Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21

CHAPTER 21

MAALIWALAS at bakas ang kasiyahan sa mukha ni Anniza ng pumasok siya ng araw na 'yon. Ilang araw palang ang nagdaan mula ng makabalik sila sa Greece ni Dark at mula noon ay halos hindi na silaw naghihiwalay ng binata.

Sa umaga, palagi itong nasa restaurant nila, kumakain o kaya naman tumutulong sa kaniya sa kusina o kaya naman kapag abala siya masyado, nasa tabi niya lang ito at palaging nakaalalay. Nasanay na ang lahat ng empleyado sa Zaired Restaurant na palaging nakikita ang binata kaya palagi ang mga itong nagtatanong kung boyfriend ba niya si Dark na kaagad naman niyang sinasagot ng hindi. At sa gabi naman, ihahatid siya pauwi ni Dark, pero bumabalik din ito para doon palihim na matulog sa kuwarto niya

At tulad ng mga nakaraang araw, nang umagang 'yon, hinatid siya ni Dark sa restaurant at nakipag-skype ito sa sekretarya nito pagkatapos ay nang wala na itong ginagawa, tinulungan siya nito sa kusina.

"Sabi nang umuwi ka nalang sa bahay mo," pagtataboy niya sa binata na nakatayo sa tabi niya at pinapanuod siyang magluto. "Mababagot ka lang dito, kaya umuwi ka nalang."

"Ayoko," wika ni Dark saka kumuha ng isang piraso ng fries na dapat ay ilalagay niya sa isang order. "I like it here. Nandito ka plus may free food pa."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Seriously, Dark, isang kuha pa ng fries na dapat ay sa costumer, talagang hihilain kita palabas."

Nginitian lang siya ng binata saka hinalikan siya sa mga labi at mabilis na kumuha ulit ng isang pirasong fries.

"Dark!"

Dark gave her an apolegetic look. "Sorry, ang sarap kasi, e."

Pinukol niya ito ng malalim na tingin. "Labas." Pinandilatan niya ito. "Doon ka sa labas at hintayin mo ako roon, tatapusin ko lang 'to."

Dark being stubborn, he shook his head. "Nope."

Malakas siyang napabuntong-hinga saka hinawakan ang binata sa kamay at hinila ito palabas ng kusina. At ang loko, nagpahila naman sa kania. At nang madaanan nila ang ina niya na nag-so-supervise sa mga waitress kung inaasikaso ba ng mabuti ng mga ito ang mga customer, nagba-bye pa ang binata at nakangiting kinaway ang kamay.

Nang makalabas sila si restaurant, hinila naman niya ito patungo sa parking lot, palapit sa motorsiklo nito.

"Sige na." Nameywang siya. "Umuwi ka na. Magpahinga ka doon sa bahay mo. Tatawagan nalang kita kapag tapos na ang trabaho ko rito sa restaurant."

Gustong-gusto ni Anniza na nasa tabi lang niya palagi si Dark pero ganito na pati sa kusina ay kasama niya ito. Hindi niya tuloy matapos-tapos ang order sa kanya dahil palagi nitong kinakain ang nilalagay niya sa pinggan.

"I don't want to," pagmamatigas ni Dark saka niyakap siya sa beywang. "I want to stay with you so just let me."

Kaagad na lumakas ang tibok ng puso niya at natunaw ang inis niya rito pero ng maalala niya ang ginawa nito sa loob ng kusina, kaagad ding lumakas ang kagustuhan niyang umuwi muna ito sa bahay nito.

"No." Pinatigas niya ang boses. "Umuwi ka na ngayon, tatawagan nalang kita."

Kaagad na nawala ang kislap sa mga mata nito. "Tinutulak mo na naman ako palayo."

Pinaikot niya ang mga mata. "Hindi 'yon ganun," naiinis niyang sabi. "Kinakain mo kasi ang dapat na nasa order kaya pinapauwi kita."

Gumuhit ang isang inosenteng ngiti sa mga labi ni Dark. "Kung mangangako akong hindi ko na kakainin yong para sa order, papayag ka nang manatili ako?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin at malakas na napabuntong-hinga. "Fine! But if you eat even just one piece, I'm kicking you out."

"Yes, ma'am." Sumaludo pa sa kanya si Dark na ikinai-iling niya.

"Halika na sa loob," aya niya rito pero bago pa sila makaalis ng parking lot, isang humaharurot na kotse ang tumigil sa gilid ng daan at isang galit na galit na Paul ang lumabas mula doon.

"You!" Galit na dinuro ni Paul si Dark.

Napatigil sila sa paglalakad ni Dark pabalik sa restaurant dahil humarang si Paul sa dinaraanan nila.

"Paul?" Magkasalubong ang kilay niya ng makalapit sa kanila ang lalaki. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"You son of a bitch!" Nanlilisik ang mga mata nito habang dinuduro si Dark.

"Paul, ano ba?!" Galit niyang sigaw dahil hindi niya gusto ang pagduro nit okay Dark.

"Step away, Mr. Menzon." Walang emosyon ang matigas na boses ni Dark na hinila siya palapit dito at itinago sa likod nito. "Before I break your neck."

Nanlilisik ang mga mata ni Paul na dinuro si Dark habang nakatingin sa kanya. "Ito ba? Ito ba ang lalaking ipinagpalit mo sakin?! Mas hamak naman na mas mabait ako kaysa sa kanya." Mala-demonyo itong ngumisi. "Alam mo ba ang ginawa nang lalaking 'to sakin?"

"Let's go, Anniza," ani Dark sabay hila sa kanya palayo kay Paul.

"Anniza!" Sigaw ni Paul sa pangalan niya habang naglalakad sila palayo rito. "That man destroyed everything I own!"

Napatigil siya sa paglalakad at binalingan ito. "Anong sabi mo?" Kapagkuwan ay bumaling siya kay Dark na nakatiim-bagang at nakatingin kay Paul.

"Shut up, Menzon." Dark was gritting his teeth. "I swear, hindi lang 'yon ang kaya kong gawin sayo." May babala sa bawat katagang lumalabas sa mga labi ni Dark.

Naguguluhang napatingin siya kay Paul na tumawa ng walang emosyon.

"Ano ba ang nangyayari?" Tanong niya.

Nakangising tumingin si Paul kay Dark. "Natatakot ka, no? Natatakot ka na malaman ni Anniza na isa kang walang pusong tao. Siguradong hindi ka niya matatanggap. Isa kang halimaw na nagbabalat-kayo bilang isang tao. What you did to me was heartless. And she deserves to know that! She deserves to know the real you!"

"I deserve to know what?" Naguguluhang tanong niya habang pinaglilipat-lipat ang tingin kay Dark at Paul.

"No." Hinawakan siya ni Dark sa braso. "Let's go, Anniza."

Hinila siya ni Dark palayo pero hindi niya ito hinayaan, nanatili siya sa kinatatayuan saka matiim na tumingin kay Paul. "Magsalita ka. Ano ba ang ginawa sayo ni Dark?"

Ngumisi si Paul kay Dark saka tumingin sa kaniya at nagsalita. "I was about to renew my contract with Sanford's Island. Doon nakatayo ang resort ko. Okay na ang usapan namin, pag perma nalang, pero bigla nalang nitong kinansela ang usapan naming dahil sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ko 'yon pinansin at naghanap ako ng isla na malilipatan, pero ni isa, walang pumayag na upahan ko. Kahit ang maliit na isla na halos hindi naman kagandahan, tinanggihan ako kahit malaking halaga ang inaalok ko. That's absurd. I'd been doing business since I was twenty-one kaya alam ko ang kalakaran.

"And then my investors started withdrawing their investments. Wala silang rason para gawin iyon kasi secured naman ang mga investment nila sa kompanya ko kasi may mga hotels pa naman akong pag-aari. Pero isa-isa, nawala sila. And then my hotel manager resigned. Halos sabay-sabay. Para akong mababaliw kung ano ba ang nangyayari. Until I found out that it was his doing!" Dinuro nito si Dark. "Nagpa-imbestiga ako. Doon ko nalaman na nasa likod lahat ng iyon ay si Dark Montero. Sinilaw niya ng salapi ang investors ko, pinirata niya ang mga hotel managers ko. Pati mga empleyado ko, binayaran niya para palabasing pangit ang serbisyo ng hotel ko! He manipulated everything. He is a monster! And two days ago, nagsampa ako ng kaso laban sa kanya, pero binasura iyon ng korte. Malakas ang laban ko. I have witnesses. But a certain Atty. Evren Yilmaz blocked my case. At nalaman kong attorney siya ni Dark Montero." Tumawa si Paul. "See, Any? Halimaw iyang kasama mo. Akala mo kung sinong mabait pero halimaw naman sa loob. Natitiyak kong may plano siya sa lupa kaya binili niya kaya maghanda ka na rin."

Hindi siya makapaniwalang napatitig kay Dark. Hindi ito makatingin sa kanya ng deretso habang madilim ang mukha nito. Nakatiim-bagang ito at halatang galit. His knuckles were fisted. His eyes were shooting daggers at Paul. Halatang nagpipigil ito na bugbugin si Paul dahil naroon siya.

This was the other side of Dark.

Ito ang Dark na walang sinasanto kapag galit. He really had an anger management issue. Kahit siya, maraming beses na niyang natikman kung gaano ito kasama magalit. Pero hindi niya akalain na kaya nitong gawin lahat ng mga sinabi ni Paul dahil wala naman siyang maisip na dahilan para gustuhin nitong pabagsakin si Paul.

"Ano?" Maangas sa sabi ni Paul kay Dark na parang naghahamon. "Ngayon, alam na niya. Hindi na siya magbubulag-bulagan sayo. Hindi na siya madadala sa peke mong kabaitan. Babalik din sakin si Anniza kasi ako ang mahal niya. Ikaw, rebound ka lang. At ngayong nalaman na niya kung anong klaseng tao ka, iiwan ka na niya at babalik siya sakin."

Walang mangyayaring maganda kung hindi kakalma si Dark. Alam niya kung paano ito sumabog sag alit. Baka mabugbug talaga nito si Paul. Hindi niya hahayaan 'yon. Kilala niya si Paul. Hindi ito basta susugod lang. She was sure that he had someone with him. Someone that could take a video while Dark was well ... beating him up. Wala naman itong laban kay Dark, e.

Hinawakan niya ang nakakuyom na kamao ni Dark at niyakap ito.

"Snap out of your anger, Dark," bulong niya sa binata habang nakayakap dito. "Please lang. Huwag kang gagawa ng eskandalo. Pag-usapan natin 'to."

"Bakit mo siya niyayakap, Anniza?!" Puno ng galit ang boses ni Paul. "Hindi pa ba sapat ang ginawa niya sakin para iwan mo siya? Hindi mo naman siya mahal diba? Ako ang mahal mo. Akin ka lang. At magpapakasal na tayo!"

"Fuck you!" Humalagpos na ang galit ni Dark at kumawala ito sa pagkakayakap niya saka sinugod ng malakas na suntok ang mukha ni Paul.

"Dark!" Tili niya sa pangalan ng binata at pilit na pinapatigil ito sa walang habas na pagbugbug nito kay Paul.

"Akin siya! Akin!" Dark kept saying it while punching Paul in the face, the neck, and chest.

Mabuti nalang at hindi nakita ng mga costumer ng restaurant nila ang nangyari dahil medyo natatakpan ang kinaruruonan nila.

"Dark, ano ba! Tama na 'yan!" Sigaw niya habang hawak ang damit nito sa likod at hinihila ito palayo kay Paul na lupaypay na.

Nang hindi lumaban si Paul, alam kaagad ni Anniza na may balak ang lalaki.

"Stop it! Dark, ano ba! Itigil mo 'yan. Please." Nagmamakaawa siya pero hindi siya pinakinggan, hanggang sa may dumating na dalawang pulis na naghiwalay sa dalawa.

"Oh, God," sambit niya ng makita ang dumudugong mukha ni Paul at may sugat ang mga labi nito. "Oh, God..." Nasapo niya ang bibig ng makita ang ginawa ni Dark sa pagmumukha ni Paul.

Kahit siya sa mga sandaling 'yon ay natakot siyang lumapit kay Dark. Walang normal na tao na kayang bumugbog ng kapwa niya tulad ng ginawa ni Dark kay Paul. At nang makita ang duguang kamao ni Dark alam niya na mahihirapan ang binata na lusutan ang kasong isasampa ni Paul dito... Oh, God...

"Don't touch me." Kumawala si Dark sa pagkakahawak ng dalawang pulis at inayos ang nagusot nitong suot na V-neck T-shirt. "Nasaan ang police car niyo? Sasama ako sa presinto," mahinahong sabi ni Dark sa mga pulis na nakatanga lang sa pagiging kalmado ng binata.

Nilingon siya ni Dark. "I'm so sorry, Anniza." Iniabot nito ang cellphone sa kanya. "Call Evren Yilmaz. He's my attorney. Tell him I'm in trouble."

Nanginginig ang kamay niya tinanggap niya ang cellphone at inilagay iyon sa bulsa ng pantalon. At mukhang nakita ni Dark ang panginginig ng kamay niya dahil akmang hahaplusin nito ang pisngi niya pero hindi nito tinuloy ang kinuyom nalang ang kamao.

"I'm sorry," hingi nito ulit ng tawad saka umatras at humakbang patungo sa nakaparadang police car.

Sinamahan ng isang pulis si Dark patungo sa nakaparadang police car ang isang pulis naman ay kinunan sipPaul ng statement na hindi makapagsalita ng maayos.

Ang mga mata niya ay nanatili kay Dark hanggang sa makasakay ito sa police car. Nang nasa likod na ito ng sasakyan, bumaling ang binata sa kanya. Pero nawala kay Dark ang atensiyon niya ng may humawak sa kamay niya.

"Please, Anniza, bumalik ka na sakin," ani Paul na nagmamakaawa.

Bumaba ang tingin niya kay Paul, walang emosyon sa mukha niya habang nakatitig sa mukha nitong puno ng pasa at dugo.

Wala siyang maramdamang awa sa lalaki. She was actually happy that Dark beat him up. Kulang pa ng,a e. Dapat binalian din ito ng buto ni Dark para naman maramdaman nito ang sakit na pinaranas nito sa kanya ng lokohin siya nito.

"Anniza, please." Pinisil nito ang kamay niya. "Come back to me. Dark is no good for you—"

"And you are?" Mapakla siyang tumawa at inagaw ang kamay niya na hawak nito. "Paul, nakakalimutan mo na yata ang panloloko mo sakin." Napailing-iling siya. "Kahit ano pa ang malaman ko kay Dark, sa mga mata ko, mas masahol ka parin sa kanya. At 'yong mga sinabi mo ngayon, hindi 'yon sapat para makalimutan ko ang pananakit mo at panloloko mo sakin." Inirapan niya ito at tinalikuran.

At dahil hinatid siya ni Dark kanina at hindi niya dala ang kotse niya, mabilis siyang bumalik sa restaurant at hiniram ang susi ng kotse ng mga magulang niya saka kagad siyang sumakay at mabilis na pinaharurot iyon para masundan ang police car patungo sa police headquarters.

PAGKATAPOS makausap ni Anniza ang hepe ng presinto na pinagdalhan kay Dark at sinabi nitong kinulong ang binata, hinanap niya sa phonebook ng cellphone ni Dark ang pangalang Evren Yilmaz.

Nang makita iyon, mabilis niyang tinawagan ang lalaki na kaagad naman nitong sinagot.

"Hey, Montero. What do you want?" Kaagad na tanong ng baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya. "I'm kinda busy so spill. Papasok na ako sa courtroom."

Sinabi niya ang pinapasabi ni Dark rito. "Dark is in trouble," aniya.

"Shit!" Malakas na nagmura ang lalaki sa kabilang linya. "Nasaan siya at sino ka?"

"I'm Anniza Gonzales." Mabilis niyang sinasabi kung nasaan sila. "Please, hurry up. Ikinulong nila si Dark, e."

"Okay. I'm coming," anito at nawala sa kabilang linya.

Kinakabahan na ibinalik niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone ni Dark at nagpaalam sa pulis na nagbabantay kung puwede niyang makausap si Dark.

"Sige. Pero sandali lang," sabi ng Pulis na kinausap niya.

"Salamat po," nakangiting sabi niya sa pulis.

Sinamahan siya ng pulis patungo sa selda kung saan naroon si Dark. Parang may pumitas sa puso niya ng makita ang binata na nakasandal ang likod sa rehas at nakatingin sa kisame. Salamat naman at malinis ang selda na kinalalagyan nito at wala itong kasama sa loob kaya kahit papaano ay napanatag siya.

"Dark," mahina niyang sambit sa pangalan nito.

Mabilis na humarap sa kanya ang binata at nang magtama ang mga mata nila, puno ng pagsisisi ang mukha nito.

"Hey," anito sa mahinang boses at hindi makatingin sa kanya. "I'm sorry, Anniza. I lost it there and—"

"Mamaya na tayo mag-usap tungkol diyan," sabi niya saka lumapit dito. "Marami akong gustong itanong sayo pero saka na 'yon. Tinawagan ko na si Evren Yilmaz. Papunta na siya rito."

Tumango si Dark saka inilabas ang kamay sa gitna ng rehas para mahawakan ang kamay niya. Malakas ang kagustuhan niyang bawiin ang kamay dahil sa takot sa kaya nitong gawin kapag galit, pero mas malakas ang kagustuhan niyang manatili sa tabi ni Dark dahil nararamdaman niyang kailangan siya nito.

"Puwede pa ba akong matulog sa tabi mo mamaya?" Kapagkuwan ay tanong ni Dark sa kaniya.

"Kailangan mong makalabas dito," aniya.

"Anniza, please, answer me," nagmamakaawa ang kislap ng mga mata nito. "Puwede pa ba akong matulog sa tabi mo? Hahayaan mo ba akong makasama ka sa iisang kama kahit na isa akong halimaw na nagbabalat-kayo lang bilang tao?"

Sa halip sa sagutin ito, biniro nalang niya ang binata. "Hindi ka papasa sa pagiging halimaw, masyado kang gwapo."

Kahit papaano ay napangiti niya si Dark. "Sabi ko na e, nagu-guwapuhan ka sakin."

Umuling siya saka pinaikot ang mga mata at akmang magsasalita siya ng may lumapit na lalaki sa selda ni Dark.

The man had these unnerving deep green eyes. Halatang matipuno ang katawan nito na natatago sa sout nitong suit. He stood, maybe six-one in height and had this intimidating aura around him. May dala itong attaché case at magkasalubong ang makakapal nitong kilay na bumagay lang sa gwapo nitong mukha.

"Dark, ano na namang kalokohan 'to?" Tanong nito kay Dark ng makalapit sa binata.

"Evren, my good friend." Nginitian ni Dark ang bagong dating. "Get me out of here and I'll answer your question."

Pinukol ng masamang tingin ni Evren si Dark saka bumaling sa kaniya at inilahad nito ang kamay sa kanya. "Atty. Evren Yilmaz, at your service Miss Gonzales. You are the one who called me, so you are my client, not him," ani nito sabay turo kay Dark. "Shall we talk outside then?"

Nagdilim ang mukha ni Dark at kitang-kita ni Anniza ang pagtalim ng mga mata nito. God...this man truly had an anger management issue.

And then something hit her. "Kilala mo ako?" Oo nga at sinabi niya rito ang pangalan niya ng mag-usap sila sa cell phone pero hindi naman siya nito kilala nang personal.

Tumango ito. "Yes, I know you. Kasama akong nagplano ng mga maiitim na balak ng lalaking 'to." Tinuro nito si Dark. "Kay Paul Menzon."

"Ah. Okay," aniya kahit hindi naman niya naintindihan ang sinabi ng binata.

Evren smiled. "So? Mag-uusap na ba tayo?"

"No." Ayaw niyang magalit na naman si Dark. Ayaw na niyang makita ang nakakatakot na Dark kapag galit ito. "Kayong dalawa nalang ang mag-usap. Sa labas lang ako," aniya at nagmamadaling naglakad palabas.

NANG MAWALA si Anniza, kaagad na nag-umpisang magpaliwanag si Evren kay Dark sa kaso na isinampa sa kanya ni Paul Menzon. "Assault and Battery ang sinampang kaso sayo ni Menzon. It's two different cases but when put together, it is considered as a criminal case." Napailing-iling ito. "Man, I'm telling you, Paul Menzon wants you behind bars. Kaagad siyang nagsampa ng kaso laban sayo at yung dalawang pulis na humuli sayo, mukhang binayaran ni Menzon para mahuli ka sa akto."

Wala siyang pakialam na nagkibit-balikat. "Wala akong pakialam sa kanya. I want to know if you can get me out of here. Biyernes ngayon at walang opisina bukas. You have to bail me out. Hindi ko kayang matulog na hindi ko katabi si Anniza."

Evren tsked. "Montero, hapon na. Hindi na aabot ang papeles mo."

"Then do something."

Evren rolled his eyes. "Malaki talaga ang ibabayad mo sakin." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. "General Antonio, ninong, can you do me a favor?"

Kahit papaano ay napanatag siya. Evren had so many connections. At lahat yun ay matataas na tao at kilala sa lipunan. Well, normal lang naman 'yon. Evren's father was a Military General and Evren was a famous lawyer.

Nang matapos makipag-usap si Evren sa ninong nitong heneral, humarap sa kanya ang kaibigan. "Done. Let's wait for five minutes. Tapos ilalabas ka na."

"Thanks." He took a deep breath. "Can you clean my records, too?"

"Yeah, sure," kaagad na sagot ng kaibigan. "Piece of cake."

"Thanks, man."

And true to Evren's words, pagkalipas ng limang minuto, binuksan nga ang selda niya at pinalabas siya ng kulungan. Naabutan niya si Anniza na naka-upo sa waiting area.

"Anniza," tawag niya sa pangalan ng dalaga.

"Dark!" Mabilis itong tumayo at yumakap sa kanya. "Mabuti naman at nakalabas ka na."

"Yeah." Tinuro niya si Evren. "He can do magic."

Napailing-iling ang dalaga saka niyakap siya ulit. "Pasalamat ka mayaman ka at may koneksiyon. I was worried. Desidido si Paul na ipakulong ka."

His face darkened in an instant. Paul really pissed him off. Titigil na sana siya e, ginalit na naman siya nito. Mali ang hakbang na ginawa nito. Paul just woke up the most monstrous side of him. Hindi niya makalimutan ang mga sinabi nito kanina. That maddened him more. Alam niyang mahal ito ni Anniza at hindi pa ito nakaka move on pero para siyang sinampal ng sabihin nito ang mga iyon kanina.

"Dark, bakit madilim na naman iyang mukha mo?" Tanong ni Anniza sa kanya na may pagkabahala ang boses nito.

"Galit ako."

Pinakawalan siya nito kaagad sa pagkakayakap at humakbang palayo sa kanya. Hindi na siya nagtaka sa ginawa nito, inaasahan na niya iyon. Alam niyang natatakot ngayon sa kanya si Anniza, natatakot ito na magalit siya baka bigla nalang siyang magwala tulad kanina at masaktan ito. That was normal. Anniza should be very scared of him, but he didn't want her to be. She wanted him to act normal around him just like before and not like this. Ito ang kinakatakot niya na mangyari kapag nalaman ni Anniza ang kasamaang ginawa niya.

He was a manipulative bastard and he would never take back whatever he did to Menzon.

"Let's go?" Sabi niya sa dalaga na nanatiling nakatingin sa kaniya.

Tumango naman si Anniza saka nauna nang lumabas ng presinto at sumunod naman siya. Bahala na si Evren sa kaso niya, kaya na nito iyon kahit wala siya doon.

Nang makasakay sila sa kotse ng mga magulang ni Anniza, bumaling siya kay Anniza. "Wanna talk?"

Umuling ito saka nagmaneho. "Ihahatid kita sa bahay mo," sabi nito saka huminga ng malalim. "Siguro mas makakabuti kung hindi ka muna matulog sa bahay mamaya."

Napasandal siya sa kinauupuan at walang buhay na tumawa. Ito na ang kinakatakot niya. Nangyayari na. At para hindi madagdagan ang takot ni Anniza sa kanya, hindi nalang siya umimik hanggang sa makarating sila sa labas ng gate ng bahay niya.

Gusto na niyang lumabas ng kotse at hayaan si Anniza, pero hindi niya kayang lumabas sa sasakyang 'yon hanggat hindi naririnig ang sasabihin ni Anniza sa kaniya. Kaya naman nagtanong siya.

"Galit ka ba sakin?"

NANG ITIGIL ni Anniza ang sasakyan sa labas ng bahay ni Dark, parang naninikip ang dibdib niya. Gusto niyang makasama ang binata. Gusto niya itong yakapin pero natatakot siya na baka galit ito sa kanya at gawin nito sa kaniya ang ginawa nito kay Paul.

It scared the shit out of her!

Akala niya ay lalabas na si Dark sa sasakyan ng bigla nalang itong humarap sa kanya at nagtanong.

"Galit ka ba sakin?"

Dahan-dahan siyang napabaling dito. "A-Ano?"

Huminga ito ng malalim. "Paul was right, I am a monster. I can do worse than that. I can even destroy his life if I want to."

"Why?" Niyakap niya ang sarili saka nagtanong ulit. "Why did you do those things to Paul?"

Nang sumagot ito, nandoon na naman ang galit sa boses nito. "Sinaktan ka niya at bayad 'yon sa pananakit niya sayo."

Parang may humaplos sa puso niya sa rason nito. He ruined Paul's business for her? Who the hell would do that? Only Dark. Pero hindi mawala ang takot na nararamdaman niya rito. What if he got mad at her? Gagawin din ba nito sa kanya ang ginawa nito kay Paul? 'Yon ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili niya.

"Anniza," Mahina nitong sambit sa pangalan niya ng hindi siya umimik. "Talk to me, baby, please..."

Huminga siya ng malalim saka mas humigpit ang yakap sa sarili. "Ako ang sinaktan, Dark, hindi ikaw. Dapat ako 'yong magalit—"

"Yun na nga, e. Mukhang hindi ka naman galit kaya ako nalang ang magagalit para sayo," sansala nito sa sasabihin niya. "Hindi ka nga maka-move on, e. Galit ako sa kanya kasi ang babaeng bumabaliw sa puso ko, ininsulto niya. He has no right to hurt you and made you cry. Wala siyang karapatang lukohin ka at wala siyang karapatan na angkinin ka ulit pagkatapos ng panlolokong ginawa niya sayo. He has no right to hurt the woman that makes my heart beat so darn fast."

Nakaawang ang labi na bumaling siya sa binata. "A-Anong sabi mo?"

Puno ng pagsuyo na tinitigan siya sa mga mata ni Dark. "Anniza, hindi ka naman siguro manhid diba? Sa tingin mo gagawin ko ang lahat ng 'yon dahil lang sa wala? I like you so much, Anniza. No, scratch that, I'm falling for you, agápi mou. I'm falling fast and hard and deep. Pasensiya na kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko kay Paul. Pasensiya kung masama ang ugali ko sa kanya. Pasensiya na kung hinayaan ko ang puso ko na mahulog sayo kahit alam kong mahal mo pa rin si Paul. Pagpasensiyahan mo na talaga, Anniza. Nilabanan ko naman, e. Pero ang puso ko yata ang kalaban ko na hinding-hindi ako mananalo. Not that I like to win. It would be my greatest pleasure to seat back and let my heart fall for you even more."

She was in shell shock. Umaasa siya na maririnig ang mga salitang iyon sa labi ng binata pero hindi siya umasa na ngayon niya maririnig iyon. Wala siyang maisagot. She couldn't form a coherent word to say to Dark. At mukhang iba ang pagkakaintindi niyon ng binata.

Nagbaba ng tingin si Dark. "Hindi mo naman kailangang sagutin ako kaagad, lalo na pagkatapos nang nangyari ngayon. Gusto ko lang na malaman mo ang nararamdaman ko para sayo. Gusto kong malaman mo kasi hindi ko kayang makita ang takot sa mga mata mo ngayon kapag tumitingin ka sakin dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo at ipapaintindi na hindi kita kayang saktan tulad ng ginawa ko kay Paul." Ibinalik nito ang tingin sa kanya saka sinapo ang mukha niya at pinakatitigan siya. "Anniza, hindi kita kayang pagbuhatan ng kamay kung yan ang iniisip mo kaya natatakot ka sakin. Hindi kita kayang saktan, masyado na akong nababaliw sayo para saktan kita. Mas pipiliin ko pang saktan ang sarili ko keysa ang saktan ka."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Agápi mou, I'm in love with you. Nakakapagod na rin kasing itago 'to e kaya sasabihin ko aa sayo ngayon. Nakakapagod nang itago ang palihim na pagtibok ng puso ko para sayo. Pero ayokong maging epokreto at sabihin sayong maghihintay ako hanggang sa hindi ka na matakot sakin at mahalin mo na ako. Kasi napakahirap mag hintay, Anniza. Pero para sayo, susubukan kong maghintay. Hanggang sa dumating ang araw na masabi mong 'Dark, mahal din kita'."

Hindi alam ni Anniza kung anong sasabihin niya. She was speechless. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin sa binata. Parang na-blangko ang isip niya dahil sa mga pangyayari ngayong araw, lalo na sa pinagtapat nito sa kanya ngayon.

What Paul did to her made her heart wary to love again. And now that her heart had chosen to beat for Dark, she wanted to be sure if she really loved him after what happened today. Ayaw na niyang masaktan pa. Ayaw na niyang magkamali ng lalaking mamahalin. Ayaw na niyang umiyak dahil sa pag-ibig. Kaya sisiguraduhin muna niya ang lahat bago niya sabihin ang tatlong kataga na iyon.

"Anniza... please... talk to me." May pagmakaawa na sabi ni Dark.

Nag-iwas siya ng tingin saka tinanggal niya ang kamay nito na nakasapo sa mukha niya. "I need time to think, Dark."

Nawalan ng imik ang binata. Kapagkuwan ay binuksan nito ang pinto ng passenger seat. At nang makalabas ito at akmang isasara ang pinto, bumaling siya rito at hinuli ang mga mata nito.

"Mas makabubuti siguro kung huwag ka munang pumunta sa bahay," sabi niya.

Pain crossed his eyes, but he just nodded. "Kung 'yan ag gusto mo, ikaw ang masusunod. Basta tandaan mo, mahalaga ka sakin, Anniza, at hinding-hindi kita kayang saktan."

Tumango siya saka siya na ang nagsara ng pinto at pinausad niya ang sasakyan palabas ng Bachelor's Village, palayo kay Dark.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro