CHAPTER 17
CHAPTER 17
NANG lumapag ang eroplanong sinasakyan nila ni Dark, kaagad siyang iginiya ng binata palabas ng eroplano. At habang naglalakad sila patungo palabas ng airport, halos lahat yata ng babae ay nakatingin kay Dark. Ang iba naman ay nakatingin sa kanya ng puno ng inggit at panghuhusga ang mga mata dahil siguro siya ang kasama ni Dark.
Normal lang naman ang inggit at panghuhusgang nakakikita niya sa mga mata ng kababaehan. Dark 'The Greek' Montero was downright gorgeous. Simpling cargo pants at white shirt lang ang suot nito pero talagang mapapalingon ka talaga sa kaguwapuhan at kakisigan nitong taglay.
At habang katabi niya itong naglalakad, wala siyang hiyang maramdaman tulad ng dati na ayaw niyang may nakakakita sa kanilang magkasama ni Dark dahil baka ikahiya siya nito. Ngayon, alam niya walang pakialam si Dark kung plus size man siya at wala siyang dapat ikahiya kung ganoon man ang katawan niya. At kung walang pakialam si Dark kung plus size siya, mas lalaong wala siyang paki sa mga taong hindi niya kilala na nakatingin sa kanya. Wala siyang pakialam sa mga mapanghusga nitong mga tingin. Ang importante, sa mga mata ni Dark, walang panghuhusga siyang nakikita doon.
And slowly, she was accepting herself for who she really was. And that was thanks to Dark.
Nang makalabas sila ng airport, kaagad siyang iginiya ni Dark patungo sa limousine na nakaparada doon. Pigil ni Anniza ang mapaaawang ng makompermang doon nga sila sasakay at hindi lang nagkamali si Dark ng sasakyang nilapitan.
May lalaking matuwid na nakatayo sa tabi ng pinto ng sasakyan at nang makita nito si Dark, bigla itong yumuko sa binata at nagsalita. "Welcome, your highness," anang lalaki. "Pós eísai?"
Your highness? Nagtatakang napatitig siya kay Dark na nakangiti sa lalaking nakaharap nila.
"Ikov!" Tinapik ni Dark ang balikat ng lalaki na matuwid na nakatayo na para bang isang bodyguard. "How are you? It's been years."
"Five years, your highness," anang lalaki na ngayon ay nakatingin ng tuwid kay Dark.
Bumaling sa kanya si Dark at pinakilala siya sa lalaking nakatayo sa harapan nila. "Ikov, this is my lady, Anniza Gonzales." Nginitian siya ng binata saka kinindatan. "Anniza, this is Ikov, my personal butler when I was in high school."
Personal Butler?
Natigilan si Anniza at bahagya siyang napaatras sa gulat ng yumukod si Ikov sa kanya. "Welcome to Greece, Lady Anniza."
Umawang ang labi niya saka nakangiwing napangiti. "Hi." May pag-aalangan ang boses nito. "N-nice to meet you."
Tumango si Ikov at bumaling kay Dark saka dito naman ito yumukod bago nagsalita. "You got a very lovely lady, your highness."
Puno nang pagmamalaki na ngumiti si Dark. "I know, right?"
Naguguluhang bumaling siya kay Dark saka nagtatakang nagtanong. "Bakit ka niya tinatawag na your highness?"
Sa halip na magpaliwanag, nginitian lang siya ni Dark. "Wala 'yon. Huwag mong pansinin si Ikov." Bumaling ito kay Ikov binubuksan na ang pinto para sa kanila. "Ikov, please, stop calling me your highness."
Tumango lang ang lalaki at iminuwestra ang kamay sa loob ng limousine.
"Efkharistó, Ikov," ani Dark saka bumaling sa kanya at bumulong, "efkharistó means thank you."
"Parakaló, your highness," ani Ikov na ikinailing ni Dark.
"It just Dark, Ikov," Dark corrected before he entered the limousine.
Nang sumara ang pinto ng limousine, humarap siya kay Dark. "Nasaan ang mga bagahe natin?" Nagtatakang tanong niya sa binata na pinaiwan ang bahagi nila kanina sa eroplano nito. "Teka, ano ang ibig sabihin ng para—whatever na 'yon? At saka bakit ka niya tinatawag na 'your highness'?" Sunod-sunod na tanong niya.
"It's nothing," sagot nito saka niyakap siya sa beywang mula sa tagiliran at nginitian siya. "Parakaló means you're welcome. At kung ang bagahe naman natin ang inaalala mo..." May itinuro ito sa labas ng bintana. A man, no, a security guard was carrying their luggages. Ibinalik niya ang tingin kay Dark. What the hell? Bakit security guard ang nagdala ng bagahe nila?
Marami pa siyang katanungan na gustong itanong sa binata pero nawalan na siya ng pagkakataon dahil ang mga labi nito ay nasa leeg niya, hinahalik-halikan siya doon habang kinakagat ang balat niya sa leeg. Gusto niyang itulak ang binata palayo para magkaroon siya ng pagkakataong magtanong pero kaagad siyang nadarang sa init ng katawan dahil sa ginagawa nito, lalo na nang dumako ang dila nito sa gilid ng tainga niya at hinalikan nito ang likon niyon.
Napalunok siya. Good God! This man could distract him with just a kiss. Nawala sa isip niya ang tanong niya rito kanina.
Pigil niya ang daing na gustong kumawala sa mga labi niya pero kalaunan ay hindi rin niya napigilan. Napaungol siya ng ipasok nito sa tainga niya ang dulo ng dila nito. Ang kiliting nararamdaman niya sa ginagawa nito ay siyang nagpapa-init sa katawan niya. Kapagkuwan ay pinaglandas nito ang dulo ng dila sa balikat niya at pabalik na naman sa leeg niya, patungong tainga saka bumulong doon. "Here in Greece, you're mine, Anniza," bulong nito saka kinagat ang gilid ng tainga niya habang tinutudyo iyon ng dila nito. "Say that you're mine, agápi mou." Gumapang ang kamay nito patungo sa bahagyan niyang nakabukang hita. "Say it."
"Yours." Para siyang kinakapos ng hininga habang panay pa rin ang halik nito sa leeg niya at ang kamay ay nasa mga hita niya. "I-I'm yours," nakapikit niyang sabi habang bakas sa mukha ang sarap ng ginagawa nito sa katawan niya.
"Oh..." Hindi niya napigilan ang daing ng maramdamang hinahaplos ng binata ang pagkababae niya na natatakpan ng jeans na suot gamit ang kamay nito. "Dark...Oh..." He was rubbing his fingers against the center of her open thighs.
"Oh!" Napakapit siya sa bisig ng binata ng maramdamang nag-uumpisa na siyang mabasa. "Oh, God...Oh, Dark..."
At mga labi ni Dark na nasa leeg niya ay gumapang patungo sa pisngi niya saka dumako iyon sa mga labi niya. Kaagad na tinugon niya ng mapusok ang halik nito at sinapo niya ang mukha nito para mas mabigyang diin ang paghalik niya rito. Hanggang sa maramdaman niyang umuusad na ang sinasakyan, mainit pa rin silang naghahalikan ni Dark.
And the next thing Anniza knew, their kisses turned into a hot make out session. Paharap siyang umupo sa hita ni Dark habang idinidikit ang mayayaman niyang dibdib sa dibdib ng binata at ang mga labi niya ay mapusok na nagpapalitan ng halik. Ang mga kamay ni Dark ay humahaplos sa lahat ng kaselanan sa katawan niya at napapadaing siya sa sarap, samantalang ang mga kamay naman niya ay nasa loob na ng suot nitong cargo pants at itinataas-baba ang kamay na nakahawak sa matigas nitong pagkalalaki.
"Oh, Anniza..." Ungol ni Dark habang itinataas-baba niya ang kamay na nakahawak sa kahabaan nito. "Baby, oh, faster..."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi ni Dark at pagbibigyan na sana niya ang hiling nito ng dahan-dahang tumigil ang sinasakyan nila.
Napatigil siya sa paghalik kay Dark at nagkatitigan sila. Bumaling siya sa bintana at sumilip siya sa labas. Napakunot ang nuo niya ng wala naman siyang makitang bahay. All she could see was a very wide well-trimmed bermuda grass. May mga nakalilok na tao sa bato na naka-display at may malaking fountain sa gitna.
Malakas na napabuntong-hinga si Dark saka hinalikan siya sa baba. "Nandito na tayo."
Ibinalik niya ang tingin kay Dark. "Talaga?"
"Yes."
Dahan-dahan niyang inilabas ang kamay na nasa loob ng cargo pants nito saka pilya niya itong nginitian. "Later."
"Yes," Dark whispered. His eyes were sporting with lust and desire as he kissed her lips. "Later, agápi mou."
Ilang segundo niyang tinugon ang halik ni Dark. Kapagkuwan ay siya mismo ang pumutol no'n at umayos siya ng upo sa tabi nito habang inaayos ang damit niyang nagusot at ang buhok niyang nawala sa ayos. Nang hindi pa siya nakontento, inilabas niya ang salamin sa pouch niyang dala saka tiningnan ang sarili sa salamin, nang makitang maayos naman ang itsura niya, nakahinga siya ng maluwang. Pero ng akmang maglalagay siya ng lipstick sa labi, pinigilan siya ni Dark.
"Don't." Inagaw nito sa kanya ang lipstick saka binalik sa pouch niya. "Huwag mong masyadong pagandahin ang sarili mo baka may magkagusto pa sayo rito." Hinalikan siya nito sa mga labi. "And besides, how would I kiss you senselessly if your lips are covered with lipstick?"
Naiiling na inirapan niya ito saka ibinalik ang salamin sa pouch.
"Come on," ani Dark at pinagsiklop nito ang kamay nila saka binuksan ang pinto at hinila siya palabas ng sasakyan.
Nang tuluyan siyang makalabas sa limousine at nakita ang bahay na hinahanap niya kanina ng sumilip siya sa bintana ng sasayan, halos malaglag ang panga niya sa sobrang gulat sa nasa harapan niya.
No... It wasn't a house. It wasn't a mansion either. It was a freaking palace!
Ang daming katanungang nagrarambolan sa isip niya. You highness. This Palace. Dark's wealth. Personal Butler. Jesus Christ... sino ba talaga si Dark Montero?
Nakatanga parin siya habang nakatingin sa palasyong nasa harapan ng lumapit sa kanya si Ikov at imunuwestra ang kamay sa napakalaki at napakalapad na pinto ng palasyo.
"Welcome to Stavros Palace, Lady Anniza," ani Ikov kasabay ng pagbukas ng malapad at mataas na pinto ng palasyo. "The Royal house of Stavros and its occupant hope that you enjoy your stay."
Wala siyang maitugon kay Ikov, basta nakaawang lang ang labi niya sa gulat at pagkamangha sa nakikita.
Good gracious! This was overwhelming.
When Dark pulled her towards the open door, she was still in shock.
At nang makapasok sila sa palasyo, lahat ng babae at lalaki na naroon na sumalubong sa kanila ay yumukod ng makita silang pumasok ni Dark.
"Kalós írthate píso, Prince Dark," sabay-sabay na sabi ng mga ito.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at biglang nalamig ang buo niyang katawan. Mabilis siyang bumaling kay Dark na nakangiti sa mga sumalubong sa kanila. "Prince? Ikaw?" Napakurap-kurap siya. Pakiramdam niya umiikot ang paningin niya sa mga impormasyong hindi pa kayang iproseso ng isip niya. "Prinsipe ka?"
Humarap sa kanya si Dark saka tumango ito at hinalikan siya sa mga labi. "Yes, I am Prince Dark Nikolov Megalos Stavros Montero, the Prince of the Royal House of Stavros. And you, Anniza Gonzales, is my lady and my princess."
Hindi niya alam kung bakit, baka sa sobrang halo-halong emosyong nararamdaman niya, nagdilim ang paningin niya at bigla nalang siyang nawalan ng malay.
BAGO PA BUMAGSAK ang katawan ni Anniza sa sahig, mabilis niyang nasalo ang dalaga at kaagad niya itong binuhat. Dahil siguro sa gulat at sa nabasa niyang kaguluhan sa mga mata nito kaya bigla nalang itong nawalan ng malay. Anniza tend to overthink sometimes. That was why he did not tell her about him being a Prince in the Royal House of Stavros. Kahit pa nga matagal na niyang tinalukuran ang titulong 'yon, sa tuwing bumibisita siya dito sa Greece, nanatili pa rin ang titulong 'yon sa kanya.
She was shock. Nakita niya iyon sa mukha nito kanina. Kung alam lang niyang mawawalan ito ng malay, sana sinabi niya bago lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. Pero ayaw naman niyang malaman nito na prinsipe siya. Wala naman kasi 'yon sa kanya, e. His title ddn't mean anything to him. Hindi niya ipinagmamalaki na orinsipe siya kaya nga hindi niya sinabi rito. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano-ano. Nahihirapan na nga itong tanggapin siya bilang siya, ano pa kaya kung magpapakilala siyang prinsipe?
Napailing-iling nalang siya.
He carried Anniza towards his room. His woman needed to rest.
"Welcome back, Prince Dark," ani ng babae na nakasalubong niya.
Ngumiti lang siya saka tumango.
"Welcome home, your highness," anang isa pang babae na nakasalubong niya.
Tumango lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad.
Marami siyang nakasalubong at panay ang bati ng mga ito sa kanya. Lahat yata ng tao sa palasyong ito ay alam na nagbalik siya. Minsan lang kasi siya bumisita kaya siguro ganoon. Abala kasi siya sa kanyang negosyo na pinamana sa kanya ng kanyang ama.
And even though he always denied his title, he was the Prince of the House of Stavros and, these people in the palace who keeps on welcoming him back, knew this.
Napabuntong-hinga nalang siya. At nasisiguro niyang na ang pagiging prinsipe niya ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Anniza.
Nang nakarating siya sa labas ng silid niya, naroon si Ikov at hinihintay siya. Dala nito ang mga bagahe nila ni Anniza.
Binuksan ni Ikov ang pinto ng kuwarto niya. "You may enter your highness."
Napailing-iling si Dark habang naglalakad papasok sa silid niya. Kahit talaga ilang ulit niyang sabibin sa mga tao rito sa palasyo na huwag siyang tawaging 'your highness,' hindi nakikinig ang mga ito sa kanya.
Maingat niyang ihiniga si Anniza sa malapad niyang kama at humarap kay Ikov na itinatabi ang luggage nila ni Anniza.
"Where's mamá?" Tanong niya rito.
"The Queen is having a meeting with the other Royal Houses," sagot ni Ikov. "Your highness will be dining with you later."
Tumango siya. "Okay. Thanks." Binalingan niya si Anniza na natutulog pa rin.
Kailangan kaya gigising si Anniza? He couldn't wait to show her around the Palace.
"Your highness?" Tawag ni Ikov sa pansin niya.
Bumaling siya kay Ikov na nasa may pinto na. "Yes?"
"Should I send someone to arrange your clothes?"
Natigilan siya at napakunot ang nuo. Kaya naman niyang gawin 'yon ng mag-isa. "No need. I can do it myself."
"We don't want to tire you, your highness," anito.
Napangiti siya. "Nah, I'm cool. Just call me when mamá arrives."
"I will, your highness." Ikov bowed again and stepped out from his room, then closed the door.
Bumuga siya ng hangin at tumabi ng higa kay Anniza. Medyo tinamaan siya ng Jetlag. Kulang kasi siya sa tulog. Halos buong biyahe nila ni Anniza ay nag-uusap lang silang dalawa.
Dark closed his eyes to rest. Mamaya na siya magpa-plano kung anong gagawin niya sa dalagang natutulog sa tabi niya.
NAGISING si Anniza sa isang maganda, magara, at napakalaking silid. Mabilis siyang bumangon at ipinalibot ang tingin sa silid na kinaruruonan niya.
The room was very huge. The walls and floor were covered with beige color marble. The ceiling was very high and it had an intricate designs. Mayroong apat na chandelier na nakasabit sa kisame at kung hindi siya nagkakamali, parang may mga diyamante yata ang chandelier. Maraming paintings na nakasabit at mayroon malaking salamin sa gilid, katabi ng isang magarang sofa na parang nakakailang upuan.
Anniza dragged her gaze to the left side of the bed and saw Dark sleeping peacefully.
Mataman siyang napatitig sa guwapong mukha ni Dark saka bumuga siya ng marahas na hangin. Dark was a freaking prince! A prince in flesh!
Unbelievable.
Dapat na ba siyang kabahan? Dapat na ba niyang asahan na talagang mawawala nga ito sa buhay niya dahil sa estado nito sa lipunan? Dapat na ba niyang ihanda ang sarili kapag umalis na ito? Dahil ngayon nasisiguro na niya, imposibleng seryosuhin siya ng isang prinsipe.
Natigilan siya ng makarinig ng katok sa pinto. Kaagad na dumako roon ang tingin niya.
Umayos siya ng upo sa gilid ng kama. Inayos ang sarili bago nagsalita. "C-Come in."
Bumukas ang pinto at may babaeng pumasok doon. Like her, the woman was plus size but she looked elegant in her color peach trendy V-Neck Sleeveless Lace Splicing Dress. Naiinggit siya sa babae. Sana may confidence din siyang magsuot ng mga ganoong klase ng damit pero nahihiya naman siya.
"Hello, Lady Anniza," nakangiting bati nito sa kanya.
She smiled. "H-Hi."
Bahagyang yumukod ang babae sa kaniya. "I am called Antasia, the Royal Fashion Designer of her highness. The Queen sent me here to fetch you."
The Queen?! Dark's mother? Mama Nikola?
Gulat na tinuro niya ang sarili. "M-Me?"
Tumango ito. "Yes, my Lady."
Tumayo siya. "O-Okay."
Kasama ang babae, lumabas sila sa magarang silid na iyon at halos mahulog ang panga niya sa sobrang ganda ng hallway na tinatahak nila.
The floor was covered with dark red carpet and flowers were engraved in the walls like vines along a fancy fence. The ceiling was high, but she noticed the ruby chandelier. It was so beautiful... and looked so freaking expensive!
Tumigil ang babae sa isang malaking pinto na may nakaukit na mga bulaklak. Kumatok muna si Antasia bago itinulak pabukas ang pinto.
"You highness, Lady Anniza is here," anunsiyo ni Antasia na kinagulat niya.
Dahan-dahan siyang pumasok sa silid at napakurap-kurap siya ng makitang isa iyong napakalaking salon na puno ng mga high tech na pampaganda. And adjacent to the salon was an open closet full of beautiful dresses in her size!
Malapad ang ngiting lumapit sa kanya ang ina ni Dark at niyakap siya ng mahigpit. "Holy heavens! I've been dreaming for this day to come!" She said excitedly. "Come here. I will make you prettier than you already are, and I will dress you up." Natutuwang pinalakpak pa nito ang kamay. "Oh, I'm so excited, dearest."
Nakaawang lang ang labi ni Anniza habang tinatanggal nito ang pagkakatali ng mahaba niyang buhok saka malapad na ngumiti. "Gosh! So excited!" Pinanggigilan nito ang pisngi niya. "Antasia, please ready Lady Anniza's bath. Use lavender scented body bath. After, you paint Anniza's nails gold. Okay?"
"Yes, my queen," kaagad na sagot ni Antasia at tumalima sa pinag-uutos ng Reyna.
Then Dark's mother started calling names. "Deborah, you do Anniza's hair. Hermia, please, pick an outfit that will make Anniza more beautiful, and Kristah, I want you to do Anniza's make up later."
Sabay-sabay na nag 'yes, my queen' ang tatlong kababaihan na tinawag nito.
Malalaki ang mga matang tumingin siya sa ina ni Dark. "Maam—" Napailing siya, ayaw pala nitong tawaging maam. "Mamá Nikola, I-I, ahm, I don't need this."
"Sure, you do, agapiménos." Hinalikan siya ni Mamá Nikola sa pisngi at nginitian. "We have a very glamorous party to attend."
Napakurap-kurap siya at napaawang ang mga labi. "P-Party?" Shit! Party wasn't her thing. Crap! Nakakahiyang pumunta roon!
Hinawakan siya sa magkabilang balikat ng ina ni Dark at iginiya siya patungo sa isang silid kung saan may bathtub na nakahanda na para sa kanya.
"Anniza, agapiménos, dearest, we are going to attend a party. Actually, it's a welcome party for you and Dark." Masaya itong ngumiti sa kanya. "All the Royal Houses in Greece will be attending and welcoming you both." Nagniningning ang mga mata nitong tumingin sa kanya. "Fantastic. Yeah?"
Itinikom niya ang nakaawang na bibig. "Y-Yeah."
Crap! This is going to be the death of me!
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro