CHAPTER 3
CHAPTER 3
NANG MAGISING si Raine, napakunot ang nuo niya ng mapansing hindi pamilyar sa kanya ang silid. It took her a moment to realize she was not in the comfort of her own room. Naroon pala siya sa isa sa mga silid na condo ni Tyron.
Bumangon siya at ininat ang mga braso bago bumaba sa kama.
Ipinalibot niya ang paningin sa kabuonan ng silid. Kanina ng sabihin ni Tyron na dito siya magpahinga, walang tanong-tanong siyang humiga sa kama dahil sa pagod. Ngayon, nako-curious siya kung sino ang may-ari ng silid na ito. Maybe it's a guest room.
Tumigil ang mga mata niya sa picture frame na nasa night stand. Larawan iyon ni Tyron na naka-tuxedo ito. Nakangiti ito sa camera. Parang gusto niyang magselos sa kung sino man ang kumuha ng litrato ng binata. Whoever took the picture must had been very blessed that day. Kung gwapo si Tyron na seryoso, mas sampong beses itong gwapo kapag nakangiti.
Ipinilig niya ang ulo para mawala sa utak niya ang iniisip.
"Sino kaya ang may-ari ng kuwartong ito?" Kapaguwan ay tanong niya sa sarili pagkatapos ay naglakad patungo sa isang pintuan.
Thinking that it was the bathroom, she opened it but only to be taken aback at what she saw. It was a closet. At lahat ng damit na naroon ay pag-aari ng lalaki! This couldn't be Tyron's room! No way in hell!
I think the photo frame in the night stand is enough proof that this is his room. Anang boses sa isip niya na ikinaawang ng mga labi niya.
Bakit naman niya ako patutulugin sa silid niya? Wala bang ibang silid ang condo na 'to? That was impossible! Siguro naman may spare room ito para sa bisita.
Dahan-dahan niyang isinara ang closet at binuksan naman ang isa pang pinto. It was the bathroom. Lahat ng gamit doon ay panlalaki. Mula sa shampoo hanggang sa aftershave hatalang lalaki ang palaging gumagamit sa naturang banyo.
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago isinara ang pinto ng banyo. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa pinto ng silid at akmang bubuksan niya iyon ng biglang bumukas and pinto at tumama sa nuo niya, dahilan para mapa-upo siya sa sahig.
She groaned as pain coursed through her butt up to her lower spine. "Aray!"
"Anong ginagawa mo riyan?" Boses iyon ni Tyron at mukhang natatawa ito sa posisyon niya.
Tiningala niya ang binata at pinukol ito ng masamang tingin. "Ano sa tingin mo? Tinamaan ako ng pinto ng buksan mo!"
Amusement filled his eyes. "Oh. Sorry." The asshole didn't sound sorry at all! Pinagtatawanan siya nito for Christ's sake!
Mas lalong sumama ang mood niya. "Bwesit ka! Help me up, will you?"
Inilahad nito ang kamay sa kaniya. "Tayo na."
Pinukol niya ng masamang tingin ang kamay nito bago tinanggap ang tulong nito. Nang maglapat ang kamay nila, parang may kuryenteng dumaloy sa kamay niya patungo sa braso niya hanggang tumagos iyon sa puso niya.
Malakas na hinila siya nito patayo, dahilan para mawalan siya ng balanse at mapasubsob siya sa dibdib nito. Napasinghap siya ng tumama ang nuo niya sa dibdib nito. Ewan ba niya kung anong mayroon ang katawan nito dahil sa tuwing nagkakadikit ang katawan nila ay para siyang napapaso.
Kaagad siyang umayos ng tayo at inagawa ang kamay na hawak nito. "Salamat."
"You don't sound thankful to me," pambabara nito sa pasasalamat niya.
Kung may kapangyarihan lang siya na kitlin ang buhay nito sa pamamagitan ng pagpukol dito ng masamang tingin baka pinaglalamayan na ito.
"Don't glare," anito sa mahinahong boses. "Hindi bagay sayo."
She grimaced in annoyance. "Una, pinakialam mo ang pagbuntong-hininga ko, ngayon naman ay ang matatalim kong tingin. Ano ba ang problema mo sa'kin at pinakikialaman mo ako?"
"Hindi nga bagay sayo," anito na para bang nasagot no'n lahat ng problema niya.
Natatawang itinirik niya ang mga mata. "Oh, e, ano naman ngayon?"
Sumeryoso ang mukha nito saka matiim siyang tinitigan. "If you don't stop sighing and glaring, I'll kiss you," pananakot nito sa kaniya.
Napatawa siya sa pananakot nito. "Hahalikan mo ako? And that's supposed to scare me? Now that's funny." Idinikit niya ang katawan sa katawan nito. "You do know that it's the oldest threat in the book of threats. And I'm not scared of it. To hell with you." Akmang hahakbang siya palayo rito ng may pumasok na kapilyahan sa utak niya.
Why not? She was sure as hell that his lips would taste edible.
She tiptoed to even their faces and pressed her lips against his. Naramdaman niyang nanigas ito sa kinatatayuan nito pero hindi naman siya nito itinulak palayo. Hindi ito gumalaw at hinayaan lang siya na ilapat ang labi niya sa mga labi nito.
It was just a soft meeting of their lips but Raine felt like her cells are burning her nerves, melting her defenses. Her body felt hot. Weirdly, she felt a tingling sensation down there.
Mabilis niyang inilayo ang labi sa mga labi nito at nagpanggap na hindi siya naapektuhan sa halik na 'yon. Apektado ako, damn it!
IT HAPPENED so fast. Hindi siya nakaiwas o nakagalaw—not that he wanted to. Natulos siya sa kinatatayuan niya habang magkalapat ang mga labi nila ni Raine.
Simpling pagtatagpo lang iyon ng mga labi nila pero parang inilipad ang espirito niya sa kahimayaan. This must sounded cliché, but her lips on his felt perfect. Binubuhay no'n ang parting 'yon ng katawan niya na sumisimbolo sa pagkalalaki niya.
At dahil lang 'yon sa isang halik...
What the fuck is happening to me? Tanong niya sa sarili ng maghiwalay ang mga labi nila ni Raine.
He was staring at Raine like she would answer his question to himself. Ano ba nangyayari sa kanya? Mula ng makabanggaan niya sa airport ang dalaga, he was thrown into a pit of lust and confusion. Hindi ito dapat mangyari sa kanya. Hindi niya ito dapat nararamdaman. He should focus on his girlfriend na kakatay sa kanya ng buhay kapag nalaman nitong hinalikan siya ng isang magandang babae at wala man lang siya ginawa para pigilan ito. Kahit pa nga sinabi na ni Careen na break na sila alam naman niya hindi ito sigurado.
Pero hindi naman niya 'yon malalaman kung hindi mo sasabihin. Tudyo ng isang bahagi sa isip niya. At wala namang nakakita di'ba? And hell, you've enjoyed that kiss.
Hindi niya ikinakaila na nag-enjoy siya sa halik nito pero hindi pa rin iyon tama. He had a girlfriend.
Kung mahal mo, bakit nangyayari 'to sa'yo? Use your head, moron. Anang isip niya. And hey, Careen already broke up with you, remember?
Napakurap-kurap siya ng maramdamang may bumunggo sa balikat niya dahilan para bumalik siya sa kasalukuyan.
Ang babaeng 'yon talaga! She walked passed him, bumping his shoulder on purpose. Ito lang ang babaeng kilala niya na gumagawa no'n. Para itong nanghahamon ng away.
Sinundan niya ang dalaga na naglalakad patungo sa living room.
"Nasaan si Mommy?" Tanong nito ng mapansin nitong walang tao sa condo niya maliban sa kanilang dalawa.
"Hindi pa sila dumating," aniya at inihanda ang sarili sa pagsigaw nito pero hindi nito iyon ginawa.
"Bakit? Nasaan daw sila?" Tanong nito sa mahinang boses.
"Hindi ko alam." Kibit balikat niyang sabi. "Hindi pa sa'kin tumatawag si mommy."
"Bakit hindi pa? Nasaan na ba sila?" She gave him a questioning look. "Anong oras na ba?"
Tiningnan niya ang relong pambisig. "Nearly five P.M."
Bumadha ang pagtataka sa mukha nito. "Five P.M?" Naghiwalay sila kaninang umaga pa, bago mag-alas onse ng umaga. "At wala pa sila rito? Teka, pupunta ba sila rito? I mean, may bahay ba ang mga magulang mo rito sa Manila?"
Umiling siya. "Wala na. Pinagbili na nila ng mag-retiro si Daddy sa paghawak ng kompanya namin. They are now settling in Panggasinan, our home town."
Tumango-tango ito, puno ng katanungan ang ekspresyon ng mukha nito.
"Napag-usapan din namin nila daddy kahapon na dito muna kayo sa condo ko kasi bukas pa tayo uuwi sa Panggasinan. Hinihintay pa kasi namin si Ante Neny na darating mamayang gabi mula sa Hawaii para sabay-sabay ang pag-uwi natin."
Pinag-krus nito ang braso sa harap ng dibdib. "So nasaan sila ngayon?"
Nagkibit-balikat siya. "Malay ko."
"Call your mom."
"And why would I do that?"
"To ask them where they freaking are? Duh!"
"Don't 'duh' me." Nag-umpisa na siyang mairita.
Tumikwas ang isang kilay nito. "Para ka kasing walang utak e." Irritation filled her face. "I want to know why they are not home yet. Masama ba 'yon?"
"Wala akong utak?" Lumapit siya rito hanggang sa isang pulgada nalang ang layo ng katawan nila. "For your information, I am a magna cum laude—"
"What the hell ever," she cut him off with a glare. "I don't care if you have a GPA as high as Einstein. Wala akong pakialam kung magna o summa cum laude ka. Wala rin akong pakialam sa'yo. I just want to know where my mom is and why she's not here yet, at ikaw lang ang tanging tao na malalapitan ko para malaman 'yon. My phone is down and yours aren't."
Hindi sya makapaniwalang tumitig sa mukha nito. "You're asking for freaking a favor, Raine. Ni hindi ka nga nagsabi ng 'please'. Ininsulto mo pa ako. Is that how you ask a favor from someone? Kasi kung ganyan ka humingi ng pabor, walang tutulong sa'yo."
Mariin nitong ipinikit ang mata na parang pinapakalma ang sarili. It took her a moment to open them. In that moment, he was given a privilege to study her face closely without her knowing it. Dapat hindi siya nag-iisip ng ganito sa isang babae kasi may Careen na siya. But Raine... she really was breathtaking.
Her beautiful face. Soft skin. Her mouth-watering scent and her so gorgeous body. Nasisiguro niyang walang hindi matinong lalaki na hindi magnanasa sa dalaga.
Tyron didn't know what possessed him. Parang may sariling isip ang katawan niya na bumaba ang mukha sa mukha nito at marahan inilapat ang labi niya sa malambot nitong mga labi.
He expected her to push him. He expected her to kick him in the ass. He expected her to knee him on the balls. But she didn't do any of those. Hinayaan lang siya nito. She even parted her lips to give him a full access to her mouth. At sino ba siya para hindi sunggaban ang oportunidad na palalimin ang halik na sinimulan niya.
Masuyo niyang sinapo ang mukha nito at pinalalim ang halik na pinagsasaluhan nila. Mas lalo pang nanigas ang pagkalalaki niya dahil sa halik. Binubuhay niyon ang dugo niya. Naging mapusok siya sa paghalik dito. He slid his tongue inside her mouth and he whimpered when Raine bit it, then sucked the sting away.
Habang mainit silang naghahalikan, gumapang ang kamay niya patungo sa beywang nito at dahan-dahang ipinasok ang kamay sa loob ng suot nitong blusa. As he slowly slid his hand inside her blouse, all the rationale thoughts vanished. Nang halikan niya ito, hindi niya naisip na may kasinatahan siya. Hindi niya naisip na ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang manloko ng babae. As he kissed her fully in the mouth, her belief was forgotten. All he remembered qA his hunger and need to kiss her deeply. All his rationale thoughts drowned by the lust that he felt.
Raine moaned inside his mouth when his hand finally reached its destination. Napakasarap masahiin ng mayayaman nitong dibdib. Mas lalo pang nagwala ang pagkalalaki niya. Handa na iyong lumaban.
He was about to massage her breast lightly when a knock on the door startled them both. Raine jumped away from him. Mabilis nitong inayos ang sarili at tumikhim.
"Buksan mo ang pinto," ani ni Raine na hindi makatingin ng deretso sa kanya.
Hindi siya gumalaw. Nakatingin lang siya rito habang paulit-ulit na niri-reply ng utak niya ang halikan nilang dalawa. His cock hardened even more. Shit!
"Buksan mo ang pinto," narinig niyang wika nito pero hindi siya gumalaw.
Gulong-gulo ang isip niya sa mga sandaling iton. Parang nag-i-spin ang utak niya dahil sa ginawa niyang paghalik dito. Some part of him felt disgusted of what he did. He just cheated on his girlfriend for fuck sake! But some part of him was in bliss.
Gago! Break na nga kayo di'ba? Anang boses ng isip niya.
Kasalanan ito ni Raine! Why does she have to be so damn irresistible? Fuck it!
NAPUNO ng iritasyon si Raine ng hindi gumalaw si Tyron sa kinatatayuan nito. Nakatingin lang ito sa kanya. The way he looked at her, parang sinisisi siya nito sa halik na pinagsaluhan nila.
Gusto niyang i-umpog ang ulo nito sa pader. He was the one who kissed her first. He was also the one who deepened the kiss. And because she couldn't control herself around him, wala sa sariling pinayagan niya itong halikan siya.
I should have pulled away. Damn it, body! Don't betray me, please!
Dahil naawa na siya sa kumakatok baka namamaga na ang kamay nito ngayon—bakit naman kasi hindi nito ginamit ang door bell— siya na ang nagbukas ng pinto.
"Hey, man—" Nabitin ang pagsasalita ng lalaki na pinagbuksan niya ng pinto ng makita siya. "Whoever you are, I'm so please to meet you, beautiful maiden." Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. "I am called I—"
"Fuck off, Iuhence," pagalit na sigaw ni Tyron mula sa likuran na ikinagulat niya.
Ngumiti lang ang lalaking may hawak sa kamay niya. Hindi nito pinansin ang pagsigaw ni Tyron. "Do you find me attractive?"
Kahit napapantastikuhan sa tanong nito, tumango siya. Gwapo naman talaga ang lalaki. "Oo."
"Cool." Mas lumapad pa ang ngiti nito. "Want to have date with me?"
Napakurap-kurap siya. "Ano?"
Nagulat siya ng may humawak sa braso niya at hinila siya papasok sa loob ng condo.
"Huwag mong kausapin ang lalaking 'yan. He's a bug that you'll want to splatter right after you date him." Wika ni Tyron na pilit siyang tinatago sa likod nito.
"Hey!" The man shouted defensively then he entered Tyron's condo like he owned it. "I, Iuhence Vergara, is not a bug. Isa akong guwapong nilalang. Mas gwapo pa nga ako kaysa sa kaniya." Tinuro nito si Tyron at kinindatan siya. "At mas bagay tayong dalawa."
At mula sa gilid ng mata niya, nakita niyang pinukol ng masamang tingin ni Tyron ang bagong dating.
"Anong ginagawa mo rito, Vergara?" Tanong ni Tyron na para bang nagtatagis ang bagang nito.
"Ako ang dapat nagtatanong niyang sa'yo, Zapanta." Ngumiti ng makahulugan ang lalaki. "What are you doing here in your condo?" He pointed at her. "—with her. Alam ba ito ng girlfriend mo?"
It was like a thunderstorm hit her on the pit of her stomach. May girlfriend na si Tyron?!
Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Tyron. He cheated on his girlfriend with me? No...way. Parang gusto niyang sampalin ang sarili sa ginawa niyang paghalik dito kanina.
"We didn't..." There's an uncertainty on Tyron's voice. "We didn't do anything."
"Yeah, man. And pigs are color blue." Puno ng sarkasmo ang boses ng bagong dating. Umiling-iling ang lalaking na nag ngangalang Iuhence. "And please, Ty, if you want me to believe that you two didn't do anything pornographic, better wipe off that smudge of lipstick in your lips."
Mabilis na dumapo ang kamay ni Tyron sa mga labi nito at mabilis na pinahid ang kamay sa mga labi para mawala ang lipstick niya na dumikit do'n. Habanag pinapahid nito ang lipstick, bumaling ito sa kaniya.
Nang magtama ang mga mata nila ng binata, inirapan niya ito. Buwesit! Naging manloloko pa siya dahil dito! Letse!
"Bakit mo ako hinalikan kung may girlfriend ka naman pala." Sikmat niya rito.
"We just kissed." Wika ni Tyron. "It's no big deal."
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Ang hinayupak! Of course, big deal ang halik niya! Big deal 'yon!
Nagpupuyos ang kalooban niya sa galit habang matalim ang matang nakatingin sa binata. No big deal?! Hindi talaga iyon mawala sa isip niya. Just kiss? No big deal!?
Hindi pala big deal, huh? Humanda ka sa aking lalaki ka. Makakatikim ka ng mag-asawang sapak kapag hinalikan mo pa ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro