Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

CHAPTER 24

NAGISING si Vienna na wala si Lander sa tabi niya. Nag-iwan lang ito nang sulat na pumasok daw ito sa opisina dahil marami na itong absent at napabayaan na nito ang trabaho. Naghilum na ang sugat si Lander sa likod kaya bumalik na ito sa trabaho.

Vienna understood, so she didn't bother him the whole day.

Kaya naman ang ginawa niya, dahil wala naman siyang gagawin, she cleaned the whole house. Vienna even cleaned the back and front yard. Pinalitan niya ang mga kurtina, iniba niya ang ayos ng ilang furniture's, pati na rin ang mga silid, dinesinyo niya sa gusto niyang ayos.

Bandang hapon na siya natapos. After that, she cooked herself lunch and ate. Ayaw niyang isturbuhin si Lander kaya hindi niya tinawagan ang kasintahan. Nilibang niya ang sarili para hindi ma-bore hanggang sa umuwi si Lander.

But Lander didn't go home. Sa halip, si Shun Kim o mas kilala niya sa tawag na Hellion ang dumating sa bahay ni Lander. May dala itong kulay pulang rosas at halos hindi maipinta ang mukha nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ng pagbuksan niya ito ng pinto.

Hellion grimaced in disdain. "Flowers for you."

Nagsalubong ang kilay niya. "I'm taken."

"Trust me, hindi kita type." Hindi maipinta ang mukha nito. "Galing 'to kay Lander."

Inirapan niya ang lalaki at kinuha ang bulaklak na hawak nito. There was a message for her. Nang basahin niya iyon, nagtaka siya.

Hey, my sweet. Sumakay ka sa kotse ni Shun. Trust him. I love you. – Lander S.

'Yon ang laman ng mensahe nito para sa kanya. Ano naman kaya itong pakulo ni Lander?

Bumuga siya ng hanging at lumabas ng bahay pagkatapos iyong i-locked. Sumakay siya sa Hammer na sasakyan ni Hellion at pinagmaneho siya nito patungo sa isang ... boutique? What the heck?

"Anong gagawin natin dito?" Naguguluhang tanong niya kay Hellion.

"Pumasok ka nalang, Light," anitong naiirita at nauna nang pumasok sa nasabing boutique.

Nang makapasok sila, kaagad na sinalubong sila ng isang sales lady. "What do you need, sir?"

Hellion looked at her and looked back at the sales lady. "Her size, sexy dress that can give a man a huge boner and it should be in color red."

Nakangiwing ngumiti ang sales lady. "T-This way, ma'am."

Pinukol muna niya ng masamang tingin si Shun bago sumunod sa sales lady patungo sa rack kung saan puro mga pulang damit ang naroon. Nagtataka pa rin siya kung bakit siya nasa loob ng isang boutique but Lander told her to trsut Shum. At iyon ang gagawin niya. Hindi siya ipapahamak ng kasintahan.

And then her eyes settled on the red halter dress. Suot iyon ng isang mannequin kaya alam niyang may kamahalan iyon.

Pero iyon ang gusto niya kaya iyon ang itinuro niya. "I want that one."

"Great. Now, pick a shoes or whatever you woman call that high shoes thingy," parang nagmamadaling sabi ni Hellion. "Pumili ka na at babayaran ko."

Akala niya nagsisinungaling lang si Hellion pero ito talaga ang nagbayad sa damit na napili niya. Wala siyang choice kundi pumili ng stiletto na babagay sa damit niya. Baka sakmalin nalang siya nito bigla. Nakikita niyang masama ang mood ng binata.

Naguguluhan pa rin siya habang sinusuot ang damit. Saan ba kasi sila pupunta? Ano ba ang pakulo mo, Lander?

Pagkalabas niya sa fitting room, suot na niya ang red halter dress at red stiletto.

Hellion looked at her from head to toe. "You clean up well."

Itinirik niya ang mga mata. "Saan ba talaga tayo pupunta?"

Hellion shrugged. "Secret. Come on."

Lumabas sila sa boutique at sumakay na naman sila sa sasakyan nito. Couple of minutes later, they stopped in front of a salon.

Vienna looked at Hellion dryly. "Really?"

"It's an order." Binuksan nito ang driver's seat. "Get out of the car," anito sa kanya bago lumabas ng sasakyan.

Naiiling na lumabas siya ng sasakyan at napakahirap kasi napakataas ng sasakyan nito at naka stiletto siya. Peste!

Sabay silang pumasok ni Hellion sa loob ng salon. Kaagad silang sinalubong ng isang bakla.

"Ano ang sa inyo, sir?" Maarteng tanong ng bakla sa kanila.

Hellion looked at her face. "Make up."

"Anong klaseng make-up?" Tanong ng bakla. "Anong klaseng event ang dadaluhan niyo?"

"Ahm—"

Hellion interjected. "Make up that says I'm getting married tonight. Magagawa niyo ba o hindi?"

Gay being gay, he commented. "Diba bawal magpakasal kapag pula ang damit? Parang hindi raw 'yon maganda."

Napuno ng iritasyon ang mukha ni Hellion. "I'm half Japanese and our wedding gown is color red. It's a sign of good luck." Pagkasabi niyon tumalikod ito at naglakas patungo sa pinto ng salon. "Hihintayin kita sa sasakyan," sabi nito bago tuluyang makalabas.

"Ang taray naman ng kasama niyo, ma'am," komento ng bakla.

Nginitian lang niya ito at hinayaan na make-up-pan siya.

Laking pasasalamat niya ng matapos siyang make-up-pan ng bakla. And to her surprise, nagbabayad na sa counter si Hellion ng bumaling siya patungo sa cashier para sana magtanong kung magkano ang babayaran niya.

"Come on," ani Hellion na naglalakad na patungo sa pintuan. "Let's go."

Who would have thought that Hellion would be so freaking bossy?

NAGSALUBONG ang kilay ni Vienna ng huminto ang sasakyan ni Hellion sa Sudalga Pier. Nakadaong doon ang cruise ship ng hilaw niyang kapatid.

"Anong ginagawa natin dito?" Naguguluhang tanong niya kay Hellion.

He just shrugged. "Good luck." Pagkasabi niyon ay patakbo itong pumasok sa loob ng cruise ship at iniwan siyang naguguluhan.

Vienna walked towards the entrance. Naririnig niya ang pagtama ng alon sa barko at para iyong musika. Nakangiti siyang naglakad papasok sa cruise ship at biglang naglaho ang ngiting iton ng may makakita ng red carpet na puno ng nagkalat na red rose petals.

The lights in the hallway were very bright at mayroon siyang naririnig na malamyos na musika. Bumalik ang ngiti sa mga labi niya. Halos maglupasay sa kilig ang puso niya. Isang tingin palang sa paligid niya, alam niyang si Lander ang may kagagawan nito.

Maliban sa red carpet, mayroon pang mga red tulips and roses na nakatahi yata sa gilid ng red carpet para magmukha iyong daanan ng isang prinsesa. It looked breathtaking. Para sa isang babaeng gustong-gusto ang kulay pula, parang nasa dreamland siya.

Tinahak niya ang daan na binabaybay ng red carpet at napahikbi siya ng makarating sa dulo no'n. "Really, Lander?" Humihikbing tanong niya. "You surprised me, you moron."

Lander just smiled at her. Nakatayo ito sa gilid ng isang altar na apat na metro ang layo sa kanya. Walang mga upuan. Nakatayo lang ang kakambal at kapatid ni Lander. Naroon din ang sekretarya nito at syempre pa ang mga kaibigan nito na bilang lang ang kilala niya. At syempre naroon din ang hilaw niyang kapatid at si Cali.

Lahat ng tao roon ay naka-kulay red na damit. Pati ang altar ay napapalibutan ng kulay red at gold na tela. Napakaganda niyon sa mga mata niya. Even Lander himself was wearing a red and black tuxedo! Her favorite color. Damn! This man knew how to make her say I do.

"Sorry," nakangiting tugon ni Lander habang nakatingin sa kanya. "Kung sinabi ko sayo, hindi na 'to surprise."

"You surprised me, all right," Umiiyak pa ring aniya.

"That's the plan."

"Moron."

"Beautiful."

Napailing-iling nalang siya sa tugon nito. This man could make her heart die in so much love and happiness.

Umawang ang labi niya at hindi siya makapaniwala ng makita niya ang kaniyang daddy at mommy na magkasamang naglalakad palapit sa kanya. May ngiti sa mga labi ng mga ito at halatang masaya ang mga ito para sa kanya.

When her parents reached her, hinawakan siya ng mga magulang niya sa magkabilang braso. "Kailan ka pa rito, daddy?" Tanong niya sa ama habang hindi parin mapatid ang mga luha niya.

"Lander called me two nights ago. Kaya naman nakarating ako para sa kasal niyo."

Lander had been planning this for days? Bakit hindi man lang niya nahalata?

Binalingan niya ang kaniyang ina. Walang emosyon ang mga mata niya. "Anong ginagawa niyo rito?"

"I know what I did was wrong, pero hindi ko na mababago iyon. I'm sorry, Vienna. Alam kong makapal ang mukha ko para umattend sa kasal mo pero gusto kong kahit papaano, maging parte naman ako sa espesyal na araw mo. Kahit ngayon lang. Pangako, aalis din ako pagkatapos."

Vienna felt her heart tightened for her mother. Kahit anong tanggi ang gawin niya, hindi niya maikakaila na kahit iniwan sila ng kaniyang ina, mahal pa rin niya ito.

Nagbaba siya ng tingin. "Stay, mother." Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mga luha niya. "I want you to stay for my wedding," aniya at ibinalik ang tingin dito.

Her mother's eyes watered. "Thank you." Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. "Maraming salamat, Vienna."

Tumango siya at tumingin kay Lander na naghihintay sa kaniya sa altar habang may matamis na ngiti sa mga labi. She smiled back at the man she loved.

Nang mag-umpisa siyang maglakad palapit dito, pumailanlang ang isang maganda musika.

Napangiti si Vienna ng marinig ang liriko ng kanta. She knew the song pretty well. It's 'I've been waiting for you by Guys Next Door'.

Nakarating na siya sa harapan ni Lander at ibinigay na ng daddy niya ang kamay niya sa binata. "Take good care of my daughter, Lander Storm," ani ng ama niya.

"I will, sir."

Her father smiled. "It's dad, Lander. Call me dad."

Bumakas ang kaligayahan sa mga mata ng binata pero may kalungkutang kumislap sa mga mata na agad din naming naglaho. Maybe he missed his parents.

"Mahalin mo ang anak ko, Lander." Ani naman ng ina niya bago siya iniwan ng mga ito sa harap ng altar.

Kanina pa huminto ang mga luha niya kaya naman nakangiti na siya ngayon habang magkahawak kamay sila ni Lander.

"Kasal talaga, Lander? Hindi ka man lang muna nag-propose?" Tanong niya at nagtawanan ang dumalo sa seremonyang iyon.

"Man, that's sick! Mag-propose ka muna." Sigaw ng hilaw niyang kapatid na itinaas pa ang hawak nitong isang bote ng whiskey.

Lander flipped off Cali na tinawanan lang ng huli.

Kapagkuwan ay hinaplos ni Lander ang pisngi niya. "I already did, remember? Sa may duyan."

Natatawang napailing-iling siya. "Akala ko nagtatanong ka lang."

"I was asking if you want me to be your husband and you said yes. I don't think I need to propose anymore. Sapat na sa akin ang sagot mo, baka magbago pa isip mo," nakangiting wika nito. "Pero para sayo." Bigla itong lumuhod na ikinasinghap niya.

"Lander!"

"Will you marry me, Vienna?" Lander asked then put a ring with a ruby stone in her finger. "Say yes, para makasal na tayo, para maging akin ka na talaga."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilang tumili sa sobrang saya na nararamdaman. "Yes, Lander. I will marry you."

"Good answer, my sweet." Tumayo ito at iginiya siya paharap sa altar.

Humarap silang dalawa sa lalaking nakabarong. Hindi ito mukhang pari and she was right.

"I'm Judge Cardenas at narito ako para ikasal kayo," sabi ng lalaki na nasa harapan nila at nag-umpisa na ang seremonya.

"Lander Storm, do you take Vienna Sugon to be your lawfully wedded wife?"

"Yes," sagot ni Lander habang buong pagmamahal na nakangiti sa kanya.

"Vienna Sugon, do you take Lander Storm to be your lawfully wedded husband?"

"Yes," sagot niya.

Ngumiti ang judge at may iniabot sa kanilang singsing. "Say your vows to each other."

May exchanging of vows ba kapag kinakasal sa huwes? Parang wala naman. Mukhang napansin ng Judge ang ekspresyon ng mukha niya.

"Mr. Lander requested for you two to share vows like a church wedding," paliwanang ng huwes.

Napatango-tango siya.

Si Lander ang naunang isinuot ang singsing sa daliri niya. "I requested a sharing of vows, pero hindi ko alam ang sasabihin ko. May kodigo ako rito pero ayokong mag-kodigo ngayon. I want it to come from my heart." He smiled lovingly at her. "I hate the color red, dahil pinapaalala ng kulay na iyon ang pagkawala nang mga magulang ko. I saw their blood scattered on the pavement. Since then, ayoko nang makakita ng kahit na anong pulang bagay. I'm scared of that color. And then you came. You were wearing a red dress when I first saw you outside Cali's house while it was raining cats and dogs and I was like, what the hell? Yet I found you beautiful, breathtaking and in that moment, you captured not just my heart but all of me. It was just months after my graduation. Naiinis ako sayo noon actually. Ang hilig mo sa kulay pulang damit kaya hindi ako maka-porma. Kasi para sa akin isang warning sign ang kulay na iyan. But then again, you can't win a war against your heart. I fell for you, hard and fast. Wala akong pakialam kung pinturahan mo pa ang katawan mo ng kulay pulang pintura. Ang mahalaga kasama kita."

"And when we made love that night, I fell harder. You offered a relationship. Nangako kang hindi mo ako iiwan. Sabi mo gusto mo akong makasama at iyon din ang gusto ko. Pero iniwan mo ako, nagalit at nasaktan ako ng sobra. You gave me another reason to hate the color red. Pinapaala kasi ng kulay na iyon ang pagkawala nang mga mahal ko sa buhay at ang pag-iwan mo."

Huminga ito ng malalim. "But you came back and we settled our feelings for each other. Alam kong in-denial ako at ayokong aminin na mahal pa rin kita, pero ngayon, habang nakatayo ako sa harapan mo, kayang-kaya ko na iyong ipagsigawan sa buong mundo. Mahal na mahal kita Vienna at isa lang ang maipapangako ko, iyon ay ang hindi ako magsasawang mahalin ka habang nabubuhay ako sa mundong ito."

Vienna was crying again. Panay ang hikbi niya sa mga sinabi ni Lander. Kainis naman, e. Hindi niya alam na ganoon pala ang disgusto ni Lander sa kulay na pula. But he loved her anyway kahit na ayaw nito. He must had been horrified to see her blood on his hand when she got shot. God! Lander really loved her so much and she was so lucky to have him.

Kinuha niya ang singsing at humanga siya sa disenyo niyon. May mga maliliit na pulang bato na nakabaon sa singing. Pareho sila ng disenyo ng singsing ni Lander.

Tumikhim siya at isinuot ang singsing sa daliri ni Lander. "My vow, huh? Hindi ako handa kasi ginulat mo ako."

Lander chuckled. "It's okay. Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin sakin. Just like what I did."

"Ang gustong kong sabihin sayo?"

Lander nodded.

"Well, first of all, I didn't mean to hurt you.," Vienna started. "Naipaliwanag ko na sayo ang dahilan nang pag-alis ko."

"And I understand."

"Thank you." She took a deep breath. "Second, I just want to say thank you for giving me a chance to be with you and for loving me again. Wala akong pakialam kong pakipot ka o denial king. May karapatan ka naman kasing maging ganoon kasi sinaktan kita at naiintindihan ko 'yon. Nagpapasalamat ako at minahal mo akong muli. Sapat na sa akin 'yon. Wala na akong mahihiling pa sa diyos."

"Lander, ang maipapangako ko lang sa'yo ay ang hindi kita iiwan kahit ano pa man ang mangyari. Hindi ako aalis sa tabi mo. Mananatili ako sa iyong tabi at mamahalin ka hanggang sa kunin ako ng diyos. Pero kahit mawala na ako, makaasa kang nariyan pa rin ako sa tabi mo at nagmamahal ng lubos sa'yo. I love you so much, Lander. I can't live without you."

"Me too, my sweet. Me, too."

Lumapat ang labi ni Lander sa mga labi niya at napapikit siya sa masarap na sensasyong dulot niyon.

"And I pronounce you man and wife," natatawang sabi ng Judge. "You may now kiss the bride."

Maraming nagpalakpakan at naghiyawan pero wala silang pakialam. Patuloy na naghalikan silang dalawa. Their heart was filled with so much love for each other. Hindi man pang-fairytale ang love story nila ni Lander, nasisiguro naman niyang ito ang kaniyang prince charming at siya lang ang nag-iisang prinsesa sa buhay nito. And she believed that they would live happily ever after.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro