Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

CHAPTER 16

WALANG NAGING sagot si Haze sa pagtatapat ni Lath. Well, it was not shocking. It was expected. Oo nga at hindi niya ginusto noon pero sinadya niyang saktan ang babae. He ruined her trust in him. He ruined everything.

And now, Lath was trying to fix the thing that he ruined because of sheer stupidity. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana nga talaga.

Trust was really hard to build but so easy to destroy. And it would be a miracle to rebuilt it again. But he would make miracles, for the woman he loved.

When he confessed yesterday, parang nakahinga siya nang maluwag. It felt like he was free... free to expressed what he really felt. Free to do anything to please the woman who made his heart beat insanely crazy. No pretending. Just him and the truth.

It feels good. This feels good.

"Ano'ng gusto mong gawin habang nandito tayo sa Baguio?" tanong niya sa asawa na katabi niyang nakaupo sa gilid ng swimming pool at nakalublob sa tubig ang mga paa nila.

After breakfast, they came here to relax.

Nagkibit-balikat lang si Haze. Parang palaging malalim ang iniisip nito. "Wala akong gustong gawin kundi mahiga sa kama at matulog hanggang mamayang gabi."

"That's tiring." Lath frowned. "At saka kagigising lang natin, wifey, gusto mo na agad matulog?"

Tumango ito at humikab. "I'm sleepy."

Inakbayan niya ito, saka pinilit pinasandal ang ulo sa balikat niya. "Looks like we have to fix the situation." Hinaplos niya ang balikat nito. "Wanna go out with me and have fun instead?"

Bumaling ito sa kanya at sumimangot. "Tinatamad ako, Lath." Mas tumulis ang nguso nito. "Wala ako sa mood."

Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. What the hell was happening to his wife? Should he be worried? Kailangan ba niya uling bulabugin si Ymar?

Hinaplos niya ang pisngi ni Haze. "Wifey, masama ba ang pakiramdam mo?" masuyo niyang tanong. "May gusto ka bang kainin? O mas gusto mong matulog na lang? I would let you if that's what makes you happy."

Naiilang na sinalubong niya ang matiim na titig ni Haze. She was looking at him like she was reading him and it was scary—no, not anymore. Wala na siyang itinatago rito kaya wala nang nakakatakot. Telling the truth could really set you free, right after you experienced fear and pain of course.

"Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?" usisa niya sa asawa na nakatingin pa rin sa kanya.

"Ano'ng magpapasaya sa 'yo?" biglang tanong nito. "You always do what makes me happy, so I'm asking you now, ano ba ang magpapasaya sa 'yo?"

You, loving me too, piping hiling niya, saka tumikhim. "Kung ano'ng magpapasaya sa 'yo, masaya na rin ako."

Umirap ito sa hangin, saka tinaasan siya ng kilay. "Lath, ang tinatanong kong kasiyahan mo ay iyong walang kinalaman sa akin."

He frowned at her, confused. "Wifey, ikaw ang kasiyahan ko. You are the definition of my happiness."

Her eyes softened. "I ahm..." Huminga ito nang malalim. "Hindi ko alam ang dapat isagot sa binitawan mong mga salita."

Pinilit niyang ngumiti nang masaya. "That's okay, I don't mind—"

"You do mind," sansala ni Haze sa iba pa niyang sasabihin habang matiim na nakatitig sa mukha niy. "Stop pretending, Lath. Ako 'to, si Haze, ang babaeng sabi mo mahal mo. You don't have to pretend that's it's okay, kasi nakikita ko sa mga mata mo na hindi iyon okay sa 'yo."

Nag-iwas siya ng tingin. Sapul na sapul siya ro'n. It wasn't okay and he did mind. Pero may pagpipilian ba siya? Alangan namang madaliin niya si Haze na mahalin din siya? It was already a miracle that she gave their relationship a chance. It would be too much to ask more. He would accept whatever Haze had to offer. Sapat na 'yon para sa kanya.

He licked his own lips. "Wifey, wala akong karapatang manghingi ng kahit ano sa 'yo. I already took too much from you, it's my time to give and wait." He sighed. "I hate waiting, matagal na akong naghihintay na sana mangyari ang mga inaasahan ko, na sana mapasaakin ka. Eight years later, I'm still waiting. Even after I confessed what I really feel about you, I'm still waiting. Waiting for you to love me too." Huminga siya nang malalim. "Pero ayos lang. Wala naman akong ibang pagpipilian kundi ang maghintay. Baliktarin man natin ang mundo, alam kong nasaktan kita, at siguro ito ang paraan para mabayaran ko ang sakit na ipinadama ko sa 'yo noon kahit pa nga nasaktan din naman ako. I would still wait, wifey, even if it takes forever because you are worth it."

Nakita niyang nanubig ang mga mata nito, saka mahigpit siyang niyakap. "Oh, Lath..." She kissed his neck. "Salamat... salamat at maghihintay ka pa rin. I feel so selfish, but this is the right thing for me to do. Ayokong mahalin ka kung may takot at pagdududa pa sa puso ko. I'm sorry if I'm hurting you. I didn't mean to, but I have to do this. For myself, for my heart and for the sake of our relationship. Ayokong bigkasin ang salitang inaasam mo na may pag-aalangan pa sa puso ko. That would be unfair to you."

Tumango siya at mahigpit na niyakap ang asawa. Naiintindihan niya, pero hindi ibig sabibin n'on na hindi siya nasasaktan. But it was okay, it wasn't love if it wasn't painful. Dapat nga matuwa pa siya. Kasi hindi nito pinilit na ipa-annull ang kasal nila tulad ng pangako niya.

Maybe, this relationship had a chance after all.

Kumawala sa pagkakayakap niya si Haze, saka ngumiti habang hinahaplos ang mukha niya. "Sagutin mo ako, Lath, ano pa ang magpapasaya sa 'yo bukod sa akin?"

Ngumiti siya sa tanong nito. "Hmm, alam mo ba kung kailan ang birthday ko?"

Tumango ito at ngumiti. "Oo. Two weeks from now."

Nagulat siya na alam nito. "Paano mo nalaman 'yon?"

"Nagbabasa ako ng magazine kung saan pakalat-kalat ang mukha mo."

Mahina siyang natawa. "Well, how about we start my birthday celebration today and tomorrow and the next tomorrow and the next and the next?"

Haze rolled her eyes. "So two weeks ang celebration ng birthday mo?"

He eagerly nodded. "Yes. Two weeks. It would be the best birthday ever!"

Natatawang tumango-tango si Haze. "Okay. Two weeks celebration then."

"Yes!" He fist-pumped in the air. "Simulan na natin ngayon." Bigla siyang tumayo, saka masuyong hinila patayo ang asawa niya. "Halika na."

Natatawang nagpahila ito sa kanya patayo, saka yumakap sa baywang niya. "Saan naman tayo pupunta?" tanong nito na nakangiti sa kanya. "Okay lang sa akin kahit saan, basta masaya ka."

That actually made his heart quicken. Damn. This woman had so much effect on him. Ganoon siguro kapag mahal mo ang isang tao, iba ang epekto sa 'yo.

"Ahm..." Umakto siyang nag-iisip. "How about we visit my cousins' home here in Baguio? Tumawag siya sa akin kaninang umaga na doon daw tayo mananghalian sa bahay niya. 'Tapos bisita tayo sa strawberry farm ni Hunt Baltazar. And then we're going to visit all the breathtaking sceneries here."

"Hmm." She smiled. "Sure."

"Yes." Gusto niyang magtatalon sa tuwa. Hinalikan niya sa noo si Haze. "Sino ang unang maliligo, ako o ikaw?" Pilyo siyang ngumiti. "Or we could save water and bath together."

Natatawang tinampal nito ang balikat niya. "Mauna ka nang maligo. Tatawagan ko lang si Anniza. Malapit na rin ang birthday niya, eh."

"Fine." Umakto siyang nagtatampo. "Mauna na ako."

Lath kissed Haze again on the lips this time and went inside the house to take a bath.



NATATAWANG TININGNAN ni Haze ang papalayong bulto ni Lath. He looked so excited. And slowly, she believed his love for her. Slowly, her fear was fading away. Sana masabi niyang mahal niya ito na walang takot sa puso niya.

Habang naliligo si Lath, kinuha naman niya ang cell phone sa bag na nasa loob ng kuwarto at lumabas din para tawagan ang mga kaibigan niya at mangumusta.

After two rings, Anniza picked up.

"At saan kang nagsusuot na babae ka?" bungad sa kanya ng kaibigan, "Gosh, Haze. Nag-alala kami sa 'yo! Pinuntahan ka namin ni Cza noong hindi namin ma-contact ang phone mo pero hindi ka pa raw umuuwi sa condo mo. Goodness!"

"Sorry, Ani." Bumuga siya ng marahas na hangin. "Ang daming nangyari kasi. Ikukuwento ko kapag nagkita tayong dalawa. Tatawagan ko na ngayon si Cza, baka kurotin n'on ang singit ko," natatawang sabi niya. "Anyway, I'm sorry I made you worry. I'm fine."

"Good. Makakahinga na ako ngayon nang maluwag," sabi ni Anniza, saka bumuga rin ng malalim na hininga. "Magkita tayo soon. Nasaan ka ba ngayon?"

"Baguio."

"So diyan ka nagbakasyon? Nang pumunta kasi kami ni Cza sa AirJem Airport, nagbakasyon ka raw kaya shock kami kasi wala ka namang sinabi."

She rolled her eyes. "Basta. I'll tell you everything when we see each other again."

"Fine. Call me kapag nakauwi ka na rito sa Manila," wika Anniza, saka nagpaalam na.

After the call ended, Haze called Czarina.

"Isa kang malanding sperm, Haze Tito!" sigaw ni Czarina sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya. "Letse kang babae ka! Alam mo ba ang pag-alala namin sa 'yo ni Anniza?! Para kaming mababaliw. 'Buti na lang itong guwapo at masarap na masarap kong esposo ay sinabi sa akin ang totoo. Hindi ko pa nga lang sinabi kay Anniza kasi alam kong mas gugustuhin mong ikaw ang magsasabi sa kanya." She tsked. "So, kumusta naman ang honeymoon? Punit na punit ba? Namamaga ba ang pempem mo, Hazey-baby?"

Nagkulay-kamatis ang mukha ni Haze sa tanong ng kaibigan. "Cza!" singhal niya. "Huwag ka ngang bastos!"

Tinawanan lang siya ni Czarina. "Ito naman, pa-virgin na naman. Hoy, babae, may I remind you, punit ka na."

She rolled her eyes. "Ewan ko sa 'yong babae ka." Nag-iinit pa rin ang mukha niya. "Doktor ka pa naman, 'tapos ang bibig mo para kang nakatira sa kalye."

Czarina scoffed. "Kaya nga patay na patay sa akin ang asawa ko kasi sa bibig ko." Tumawa ito nang malakas. "Ang galing ko lang kumanta kapag gabi. Nakaluhod pa habang bumibirit at ang microphone ko naman, alam mo na 'yon."

Napaawang ang mga labi ni Haze sa pinagsasasabi ng kaibigan. "Grabe ka talagang babae ka. Ewan ko sa 'yo, bye na. Tawagan kita kapag nasa Manila na ako."

Tumawa lang si Czarina. "Teka, before you end the call, may tanong ako."

"What?"

"Kumakanta ka rin ba?"

Mariing pinikit ni Haze ang mga mata. "Ewan ko sa 'yo. Bye!"

Pinatay niya ang tawag at hinilot ang sentido. Loka-loka talaga 'yang si Czarina. Akala niya ay magbabago kapag nagkaasawa na, sa halip ay mas lumala pa masyado.

Napailing-iling siya, saka bumalik sa kuwarto. Tamang-tama naman na lumabas si Lath sa banyo.

He winked at her. "Your turn, wifey."

Pinaikot niya ang mga mata nang maglakad ito nang walang saplot sa harap niya. "Puwede ba, Lath, magbihis ka na."

Tumawa lang ito. "Am I tempting you, wifey?"

She rolled her eyes and went inside the bathroom. Yes, Lath was freaking tempting and edible when naked. Letse naman, o. Dahil sa pagbubuntis niya, pakiramdam niya palagi siyang nagke-crave sa bagay na 'yon. Pinipigilan niya kasi ayaw niyang masabihan ng manyak.

After taking a bath, she wrapped the towel around her body and then stepped from the bathroom. Wala na si Lath sa kuwarto kaya naman malayang siyang nakapagbihis nang walang nakatingin sa katawan niya.

Haze wore a simple denim jeans and white T-shirt, saka pinatungan niya iyon ng cardigan para sa lamig ng panahon. Pinaresan niya ng kumportableng flip-flops na kulay-itim. Inilugay lang niya ang mahaba niyang buhok kasi basa pa.

Lumabas siya ng kuwarto at naabutan si Lath na nasa sala at may kausap sa cell phone nito. He smiled when he saw her and walked towards her. When he reached her, he kissed her lips at pinatay ang tawag.

"That was my cousin." Ipinalibot nito ang braso sa baywang niya. "Tumawag ako para sabihing darating tayo."

Nakaramdam siya ng pag-aalinlangan. "Hindi ba nakakahiyang pumunta?"

"Nah." Tumawa si Lath. "Walanghiya naman ang isang 'yon."

Natawa siya sa tinuran nito. "Okay. Sabi mo, eh."

Lath grinned. "Let's go?" tanong nito.

"Sige." tugon niya.

Pinagsalikop nito ang kamay, saka sabay silang naglakad palabas ng bahay.

Haze felt good while holding hands with Lath. Nararamdaman niya ang pagtibok nang mabilis ng puso niya. She took a deep breath. Ayaw na niyang matakot na mahalin ito. She loved Lath, and she had to own it. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro