle of the staircase when she stopped and glanced back at Lash who was looking at her intently. "Oh, and, Lash, please, don't ever kiss me again."
Lash smirked darkly. "Let's see about that, baby. Let's see about that."
Para pa ring tinatambol ang puso ni Nez hanggang sa makarating siya sa kanyang kuwarto. Hindi na niya imahinasyon ang nangyari. Lash did kiss her.
Pero bakit? Para paglaruan siya at ipamukha sa kanya na hindi talaga siya nito ituturing na kapamilya?
A tear slid down from her eyes. Mabilis niyang pinahid iyon at humugot ng isang malalim na hininga.
Dapat nga siguro siyang makinig kay Tito Leandro. Lash was nothing but trouble. At kailangan niyang labanan kung ano man ang binabalak nito.
Hindi man siya nito inaaway o sinisinghalan ngayon, pero alam niyang may maitim itong binabalak laban sa kanya. Why would he kiss her if he was not planning something devious?
LUMIPAS ANG BUONG araw ni Nez na hindi siya lumabas ng kuwarto. Binisita siya ni Lath at dinalhan ng meryenda. Hindi na ito mukhang lasing katulad kagabi.
Kinabahan nga siya nang pumasok ang lalaki sa kuwarto niya. Pero nang maamoy niya ang pabango ni Lath, kumalma siya.
Nang dumating ang tanghalian, may kumatok sa pinto ng kuwarto niya.
"Pasok," sabi niya.
Dahan-dahang bumukas ang pinto. At dahil nakatalikod siya at abala sa pagtipa sa keyboard ng laptop niya, hindi niya nakita kung sino ang pumasok.
Narinig niya ang papalapit na mga yabag ng pumasok pero hindi niya iyon binigyang pansin. Abala siya sa paggawa ng 3D layout para sa interior design ng bahay ng isa niyang kliyente na sa Paris naninirahan. Ipapadala niya ang disenyo roon at babayaran siya. Simple as that.
Nez' finger froze when a Calvin Klein perfume wrapped around her. Napalunok siya at kinabahan pero hindi niya ipinahalata. She forced himself to continue typing.
Parang sasabog sa sobrang bilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman ang mabangong hininga na tumatama sa leeg niya, kasabay niyon ay ang paglapag ng tray na may pagkain sa tabi ng laptop niya.
Akala niya ay aalis na ang lalaki, but no, Lash's lips grazed her neck making her shiver. Nanuyo ang lalamunan niya.
"Eat up," sabi nito sa baritonong boses, saka umalis na.
Pinakawalan ni Nez ang hininga na kanina pa niya pinipigilan. Oh, God. This is not good. Since when did Lash make me breathless?
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro