Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

CHAPTER 4

NAKA-KRUS ang braso ni Raine sa harap ng dibdib niya habang naka-upo sa pang-isahang sofa at kaharap si Iuhence Vergara na pinapagitnaan ni Tyron at Ymar Stroam na kadarating lang. Kaibigan pala ni Tyron ang dalawa na magkasunod na dumating.

She heard from Iuhence that Tyron's other friends are coming over. Sasama daw kasi ang mga ito sa pag-uwi sa Panggasinan dahil doon ang mga ito magpa-pasko at magne-new year.

Halos walang tulak-kabigin sa tatlo kung ka-guwapuhan lang naman ang pag-uusapan pero hindi niya alam kung bakit nakakalamang si Tyron sa mga mata niya.

Maybe it was because of his oh so wonderful scent ... and eyes, and lips.

She sighed at the awkward silence surrounding them. "Wala bang magsasalita sa inyong tatlo?" Tanong niya ng lumipas ang mahabang katahimkan.

Nag-angat ng tingin sa kanya si Iuhence mula sa phone nito. "Babe, if you want to hear my voice that badly, all you have to do is ask."

Itinirik niya ang mga mata. "You are not my type."

"I perfectly know that. I saw the smudge remember?" Nakangising sabi ni Iuhence at kinindatan siya kapagkuwan.

"What smudge?" Inosenteng tanong ni Ymar na pinagpapalit-palit ang tingin sa kanya at kay Iuhence.

Wala itong alam sa paghahalikan nila ni Tyron. And as much as possible she wantws to keep it that way. Pero talagang tsismoso itong si Iuhence at binuka nito ang bibig para mag-kwento.

"You see my dear friend," Inakbayan ni Iuhence si Ymar. "Tyron and his parents visitor, Raine,." He motioned her hand at her. "They kissed."

Nalaki ang mga mata ni Ymar, halata ang gulat sa mga iyon. Nakaawang din ang mga labi nito. "What the hell, man?!" Hindi ito makapaniwalang tumingin kay Tyron at sa kanya. Kapagkuwan ay tumuon ang mata nit okay Tyron na nakatutok ang mga mata sa sahig na para bang nahihiya sa kaalamang naghalikan sila. "Damn, man, I thought you have a girlfriend."

Bumuga ng marahas na hininga si Tyron. "I do! I have a freaking girlfriend." He sounded so defensive. So guilty.

"Kung ganoon bakit kayo naghalikan?" Tanong ulit ni Ymar.

Bago pa makasagot si Tyron, tumayo si Raine at nagpa-alam sa mga ito.

The conversation was getting awkward. Ayaw niyang marinig na pinag-uusapan ng iba ang halik na pinagsaluhan nila ni Tyron. She knew it was a mistake, but it was the best damn mistake of her life. Damn her to depths of hell, but she wouldn't deny that she enjoyed the kiss. Yep. I pretty much enjoyed it.




NAPATINGIN si Tyron sa papalayong bulto ni Raine. Umalis ito sa sala at pumasok sa silid niya. The thought of her entering his bedroom awakened the beast between his thighs. No! Hindi niya dapat iyon nararamdaman.

May girlfriend na ako! Fuck it!

Oo pero nakipag-break na siya sa'yo. Hayun na naman ang boses sa isang bahagi ng isip niya.

"Bakit siya pumasok sa kuwarto mo?" Tanong ni Ymar na naguguluhan.

"Bisita siya ng mga magulang ko," niya at isinandal ang likod sa likuran ng sofa na parang pagod na pagod samantalang wala naman siyang ginawa. I am mentally tired! Damn it!

"Precisely," ani Ymar. "Ty, may tatlong guest room itong condo mo. Bakit siya pumasok sa silid mo?"

Nagkibit-balikat siya. "I honestly don't have an answer to that."

Iuhence tsked. "The magna cum laude Tyron Zapanta doesn't have an answer?" Umiling-iling ito. "Man, you are in big trouble."

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "I'm not in trouble."

"Akala namin may girlfriend ka at anti-infidelity ka. Anong nangyari?" Ani Ymar na nakatingin sa kanya. Nagpapasalamat siya dahil walang panghuhusga sa mga mata nito.

"Oo, may kasintahan ako. Tatlong taon na kaming magkasintahan ni Careen." Gusto niyang suntokin ang sarili dahil sa paghalik niya kay Raine, pero kahit ganoon, hindi pa rin mawala sa isip niya kung gaano kalambot ang mga labi nito. "Alam kong mali ang ginawa ko kahit pa nga nag-away kami ni Careen at nakipaghiwalay siya sa akin, pero..." I enjoyed it. Fry me in hell but I did enjoy every second of it.

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil hindi niya kayang aminin sa sarili na talagang niloko niya ang kasintahan dahil siya ang unang humalik kay Raine.

"Tuloy mo lang ang sasabihin mo, Ty," ani Iuhence na nakangisi. "Akala ko ba ayaw mong maging-kapareha ng daddy mo."

Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas sa sinabi ni Iuhence. That was the main reason why he believed that man should only be with one woman. Saksi siya sa sakit na idinulot ng ama niya sa kanyang ina. He heard her cry and plead to god. At nang makabuntis ang ama niya, it was the darkest days of their lives. It took years for his mom to smile again. What happened to her mom scarred him. Kaya naman ayaw niyang makakita ng babaeng umiiyak ng dahil sa kaniya.

Alam niya kung gaano iyon kasakit.

Pero tingnan mo naman ang nangyayari ngayon? He just met Raine and he already penetrated her mouth with his tongue.

'Di'ba nga nakipag-break na sa'yo si Careen? Anang boses sa isang bahagi ng isip niya.

Napatigil siya sa pag-iisip ng may nag doorbell sa unit niya. Si Ymar ang nagbukas ng pinto. And then entered his friends namely Train Wolkzbin, Lander Storm and Calyx Vargaz. Naging kaibigan niya ang mga ito ng doon siya nag-aral ng college sa Stanford University. Doon nabuo ang pagkakaibigan nila at dahil pare-pareho silang may dugong pinoy, hindi na sila naghiwa-hiwalay.

May mga dala itong backpack. Mukha seryoso ang mga ito na magbabakasyon sa Panggasinan kasama niya.

"Hey, guys," ani Lander na bahagyan pang kumaway. Amerikano ang ama nito at ang ina nito ay Pilipino kaya naman kulay asul ang mga mata nito.

"Yow! Handsome people," ani Train, sabay ngiti. Isa itong Half-Russian. Ang ina nito ang Filipino.

"Hey," ani Calyx, at umupo sa iniwang upuan ni Raine.

Si Calyx naman ay parehong pinoy ang mga magulang pero alam niyang may halong banyaga ang dugo nito. Hindi niya lang alam kung ano pero halata naman sa mukha nito. Si Train at Lander ay sa sahig umupo. Ang mga dala nitong bag ay nagkalat sa sala.

Sa kanilang magkakaibigan si Iuhence ang tsismoso at hindi talaga mazi-zipper ang bibig nito kaya kapag may gusto silang malaman, kay Iuhence sila nagtatanong. Before, he liked that attitude of Iuhence, but now, he wanted to sew his lips together. Ayaw niyang i-kuwento nito sa mga kaibigan nila ang tungkol kay Raine. To his surprise, Iuhence didn't say anything. Nanatili itong tahimik. Pati na rin si Ymar.

"So, what's up?" Basag ni Lander sa katahimikan at tumingin sa kanya. "Aren't you gonna offer a drink? A beer or maybe rum?"

"Hindi tayo dapat uminom," wika ni Ymar habang nakatingin sa pinto ng kuwarto niya.

"At bakit?" Train asked.

"Kasi may bisita si Ty," ani Iuhence at itinuro ang silid niya. "She's in there. Resting."

Naghari ang katahimikan sa sala. Lahat ng mga ito ay nakatingin sa pinto ng silid niya. Nasapo niya ang ulo dahil bakas sa mukha ng mga ito na hindi makapaniwala na may babae ngayon sa silid niya maliban kay Careen.

"Sino siya?" Paanas na tanong ni Train kay Iuhence.

Iuhence shrugged. "Anak ng ninang niya."

Itinirik niya ang mga mata. Bakit ba siya umasa na mazi-zipper nito ang bibig. Ang tsismoso, forever ng tsimoso. Just like Iuhence.

"Kung ganoon, bakit siya naroon sa silid ni Tyron?" Puno ng kuryusidad na usisa ni Lander. Ito ang first runner up sa pagiging tsismoso. Champion si Iuhence.

Tinuro siya ni Iuhence. "Tanungin niyo si Ty."

Tyron let out a deep breath before he stood up and went to his room. Gusto niyang takasan ang tanong ng mga kaibigan niya na kahit siya ay hindi alam ang sagot. At gusto lang niyang maka-usap ang dalaga. In private. Without the prying eyes and ear of his friends.

Nang makapasok siya sa silid niya, agad niyang nakita si Raine na nakahiga sa kama niya. Nakatihaya ito at nakatingin sa kisame. Kaagad na naglumikot ang imahinasyon niya ng makita ang dalaga. He and she, between sheets, sweaty and moaning in pure bliss.

Marahas siyang napailing. Don't go there, mind.

Nagpanggap siyang may kukunin sa closet. He pretended to pull a shirt when he heard Raine speak.

"Bakit?"

Nakakunot ang nuong binalingan niya ito. "Anong bakit?"

"Bakit mo ako hinalikan kung may Girlfriend ka naman pala?" Her voice was flat, emotionless.

Gusto niyang lumabas ng silid para matakasan ang tanong nito pero hindi niya iyon ginawa. "I didn't."

Idiot! Sure you did. Wika ng isip niya.

"Okay. I'll just pretend that the kiss didn't happen then."

His mood darkened. He didn't know why but what Raine said irritated him to the corest of his being.

"Just like that?" Puno ng iritasyon ang boses niya.

"Oo." Bumangon ito sa kama at naglakad palapit sa kanya. Her eyes were cold. Its coldness made him shiver. "Just. Like. That." Tumigil ito sa harap niya at matalim ang mga mata na sinalubong ang mga mata niya. "You know Tyron, hindi ka dapat nanghahalik ng babae kung may kasintahan ka. You don't put your tongue on someone's mouth when you're in a relationship."

"Alam ko 'yon."

"Ows, talaga?"

Sa pagkakataong iyon, halos isang dangkal nalang ang layo ng mga katawan nila. Nararamdaman niya ang init no'n. Amoy na amoy niya ang mabangong halimuyak ng hininga nito. Hindi mapigilan ni Tyron na mapatitig sa mapupulang labi ng dalaga. He was tempted to press his lips against hers. And that was what he did. He let himself be succumbed to the temptation.

He kissed her.




NANG lumapat ang mga labi ni Tyron sa mga labi niya, mariing ipinikit ni Raine ang mga mata para namnamin ang halik nito. Pagkatapos ay umatras siya at binigyan ito ng mag-asawang sampal.

Namilog ang mata ni Tyron at halatang nagulat sa ginawa niya. Mukhang hindi nito inaasahan na sasampalin niya ito.

Napahawak ang binata sa pisngi na sinampal niya at nanlilisik ang matang tinitigan siya. "What the ... hell?!"

"The first slap was for insulting me." Matapang niyang sabi.

"I did?"

Pinanlisikan niya ito ng mga mata. "Yes, you did, moron. At 'yong pangalawang sampal para iyan sa paghalik sa'kin kahit may girlfriend ka."

She was expecting him to get mad at her, but, instead, he chuckled sardonically. "Tapos ka na? O sasampalin mo pa ako?"

Kinunotan niya ito ng nuo. Hindi niya mabasa ang nilalaman ng mga mata nito na matiim na nakatingin sa kanya. "Ano naman ngayon kong tapos na ako?"

"Kasi kung tapos ka na," Inisang hakbang nito ang pagitan nila. "Ako naman."

With that, bumaba ang labi nito sa mga labi niya at mariin siyang hinalikan. Napadaing siya ng sapilitang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya. Napasinghap siya ng maramdaman ang kamay nito na pinipisil ang dibdib niya. Instead of pushing him away, she let him ravish her lips.

She was catching her breath when his lips left her lips and then it traveled down to her chin ... down to her neck ... then moved to her ear.

He slightly bit her earlobe then licked the sting away.

Kapagkuwan ay bumulong ito sa taenga niya. "Hindi lang naman ako ang may kasanalan sa halik na pinagsaluhan na'tin. You contributed, too. I kissed you, you kissed me back. Why is that, Raine? Are you attracted to me?"

Tumawa siya para itago ang kabang nararamdaman. "Ako? Attracted sa'yo? Baka ikaw."

Binigyang distansiya ni Tyron ang mukha nila saka matiim na tumingin sa mga mata niya. "Yes, I am attracted to you. I would have not kissed you if I wasn't. You bewitch me through your eyes. You fascinate me through your smile. You allured me through your lips. This..." He captured her lips then quickly pulled away, "... is your entire fault. You captivated me and I can't un-captivate myself."

"I'm attracted to you, too. Hindi naman 'yon big deal. Parang crush lang naman 'yon e." Pag-amin ni Raine.

Tyron froze at her confession. Malalaki ang mata nitong hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"A-ano?" Halata pa rin ang gulat sa mukha nito.

"What are we going to do about it?"

Nang makabawi sa pagkabigla, nagkibit-balikat ang binata. "Let's just pretend that we aren't attracted to each other." Anito habang unti-unti lumalapit ang mga labi nito sa mga labi niya.

"Yeah, mas magiging madali nga 'yon." Aniya habang inilalayo ang mukha sa mukha ng binata.

"Hmm-mm. Much easier."

Their lips were almost touching. She couldn't back away because Tyron held her in place.

"Ang dapat mong gawin ngayon ay," pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito, "pakawalan ako at umalis ka sa silid na 'to."

Hinawakan siya nito sa baba at itinaas ang mukha niya. "Yeah. Dapat kitang pakawalan. Pero may problema ako." He whispered huskily.

"Ano?" Oo, may problema! Ang problema ay hindi siya makahinga ng mabuti dahil napakalapit nito sa kanya.

"I can't." He captured her lips.

That was the last straw of her defense. One kiss from this man melted her strong defenses. Yes, she was attracted to him. Hindi niya iyon ikakaila. Pero tama ba na ma-attract siya rito samantalang may girlfriend na ito?

As he deepened the kiss, her mind said yes.

Yes, it was okay to be attracted to Tyron. As long as she wouldn't fall in love with him. It was okay. Right?

Tinugon niya ang mainit nitong halik. Sa bawat paggalaw ng labi niya kasabay niyon ay ang pagtali niya sa puso niya at paglagay niyon sa hawla. Her heart had to be protected from Tyron's charm. It had to be safe for a month. Dahil pagkalipas ng isang buwan, babalik na sila sa Canada at hindi na niya ito makikita pa.

She was on a vacation after all. Dapat mag-enjoy siya.





NATATAWANG napakunot ang nuo ni Raine ng makitang bahagyang binuksan ni Tyron ang pinto ng silid nito.

"Bakit mo ginawa iyon?" Nagtatakang tanong niya sa binata.

"To let my friends know that we are not doing anything pornographic." Nakangiting sagot nito at bumalik sa pagkaka-upo sa kama sa tabi niya.

"Tumawag na ba ang mommy mo?" Tanong niya.

As if on cue, Tyron's phone rings. Nang tingnan nito kung sino ang tumatawag, tumingin ito sa kanya. "It's mom."

"Sagutin mo!" Utos niya rito.

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Hindi mo ako kailangang sigawan." Sinagot nito ang tawag. "Hey, mom." Mahabang katahimikan ang nagdaan kapagkuwan ay bumadha ang gulat sa mukha ng binata. "What? Mom, what are you thinking? Bakit nauna na ka'yo riyan? Paano naman kami?" Paused. "Bakit niyo nga ginawa 'yon? Akala ko ba bukas pa ta'yo?" A paused, then he looked at Raine. "Yeah, Raine is fine."

Bumuntong-hinga si Tyron saka iniabot sa kaniya ang cell phone nito. "Mommy mo."

Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa mga kamay nito at inilagay iyon malapit sa tainga niya.

"Hey, mom. It's me, Raine," aniya sa nasa kabilang linya.

"Hey, sweetie, how are you?"

"I'm fine, mom. How about you? Are you okay? Nasaan ka ba?"

"Narito na ako sa Panggasinan, anak. Nauna na kami sa inyo."

"Ano?!" Hindi niya mapigilang sumigaw sa sobrang gulat sa sinabi nito. "Mom! Bakit mo naman ako iniwan?" Nabalot ng pag-aalala ang puso niya. "I don't know anyone here—"

"Oh, silly." Her mom giggled. "Nandiyan naman si Tyron. Hindi ka niya pababayaan."

Napatingin siya kay Tyron na walang imik na nakamasid lang sa kanya kapagkuwan ay mabilis siyang nagbaba ng tingin. "M-Mom, bakit naman po siya nasama sa usapan natin?" Hindi niya maintindihan ang takbo ng isip nito. "Bakit niyo ba kasi ako iniwan?"

"Because you're in good hands." Binuntutan pa nito ng nakakairitang hagikhik ang sinabi. "Ibalik mo ang cell phone kay Tyron, kakausapin ko si'ya."

Napipilitan siyang ibinalik ang cell phone sa binata. "Gusto ka raw kausapin ni Mommy."

Tinanggap ni Tyron ang cellphone ay inilapit iyon sa taenga nito. "Yes po, ninang?" Halata sa mukha nito na nakikinig ito sa sinasabi ng ina niya sa kabilang linya. And when his eyes glanced at hers. Alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. "Sure, ninang, ako na po ang bahala."

Then just like that, he ended the call and said, "Nauna raw sila kasi hindi pa pala ngayon ang dating ni ante Neny at excited na raw silang umuwi sa Panggasinan. Kaya naman umuwi sila kanina pagkatapos nilang mag-shopping at tayo nalang daw ang maghihintay kay ante Neny."

"Kailan ba darating ang ante Neny mo?"

"Sabi ni mommy, tatlong araw mula ngayon."

Napanganga siya. "Tatlong araw mula ngayon? Hell! I'll spend Christmas with you?"

Naging malamig ang tingin nito sa kaniya. "Ano naman ang masama roon?"

"Nothing." Bumuntong-hininga siya. "I just want to spend Christmas with my mom." She looked at his eyes, pleading. "Wala bang bus na puwedeng sakyan patungo roon sa Panggasinan? If mayroon, puwede mo ba akong ihatid sa Bus Station?"

"Gabi na."

"Please?" Nag-uumpisa nang manubig ang mata niya.

"Okay, sure. Ihahatid kita sa Bus Station. May bus doon patungo sa Panggasinan, and then from there, you ride a jeep to Pozzorubio and then tricycle to Baranggay Talogtog. Sabihin mo lang sa Tricycle na sa bahay ng mga Zapanta. Alam na nila 'yon."

Tumango siya. "Salamat."

"Okay. Tatawagan ko lang si mommy. Sasabihin ko sa kanya na sa bus ka sasakay."

Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas sila ng silid ni Tyron. Ang mga kaibigan ng binata ay nasa living room at nag-uusap.

When they step outside the room, ang mga mata ng kaibigan ni Tyron na nasa sala ay nakatingin sa kanila. They all looked curious at the same time confused. She felt conscious under their scrutinizing gaze but Tyron wasn't even a bit affected.

She envied him.

"Guys, ihahatid ko lang si Raine sa Bus Station—"

"It's raining cats and dogs out there," putol ng isang lalaki na medyo mahaba ang buhok sa iba pang sasabihin ni Tyron. "At 'yong news kanina, may bagyo raw so baha ang ibang kalye."

Nagtatanong na tumingin sa kanya si Tyron. "Aalis ka pa rin kahit bagyo na? Baka ma-stranded ka sa daan. Hindi mo pa naman alam ang pasikot-sikot dito sa manila at wala kang cell phone."

Sumama ang mood niya sa sinabi ng binata. Shit! Nakakainis naman! Kung kailan kailangan na kailangan niyang sumunod sa Mommy niya saka naman nagluko ang panahon.

Urgh!

"Matutulog nalang ako." Bumalik siya sa silid na bagsak ang balikat niya. Mukhang magpapasko talaga siya kasama si Tyron.

No choice.




SINUNDAN lang ng tingin ni Tyron ang dalaga na nagma-martsang bumalik sa silid niya. Mukhang gustong-gusto talaga nitong makita agad ang ina. Bakit naman kasi nauna ang mga ito sa kanila, e?

"Bakit siya aalis?" Tanong ni Iuhence, "teka, nasaan sila Tita at Tito. Aalis pa ba tayo ngayon? Baha na sa ibang kalye."

Umiling siya. "Nauna na sila mommy sa Panggasinan. Iniwan si Raine sa pangangalaga ko."

Ngumisi si Lander. "Alam ba nila na bantay-salakay ka?"

"Ha-ha." Pinukol niya ito ng masamang tingin, "Magsiuwi-an na nga kayo."

Napailing-iling si Train. "Hindi ba kami puwedeng matulog dito?"

"Hindi." Mabilis niyang sagot saka tinuro ang pinto ng condo. "Uwi na. Balik nalang kayo bukas, tingnan natin kung okay na ang panahon. Kapag maayos na aalis tayo patungong Panggasinan. Kapag hindi, palilipasin muna natin ang pasko."

Calyx sighed. "Whatever. Handang-handa na ako, e."

Isa-isang nagsilabasan ang mga kaibigan niya sa condo niya. At nang wala na ang mga ito, ini-lock niya ang pinto at bumuga ng hangin.

Saan ako ngayong matutulog?


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro