CHAPTER 12
CHAPTER 12
MAGKAHAWAK-KAMAY sina Nez at Lash nang lumabas sa taxi na sinasakyan nila. Habang naglalakad papasok sa mall, inakbayan siya ni Lash at hinapit palapit dito. His gesture screamed possessiveness but she didn't let herself assume. Masakit ang umasa.
Nang makapasok sila sa loob ng mall, nagsalita si Lash.
"What to do first?" tanong nito at naramdaman niyang tumatama ang mainit nitong hininga sa tainga niya.
That made her froze. Nagsitaasan ang mga balahibo niya sa likod. Binalingan niya ang lalaki at muntik nang maglapat ang mga labi nila sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.
"Lash."
Sinapo ni Lash ang mukha niya, saka bumuga ng malalim na hininga. "Apple, we could still go home if you want."
Natigilan si Nez. Sa tingin nito ay gusto niyang umuwi dahil tumigil siya sa paglalakad? Lash clearly doesn't know his effect on me. Mas mabuti nang hindi nito alam.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Lash nang hindi siya umimik.
Umiling siya. "Nope."
Ngumiti ito at bigla siyang hinalikan sa mga labi.
Nanlaki ang mga mata at umawang ang mga labi niya sa gulat na sinamantala naman ng lalaki. Pinalalim pa nito ang halik at siya naman ay tinugon ang halik nito.
Namula ang pisngi ni Nez nang pakawalan ni Lash ang mga labi niya. Karamihan ng tao sa mall ay nakatingin sa kanilang dalawa. And Lash being Lash, he didn't care at all.
Malakas na tinampal niya ang balikat nito. "Lash! Huwag ka ngang basta-basta nanghahalik." Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Pinagtitinginan tayo ng mga tao, nakakahiya."
Nginitian lang siya nito at inakbayan. "My baby apple, may I remind you that I'm a fan of PDA? Hahalikan kita sa maraming tao kasi gusto kong ipaalam sa kanilang lahat na akin ka at kapag sinubukan nilang agawin ka sa akin, makikita nila kung paano ako magalit. And it's not a good sight." He kissed her temple as they walked. "I'm possessive, I'm territorial and I don't share. Keep that in mind, apple."
Parang tinambol ang puso niya. What was he saying? That he wants to own me? Mabilis na sumikdo ang puso niya.
I don't want to assume. May babae pa rin itong mahal ng sampung taon. Hindi niya iyon basta-basta makakalimutan.
Nanatili siyang tahimik hanggang sa magsalita uli si Lash.
"So, ano'ng gusto mong gawin?"
"Ahm." Tumigil siya sa paglalakad. At dahil nakaakbay ito sa kanya ay napatigil din ito. Dumako ang tingin niya sa may sinehan. "Gusto kong manood ng movie."
Bigla itong dumukwang at ginawaran siya ng halik sa mga labi. "Movie it is."
She glared at Lash. "Kailangan mo ba talaga akong halikan sa bawat minuto na lumilipas?"
"Of course." Kinindatan siya nito. "I like kissing you."
Inirapan niya ito na ikinatawa lang ng lalaki.
Lumapit sila ni Lash sa listahan ng Now Showing.
"So what do you want to watch?" Lash asked as he hugged her from behind and rested his chin on her shoulder. "Pumili ka na."
Mabilis na tinuro niya ang Fifty Shades of Grey. "'Yan ang gusto kong panoorin."
Lash groaned and kissed her neck, sending tingles to the center of her femininity. "Apple, kapag 'yan ang pinanood natin, we will end up making out instead of watching the movie."
Tinampal niya ang braso nito na nakayakap sa baywang niya. "Ikaw talagang lalaki ka, ang halay mo."
"Yeah, yeah." He kissed her bare shoulder. "Now, pick another movie. Please, 'yong walang halong kaberdehan. Kung papanoorin natin 'yang Fifty Shades of Grey, I want to watch it in the house where I can fuck you so hard when things got heated."
She blushed. God! Ang halay talaga ng bibig ng lalaking 'to.
"Fine." Nakasimangot na hinarap niya ito at itinuro ang napili niyang panoorin. "Okay na ba ang Inside Out? Sigurado akong walang kahalayan 'yan."
Napangisi ito. "Well, it is an animation. I'm sure it will kill off any sinful and wicked thoughts I have of you."
Itinirik niya ang mga mata. "So, sinong bibili ng ticket?" Tumingin siya sa pila. "Ang haba ng pila."
Pinakawalan siya sa pagkakayakap ni Lash, saka inilahad sa harap niya ang nakabuka nitong kamay. "Give me your phone."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "At bakit?"
"Basta. Ibigay mo na lang sa akin."
Naguguluhan man ay kinuha ni Nez ang cell phone na nasa bulsa ng skirt na suot at inilagay iyon sa nakabukang kamay ni Lash. "There. Mind telling me why?"
Inilagay nito ang cell phone sa bulsa ng pantalon at inilabas ang sarili nitong cell phone, saka ibinigay sa kanya. "Here. Ako na ang bibili ng ticket. Ayokong sumakit ang paa mo dahil sa haba ng pila. Ako na ang bahala. Text your own number to check on me."
"That's..." Hindi siya makapaniwalang sinalubong ang tingin ni Lash. "Considerate of you."
He grinned. "This is me being sweet, apple."
Tumaas ang kilay niya. So may sweet bone pala 'to. "Fine. Magwi-window shopping ako habang pumipila ka rito."
Tumango si Lash. Pero nagtaka siya nang biglang nagdilim ang mukha nito.
"What now?" naguguluhang tanong niya.
"No talking to other men, apple," wika nito na parang binabalaan siya. "Magagalit talaga ako. I swear, babalian ko ng buto kung sino man ang makikipag-usap sa 'yo."
Napapantastikuhang napakurap-kurap siya. "Lash, naririnig mo ba ang sarili mo? Makikipag-usap lang, babalian mo agad ng buto? Ewan ko sa'yo."
Naglakad na siya palayo kay Lash at pumasok sa pinakaunang boutique na nakita niya.
Umiling-iling pa siya habang tinitingnan ang mga naka-display na damit. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Lash.
Babalian talaga ng buto. Ang lalaking 'yon talaga.
Yes. Lash was possessive. And her heart hammered inside her chest as to why he was so possessive of her. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano pero hindi niya mapigilan ang sarili na kiligin sa inaakto nito.
Shit! She couldn't stop the stupid grin on her lips.
"Ma'am, may napili na po ba kayo?" sabi ng boses ng lalaki sa likuran niya.
Humarap si Nez sa nagsalita at agad na sumagi sa isip niya ang sinabi ni Lash. "Ahm..."
"Babaliin ko ang buto ng lalaking makikipag-usap sa 'yo."
"Ah, wala." Umiling siya, saka mabilis na tumalilis palabas.
Nagpakawala siya ng malalim ng hininga nang makalabas ng boutique. Pumasok siya sa ikalawang boutique na nakita niya. Lihim siyang ngumiti nang makitang babae ang lahat ng bantay roon.
Good. Umaalingawngaw pa rin sa isip niya ang babala ni Lash. Urgh!
But sadly, wala siyang nagustuhan sa nasabing boutique. Pagkalabas niya roon, natagpuan niya ang sarili na pumipila para makabili ng fresh buko shake.
Medyo marami ang pumipila kaya naman pinagdiskitahan niya ang cell phone ni Lash. Binuksan niya ang inbox at napangiti nang makitang may bagong text na dumating.
And it came from my baby apple. So her number was saved under the name "my baby apple"? Siya lang naman kasi ang tinatawag nitong apple, unless may iba pa itong babae na tinatawag na ganoon.
From: My Baby Apple
This is Lash. Yeah, yeah, you are my baby apple. Anyway, ano'ng pinaggagagawa mo habang magkalayo tayo? May babalian na ba ako ng buto?
Hindi napigilan ni Nez ang mahinang tawa na kumawala sa mga labi niya. Loko-loko talaga ang lalaking 'to.
And really? My baby apple? Kinikilig na naman siya. Shit naman, o!
Kahalayan ang ugat ng endearment nitong apple. Because apparently, her vagina smelled like apple. My goodness!
Nireplayan niya si Lash.
To: My Baby Apple
Wala kang babalian ng buto, Lash.
Mabilis ang naging reply nito.
From: My Baby Apple
Baby, I'm so bored here. Balikan mo ako. *insert sad face*
Napangiti siya. She replied.
To: My Baby Apple
'Buti nga sa 'yo. Stay there. Isn't that you being sweet?
From: My Baby Apple
Ha-ha. Not funny. Come here. IMY.
To: My Baby Apple
IMY?
Magkasalubong ang mga kilay niya habang hinihintay ang reply ni Lash.
From: My Baby Apple
IMY – I miss you.
Tumalon ang puso niya sa kilig.
To: My Baby Apple
Well. IDMY.
From: My Baby Apple
Ha-ha. Ano naman ang ibig sabihan n'on?
To: My Baby Apple
I don't miss you.
From: My Baby Apple
ILY.
Nanuyo ang lalamunan niya habang titig na titig sa huling mensahe ni Lash. ILY? Shit!
From: My Baby Apple
Hindi mo ba tatanungin kung ano'ng ibig sabihin ng ILY?
Text nito nang hindi siya mag-reply.
To: My Baby Apple
Ano'ng ibig sabihin n'on?
Ilang minuto nang naghihintay si Nez sa reply ni Lash pero wala pa ring dumating na mensahe.
"Ano ang sa 'yo?" tanong ng lalaki sa loob ng cart.
Hindi niya namalayang siya na pala ang nasa unahan ng pila. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.
"Dalawang buko shake," sagot niya.
Pagkatapos niyang bayaran ang binili, naglakad siya pabalik sa bilihan ng ticket. Habang naglalakad, panay ang scroll down niya sa inbox ni Lash. And then a text caught her attention.
It was from a woman named Grace.
From: Grace
Of course, I'll do it. My gosh, Lash, sampung taon na tayong magkaibigan. Siyempre, gagawin ko 'yon para sa 'yo. XOXO :)
Ito ba ang babaeng mahal ni Lash ng sampung taon? Parang may kamay na pumiga sa puso niya. Parang napupugto ang hininga niya sa sobrang sakit.
Shit! I hate feeling like this! I hate this!
Ibinalik ni Nez ang cell phone sa bulsa ng mini skirt na suot, saka mabilis na naglakad pabalik kay Lash. Isinantabi muna niya si Grace at ang nabasa niyang text mula rito. For now, siya ang kasama si Lash. At masaya na siya ro'n.
Humugot siya ng isang malalim na hininga nang makita ang likod ng lalaki. Pangatlo na ito sa pila.
Lumapit siya, saka inilapat ang malamig na buko shake sa pisngi nito.
Lash hissed before he glared at her direction. Nang makita nitong siya ang salarin, nagtatampong humalukipkip ito.
Natawa siya sa inakto ng lalaki, saka iniyakap niya ang mga braso sa baywang nito, hawak pa rin niya ang dalawang buko shake.
"Huwag ka nang magtampo," sabi niya, saka ihinilig ang ulo sa balikat nito. "Binilhan kita ng buko shake."
Lash sighed, then faced her. "Hindi na ako magtatampo sa isang kondisyon." May kakaibang kislap ang mga mata nito.
"Ano naman?" Her narrowed her eyes on Lash.
Ngumisi ito. "Tawagin mo muna akong 'babe' or 'baby.'"
Nag-isang linya ang kilay niya. "What? Ayoko nga."
Agad na nawalan ng emosyon ang mukha ni Lash. "Okay. Huwag mo akong kausapin, nagtatampo ako sa 'yo."
Napasimangot siya. He can't be serious.
"Lash, 'yong buko shake."
Silence.
"Lash, naman, eh. Sorry na."
Silence.
"Lash, huwag ka nang magtampo."
Silence.
Bumuga siya ng marahas na hangin. Fine! "I'm sorry, baby."
Lash whole face lit up and he hugged her so tight. Hindi pa ito nakontento, hinalikan pa siya. Mabilis niyang pinutol ang halik dahil alam niyang maraming nakakakita sa kanila.
"Lash!" Pinandilatan niya ito pero kinindatan lang siya.
Kinuha nito ang isang buko shake na hawak niya, saka sumipsip sa straw.
Nakahilig pa rin ang ulo niya sa balikat ni Lash. "Hey, Lash? Ano'ng ibig sabihin ng ILY?"
Biglang napaubo si Lash na para bang nabulunan.
Nag-aalalang humarap siya sa lalaki at nakahinga nang malalim nang makitang nakabawi na ito. "Ayos ka lang?"
He coughed a couple of times. "Yeah."
"Sigurado ka?"
Tumango ito. "You just caught me off guard."
"Ano naman ang naka-caught off guard sa 'yo? 'Yong tanong ko?"
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Lash at kung hindi siya pinaglalaruan ng kanyang mga mata, kitang-kita niyang parang namumula ang pisngi nito.
That made her grin.
Nez poked Lash's red cheek. "Are you blushing, babe?"
Namilog ang mga mata ni Lash at malakas siyang natawa nang makitang halatang-halata na namumula nga ito.
So cute. Who would have thought that Lash Coleman could blush?
Hinilamos nito ang isang palad sa mukha at pinukol siya ng masamang tingin. "I don't blush. Kasalanan mo 'to."
Inosente siyang ngumiti. "Paano ko naging kasalanan?"
"Kasi naman, eh." Napakamot ito sa batok.
"So, ILY means what?" tanong uli niya.
Bago pa makasagot si Lash, nagsalita na ang nasa likod ng counter na bilihan ng ticket.
"Ticket for two. Inside Out," sabi ni Lash sa babae.
Tumaas ang kilay niya nang makitang umawang ang mga labi ng babae, saka hindi kumukurap na tinitigan si Lash.
Nez rolled her eyes. Lash really did have an effect on women.
Napailing-iling siya, saka kumatok sa counter para magising ang babae. The woman snapped her eyes at her. Nakakunot ang noo nito at halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya.
"Dawalang ticket para sa Inside Out," sabi niya na nakataas ang kilay, saka naglapag ng pera ng kasya lang para sa dalawang ticket.
Lukot ang mukha ng babae habang iniaabot sa kanya ang dalawang ticket.
Nez grabbed the ticket and pulled Lash away from the ticket booth. Nang tumingin siya kay Lash, sumisipsip ito ng buko shake sa straw pero halata namang nakangisi ang loko.
"Ano'ng nginingisi-ngisi mo riyan?" Pinandilatan niya ito.
Natatawang pinakawalan ng mga labi nito ang straw, saka inakbayan siya. "You look pissed earlier." Nagniningning ang mga mata nito. Amusement was clear on them. "Selos ka, 'no?"
Inirapan niya ito, saka tinanggal ang nakaakbay nitong braso sa balikat niya. "At bakit naman ako magseselos, aber?!"
Nagmamartsa siyang lumayo kay Lash na nakangisi pa rin. Ang loko-loko! Ang lakas ng loob na sabihing nagseselos siya—argh! Nagseselos naman talaga siya.
Nahalata ba talaga nito? Bakit naman kasi nagselos siya sa babaeng 'yon?
Ay, ewan!
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro