Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

CHAPTER 8

GULONG-gulo na ang isip ni Tyron kung anong dapat niyang gawin. His mind was telling him to choose Careen. Matagal na niya itong kasintahan, dapat ito ang piliin niya dahil aalis din naman si Raine pabalik sa Canada at siguradong lilipas din ang tampo sa kaniya ni Careen at makikipagbalikan ito sa kaniya. But the parts of his anatomy, like the one inside his ribcage, iba ang binubulong niyon sa kaniya.

Argh! So confusing!

Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Raine, umalis siya sa silid at iniwan doon ang dalaga. He found himself in the mini-bar, drinking scotch and getting more confused. Hindi niya alam ang gagawin niya. Ayaw niyang saktan si Careen, and at the same time, ayaw niyang mawala sa tabi niya si Raine. But he couldn't have both women in his life! He coudn't keep them both.

Sa impyerno talaga ako mapupunta nito.

Ininom niya ang alak na sinalin niya sa shot glass saka bumuga ng marahas na hangin. Mababaliw na siya. Wala naman siyang aasahan sa mga kaibigan niya dahil lahat naman ng mga ito ay single at mga babaero.

"Hey, Ty." Boses iyon ni Ymar.

Binalingan niya ang kaibigan na umupo sa stool na katabi niya. "Hey."

"Kausap ngayon ni Lander at Calyx si Raine," anito at nanunuring nakatingin sa kaniya. "She seems nice."

Kaagad na kinain ng selos ang buong pagkatao niya sa isiping nakikipag-usap sa iba si Raine.

Pinili ni Tyron na umaktong walang pakialam kahit sa loob niya ay gustong pilipitin ang leeg ni Lance at Calyx. "Yeah, she's nice."

Tumango-tango si Ymar. "So, may nangyari na sa inyo?"

Umiling siya. He needed to lie. Hindi alam ng mga ito ng may nangyari sa kanila ni Raine. His room was sound proof. "Wala."

"Good." Tinapik ni Ymar ang balikat niya. "Alam naming ayaw mong manakit ng babae kaya huwag mong umpisahan ngayon. Raine seems a good girl. Huwag mo siyang saktan. Kung may balak kang seryusohin si Raine, makipagkalas ka ng maayos kay Careen."

"Wala na kami ni Careen, pero alam kong makikipagbalikan din siya at masasaktan ko siya kapag nalaman niya ang tungkol kay Raine."

Napailing-iling si Ymar. "Ty, hindi ako bobo para hindi mapansin ang kakaiba mong pagtingin kay Raine nuong ipakilala mo siya samin ni Iuhence."

Hinilamos niya ang dalawang palad sa mukha niya. "Naguguluhan ako."

Tinapik ni Ymar ang balikat niya. "Pag-isipan mong mabuti."

Iniwan siya ni Ymar at siya naman ay hinanap si Raine. Natagpuan niya ang dalaga sa sala at nakikipag-usap kay Calyx at Lander.

Careen never liked his friends dahil daw mayayabang ang mga ito. But Raine... kung makipag-usap ito sa mga kaibigan niya ay parang matagal na rin nitong kaibigan ang mga ito.

He couldn't help but to eavesdropped on their conversation.

"Where do you live in Canada?" Tanong ni Lander na numero unong tsismoso.

"My mom lives in Canada, I do too. Well, sort of," sagot ni Raine. "Palagi akong nasa ibang bansa dahil sa trabaho ko bilang isang Journalist. For instance, I have to write an article about fine restaurant for dates and all that romantic stuff, I'll choose any country with restaurants that has stunning romantic ambiance and the company will pay the expenses of my travel."

"Wow," Calyx replied in amazement. "What a great job you have."

"Yeah," sang-ayon ni Lander. "Every week ba ang pagsusulat mo ng article?"

"Oo. Pero may mga sinusulat naman akong article na hindi na kailangan pang pumunta sa ibang bansa." Nakangiting wika ni Raine. "Masyado lang demanding ang boss ko kaya pinapadala niya ako sa ibang bansa para may laman daw ang bawat article na sinusulat ko."

Lander frowned when she mentioned her boss. "Ikaw lang ba ang pinapadala ng Boss mo sa ibang bansa mo lahat ng Journalist sa kompanya niyo?"

"Ako lang." Ani Raine. "Ako kasi ang nagsusulat para sa special page ng magazine namin kaya kailangan talaga may laman ang mga isinusulat ko."

Calyx was about to open his mouth to talk when their eyes met. Amusement dance on his eyes as he smiled cunningly at him. "May gusto ba sa'yo ang boss mo?" Calyx asked Raine straight to the face.

Napa-ubo ang dalaga sa tanong ni Calyx. He wanted to strangle Calyx with his bare hands for asking that question. Kailangan ba nitong itanong 'yon? Kailangan ba nitong ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang attracted sa dalaga? Na wala siyang pag-asa rito?

Okay, I'm over thinking this.

He waited patiently for Raine's answer. Nakakuyom ang kamao niya habang hinihintay ang sagot nito. Whoever that boss of hers, he wouldn't let him have her. She already had given herself to him. She's mine, damn it!

No, she's not. Yeah, she's not.

Tyron sighed in irritation.

And then the woman who made him irrational these past few days answered. "My boss? Ahm, he gave me flowers and hinted as much but I don't want to assume. He's a good guy. Mabait naman siya sa akin at kahit kailan hindi naman niya ako binastos tulad ng ibang boss."

Calyx smirked at his direction. "Talaga? Nagbibigay sa'yo ng flowers ang boss mo? Hmm, baka may gusto nga talaga sa'yo 'yon."

His mood darkened even more. Gusto niyang pilipitin ang leeg ni Calyx sa mga oras na iyon pero pinigilan niya ang sarili. He was eavesdropping for crying out loud.

Umiling-iling ang dalaga. "Wala 'yon. He's just my boss and I'm just his employee."

Sa sinabing iyon ng dalaga, parang idinuyan siya sa langit. His mood lightened. That was better. You have already given yourself to me, kaya akin ka lang, Raine. Akin ka lang. He declared.

Napailing-iling nalang si Tyron sa tumatakbo sa isip niya. Hindi niya dapat iniisip iyon. What he felt for Raine was just lust. Just. Lust!

Babalik na sana si Tyron sa mini-bar ng makita niyang may inabot na isang basong tubig si Train kay Raine. What the hell? Jealousy ate him up. At bago pa siya makapag-isip ng maayos, inagaw na niya ang baso kay Train.

RAINE'S day was not fun. Iniwan siya ni Tyron sa silid pagkatapos nang nangyari sa kanila. She waited for Tyron to come back to their room but he didn't. Ni anino nga nito ay hindi niya nakita. Hindi niya maiwasang isipin na baka katulad din ito ng ibang lalaki, sex lang ang habol.

Well, he has a girlfriend. What does she expect?

Lumabas siya ng silid para kumuha ng maiinom sa kusina ng makasalubong niya si Train.

"Hey, madam Raine." Anito na ngumiti. "Sa kusina ba ang punta mo?"

Tumango siya. "Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom."

"I'll get it for you. Hintayin mo nalang ako sa sala," wika nito.

"No, ako na."

"Ako nalang." He smiled at her dazzlingly, then he went to the kitchen to get her some water.

Without a choice, tinungo niya ang sala at umupo sa pang-isahang sofa. After a few minutes, Tyron's two friends showed up in the living room, startling her. Tatlo palang sa kaibigan ni Tyron ang pormal niyang nakilala. Si Iuhence, Ymar at Train.

"Hey." The man with eyes that could be compared to the clear blue sky smiled at her. His tawny hair was unkempt, maybe because the man kept on brushing his hair using his fingers as a comb. He was handsome in a rugged way. With his dark jeans, white shirt, and leather jacket, he looked like a freaking handsome biker from hell. "I'm Lander Storm. Nice to meet you." Inilahad nito ang kamay sa kaniya.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Raine Lynn Dizon," pagpapakilala niya. "Nice to meet you too."

Nang pakawalan nito ang kamay niya ang kasama naman nitong lalaki ang nakipagkamay sa kanya at hinalikan ang likod ng kamay niya. "I am called Calyx Vargaz. Nice to meet you, Raine Lynn Dizon."

Calyx Vargaz had a coffee colored hair. His eyes were pitch-black. It glistened. He had a friendly smile on his face. He dressed formally unlike Lander. He was downright gorgeous with his set of dimples and sweet smile.

"Nice to meet you too," aniya na nakangiti at binawi ang kamay.

Umupo ang dalawang lalaki sa mahabang sofa at inumpisahan siyang i-interrogate. Para siyang nasa hot seat sa mga tanong na ibinabato nito sa kanya lalo na si Lander.

"May gusto ka ba kay Tyron? Alam mo bang may kasintahan na siya? Ano ba ang nararamdaman mo para sa kaibigan namin?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Lander.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago sumagot. "Una, may gusto ba ako kay Tyron? Oo ang sagot ko. I'm attracted to him. Pangalawa, oo alam kong may girlfriend siya. Umiiwas naman ako e, pero 'yon nga. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Pangatlo, trust me, hindi ko rin alam kong ano ang nararamdaman ko para sa kanya."

Lander studied her, said, "they said that when a guy cheat on his girlfriend, he doesn't care about his relationship with her. But in Tyron's case, that's not true. He cared for Careen, until he met you. Ano bang mayroon ka na wala kay Careen?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know. If you want to know the difference between me and Careen then ask Tyron. I'm pretty sure he can give you a ten page explanation on that one."

Lander smirked meaningfully. "Yeah? You think so?" Parang may demonyong sumilip sa mga mata nito habang matiim na nakatitig sa kanya. "I agree with you. Tyron can write millions of words to differentiate you from Careen."

That wasn't an insult—I hope not—but she still felt insulted. Irritation flickered in her eyes as she narrowed her eyes on the blue-eyed gorgeous devil who happened to be Tyron's friend.

"It wasn't an insult," ani Lander na mukhang nabasa aniya ekspresyon sa mukha ng mukha niya.

Tumikhim si Calyx saka nagtanong sa kaniya, "what do you do for a living?" Pag-iiba nito.

Nang ibaling niya ang atensiyon kay Calyx, may ngiti na sa mga labi niya. "I'm a journalist."

"Sabi ni Tyron taga-Canada ka raw. Saan sa Canada?" Tanong ni Lander.

"My mom lives in Canada, I do too. Well, sort of." Napag-desisyunan niyang sagutin ito kahit pa nga naiirita siya rito. "Palagi akong nasa ibang bansa dahil sa trabaho ko bilang isang Journalist. Ahm, example, I have to write an article about fine restaurant for date and all that romantic stuff, I'll choose any country with restaurants that has stunning romantic ambiance and the company will pay the expenses of my travel."

"Wow." Calyx breathes out, amazement on his voice. "What a great job you have."

"Yeah." Sang-ayon ni Lander. "Every week ba ang pagsusulat mo ng article?"

"Oo. Pero may mag sinusulat naman akong article na hindi na kailangan pang pumunta sa ibang bansa." She smiled timidly. "Masyado lang demanding ang Boss ko kaya pinapadala niya ako sa ibang bansa para may laman daw ang bawat article na sinusulat ko."

Lander frowned and his eyes glisten in curiosity when she mentioned her boss. "Ikaw lang ba ang pinapadala ng Boss mo sa ibang bansa o lahat ng Journalist sa kompanya niyo?"

"Ako lang." Aniya. Parang alam na niya ang patutunguhan sa tanong nito. "Ako kasi ang nagsusulat para sa special page ng magazine namin kaya kailangan talaga may laman ang mga isinusulat ko."

"May gusto ba sa'yo ang boss mo?" Calyx asked.

Boom! I knew it!

But she was still stunned at the question. Napa-ubo pa nga siya sa pagkabigla sa tanong nito. "My boss?" Huminga siya ng malalim. "Ahm, he gave me flowers and hinted as much but I don't want to assume. He's a good guy. Mabait naman siya sa akin at kahit kailan hindi naman niya ako binastos tulad ng ibang boss."

Dark Montero. That was the name of her boss. He was a nice guy. Ang hindi lang niya rito gusto ay napaka-babaero nito. Kung magpalit ito ng girlfriend mas mabilis pa yata sa pagpapalit ng necktie na suot nito araw-araw.

Calyx smirked. "Talaga? Nagbibigay sa'yo ng flowers ang Boss mo? Hmm, baka may gusto nga talaga sa'yo 'yon."

Umiling-iling siya. "Wala 'yon. He's just my boss and I'm just his employee."

Wala siyang gusto kay Sir Dark. Oo nga at katulad niya ay isa rin itong half-Pilipino, pero maliban sa nagu-guwapuhan siya rito, wala na. Wala siyang nararamdamang mag higit pa sa paghanga sa kaguwapuhan nito na palagi nitong pinagmamalaki.

Dumating si Train na may dalang isang basong tubig at ibinigay iyon sa kanya. Akmang tatanggapin na niya ang baso ng may nauna sa kanya. It was Tyron. He took the glass of water from Train's hand and drank it to the last drop.

Inilapag nito ang baso na wala ng laman sa ibabaw ng round table at hinawakan siya sa kamay at hinila na naman siya patungo sa silid nito. She had enough of him pulling her anywhere he wanted to go. With all the strength she possessed, tumigil siya at iwinisik ang kamay nito.

"You can't treat me like this Tyron!" Wika niya ng humarap ito sa kanya at nagtatanong ang mga mata nito. "I'm talking to someone for god sake! That was rude of you. Hindi ako basta-basta magpapahila sa'yo."

His eyes darkened in defiance. "Yeah? So, anong gusto mo? Ipakita ko sa kanila kung anong gagawin ko sa'yo sa loob ng silid ko? Would you prefer that, Raine?"

He started to advance towards her. Raine backed away from him. She felt the eyes of his friends on them. Nang tumama ang likod niya sa dingding, mahina siyang napamura. And when Tyron's face was only a breath away, she gulped in nervousness.

"D-Don't you dare, T-Tyron." Abo't-abo't ang kaba na aniya sa binata na may mala-demonyong ngisi sa mukha.

"Give me one reason why I wouldn't dare, Raine." His voice was dangerously low. "Give me one fucking reason why I shouldn't kiss you in front of my friends?"

"B-Because you have a girlfriend?" She answered, but Tyron just smirked acidly at her.

"Not good enough." With that, he crashed his lips on hers.

Nanlaban siya sa halik nito. Sinubukan niyang itulak ito pero hindi man lang ito natinag. The devil didn't even budge.

When Tyron broke the kiss, he looked at his friends. Lander had a smile on his lips that said, I win. Calyx was smiling at both of them and Train was shaking his head in amusement. "This girl is mine. Raine Lynn Dizon is mine and no one should give her a glass of water but me." Pinukol nito ng masamang tingin ni Train. "Okay?"

"Noted, Zapanta," Train answered, smiling in amusement.

"Good," ani Tyron saka hinila siya patungo sa silid nito.

Nang makapasok sila sa silid nito, madilim ang mukha nito at parang handa itong manakit ng tao sa ekspresyon ng mukha nito.

"Ano ba ang problema mo?" Nagtatakang tanong niya sa binata. "What you did was rude you know. Wala namang ginagawa 'yong tao maliban sa bigyan ako ng isang basong tubig."

His butterscotch eyes shoot daggers at her. "Rude? Raine, you are mine!"

She gaped at him. "Ano naman ang koneksiyon no'n sa ginawa mong paghalik sa'kin?" She glared back. "And since when did I become yours? News flash, Tyron, I am not!"

The fiend man with butterscotch eyes and sardonic smile strode towards her. Tumigil ito sa paglapit sa kanya ng halos magkadikit na ang katawan nila. Inilagay nito ang daliri sa baba niya saka pilit siyang pinatingin dito. "When did you become mine? That moment I broke your hymen and penetrated the heart of your femininity, I branded you as mine, Raine."

"I'm not yours, Tyron!" Sigaw niya sa sobrang galit na nararamdaman. "Gago ka pala e! Nakakalimutan mo na ba na may girlfriend ka na?! Letse! Huwag ako ang paglaruan mo! Pagkatapos nang nangyari satin, anong ginawa mo, hindi ba umalis ka at iniwan mo ako? Wala kang karapatang angkinin ako, Tyron!" Nanlilisik ang mga mata sa galit na sinalubong niya ang tingin nito. "Hindi porke't nakuha mo na ang pagkababae ko ay sa'yo na ako. Do I have to remind you that I live in Canada where virgin woman is a myth? Walang pakialam ang mga kalalakihan doon kung virgin ka man o hindi, as long as mapapaligaya mo sila okay lang, kaya huwag mong gamitin iyang virginity-virginity na iyan!"

Tyron roughly pinned her on the nearest wall and crashed his lips against hers. The kiss was rough and dispassionate. But she couldn't help herself but be succumbed to his sinful kiss.

"I'm not yours," bulong niya ng pakawalan ng binata ang labi niya. "Hindi ako sa'yo, Tyron."

"Akin ka, Raine."

Ipinilig niya ang ulo at naguguluhang tumgin dito. "Ano bang problema mo? Pagkatapos ng nangyari satin, iniwan mo na ako. Do you know that I feel like a cheap woman because of what you did? Please, just leave me alone."

"No," Humugot ito ng isang malalalim na hininga saka masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito sa isang babae, Raine. This is the first time that I want to own someone. So damn me to the depths of hell, stab me with the devil's fork, and fry me in inferno, you can do all those things to me but you can't stop me from claiming and branding you as mine."

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa mga mata ng binata. "Tyron." Umiling-iling siya. "Nagkakakilala palang tayo. Four days ago, you don't even know me. You can't possibly feel—"

"Fuck the days and fuck the time. It doesn't matter to me."

"It does to me." Walang buhay siyang napatawa. "Nababaliw ka na, alam mo ba 'yon?"

"Oo. Nababaliw na ako," anito at hinalikan siya sa mga labi. "Nababaliw na ako sa'yo."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro