Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

CHAPTER 18

INUBOS NI LASH ang lahat ng alak sa townhouse ni Lysander. He drank himself into oblivion to forget his broken heart. At nang magising siya kinabukasan, hindi na siya nagulat na wala na si Nez sa kuwarto nito.

She left without even saying good-bye. That woman is so heartless!

Bumuga si Lash ng marahas na hangin, saka nahiga sa gilid ng swimming pool, ang isa niyang paa ay nakalublob sa tubig.

He closed his eyes and an image of Nez flashed through his mind. Naiinis na ihinilamos niya ang kamay sa mukha para mawala ito sa isip niya. Unfortunately, it didn't work.

Fuck it!

Iminulat niya ang mga mata at tumingin sa maaliwalas na kalangitan.

Iniwan na talaga siya ni Nez, umalis talaga ito. Last night, he hoped she would leave... but now, binabawi na niya. Ayaw niyang umalis ito. He could be her dirty little secret for eternity. Okay lang sa kanya.

Not this... I can't take this. It hurts.

Ipinikit niya uli ang mga mata at agad na pumasok sa isip niya ang babae. "I miss you, apple," bulong niya sa hangin.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at pumasok sa loob ng kabahayan. Dumeretso siya sa kusina para maghanap ng alak na maiinom. Thankfully, hindi naman pala lahat ng alak ay nainom niya, 'yong nasa mini bar lang kagabi.

Lash didn't care if his head was throbbing. He took out two beers from the fridge and took it with him to the living room.

Umupo siya sa sofa at ininom ang isang bote ng beer. Agad siyang napatigil sa pag-inom nang makitang may nakasandal ang gitara sa gilid ng pang-isahang sofa.

Inilapag niya ang beer sa round table at kinuha ang gitara. Once in a while, it was good to sing your broken heart out.

Lash started strumming the guitar... then he sang 'I want to Grow Old With you by Westlife'.

Napangiti siya nang maalala ang palaging pamumula ng pisngi ni Nez. She looked so beautiful. And when he first met her, damn, she knocked out every air in his lungs.

Then he remembered the first time they made love. Magkakambal nga sila ni Lath dahil nagsinungaling siya kay Nez na may kukunin sa cruise ship pero wala naman talaga. Gusto lang niyang masolo ito at maangkin katulad ng matagal na niyang pinapangarap.

Mahina siyang natawa ang pinahid ang isang butil ng luha na nakatakas sa mga mata niya.

Oh, well, Nez wouldn't let him grow old with her, so what was the point of singing his broken heart out? Nagsasayang lang siya ng laway.

Binitawan niya ang gitara at kinuha ang cell phone sa bulsa para i-text ang kakambal. Sana lang ay mabasa nito agad.

To: Lath, the lunatic

Hey, twin bro. Iniwan na ako ni Nez. Mind drinking with me to oblivion?

Mahina siyang natawa nang agad na mag-reply si Lath sa kanya.

From: Lath, the lunatic

Lysander told me last night na uuwi na si Nez. Well, I'm your very sweet twin brother so open the fucking door and let me in.

Nanlaki ang mga mata niya, saka patakbong tinungo ang pinto ng townhouse. And there, his twin brother stood, carrying a paper bag full of brandy.

"Lath," Lash breathed out.

Lath rolled his eyes. "Yeah. Yeah. Papasukin mo na ako. I have company."

Pagkasabi niyon ay tamang-tama na nagsidatingan ang siyam na sasakyan. Sabay-sabay ang mga iyong tumigil at nagsilabasan ang mga kaibigan niya.

Tyron was carrying a bottle of rum. Si Iuhence naman ay may dalang shot glass. Si Train naman ay nakangisi habang dala-dala ang pulutan. Sina Calyx at Lander naman ay may tigdalawang whiskey na dala. Valerian was also present with his deep scowl. At napangiti si Lash nang makitang dala-dala nito ang aso ni Grace at sa isang kamay naman nito ay may hawak na beer—naka-straw pa ang loko. Same as Knight. Sina Cali naman at Andrius ay umiinom ng Cali.

Napangiti si Lash. His friend would always be there for him, that was for sure.

"Hey, morons," bati niya sa mga kaibigan.

"Hey, brokenhearted man," nakangising balik-bati ng mga ito.

Itinirik niya ang mga mata at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Come on in."

"Hindi raw makakarating si Lysander kasi marami siyang gagawin," sabi ni Andrius nang makaupo sila sa sala. "Actually, hindi siya pinayagan ng sekretarya niyang si Jergen."

Lash grinned. "May naamoy akong kakaiba sa dalawang 'yon."

Andrius grinned back. "I smell something too. Pero hindi naman nagsasalita si Lysander."

"Guys, ako ang tsismoso sa atin," sabi ni Iuhence. "Leave it to me."

"Yes! Umamin ka rin na ikaw ang pinakatsismoso!" tumatawang sabi ni Tyron at nakipag-high-five ito kay Train.

"Burn, Iuhence," tudyo ni Calyx.

"Burn and toasted," dagdag ni Lander at nag-high-five ang dalawa.

"Hindi ko kayo mga kaibigan," nakasimangot na nagdadabog na sabi ni Iuhence, saka binuksan nito ang rum na dala ni Tyron at sinalinan ang labing-isang shot glass na nasa round table.

Pareho silang nakasalampak ng upo nina Lath at Valerian sa sahig. Ang umokupa naman sa mahabang sofa ay sina Tyron, Train at Iuhence. Sa dalawang pang-isahang sofa umupo sina Lander at Calyx. Sina Cali at Andrius naman ay nag-aagawan sa natitirang isang sofa. Samantalang si Knight ay nakahiga sa sahig.

"Let's toast for Lash's broken and bleeding heart," pasigaw ni sabi ni Tyron, saka kinuha ang isang shot glass at itinaas sa ere.

Napipilitan naman silang kunin ang shot glass nila, saka ginaya ang ginawa ni Tyron.

"Cheers to my twin bro's bleeding heart," natatawang sabi ni Lath, sabay inom ng alak.

His friends murmured the same and drank. Lash did the same. Ang totoo, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya ngayong naroon ang mga kaibigan niya.

Tumayo si Lath mula sa pagkakaupo sa sahig, saka nilapitan ang stereo na nasa gilid. He started doing something that Lash couldn't see and minutes later, Lil Wayne's song, "Take Your Shirt Off" blasted on the stereo.

"Let's dance, people," sigaw ni Lath, saka nag-umpisa itong sumayaw na wala naman sa tiyempo.

Napailing-iling na lang si Lash. Isang shot pa lang 'yan pero nag-uumpisa na ang kabaliwan ng kakambal niya. Ano pa kaya kapag nalasing 'to?


Hours later...


"DAMN, MAN," sigaw ni Calyx. "I think I'm seeing stars!"

Binatukan ito ni Lander. "Lasing ka lang. Bumaba ka nga diyan sa sofa. And please, stop dancing, you moron!"

Train snickered in his drunken state. "Damn, Vargaz, you look like one of the characters in Magic Mike XXL that my wife forced me to watch with her."

Walang pakialam si Lash habang nakahiga sa sahig at umiinom ng whiskey mula sa bote. Shot glass was for losers. Kung balak mong maglasing, sa bote ka mismo uminom. Professional lasenggero lang ang umiinom sa bote.

"Hell, yeah!" sigaw niya.

Alam ni Lash sa sarili na lasing na siya at hindi na niya kaya pero wala siyang pakialam. Inubos niya ang laman ng bote ng whiskey, saka tiningnan kung ano ang ginagawang kalokohan ng mga kaibigan niya.

Calyx was dancing erotically, while standing in the sofa.

Lash cringed. Napangiwi pa siya lalo nang marinig ang kantang sinasayaw nito—"Careless Whisper" Holy fuck!

"Stop that fucking song!" sigaw ni Valerian na sumusuray na naglalakad patungo sa stereo.

Agad naman itong hinarang ng lasing ding si Knight. "It's a good song, Val." His voice slurred. Lasing na lasing na 'to. "Just dance like me."

Kahit sumusuray na si Knight, nakuha pa nitong gumiling-giling, pataas at pababa. Malakas itong tinulak ni Valerian. Pero malakas silang natawang lahat nang ito ang natumba at hindi si Knight.

"Argh!" Sumigaw si Valerian. "Grace! Grace! Come here!"

Nakangising inagaw ni Knight ang bote ng whiskey na hawak ni Valerian. "Moron. Wala rito ang Grace mo."

Valerian just laughed, like a drunken fool and he passed out.

Dumako ang tingin ni Lash sa kakambal niya. Kanina pa ito walang malay slash tulog dahil sa sobrang kalasingan. Sina Calyx, Cali, Andrius, Knight, Iuhence ay mga lasing na rin to the point na hindi na ng mga ito alam ang ginagawa.

Katulad na lang ni Calyx na nagsasayaw pa rin ng "Careless Whisper." Sina Cali at Andrius na nagbabatuhan ng bote ng Cali sa isa't isa at nagtatawanan kapag tinatamaan ang isa. Si Iuhence naman ay wala nang pang-itaas at ipinagmamalaki ang muscles "daw" nito. Kung hindi dahil kay Tyron na pinipigilan ito sa pinaggagagawa, baka naghubad na si Iuhence sa sobrang kalasingan. And Lander was trying to steal the bottle of whiskey from Knight. Pero ang loko-loko, mabilis ang reflexes at nasipa pa si Lander.

"Fuck!" Lander hissed.

"Sorry, man." Tumawa si Knight at uminom ng whiskey. "I know every martial art there is. My father forced me to learn because I was often stalked and kidnapped when I was a kid." Tumawa na naman ito at uminom. "Well, I'm a count's son. I guess that makes me the target of money-hungry people." Lumuhod si Knight, saka unti-unting nahiga sa sahig.

Mahinang natawa si Lash nang makitang ginawa nitong unan ang tiyan ni Valerian. He was sure that when Valerian woke up, he would go ballistic.

Mariin siyang napapikit nang maramdamang umiikot ang paligid. Even with his eyes closed, he could still hear Tyron and Lander cursing. At least may dalawang hindi lasing sa kanila. That was good to know.

And minutes later... he lost consciousness.



MASAKIT ANG ULO ni Lash nang magising. Nang tumingin siya sa labas ng bintana, madilim na ang kalangitan. He and his friends started drinking at exactly eight in the morning, and now it was dark outside.

"Shit!" Napamura siya habang sinusubukang tumayo.

Wala na ang mga kaibigan niya sa sala. Siya na lang ang natitira. He even thought that what happened earlier was just a dream. But the scattered bottles of liquors were the proof that they indeed drank into oblivion.

Nang makatayo rin siya sa wakas, nagtungo siya sa kanyang kuwarto at naabutan si Lath na nagbibihis gamit ang damit niya.

"Hey! Damit ko 'yan," reklamo niya.

Nalukot ang mukha ni Lath at itinuro ang banyo. "Take a freaking shower and go to the kitchen. Train's cooking."

Wala siyang nagawa kundi sundin ang kakambal. Pagkatapos maligo at magbihis, agad siyang nagtungo sa kusina.

Napanganga siya sa nakita.

Lahat ng kaibigan niya ay bagong paligo at kung tama ang memorya niya, damit niya ang suot nina Cali, Lath, Knight at Andrius.

"Those are mine," turo niya sa damit na suot ng apat.

Ngumisi lang si Andrius. "Nasukahan ko 'yong sa akin."

"Shut up, people," biglang sigaw ni Train.

They all groaned except Lander and Tyron. Para sa kanilang may mga hangover, masakit sa ulo at tainga ang malakas na boses.

"Fuck!" Lash hissed.

"No cursing in the table," saway ni Train, saka ngumiti. "Sorry, nasanay lang akong sabihin iyan kay Trek. Ang bata-bata pa, nagmumura na."

"Mana sa 'yo," sabi ni Iuhence na tatlong Advil na yata ang ininom.

Train just rolled his eyes.

Ilang minuto ang nagdaan ay inilapag na ni Train ang niluluto at si Tyron naman ang nagsalin ng kape sa tasa at binigyan sila isa-isa. Samantalang si Lander naman ang namigay sa kanila ng Advil.

"Hangover will teach you not to drink again," sabi ni Tyron.

"Yeah, right." Umingos ang kakambal niya.

"Well..." Ngumiti si Train. "Eat your breakfast, people."

Lahat sila ay napatingin kay Train, maliban na lang kina Lander at Tyron na kumakain na.

"Breakfast?" ulit ni Valerian na magkasalubong ang mga kilay.

Ngumisi si Train, saka tumingin sa relong pambisig. "Yes. It's already three in the morning."

Malutong na nagmura si Valerian, saka pinukol siya ng masamang tingin. "Kasalanan mo 'to. Fuck! I have a meeting! Nadadamay ako sa love life mo—"

"Valerian, sabi sa akin ni Grace—"

Hindi pa siya natatapos sa sasabihin nang putulin iyon ni Valerian. "Oh, shut up, Lash. You're fucking welcome."

Natawa na lang siya, saka kumain na rin.

The breakfast was as silent as the night, until Lath spoke.

"So, ano'ng balak mong gawin kay Nez?"

Napatigil siya sa pagkain, saka nag-angat ng tingin dito. "What do you mean?"

"Susuko ka na lang ba?" Andrius asked. "Hahayaan mo na lang ang daddy mo na manalo?"

"You're willing to let her slip off your hold, Coleman Number One?" tanong ni Knight sa kanya, saka ngumiti. "You know. If you love her, don't give up."

"Hindi niya ako mahal," mabilis niyang paliwanag.

Tyron snorted. "Lash, kalahati sa atin dito ay pinagdaanan na ang pinagdaanan mo. I say, don't give up just easily. Sinabi mo na bang mahal mo siya?"

Tumango siya.

"Sumagot na ba siya?"

Umiling siya. "She left."

Tyron smiled. "So? Tell her you love her. Again. At sa pagkakataong ito, huwag mo na siyang hayaang umalis. Alamin mo kung mahal ka rin niya. By hook or by crook, Lash. Do it. At kapag sinabi niyang hindi ka niya mahal pagkatapos mong ipagtapat ang pagmamahal mo, narito lang kami. Inuman uli tayo."

"And if your woman lied about her feelings for you..." Ngumisi si Iuhence. "Easy... kidnap her."

"Yeah. Then marry her," dagdag ni Train.

"Idiots," Lath grumbled and looked at him. "Tell her you love her and then propose. Kapag tinanggihan ka pa niya, inuman uli tayo."

Napailing-iling si Lash, saka napangiti. Well, I'm sorry apple. Looks like you're going to see me again after all.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro