Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

CHAPTER 14

PUMASOK SI HAZE kinabukasan sa AirJem Airlines. Wala naman siyang gagawin sa condo niya kundi ang humilata at i-stress ang isip kung ano ang gagawin niya ngayong may laman ang tiyan niya.

This morning, she vomited again and her body weakened a little. Her head was about to blow off.

Urgh!

"Girl, kumusta ka na?" Ang matinis agad na boses ni Thalia ang pumuno sa tainga niya nang makapasok sa locker room.

"I'm fine." Binuksan niya ang locker at inilagay ang ilang gamit na dala. "Ikaw?"

"Huwag mo nang alamin ang tungkol sa akin." Lumapit sa kanya si Thalia. "According sa tsismis, nagbakasyon ka sa ibang bansa bilang bonus sa iyo ng Big Boss. Ang daming nainggit sa 'yo, lalo na ang ibang head natin. At saka vacation with pay ka pa."

She sighed in frustration. "Hindi ako nagbakasyon at lalong wala akong suweldo sa mga absents ko—"

"Why don't you go to the manager's office? Siya ang tanungin mo, siya ang nagsabi sa amin."

Isinara ni Haze ang locker, saka huminga nang malalim. "Pupunta lang ako sa manager's office."

Lumabas siya ng locker room, saka nagtungo sa opisina ng manager. Kumatok muna siya sa pinto bago lumabas. Hindi na siya nagpaalam sa sekretarya kung puwedeng istorbuhin ang manager.

"Hi, Ma'am," magalang niyang bati sa ginang. "Can I speak with you?"

"Of course, Miss Tito." Iminuwestra nito ang kamay sa visitor's chair. "Ano'ng kailangan mo?"

Umupo siya. "Magtatanong lang sana ako kung puwede kong makita ang file ng vacation leave ko? O kahit anong papel na magpapatunay na nagbakasyon ako sa ibang bansa nitong mga huling linggo na wala ako."

"Of course." Itinuro nito ang steel cabinet na nasa sulok ng opisina. "Hanapin mo sa pinakamataas na cabinet. Hanapin mo ang folder na nakapangalan sa 'yo, nandoon lahat ng files mo. Ikaw na ang kumuha, medyo abala ako, eh. Pakibalik din pagkatapos mo."

"Salamat po."

Agad niyang nilapitan ang cabinet at binuksan iyon, saka mabilis na hinanap ang folder na may pangalan niya.

Haze Tito

There it is! Mabilis niyang hinugot iyon palabas ng cabinet, saka binuksan ang folder.

Naroon pa ang TOR niya, resumé at application letter. Napangiti siya habang binabasa iyon uli. Naalala pa niya nang matanggap siya bilang isang stewardess, sobrang saya niya noon. It felt like she was on top of the world. Parang may nagawa siyang napakaimportante sa buhay niya.

Una siyang na-assign bilang stewardess sa isang branch ng AirJem sa isang probinsya. Ang hirap n'on kasi wala siyang kakilala. So she asked the management to reassign her in the AirJem Airlines main branch. Hindi na siya umasa na matatanggap ang request niya.

Pero dalawang araw lang, nakatanggap agad siya ng memo. It was her happiest day.

Haze flipped the pages in the folder and stopped. Nagsalubong ang mga kilay niya at nagtaka.

What is this letter?

Nanlalamig ang kamay na binasa niya ang nakasulat. It was a recommendation letter from Lath Coleman. He recommended her to be assigned in AirJem Airlines main branch. He was an investor with big account. Kaya naman pala madaling naaprubahan ang request niya noon.

Parang nanghina ang lahat ng buto niya sa katawan. The shock was radiating through her body.

Hindi siya makapaniwalang tumawa sa nabasa. Lath... Lath was the reason why she was reassigned. He recommended her!

What the hell?!

Inilapag ni Haze ang folder sa maliit na mesa na katabi ng steel cabinet at hinalungkat ang mga papeles na laman niyon. Bawat papeles na nababasa ay napapaawang na lang ang mga labi niya sa gulat. Palaging si Lath ang dahilan kung bakit na-approve ang request niya na maging isa sa stewardess na babiyahe sa labas ng bansa. And when she requested to be one of the stewardesses to fly outside Asia, Lath also recommended her! Nasapo niya ang bibig na nakaawang sa sobrang pagkabigla sa impormasyong ngayon pa lang niya nalalaman.

Oh, God. Lath never leave me alone, he was always with me.

Hindi ito nagpakita pero sobra-sobra ang ginawa nito.

At nang mabasa ni Haze ang papel na naglalaman ng vacation leave niya, pinirmahan iyon ng Big Boss at may recommendation din ni Lath Coleman. Even the vacation with pay was recommended by Lath and signed by Volkzki!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nagsi-sink in sa utak niya ang mga nalaman.

Ibinalik niya ang folder sa steel cabinet at inayos ang sarili bago humarap sa manager. "Thank you, Ma'am."

"Welcome, Miss Tito."

"I'll take my leave now, Ma'am," sabi niya, saka umalis ng opisina.

Mabilis siyang naglakad patungo sa locker room at kinuha ang cell phone. Mabuti na lang ay may emergency cell phone siyang nakatago sa locker. Nawawala kasi ang cell phone niya. Hinuha niya ang itinago ni Lath.

Tinawagan niya ang bangko kung saan siya nag-apply ng car loan.

"Hello, this is Muller's Bank, how may I help you?" sabi ng boses babae sa kabilang linya.

"This is Haze Tito. Nag-apply ako ng car loan sa bangko n'yo. Gusto ko lang malaman kung may natanggap ba kayong recommendation para i-accept ang loan ko?"

"I'm sorry, Ma'am, it's confidential—"

"Please, just give me a name," pamimilit niya. "Pasasalamatan ko lang siya. I love my car, that's why," dagdag pa niya na puro kasinungalingan naman. "Wala naman pong masama ro'n, 'di ba? Kay Lath Coleman ba ang galing ang recommendation?"

The woman sighed. "Wait. I-check ko lang ang account n'yo."

Malapad siyang napangiti. "Thank you so much."

Natahimik ang kabilang linya ng dalawang minuto bago nagsalita uli ang babae.

"Ang ibinigay mo sa aming recommendation ay ang manager ng airlines na pinagtatrabahuhan mo but sadly, it wasn't enough. And then ini-recommend ka ni Mr. Lath Coleman at pumirma siya ng kontrata sa amin na siya ang magbabayad kung hindi ka makakabayad. And it was enough for us to grant your loan."

Bumilis ang tibok ng puso ni Haze. Oh, Lath... "Thank you."

"You're welcome, Ma'am."

Pinatay niya ang tawag at tinawagan naman ang manager ng SB Condominium.

"This is Natalya Gulom, Mr. Herman's secretary. How may I help you?" agad na bungad sa kanya ng sekretarya nang sagutin ang tawag niya.

"Hi, this is Haze Tito, one of SB Condominium occupants. Puwede ko bang makausap ang manager?"

"Just a minute, Ma'am."

Nawala ito sa kabilang linya at pagkalipas ng ilang minuto, narinig niya uli ang boses ng isang lalaki na halatang may edad na.

"This is Mr. Herman. How may I assist you?"

Huminga siya nang malalim. "Good morning, I'm Haze Tito. Itatanong ko lang sana kung dumating ang recommendation ni Mr. Lath Coleman? Hiniling ko kasi sa kanya na tulungan akong makakuha ng unit sa SB Condominium. Gusto ko sana siyang pasalamatan."

"Oh, yes. Hindi ko na kailangang i-check ang record," he exclaimed. "I would always remember the name Haze Tito. Personal kasi akong binisita ni Mr. Lath Coleman isang araw pagkatapos mong mag-apply para bilhin ang isang unit. Actually, may nauna na sa 'yo pero dahil si Mr. Coleman ang nakiusap, sino ba ako para tanggihan ang isa sa mayayamang negosyante sa Asya? And he also paid the staff to always check your door if it's lock and if you are home and safe."

Napanganga siya at nanubig ang mga mata. "Thank you." Hindi na niya hinintay ang sagot ng manager, pinatay niya ang tawag at napasandal sa pinakamalapit na dingding.

Oh, God... Lath... why are you doing this?

Huminga siya nang malalim, saka mabilis na umalis sa locker room dala ang bag at umuwi sa condo niya para mag-empake ng mga damit. She needed to see Lath. Kailangan niya itong makausap.

Pagkatapos mag-empake, gamit ang sariling kotse ay nagtungo siya sa AirJem Airlines. Nalaman niyang inihatid daw ng isang lalaki ang kotseng gamit niya sa garahe ng SB Condominium noong nakaraan nang hindi niya iyon kinuha sa parking lot ng Bachelor's Bar—maybe it was one of Lath's henchmen again.

Si Valerian Volkzki lang ang naiisip niyang tao na puwedeng pagtanungan kung nasaan si Lath o kung paano siya makakarating sa port na dinaungan ng yate ni Lath. Hindi niya alam ang daan patungo roon, wala siyang number ni Lath at sasabog na ang isip niya sa kakaisip kung paano makakausap ang lalaki.

Deretso ang lakad niya patungo sa opisina ni Mr. Volkzki nang makalabas ng elevator pero hinarangan siya ng isang lalaking medyo may edad na bago pa siya makarating sa pinto.

"Excuse me, but Mr. Volkzki is not around."

Nagtagis ang mga bagang ni Haze sa sobrang iritasyon na nararamdaman. "Puwede mo ba siyang tawagan para sabihing may naghahanap sa kanyang babae na nagngangalang Haze Tito? Please parang awa mo na, importante 'to. Please." Nagmakaawa siya sa lalaki. "Magtatanong lang ako kung alam niya kung nasaan ang lalaking mahal ko."

Mukhang gumana ang pagmamakaawa niya dahil nagtungo ang lalaki sa mesa nito at may tinawagan sa telepono.

"Yes, Sir. Haze Tito raw ang pangalan at may itatanong siya sa inyo." Tumango-tango ang lalaki, saka iniabot sa kanya ang telepono. "Magtanong ka na."

Mabilis niyang tinanggap ang telepono at inilagay malapit sa tainga. "Please tell me where Lath is. Kailangan ko siyang makausap."

Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya, saka nagsalita. "At bakit ko naman sasabihin sa 'yo?"

Nagtagis ang mga bagang niya. "Kasi kailangan ko siyang makausap tungkol sa nalaman ko ngayon lang at sigurado akong alam mo rin 'yon."

"What do you mean?"

"I'm talking about the recommendations."

"Oh." Valerian blew a loud breath. "Nasa Baguio ngayon si Lath." May ibinigay itong address sa kanya. "That's Lysander Callahan's townhouse. Kung balak mong pumunta, I suggest bukas na. May aasikasuhin pa kasi si Lath, eh." And just like that, he ended the call.

Haze glared at the phone. "Ang bastos ng lalaking 'yon. Walang modo. Hindi man lang nagpaalam," bulong niya, saka ibinalik sa lalaki ang telepono. "Salamat. Aalis na ako."

"Good day, Ma'am," sabi nito.

Tumango lang siya at umalis ng gusaling 'yon.

Hindi niya sinunod ang sinabi ni Valerian Volkzki. Gamit ang kotse niya, nagmaneho siya patungo sa Baguio. Kung bukas pa si Lath magiging available, dapat bukas mismo ay nasa Baguio na siya.

She really needed to talk to him.



MANY HOURS LATER, nakarating din si Haze sa Baguio. Nag-check in siya sa isang hotel at nagpahinga dahil napagod siya sa walang tigil na pagmamaneho.

Nang magising siya, gabi na. Nang tingnan niya ang orasang pambisig, hatinggabi na pala. Kaya ang ginawa niya, ipinikit niya uli ang mga mata, saka natulog.

When Haze woke up again, it was morning. She didn't waste any minute. Agad siyang naligo, nag-check out, sumakay sa kotse niya, saka nagtungo sa address na ibinigay ni Valerian Volkzki.

It took her thirty minutes to get to the address. Nakabukas ang gate kaya madali siyang nakapasok.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng isang itim na Audi at lumabas.

Napatitig si Haze sa hindi masyadong kalakihang townhouse pero matatawag namang pangmayaman. Magara iyong tingnan sa labas, pero nasisiguro niyang mas magara iyon sa loob.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, saka humugot ng isang malalim na hininga bago naglakad palapit sa pinto ng townhouse at kumatok.

Seconds later, the door opened showing a very handsome man with violet eyes.

Inihanda ni Haze ang sarili para sa mabilis na pagtibok ng puso niya pero wala. Walang siyang maramdaman.

"Sino ka?" His voice was deep and sexy. "Teka lang." His eyes narrowed on her. "Kilala kita. Ikaw 'yong babaeng napagkamalan akong si Lath at sinampal ako. I would never ever forget your face."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Kasabay niyon ay naalala niyang may kakambal pala si Lath, si Lash.

"Oh." Pinakawalan niya ang hiningang kanina pa pala niya pinipigilan. "Ikaw 'yong kakambal ni Lath."

"At ikaw ang asawa ni Lath." Malapad itong ngumiti, saka hinawakan siya sa kamay at hinila papasok sa loob ng kabahayan.

"T-teka lang, s-saan mo ako dadalhin... uy, bitawan—" Nanigas siya sa kinatatayuan nang bigla na lang nitong pinagsalikop ang mga kamay nila. "Hey! Let go off me!" Nagpupumiglas siya pero hindi siya makawala.

"Lath, brother-mine!" sigaw ni Lash habang pilit siyang hinihila patungo sa isang pinto na nakabukas.

"I'm in here." Lath's faint voice was coming from outside the open door.

Lash snickered and pulled her towards the door. Nang makapasok sila sa pinto, napamulagat siya na nakakonekta pala 'yon patungo sa malaking swimming pool. At nasa gilid si Lath, nakatalikod sa kanila.

"Hey, Lath," tawag ni Lash sa atensiyon ng kakambal, saka inakbayan siya.

Bago pa niya matanggal ang braso nito sa balikat niya, humarap sa kanila si Lath.

Their eyes met and her heart insanely hammered inside her chest. Nanlaki ang mga mata nito, halatang hindi makapaniwala na nasa harap siya.

"Haze?" Napakurap-kurap si Lath at dumako ang tingin sa braso ni Lash na nakaakbay sa balikat niya.

Lath's face darkened dangerously and before she and Lash even knew it, Lath was in front of them, punching Lash's stomach and kicking him to the swimming pool.

Napasinghap si Haze nang mahulog si Lash sa pool. She was expecting anger, pero nang umahon ang ulo ni Lash, nakangisi ito kay Lath.

"Selos ka, 'no?" Tawang-tawa ito, saka biglang nagdilim ang mukha. "'Yan ang naramdaman ko nang makita kong inakbayan mo si Nez ko."

Umingos lang si Lath, saka hinawakan ang kamay niya at hinila papasok sa loob ng bahay, patungo sa isang kuwarto.

"Lath, I'm here because—"

His lips were on hers. Bago pa niya matapos ang sasabihin nakaselyo na ang mga labi nito sa mga labi niya at nakasandal na siya sa likod ng pinto ng kuwarto at hinuhubaran na ng damit ni Lath.

"Lath..." Napakapit siya sa balikat nito nang dumako ang mga labi nito sa leeg niya. "M-mag-usap t-tayo."

"God, wifey." He bit the skin on her neck. "I miss you, baby."

Bahagya niya itong itinulak habang habol ang hininga. "Mag-usap tayo. Please."

"No talking." He kissed her lips deeply. "Just kissing."

Bago pa siya nito mahalikan uli, iniwas niya ang mga labi. "Please, Lath, may itatanong ako sa 'yo."

But Lath would never listen. Mapusok siya nitong hinalikan sa mga labi at pinunit ang damit niya. Akmang isusunod nito ang bra niya pero pinigilan niya ang kamay nito.

"Ako na," sabi niya at mabilis na hinubad ang bra at itinapon iyon sa sahig. "Fine, let's do this first."

Lath grinned seductively. "Good, wifey."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro