Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

CHAPTER 6

HINDI maiiwas ni Iuhence ang tingin sa babaeng mahimbing na natutulog sa isa sa mga upuan ng private jet niya. Nagising ito ilang minuto na ang nakakaraan at kinailangan niyang paamuyin ulit ito ng chloroform para makatulog ulit ito. Baka kapag nalaman nito na nasa eroplano ito patungo sa pribadong isla napagmamay-ari niya ay bigla nalang itong tumalon.

Alam niyang mas gugustuhin ni Mhelanie na tumalon sa eroplano kaysa ang makasama siya sa pribadong isla. Ganoon siya nito ka hindi gusto. Well, at least, that was what he thought.

"Damn, Iuhence. Kapag kinasuhan ka ng babaeng iyan ng kidnapping, huwag na huwag mo akong isasali." Pumalatak si Calyx. "Bakit naman kasi pumayag pa akong sumama sayo e." Puno ng pagsisisi ang boses nito.

"Pare, walang pumilit sayo, remember?" Anang boses ni Ymar na nakasandal sa likod ng upuan at may nakatakip na diyaryo sa mukha. "Sumama ka kasi guilty ka dahil sinabi mo kay tita Othella ang tungkol kay Mhel. The truth was wala ka namang ginawa e."

"Excuse me?" Nilingon ni Calyx si Ymar. "Ako ang sumunod sa babaeng iyon sa kalye. Natakot siya sa akin kaya tumakbo siya—"

"At doon pumasok si Iuhence para dakipin at patulugin si Mhel," sansala ni Ymar sa iba pang sasabihin ni Calyx.

Pinukol ng masamang tingin ni Calyx si Ymar. "E ikaw, ano ba ang nagawa mo?"

Tinanggal ni Ymar ang pagkakatakip ng diyaryo sa mukha nito at walang buhay ang mukha na dumako ang ang tingin nito kay Calyx. "My man, I am the CEO of YS Pharmaceutical. I own the chloroform Iuhence used. Unlike you, may pakinabang ako."

Mas tumalim ang mga mata ni Calyx.

"Hep-hep," Ymar said. "Dont stare at me like that. Malay mo, panain ka na ni kupido tapos kailangan mong kidnapin ang love of your life mo. Kakailanganin mo ang tulong ko."

Umungos si Calyx. "Hindi ako papanain ni kupido kasi hindi naman siya nag-i-exist. At saka hindi ko kailanman hihingin ang tulong mo kung magkaka-love life man ako, which is not going to happen, by the way."

Napailing-iling nalang si Iuhence habang nakikinig sa dalawa na mga accomplice niya sa pag-kidnap kay Mhel. Bakit ba niya kaibigan ang mga ito? Oh, yeah, business partners niya ang dalawa at maituturing din niya matalik na kaibigan. Buti na nga lang talaga at hindi siya naaapektuhan sa kabaliwan ng mga ito.

"Bakit mo ba kinidnap ang babaeng iyan ha, Iuhence?" Anang tanong ni Ymar na pumukaw sa pag-iisip niya.

Binalingan niya ang kaibigan na nakatingin sa kanya na naghihintay sa sagot niya.

"We need to know each other," simpling sagot niya.

Para siyang napugutan ng ulo sa pagkakatingin sa kanya ni Calyx. "So, naturally, dapat kidnapin mo siya?"

Tumango siya. "Oo."

"And how are you gonna achieve that? When she wakes up, she'll hate you, man," ani Ymar.

Ngumiti siya at ibinalik ang tingin sa magandang mukha ng dalaga. "Buburahin ko ang galit na 'yon sa pamamagitan ng halik ko at pag-angkin sa kaniya. And then I will never be a stranger because the next thing she knew, I already own her heart, body, mind and soul. And she will have no choice but to stay with me for as long as I want her to."

"Man, that's gross," Calyx said in disgust.

Bigla siyang natigilan sa sinabi ni Calyx. Iyan din ang sinabi niya noon kay Tyron at Raine.

Nangingiting nailing nalang si Iuhence.



MAHINANG NAPA-UNGOL si Mhel ng magising siya sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog. Nananakit ang buo niyang katawan na parang pagod na pagod iyon! Ano ba ang nangyari sa kanya?

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at bumulaga sa kanya ang isang silid na hindi pa niya nakita sa tanang buhay niya. Where the hell am I? Tanong niya sa sarili habang pinapalibot ang paningin sa kabuonan ng silid na puno ng magagarang kasangkapan.

Umalis siya sa kama at tinungo ang pinto. Nang buksan niya iyon, bumulaga sa kanya ang malaking banyo na kulay granite. Napatingin siya sa salamin na nakatapat sa kanya. Napamulagat siya ng makitang tanging over-size t-shirt lang ang suot niya. Dali-daling itinaas niya ang t-shirt at napamulagat siya ng makitang wala siyang suot na panty!

Holy hell! No! She panicked!

Piece by piece, the memory of what happened flashed in her mind. Naaalala niya ang lalaking sumusunod sa kaniya mula ng makalabas siya sa pinagta-trabahuan niya. Tapos nang tumakbo siya ay may yumakap sa kaniya at may pinaamoy na panyo sa kaniya.

Namilog ang mata niya sa takot. No ... no, no, no. Hindi puwede. Baka kung ano na ang ginawa ng kidnapper na iyon sa kanya at—

Napatigil siya sa pag-iisip ng bumukas ang isa pang pintuan at pumasok doon si Iuhence.

Halos malaglag ang panga niya sa sobrang gulat. It couldn't be!

Ito ba ang kumidnap sa kanya? Ito ba?

Sa isiping 'yon, sinugod niya ito at pinagbabayo ang dibdib nito.

"Baliw ka talaga! Baliw ka! Alam mo ba kung gaano ako katakot?! Ha? Alam mo ba na halos manginig ako sa takot?! Tapos ikaw lang pala 'yon?!"

Pinagbabayo niya ang dibdib nito hanggang sa mapagod siya at mawalan ng lakas. Hinayaan lang siya nito habang ito ay walang imik na nakatingin sa kanya. Galit na galit siya sa ginawa nito.

"Baliw ka na! Baliw!" Panay pa rin ang bayo niya sa dibdib nito gamit ang kamao pero kulang na iyon sa lakas.

Pinigilan ng binata ang mga kamay niya at niyakap siya. "I didn't mean to scare you." Bumaba ang mukha nito sa mukha niya at sinakop ang mga labi niya.

Malakas niyang tinulak ito palayo at sinampal ng malakas.

"Huwag mo akong hahalikan!" Aniya na nakatiim-bagang at nanlilisik ang mga mata. "Hindi lahat ay madadanan mo sa halik. Gago ka!"

Lumabas siya sa pintuan na pinasukan nito at tumakbo palabas ng bahay.

Napasinghap siya at napatigil sa paglalakad ng makita ang malawak na karagatan.

"No..." Tumakbo siya patungo sa dalampasigan at pinalibot ang tingin. Wala siyang makitang bangka. Tumakbo siya pabalik sa labas ng bahay at sinapo ang mukha niya. Mukhang wala ring ibang tao na naroon maliban sa kanila ng binata. "No... This couldn't be ... no ..." She felt suffocated.

Pakiramdam niya ay bumalik na naman siya sa bahay ng kaniyang mga magulang sa Canada na wala siyang magawa kundi ang magpakulong doon sa loob ng bahay.

No! Not this time! No!

"You can't run this time, Mhelanie," anang boses ni Iuhence mula sa likuran niya.

Galit niyang hinarap ang binata. "Nasaan ako?! Saan mo ako dinala?!"

Akmang susuntukin niya ito ng saluhin nito ang kamao niya at hinila siya nito palapit sa katawan nito at sinakop ang mga labi niya. Bago pa niya makagat ang labi nito sa inis, pinakawalan na nito ang labi niya at ngumisi.

Nanlilisik ang mata niya, "Gago ka! Huwag na huwag mo akong hahalikan ulit!" Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ito pinaglalamayan. "Saan mo ako dinala?!"

"Honey, you can kill me with your eyes, and you can wound me with your words. but you can't run away from me." Idinipa nito ang braso. "Look around. Tayong dalawa lang ang tao rito. Walang bangka o kahit na ano. You're stuck here with me. Tanggapin mo nalang 'yon. Goodbye freedom for you." Tinalikuran siya nito at naglakad patungo sa pinto ng bahay.

Nang makarating ito sa pinto, humarap ito sa kanya. "Oh, and by the way, welcome to Iumhe Island. Welcome to my paradise." Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong pumasok sa loob ng kabahayan.

Napatingin siya sa karagatan at bumalik ang tingin sa pintuan ng bahay. She had no choice. That insolent brute devil incarnated man! Argh! Ang sarap pukpukin ang ulo gamit ang martilyo!

Nagmamartsa siyang pumasok siya sa bahay at galit na naglakad-lakad ng walang destinasyon hanggang sa makarating siya sa teresa na nakaharap sa karagatan. Natigilan siya ng makitang naroon si Iuhence at sumisimsim ng kape.

Hindi niya ito pinansin at tumingin lang sa karagatan.

Before, every time she looked at the sea, she felt peaceful and calm. Now, she felt anxious and worried. Ano ang kahihinatnan ng pagdala sa kanya rito ni Iuhence? She could feel ther heart starting to welcome this man. Nararamdaman niyang kaunting tulak nalang, makakapasok na ito.

She had to lock her heart and throw away the key. She had to guard it. Nararamdaman niyang hindi lang kalayaan niya ang mawawala kapag nakuha nito ang puso niya. Kukunin nito ang lahat sa kaniya. Her freedom, her heart, her mind, her body and her soul. At hindi niya hahayaang mangyari iyon. So please, heart, don't fall for this man. I'm begging you.

You're already falling dimwit, sagot ng puso niya, you might as well do something for him to catch you.

No! Hindi. She wouldn't fall for this man. Hindi niya hahayaang mawala ang kalayaan niya dahil lang sa lalaking ito. No way in hell!

"Ang lalim yata ng iniisip mo," anang boses ni Iuhence na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.

Nanatiling nakatingin ang mga mata niya sa karagatan. "Bakit mo ba ako dinala rito? What could you possibly attain by doing this?"

Inilapag nito ang kape sa barandilya ng teresa bago sumagot. "Sabi mo, kahit paulit-ulit na ibigay mo sa akin ang sarili mo, I am still a stranger to you. I get that. Oo nga naman, wala kang alam tungkol sa akin. I brought you here to change that. Dito, walang isturbo sa 'getting to know each other natin' at wala kang takas, of course."

Hindi makapaniwalang napailing-iling siya. "Ibang klase ka rin ano? Mangingidnap ka para lang makilala kita. Baliw ka na talaga." Pinipigilan niya ang sarili na suntukin ito. "Para ano naman kung makilala kita? Walang magbabago. Kahit pa malaman ko ang lahat ng tungkol sayo, walang magbabago."

"Let's see about that." He picked up his coffee and then went inside the house, leaving her confused.

Ano ba ang pinaplano ng lalaking 'yon sa'kin?

IUHENCE WAS in the kitchen, looking for something to eat for dinner. Tapos naalala niya, wala pala silang ready made food at wala rin siyang cook. Ang tanging mayroon lang siya ay mga ingredients sa pagluluto. Hell! What am I going to do now? Bakit naman kasi pinaalis niya lahat ng tao sa islang 'to?

Kailangan pa naman niyang pakainin ang maganda niyang bisita.

Mahinang napamura si Iuhence habang nagda-dial ng numero sa cellphone niya. After four rings, Mr. Chef picked up.

"Thanks, man. You save me from throttling that stubborn vixen! Bakit ko ba pinakasalan ang baliw na ito?!" Halata ang galit sa boses ni Train.

Kumunot ang nuo niya. "Anong nangyari?"

"That stubborn woman put something in my food this morning." Nanggigigil ang boses nito. "I'd been visiting the comfort room since breakfast! Tapos ngayon-ngayon lang, umamin siya na nilagyan niya ng pampa-LBM ang pagkain na hinain niya. That bitch!"

Napailing-iling siya. "Tapos ka na?" Tanong niya. "Ako naman, puwede?"

Biglang nag-iba ang timbre ng boses nito. "Bakit, pare? Mag i-emote ka rin?"

Itinirik niya ang mga mata. "No, Mr. Chef. Gusto ko lang malaman kung ano ang ingredients ng fried chicken at kung paano 'yon lutuin."

Nawalan ng imik sa kabilang linya. Akala niya binabaan na siya nito ng telepono ng magsalita si Train.

"What happened to my friend, Iuhence? Pinatay mo ba? Teka, saan mo inilibing ang katawan? Goodness! This is disastrous!"

He rolled his eyes. "Fuck you, Train."

Tumawa ang nasa kabilanh linya. "Kidding aside, man. What the fucking hell happened to my good friend, Mr. Iuhence-I-don't-know-how-to-cook? Bakit bigla kang nagtanong, ha?"

He puffed a breath. Sasabihin ba niya? Wala naman yata siyang choice dahil kapag hindi niya sabihin, siguradong gigisahin lang siya nito at hindi siya tuturuang magluto.

Malalim siyang napabuntong-hininga. "May babae kasi—"

"Woah, woah! What the fuck?! Ulitin mo nga ulit ang sinabi mo" Halata ang gulat sa boses nito.

"Gusto ko siyang ipagluto," aniya.

"Okay." Mukhang nakabawi na sa pagkabigla si Train. "Anong gusto mong lutuin para sa kaniya?"

"Fried chicken."

"At hindi mo alam kong paano lutuin 'yon?" Hindi makapaniwala ang boses nito. "Vergara, iyan na yata ang pinaka-madaling lutuin sa lahat."

"I'm not you," reklamo niya.

Bumuntong-hinga ito. "Fine. May Wi-Fi ka ba riyan?"

"Yeah..." nag-aalangang sagot niya.

"Good. Skype tayo. I'll show you. Just promise me one thing."

"What?"

"Please, don't burn down your kitchen."



DAHIL SA SOBRANG pagkabagot, lumabas ng kuwarto niya si Mhel at walang direksiyon na naglakad-lakad sa kabuonan ng bahay hanggang sa makarating siya sa kusina.

Napakunot ang nuo niya ng makitang may kausap si Iuhence sa laptop. Kilala niya ang lalaking kausap nito sa laptop. It was Train Wolkzbin. Mula sa pintuan ng kusina, naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.

"This better be good, Wolkzbin," sabi ni Iuhence sa kausap sa laptop. "Kapag hindi nasarapan dito sa Mhelanie, pupuntahan kita riyan sa Budapest at ikaw ang pipritohin ko."

Tumawa ang lalaki na nasa laptop. "Masarap akong magluto, Vergara. Ewan ko lang sa'yo. Naalala mo ba nuong pingaluto mo ang mama mo? Muntik mo nang sunugin ang buong mansiyon niyo."

Nalukot ang mukha ni Iuhence. "Don't remind me."

"Okay. Step one," Train said, and Iuhence listened attentively. "Heat the pan and put oil. Damihan mo ang oil, masarap ang deep fried."

Tumango naman si Iuhence at kaagad na ginawa ang sinabi ni Train.

Nang sabihin ni Train na ilagay na ang manok sa kawali, napahiyaw si Iuhence dahil sumayad ang braso nito sa gilid ng kawali.

"Fuck! Shit! Fuck!" Sigaw ni Iuhence at mabilis na hinugasan ang napaso nitong braso. "Fuck! This fucking hurt."

Tumawa ng malakas si Train. "Vergara, if you want to cook for your woman, you have to be hurt in order to do so."

Nakasimangot si Iuhence habang pinagpapatuloy ang pagpi-prito ng manok.

Humilig si Mhel sa hamba ng pintuan at matamang pinagmasdan ang binata. Slowly, a smile formed on her lips. She was enjoying the scene before her. Natutuwa siya na nagpapakahirap itong magluto para sa kanya.

Parang may kumikiliti na kasiyahan sa puso niya.

Malutong na nagmura ang binata ng may tumilansik ang mainit na mantika rito. Tumama yata iyon sa mata nito dahil sinapo nito ang mata at tumigil sa paggalaw.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga saka pumasok sa loob ng kusina, pinatay ang laptop, at humarap sa binata.

Hinawakan niya ang kamay nito at pilit iyon na tinanggal sa pagkakasapo sa mata nito.

"Ano ba kasi ang naisip mo at naisipan mong mag-ala chef, ha?" Malumanay ang boses na tanong niya rito.

Napakurap-kurap ang binata at napatitig sa mukha niya. "Mhelanie." Dumako ang tingin nito sa kawali. "Nagluluto ako ng pananghalian natin."

Itinirik niya ang mga mata at itinulak niya ito pa-upo sa bakanteng upuan malapit sa mesa. "Umupo ka riyan. Ako na ang magluluto." Tinalikuran niya ito at ng may maalala ay humarap siya ulit dito. "I still hate you."

Bumagsak lang ang balikat ni Iuhence at hindi ito umimik.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro