CHAPTER 22
CHAPTER 22
HINILAMOS NI HAZE ang mukha nang makabayad siya sa ospital. Wala siyang dalang pera, basta na lang siyang umuwi. 'Buti ay nakahiram muna siya ng pera kay Anniza nang tumawag siya kani-kanina lang. Ipinadala nito ang pera sa remittance center para madali.
"Salamat, anak." Walang patid ang pasasalaman ng kanyang ama.
Nginitian niya lang ito. "'Tay, wala 'yon. Ang importante, maayos na ang lagay n'yo."
Ngumiti ito. "Salamat pa rin, anak. Salamat sa pag-aalala."
Ngumiti siya at niyakap ito nang mahigpit. "Mahal kita 'Tay, siyempre mag-aalala ako sa 'yo."
Hinagod nito ang likod niya. "Mahal din kita, anak."
Hinalikan niya sa noo ang ama, saka inalalayan ito palabas ng inokupa nilang kuwarto at palabas ng ospital na yon.
Nagrenta siya ng tricycle para maghatid sa kanila sa bahay kasama ang ina at kapatid niyang babae na nasa high school pa lang. Nang makarating sa bahay, agad na inalalayan niya ang ama papasok sa loob para magpahinga. Siya naman ay doon natulog pansamantala sa kuwarto ng kapatid niya.
Haze was so tired, she fell asleep the moment her back hit the mattress.
HUMUGOT NG ISANG MALALIM na hininga si Lath bago buong tapang na kumatok sa pinto ng bahay nina Haze. Ilang minuto lang ang nagdaan nang bumukas iyon at isang matandang lalaki ang bumungad sa kanya.
"Sino ka?" Iyon agad ang tanong nito sa kanya sa istriktong boses.
Napalunok siya kasabay ng kaba na naramdaman. "Ahm, ako po si Lath Coleman, ang asawa ho ng anak n'yong si Haze."
Tumaas ang isang kilay nito. "Diyan ka lang, huwag kang aalis." Isinara nito ang pinto at nang bumukas iyon uli, may hawak na itong itak.
Shit!
"Kung wala kang magawang hinayupak ka sa buhay mo, huwag mong idamay ang anak ko!" Itinaas nito ang itak at ang tatagain siya.
Nanginginig ang kamay na hinugot niya mula sa bulsa ang marriage contract nila ni Haze at ipinakita iyon dito. "Nandito ang pruweba na kasal kami."
Natigilan ang matandang lalaki. Nakahinga siya nang maluwag. Shit! 'Buti na lang palagi niyang dala ang marriage contract nila ni Haze.
"Elizar, sino yan?" sabi ng boses mula sa loob.
Huminga nang malalim ang matandang lalaki at niluwagan ang bukas ng pinto. "Ang manugang daw natin, Haide."
Namilog ang mga mata ng ginang nang lumapit sa pinto at tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Manugang?"
Naiilang na ngumiti siya. "Opo, ako po si Lath Coleman. Ako po ang asawa ni Haze. At kung may dapat man kayong malaman tungkol sa akin, iyon pa ay mahal na mahal ko ang anak niyo. Sobrang mahal na mahal."
Lumambot ang mukha ng ginang. "Pasok ka, hijo."
"Nadala ka sa pinagsasasabi niya, Haide?"
Ngumiti ang ginang sa kanya, hindi alintana ang asawa. "Pasok ka na."
Ngumiti siya at pumasok. Thank heavens.
HINDI ALAM ni Haze kung ilang oras siyang nakatulog basta nang magising siya, gabi na. Naririnig niya ang huni ng mga hayop sa labas.
Nag-inat siya, saka bumangon mula sa pagkakahiga. She yawned and a startled gasp escaped her lips when she saw the man sitting on the edge of the bed.
"L-Lath?"
Baka namamalik-mata lang siya. Baka imahinasyon niya lang ang nakikita.
He can't be here!
His calm face turned angry. "Bakit mo ako iniwan nang hindi ka man lang nagpapaalam? Papayag naman ako, eh."
Nanginig ang mga labi niya. "A-ahm, p-paano ka nakapasok dito sa b-bahay namin?" nauutal na tanong niya. "D-did you trespass—"
Ngumisi ito. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Buong puso akong tinanggap ng pamilya mo." He crawled on the bed, towards her. "Alam mo kung bakit? Ipinakita ko sa kanila ang marriage contract natin."
Malakas siyang napasinghap. "No, you didn't—"
"Hinaan mo lang ang boses mo, wifey, natutulog na sila. Baka ano'ng isipin nilang ginagawa natin."
She pressed her lips together. "Ano ba ang kailangan mo?"
"Ikaw." Kinubabawan siya nito. "Ikaw ang kailangan ko."
Napakalakas ng tibok ng puso ni Haze. "Babalik din naman ako. Kailangan ko lang asikusahin ang Itay ko," paliwanag niya. "I swear, babalik ako."
Unti-unting nawala ang galit sa mukha ni Lath. "For real? Babalikan mo talaga ako?"
Tumango siya. "Oo. Para namang kaya kong mabuhay nang wala ka—"
Hindi nito pinatapos ang sasabihin niya. Sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya, saka mapusok siyang hinalikan. His hands were all over her body and the next thing she knew, she was naked, so was he.
Habang hinahalikan ni Lath ang leeg niya pababa sa mayayaman niya dibdib, hindi ito makapaghintay na ipinasok ang tigas na tigas nitong kahabaan sa loob niya.
Pigil na pigil ni Haze na hindi mapaungol nang malakas dahil baka may makarinig sa kanila. Nakakapit lang siya sa gilid ng unan habang walang humpay na binabayo ni Lath ang pagkababae niya.
Sa bawat ulos nito ay halos mapasigaw siya sa sarap pero pinipigilan niya talagang mag-ingay. And when they both orgasmed, she was writhing in so much pleasure. She saw stars as she closed her eyes to savor the feeling.
"Lath..." pabulong niyang bigkas sa pangalan ng lalaki nang bumagsak ang katawan nito sa kanya.
He kissed the back of her neck. "I miss you," he whispered. "Takot na takot ako nang hindi kita nakita. Akala ko iniwan mo na ako."
Hinagod niya ang likod nito. "I miss you too. Babalik agad sana ako bukas, pero narito ka naman. I want to spend more days with my family before returning to Manila."
"Sure, wifey." Kinagat nito ang leeg niya, saka umayos ng higa sa tabi niya, wala pa rin silang saplot. "Mananatili tayo rito ng ilang araw."
Tumagilid siya ng higa paharap dito. "Pinapasok ka talaga ni 'Tay? Hindi ka talaga nag-sneak in?"
Tumawa ito nang mahina, saka tumagilid din ng higa paharap sa kanya. "Nang sabihin kong asawa mo ako, naglabas lang naman ng itak ang ama mo. Nang ipakita ko ang marriage contract natin, naniwala rin at pinapasok ako ng nanay mo. And then your sister recognized me from the magazine that you always brought home for her. To summarize it all, yes, tinanggap ako ng pamilya mo."
Napapangiti si Haze sa kuwento ng lalaki. "Hindi ka natakot sa itak ni 'Tay?"
He chuckled. "Medyo, baka tagain ako, eh. Pero kung kailangan kong harapin ang ama mo makita ka lang, I would do it again in a heartbeat."
Natunaw na naman ang puso niya. Parang pati atay, natunaw rin. "Nang papasukin ka, ano'ng nangyari?"
"Sinabi nilang tulog ka at gigisingin, pero ayoko namang istorbohin ka. Sabi ko hihintayin na lang kitang magising." And then his eyes widened, fear was visible on them. "Shit! Kakatayin ako ng ama mo! Doon pala niya ako pinapatulog sa sala n'yo pero nag-sneak in lang ako rito para makita at magapang ka. Fuck! I'm so dead! I am so fucking dead!" Nagkukumahog itong bumangon at nagdamit, saka nag-flying kiss sa kanya. "See yah, tomorrow, wifey. I love you."
"I lo—" Nakalabas na si Lath ng pinto. "—ve you too." Bumuga siya ng malalim na hininga. "That man and his horniness."
Nagdamit na rin siya, saka bumalik sa pagkakahiga sa kama. Napapangiti siya habang nakatingin sa kisame at iniisip ang pinagsaluhan nila ni Lath kani-kanina lang. Walang tigil ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
That man would be the death of her. Cause of death—heart attack.
Ipinikit ni Haze ang mga mata at ang guwapo pa ring mukha ni Lath ang nakikita niya. Napailing-iling na lang siya at pinilit ang sarili na makatulog uli.
KINABUKASAN, nang magising si Haze at lumabas ng kuwarto, wala na si Lath sa sala pero may unan at kumot sa sofa nila.
Kumunot ang noo niya at hinanap ang kanyang ina. Natagpuan niya ito sa kusina, nagluluto ng agahan.
"'Nay, nasaan po si Lath?" tanong niya.
Nangingiting bumaling sa kanya ang ina. "Ikaw na bata ka, bakit hindi mo sinabi sa aming may asawa ka na pala at napakaguwapo pa?" Kinurot siya nito sa tagiliran. "Para iyan sa paglilihim sa amin. Ikaw na bata ka, o. Bakit ba hindi ka nagsabi?"
Trust me. Hindi ko rin alam na ikinasal ako. Ngumiti siya. "Humahanap lang po ng magandang timing."
"Asus." Umingos ito at ipinagpatuloy ang pagluluto.
Umupo siya sa bakanteng silya. "Nasaan ho si Lath?"
"Kung hinahanap mo ang guwapo mong asawa, hayun, isinama ng ama mo sa palayan. Kawawa naman."
Namilog ang mga mata ni Haze. "Oh, God. Hindi 'yon sanay sa trabahong bukid."
"Hindi nga." Umirap sa hangin ang kanyang ina. "Halata namang mayaman. Habang kumakain siya kagabi ng odong, halatang pinipilit niya lang ang sarili. Kawawang bata."
Haze gaped. "Kumain siya ng odong?"
Tumango ang kanyang ina. "Oo."
Napailing-iling siya. "Susundan ko sila sa bukid."
"O, sige..." Ngumiti ito. "Dalhin mo 'to sa kanila." May iniabot itong basket. "Kanin iyan, tamban at pulang itlog. Pero bago ka pumunta roon, maligo ka muna."
Natatawang tumango si Haze at tumakbo patungo sa banyo at naligo. Mabilis ang bawat galaw niya. Nang makapagbihis, agad niyang kinuha ang basket at umalis.
Nakapusod ang buhok niya, naka-leggings, malaking T-shirt at nakatsinelas lang.
Halos takbuhin niya ang daan patungong palayan nila. Kailangan niyang makita si Lath, baka kung ano na ang ginawa ng ama niya rito.
MALAYO PA SI HAZE, nakikita na niya ang ama na nakaupo sa kahoy na silya at namamaypay habang nakatingin sa palayan. Sinundan niya ang tingin nito at malakas siyang napasinghap.
Lath!
Nakatupi hanggang tuhod ang jeans na suot nito at walang pang-itaas. Ang polo nito ay ginawang bandana sa ulo para hindi masyadong mainitan. Napakagat-labi siya nang makita ang matitipuno nitong braso habang nagtatanim at ang abs nito na basang-basa ng pawis.
What a hot abs! Dang!
Marahas siyang napailing, saka tumakbo palapit sa kanyang ama.
"'Tay, ano ba ang ginagawa ni Lath do'n sa palayan?" kunot-noong tanong niya.
Ngumiti ang kanyang ama habang nagpapaypay pa rin. "Nagtatanim, ano ba sa tingin mo?" Mahina itong tumawa. "Ako ang nagtatanim kanina, eh, inagaw niya sa akin baka raw bumalik na naman ako sa ospital at mag-alala ka na naman." Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Nararamdaman ko, anak, mahal ka ng batang 'yan. Masuwerte ka at siya ang napangasawa mo."
That made her smile. "I know. Masuwerte talaga ako at minahal ako ng lalaking 'yon."
Tumayo ang kanyang ama. "Ilagay mo roon ang dala mong basket at maghain ka na." Itinuro nito ang mesa na nasa ilalim ng mayabong na puno. "Tatawagin ko lang ang asawa mo."
Tumango siya at sinunod ang utos ng ama.
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na ang kanyang ama kasama si Lath na nakangiti sa kanya.
"Hey, wifey." Hinalikan siya nito sa pisngi. "Good morning."
Agad siyang umiwas dahil nahiya siya sa kanyang ama. "Amoy-araw ka."
Tumawa lang si Lath, saka umupo sa pahabang silya na gawa sa kahoy.
"O, kain na tayo," wika ng ama niya na nauna nang kumain sa kanila.
Napatitig si Lath sa tamban at pulang itlong na nasa gitna ng mesa, kapagkuwan ay humihingi ng tulong na tumingin sa kanya.
Haze rolled her eyes and put rice on his plate. Pagkatamos ay hinimayan niya ito ng tamban.
"Hayan, kain na," sabi niya.
Lath's eyes moved from left to right. "Ahm..." Nagtatanong ang mga mata nito. "Nasaan ang kutsara?" pabulong nitong tanong.
Pinipigil ni Haze na matawa. "Magkakamay ka."
Umawang ang mga labi nito. "Ano?"
"Kamay ang gagamitin mo..." Kumuha siya ng kanin at hinimay na tamban, saka iniumang ang kamay sa bibig nito. "Para kumain."
Wala sa sariling bumuka ang bibig nito at tinanggap ang pagkain na iniumang niya.
She grinned at Lath. "Ganyan ang pagkain dito sa bukid."
Pareho silang natawa ng kanyang ama nang makitang ginaya ni Lath ang ginawa niya pero kaunting kanin lang ang nakuha nito at nahulog pa ang iba.
Sumimangot si Lath. "'Tay, naman." Nagmamaktol ang boses nito habang nakatingin sa ama niya. "Huwag mo akong pagtawanan."
"Eh, bakit hindi?" nagtatakang tanong ng kanyang ama sa inosenteng boses. "Eh, nakakatawa ka naman talaga."
"'Tay, naman, eh." Lalong tumulis ang nguso ni Lath. "Hindi ko kasalanan na guwapo ako."
Inungusan ito ng ama niya. "At bakit napasok dito ang kaguwapuhan mo?"
"Kasi totoo naman 'yon, eh," sabi ni Lath.
"Siguruhin mo lang na guwapo ang mga magiging apo ko, kung hindi tataniman mo lahat ng palayan namin."
Sumaludo si Lath. "Yes, Sir!"
Tumawa ang ama niya habang siya ay nakatingin sa dalawang nag-uusap na para bang matagal na ang mga itong magkakilala. Lalong sumaya ang puso niya sa nasaksihan. Lath could really charm even the old ones.
Iba rin, eh.
Bumaling sa kanya si Lath. "Asawa ko..." Naglalambing ang boses nito. "Subuan mo ako. Please?"
Umirap si Haze sa hangin pero sinubuan naman niya ito. Panay lang ang tawa ng ama niya na iniwan sila pagkatapos kumain.
Nakaupo siya sa mesa, samantalang sa mahabang silya si Lath nakaupo. Ang mga paa niya ay nakapatong si mga hita ni Lath habang sinusubuan niya ito.
Lath smiled at her lovingly. "I love you, wifey."
Mahina siyang natawa, saka hinalikan ito sa noo. "I love you too, hubby."
Biglang umubo at nabilaukan si Lath sa sinabi niya. He abruptly stood up and coughed harder. His hands frantically searched for a glass of water. Mang mahawakan nito ang mineral water na nasa plastik, agad itong uminom at humugot ng isang malalim na hininga.
Kapagkuwan ay nagtatanong ang mga mata na tinitigan siya nito. "Do you really... love me?"
Ngumiti siya. "Oo. Bakit? Ayaw mo?"
"What?" Tumawa ito, saka niyakap siya nang mahigpit. "Anong ayaw ko? I would die to be able to hear you say it again."
She kissed his lips. "I love you."
Sumuntok ito sa hangin at tumalon-talon. "Yes! She loves me! Yes!" Idinipa nito ang mga braso, saka sumigaw. "Mahal na mahal ko si Haze." Bumaling ito sa kanya, saka kinindatan siya. "At mahal niya rin ako," sigaw na naman nito.
Natatawang napailing-iling siya. Pagbalik nila sa Maynila, sasabihin na niya ritong buntis siya. She wanted to surprise him. And the only way to do that was in Manila.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro