
CHAPTER 10
CHAPTER 10
SA RECEPTION, walang kibuan si Krisz at si Train. Para silang mga estatwa na magkatabi. Nagsasalita lang silang dalawa kapag may kumakausap sa kanila. Hindi pa rin makapaniwala si Krisz na kasal na talaga sila ni Train. Isa na siyang Wolkzbin ngayon.
At ngayon, habang nasa eroplano sila patungo sa honeymoon nila, pareho silang walang imik ni Train. The were lost in their own thoughts and she knew that they were thinking the same thing. What now?
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. "Saan tayo pupunta?"
"Philippines," maikling sagot nito.
Hinarap niya ang asawa. Holy mother of Jesus! Parang may kung anong emosyon na lumukob sa puso niya ng tawagin niyang asawa si Train.
Tumikhim siya bago nagsalita. "Sa Pilipinas? Puwede bang magtanong kung bakit?"
Sumagot ito ng hindi tumitingin sa kanya. "Because you have a company to manage and I have some matters to take care of."
"How about the Wolkzbin Enterprise?"
"It can survive even if I'm not there," sagot nito sa walang emosyong boses.
"Okay." Huminga siya ng malalim at bumalik sa dating posisyon. "To the Philippines, then."
Nawalan na naman sila ng imik ni Train. Napansin niyang napakalalim an iniisip nito. Para itong nasa ibang dimensiyon habang naka-upo sa tabi niya.
Napatingin siya sa labas ng bintana ng eroplano. Napakadilim ng kalangitan. She sighed and leaned back on her seat.
Napapitlag siya ng maramdamang may humawak sa kamay niya na nasa armrest ng upuan. Hindi siya umangal o nagkomento ng pinagsiklop ni Train ang kamay nila.
Her heart was beating so damn fast, it fel like she just ran a marathon.
"Galit ka ba sa akin, Krisz?" Kapagkuwan ay biglang tanong ng binata sa kanya.
"Bakit naman ako magagalit sayo?" Balik tanong niya na nakakunot ang nuo.
"Kasi pinilit kitang pakasalan ako."
"No, you didn't." Binalingan niya ito at nahuli itong malamlam ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "Pumayag naman ako 'di'ba? At tulad ng sinabi mo, pareho tayong may makukuha sa kasalang ito. Ngayon, hindi na ako magsisinungaling na ikaw ang may-ari sa kalahati ng Romero's chains of hospitals, kasi talagang kahati na kita ngayon sa mga bagay na pag-aari ko."
"Is that so?"
Tumango siya, "yes."
Ngumiti ito at parang natunaw ang puso niya at kinilig. "Kung ganoon, sayo na rin ang kalahati sa lahat ng bagay na pag-aari ko. But there's one thing that I own which I want to give you whole."
Napakunot ang nuo niya. "Ano naman 'yon?"
Naging mesteryuso ang ngiti nito. "Sekreto. Malalaman mo rin kung ano 'yon sa tamang panahon."
Hindi nalang siya umimik at hindi nagkomento sa sinabi nito. Matigas din kasi ang ulo ni Train. Kapag sinabi nitong sekreto, sekreto talaga 'yon.
Umayos siya ng upo saka humilig sa likod ng upuan. "Good night, hubby."
Namingi si Krisz at parang biglang tumigil ang paghinga siya ng maramdaman niya ang malamabot na labi na humalik sa mga labi niya.
"Good night, moya zhena," bulong ni Train malapit sa tainga niya.
Bumaling siya sa dereksiyon nito at nagmulat ng mga mata. Her hazel eyes met his pale charcoal ones. Halong ilang dangkal nalang ang layo ng mga labi nila sa isa't-isa.
Pinisil niya ang kamay niya na hawak pa rin ang kamay niya. "Sabihin mo nga sa akin ang ibig sabihin ng sinabi mo ngayon-ngayon lang. I don't understand Russian language, Train. Kaya kung gusto mong hindi kita sapakin—"
Mahina itong tumawa na nagpatigil sa pagsasalita niya.
"Moya zhena means my wife," anito.
Kumunot ang nuo niya ng maalala ang mga salitang Russian na sinabi nito sa kaniya noon. "Paano ang tungkol sa mga Russian word na mga nabanggit mo noon sakin?"
Hinaplos ni Train ang pisngi niya. Nang dumako ang daliri nito sa gilid ng labi niya, nagsalita ito, "Ty takaya krasivaya, moya zhena."
Nagsalubong ang kilay niya. "Ano 'yon?" 'Yong moya zhena lang ang naintindihan niya na ang ibig sabihin ay 'my wife'.
"Ang sabi." Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya, "You are beautiful, my wife."
Tumalon ang puso niya sa sinabi nito. Halos marinig na niya ang malakas na pagtibok niyon at hindi na siya magtataka kung naririnig iyon ni Train.
"Am I ... beautiful?"
Tumango ito. "Oo. Hindi mo ba alam? Ty takaya krasivaya in anything you wear."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "S-Sinabi mo na sa akin iyan, sa labas ng penthouse mo. Naalala mo? Nuong unang beses na ... may nangyari sa atin." Namula ang pisngi niya sa huling sinabi. "Maganda ako kahit na anong suotin ko? Yon ang ibig sabihin no'n diba? Tama ba ako, Train?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Very beautiful, moya zhena. Ty moya, Krisz. Ty moya."
"What is ty moya?"
"Sa tingin ko marami na akong naituro sayong Russian word. Sa akin na muna 'yon," Anito habang nakangisi.
Inirapan niya ang asawa. "Sige, isaksak mo sa baga mo ang ty moya na 'yon."
Biglang sumeryuso si Train at matiim na tumingin sa mga mata niya. "Hindi ko lang siya isasaksak sa baga ko, pati pa sa puso ko, ibabaon ko."
Humalukipkip siya at ipinikit muli ang mga mata. "Ewan ko sayo. Hindi tayo bati."
Mahina itong tumawa saka ihinilig ang ulo sa balikat niya. "Sana maging masaya ang pagsasama natin."
"Sana nga," dasal niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. "Ito lang ang tatandaan mo, Train, kapag may ginawa kang hindi ko nagustuhan, pamilyar ka naman yata sa kasabing 'hell hath no fury against a woman scorned'."
"Hindi ako mambababae, promise," mabilis nitong sabi.
"Hindi naman kita pinipigilang mambabae." Sana nga hindi ito mambabae. "Ang sa akin lang, kung may napupusuan ka ng babae, magsabi ka lang at pakakawalan kita. Kaya please lang, huwag mo akong lukuhin kasi maiintindihan ko naman kapag nagsabi ka."
Ilang minuto itong natahamik kapagkuwan ay nagsalita rin. "Okay. Sasabihan kita kapag may nagpatibok na sa puso ko."
May kumudlit na sakit sa puso niya sa sinabi nito. Bakit ba siya nasasaktan sa isiping may mamahalin itong babae at hindi siya iyon?
"Okay," aniya at pinilit ang sarili na makatulog.
NANG MAKALAPAG ang private plane na pag-aari ni Train, sabay silang naglakad patungo sa exit ng airport. Pagkatapos ay sumakay sila sa Cadillac nito na naroon na sa parking lot at hinihintay sila. Thanked to Boggy.
Habang nagmamaneho si Train patungo sa kung saan siya nito balak dalhin, nakatingin lang siya sa dinaraanan nila.
"Sa penthouse ko tayo tutuloy," wika ni Train na bumasag sa katahimikan na nakapalibot kanila. "Ngayong asawa na kita, lahat ng gamit mo na nasa bahay niyo ay ipapakuha ko. At dahil pareho naman ang oras ng pasok natin sa trabaho, hindi mo na gagamitin ang sasakyan mo, isa lang ang kotse na gagamitin natin. Ihahatid at susunduin kita. Araw-araw."
Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. "Ano?" Nanlalaki ang matang binalingan niya ang asawa. "Bakit mo naman ako ihahatid at susunduin? For your information, Train, kaya ko ang sarili ko, hindi ako imbalido—"
"Hindi yan ang punto ko, moya zhena." Puno ng paglalambing ang boses nito ng banggitin ang salitang moya zhena na ang ibig sabihin ay 'my wife'. "Remember our deal? You will not associate with any male species other than me. Baka nakakalimutan mo na, pinapaalala ko lang."
Napamaang siya sa asawa. "Ano? Train, may I remind you na may mga lalaki akong empleyado. Hindi porke't mag-asawa na tayo ay hindi ko na sila papansinin."
"Ano naman ang gamit ng sekretarya mo?"
"Train, my secretary is a part of male species."
"Fired him then," mabilis nitong sagot na parang walang maapektuhan sa sinabi nito. "Maghanap ka ng babaeng sekretarya."
"My secretary is gay, Train."
"Lalaki pa rin siya."
Nagngingitngit ang kalooban na pinukol niya ito ng masamang tingin. "Anong hangin ba ang pumasok diyan sa ulo mo at ganito ka? Okay naman tayo kanina ah!"
"I'm a very possessive man, Krisz. Hangga't asawa kita, ayokong may lumalapit na lalaki sayo!" Madilim ang mukha na sabi nito. "Bakla man 'yon o hindi, wala akong pakialam. We have a deal, damn it!"
"Huwag mo akong pagtaasan ng boses!"
Natigilan ito at biglang lumambot ang mukha. "I'm sorry. Sometimes, I can't control my emotions."
"Huwag mo akong idamay sa ka-abnormalan mo," sabi niya sa matigas na boses. "Oo nga at may usapan tayo na walang ibang lalaki pero Train naman, empleyado ko 'yon. Be rationale!"
Humigpit ang hawak nito sa monabela ng Cadillac. He was gritting his teeth as he spoke. "I am a rationale man, Krisz. Pero pagdating sayo nagiging irrational ako. Nawawala sa tamang huwesyo ang utak ko. Kaya kung may sisisihin ka dahil ganito ako, sisihin mo ang sarili mo kasi nababaliw ako kapag malapit ka."
Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa asawa niya. Ano ang ibig nitong sabihin? Na nawawala ito sa tamang pag-iisip kapag malapit siya? Her heart was thumping hard.
Nagpapasalamat siya ng tumigil ang sasakyan nito sa isang mataas na gusali kung saan nasa pinakatoktok ang penthouse ni Train. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga sa mga sinabi ni Train.
Walang imik si Train na lumabas ng sasakyan at habang naglalakad patungo sa elevator, pero bago sila makarating, hinawakan siya nito sa braso at hinila siya nito patungo sa information desk.
"Hello, Mr. Wolkzbin. Good evening," anang magandang babae na receptionist. Halata sa kislap ng mga mata nito na may gusto ito kay Train. "It's nice to see you here again."
"Good evening," Aani Train na hawak pa rin ang siko niya.
Inayos ng babae ang pagkakasilip ng cleavage nito sa v-neck nitong uniform."What can I do for you, Mr. Wolkzbin?" Nang-aakit ang boses nito at naiinis siya.
Pinakawalan ni Train ang siko niya at inakbayan siya. "This is my wife, Krisz Romero Wolkzbin. Sa Penthouse ko na siya titira simula ngayon. By the way, tell your manager that I want to request another key-card for my wife. Thank you."
Hindi na hinintay ni Train na makasagot ang receptionist na nakatingin sa kanya na puno ng selos ang mga mata. Iginiya siya ni Train patungo sa elevator.
When the elevator closed, Train hugged her from behind and then kissed her nape.
"Train." Bahagyan siyang napadaing.
Pinaharap siya ni Train at isinandal sa pintuan ng elevator pagkatapos ay siniil ng mainit na halik ang mga labi niya.
Napaungol siya ng pumasok ang dila nito sa bibig niya. He explored her mouth like it was his. He kissed her like he was thirsty, and her mouth was water. Nang pakawalan nito ang mga labi niya, matiim siya nitong tinitigan. Puno ng pagnanasa ang mga mata nito.
"I want you, moya zhena." Inilapit nito ang labi sa tainga niya at hinalikan ang likod niyon. Mas dumadagdag sa init na nararamdaman niya ang nakakakiliti nitong hininga na tumatama sa taina at leeg niya.
Napalunok siya. "Train..."
"Please, Krisz, I want you."
Bago pa siya makasagot, tumigil ang elevator at bumukas ang pinto. Buti nalang nakakapit siya sa braso ni Train kaya hindi siya natumba dahil sa biglang pagbukas ng elevator.
Hinawakan siya ni Train sa kamay at hinila siya nito papasok sa penthouse.
In a blink of an eye, Krisz was pinned on the wall. Akmang hahalikan siya ni Train ng mag-ingay ang cell phone niya.
Naunahan siya ni Train na kunin ang cell phone niya sa kaniyang purse. Tumalim ang mga mata nito at nagdilim ang ekspresyon ng mukha ng makita kung sino ang tumatawag.
"Sino ba ang lalaking ito?" Nakatiim-bagang na tanong nito at ihinarap sa kanya ang screen ng cell phone niya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang tumatawag. It was Lath!
"Answer me, Krisz. Who is Mr. Flirt? Is he your lover or something?" Train's voice was filled with ... jealousy? It couldn't be... he couldn't be jealous.
Is he?
"K-kaibigan ko lang siya," kinakabahan na sagot niya. Sobrang dilim ng mukha nito at halatang galit.
Gumalaw ang panga nito tanda na galit ang lalaki. "May usapan tayo, Krisz. We have a fucking deal—"
"Mangungumusta lang naman siya." Sinubukan niyang agawin ang cell phone niya na hawak nito pero mabilis nitong itinaas ang kamay nito.
"Anong pangalan niya?" Tanong nito na may bahid pa ring galit ang boses. "Ano ang pangalan ng kaibigan mo?"
Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng asawa. Walang rason para matakot siya rito. Wala naman siyang ginagawang masama. There was no point hiding it. She would just be delaying the inevitable.
"His name is Lath Coleman," aniya. "And he is my best friend. Thanks to you."
Halos lumuwa ang mga mata nito. "Ano?"
"Dahil sayo naging kaibigan ko siya." Humugot siya ng isag malalim na buntong-hininga. "Lath is always there for me every time you hide from me. Sa walong taon, si Lath ang palaging nakikinig sa problema ko at sa mga hinaing ko sa buhay. Kaya please, ibigay mo sakin ang cellphone ko. Kailangan ko siyang makausap."
Parang nanhihinang bumaba ang nakataas nitong kamay sa ere kung saan hawak niyon ang cellphone niya. "Ganoon na kayo katagal na magkaibigan?"
Tumango siya. "Oo." Inilahad niya ang palad. "Give me my phone. Baka nag-aalala na 'yon sa akin."
Nang hindi nito inilagay ang cell phone niya sa nakabukas niyang palad, siya na ang kusang kumuha niyon. Nagpapasalamat siya at hinayaan siya nitong kunin ang cellphone niya na hawak nito.
"Salamat," wika niya kay Train at lumayo rito para kausapin si Lath.
TRAIN was frozen in place as he kept on replaying in his head what Krisz had said about Lath being her friend for eight fucking years. Hindi niya akalain na magkaibigan ang dalawa. Hindi nabanggit ni Lath nuong huli silang nag-usap. Kaya naman pala ng imbitahan niya ito sa kasal nila ni Krisz ay hindi ito dumalo sa kadahilanang may importante itong gagawin.
Was Lath in love with his wife? Naalala pa niya ang text nito na nabasa niya.
Napabuntong-hinga siya saka hinanap ang asawa niya. Nakita niya ang asawa na nasa kusina at nakikipag-usap pa rin kay Lath. He couldn't help but eavesdropped on his wife conversation.
"Hindi ko alam, Lath. Naguguluhan pa rin ako, e," wika ni Krisz sa kausap na nasa kabilang linya. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga sandaling ito."
Kapagkuwan ay ngumiti si Krisz. "Thanks, Lath. I'll call you if I can. Baka magalit na naman si Train." Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Ayokong nagagalit siya. Hindi maganda sa pakiramdam ko kapag galit siya. Parang may mali. Parang may kulang."
Napakurap-kurap siya. They felt the same way. Kapag pakiramdam niya ay galit sa kaniya si Krisz, hindi maganda ang nagiging pakiramdam niya.
"Yeah," anang boses ni Krisz. Kausap pa rin nito si Lath. "I'll do that." She giggled, which made him frown.
Ano kaya ang sinabi ni Lath para tumawa ng ganoon ang asawa niya?
"Thanks, Lath. I don't appreciate your advice ,but I'll do it. Malay mo naman." Tumawa ulit ito. "Okay. Thanks again. Bye."
Nang tapusin nito ang tawag mabilis siyang bumalik sa sala at umaktong parang hindi narinig ang pakikipag-usap nito kay Lath.
Natagpuan ni Krisz na nakaupo si Train sa mahabang sofa, nakasandal ang likod nito sa likod at nakapikit ang mga mata. Umupo siya sa tabi nito. "Train?" Tawag niya sa pangalan nito ng hindi magmulat ang mga mata nito.
Bahagyang bumuka ang mga mata nito. "Yeah?"
Humilig siya sa balikat nito. "Pwede bang bukas nalang ang honeymoon natin?" Alam niyang isa ang honeymoon sa mga karapatan ni Train bilang asawa niya pero ayaw niyang mangyari iyon ngayon gabi. Maliban sa kinakabahan siya, pagod din siya. "Pagod ako, e," dagdag niya.
Inakbayan siya ni Train saka pinahilig sa dibdib nito. "Sige. Bukas na ako maniningil."
Ipinikit niya ang mga mata, pagkalipas ng mahabang katahimikan, binasag niya iyon. "Train?"
"Yes?"
"Marunong ka bang kumanta?" Naghikab siya.
"Pangit ang boses ko. Wala ako sa tono."
Umayos siya ng pagkakahilig sa dibdib nito. "Kahit na. Pwede bang kantahan mo ako?" Hindi na niya kayang labanan ang kagustuhan ng talukap ng kaniyang mga mata na pumikit. "It's been a long time since someone sang me to sleep. Nakaka-miss din 'yon."
"Sige na nga." Parang napipilitan niyang sadi saka mahina ang boses na kumata, sapat na para marinig niya. "If I give you my heart, please don't tear it apart, 'cause this heart is for you. And If I say how I feel and you know that it's real, all I am is for you. But if I give you my heart, if I give you my heart, please be good to me—"
Napatigil ito sa pagkanta ng imulat niya ang inaantok na mga mata saka hinaplos ang pisngi at labi nito.
"I won't tear it apart, Train. I won't," bulong ni Krisz at saka tuluyan nang pumikit ang mga mata niya
Pero bago siya tuluyang lamunin ng antok, narinig niyang nagsalita si Train.
"If I give you my heart Krisz, please don't tear it apart, because this heart is for you."
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro