CHAPTER 21
CHAPTER 21
NANG MAGISING si Raine kinabukasan, wala na sa tabi niya si Tyron. Akala niya bumalik lang ito sa kuwarto nito, pero hanggang sa gumabi na hindi pa rin niya nakita ang binata kaya naman nilapitan niya si tita Marian na abala sa paghahanda ng hapunan nila. "Tita?"
Nakangiti ang ginang na bumaling sa kanya. "Yes, hija?"
Nag-aalangan siya na magtanong pero kailangan niyang malaman kung nasaan si Tyron. Kailangan nilang mag-usap. "N-Nasaan po si Tyron?"
Tita Marian eyes lit up like a newly installed Christmas lights. "Oh, si Tyron? Hinatid niya si Careen sa Manila. Kaninang madaling-araw sila umalis."
A lightning of pain struck her heart, burning it and turning it into ashes. Magkasama na naman sila ni Careen? Pero sabi ni Tyron hiwalay na sila noon pa? Nagsisinungaling lang ba ito sa kanya?
Nagbaba siya ng tingin para itago ang panunubig ng mga mata niya. "Ganoon po ba? Sige po. Salamat." Tumalikod na siya at nagtungo sa silid niya.
Nang makapasok sa kuwarto niya, kaagad niyang inayos ang nga gamit niya. Pagkalipas ng isang oras, ng tapos na siyang magligpit, naupo siya sa gilid ng kama at inalala niya ang pinagsaluhan nila ni Tyron kagabi. It felt as though it only happened a minute ago. She could still his touch and how he pleasured her in more ways than she could imagine.
Sa halip na malungkot sa kuwarto niya, napag-desisyunan niyang pumunta sa harden. Pero ng makalabas siya sa silid niya, napatigil siya sa paglalakad ng makita na medyo nakaawang ang pinto sa silid ni Tyron.
She had never been in his room, which swiftly sparked curiosity.
Itinulak niya pabukas ang pinto at pumasok sa silid nito. Hindi niya napigilan ang sarili na mahiga sa kama nito. God! It smelled like Tyron. Sana umuwi ito ngayon. Bukas, aalis na sila at may posibilidad na hindi na niya ito makita. Kahit hindi siya nito mahal, gusto niyang sabihin dito ang nararamdaman niya bago siya umalis.
Tumagilid siya ng higa at inamoy ang unan. It smelled like him. God. She would miss him when she gets home. Makikita ko pa kaya siya? Iyon ang katanungan na paulit-ulit na tinatanong ng puso at isip niya.
Ipinikit niya ang mga mata.
Pagkakuwan, naramdaman niyang may yumogyog sa katawan niya. Nang idilat niya ang kanyang mga mata, doon niya palang napagtanto na nakatulog siya at ginigising siya ng ina niya.
"Mom?" Kinusot niya ang nga mata. "Anong ginagawa niya rito?"
Her mother smiled. "Mag-aagahan na tayo."
Napamulagat siya. "Ano? Diba maghahapunan—"
Napailing-iling ang ina niya. "You sleep through the night, sweetie. Hindi ka namin ginising kasi ang himbing ng tulog mo habang yakap ang unan ni Tyron."
Nag-iwas siya ng tingin ng mabanggit ang pangalan ng binata na bumabaliw sa puso at isip niya.
Bumangon siya at bumaba sa kama. "Magri-ready na po ako. Kailangan before lunch nasa Airport na tayo." Aniya at sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya. "Ala una ang flight natin—"
"Sweetie, we could stay if you want," her mom cut off her.
Pilit siyang ngumiti. "We have to go, mom. Kailangan natin asikasuhin ang insurance ni daddy." Yo'n lang at lumabas siya ng silid ni Tyron at pumasok sa loob ng kuwarto niya para maghanda sa pag-alis nila.
TWELVE NOON. Hindi mapakali si Tyron habang nakatingin sa entrance ng airport. He kept on pacing back and forth. Shit! Wala pa si Raine. Nasaan na kaya 'yon?
His phone beeped. Mabilis na binasa niya ang text at napangiti ng mabasang galing iyon sa pinakamamahal niyang ina.
The text says, 'we're coming'.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at ibinalik ang cellphone sa bulsa at saka humarap sa mga kaibigan niyang nagbulontaryong tumulong sa kaniya.
"You," tinuro niya si Lander. "You will play the music. Madali lang naman 'yon. You just have to hit the play button."
Tumango lang ito.
Bumaling siya kay Iuhence. "The petals. The flowers. Ikaw na ang bahala roon."
Nag-thumbs up sign ito sa kaniya. "Don't worry. I'll be the best florist."
Napailing-iling siya at tumingin kay Dark. "Hindi ko alam kung anong ginagawa mo rito, but since you are already here, I want you to stay out of my sight and Raine's, too."
Dark grinned wickedly. "Sure. I can do that. But in return you will let me invest in your company."
Napabuntong-hinga siya. Hindi talaga ito titigil hanggat hindi niya ito hinahayaang mag-invest sa kompanya niya. Mabuti nalang at nagustuhan niya ang paliwanag nito kaninang umaga ng mag volunteer ito na tumulong sa kanya.
"Deal," aniya at tumingin kay Valerian, ang pinsan niya na may-ari ng AirJem Airline at airport na kinatatayuan nila ngayon. "Since hindi ka kilala ni Raine, ikaw na ang bahala sa lahat."
Valerian grimaced. "I can't believe you're doing this for a girl," anito na umiiling-iling pa.
"I love that girl," he said, making his friends groan and left him.
Natawa nalang siya sa reaksiyon ng mga ito. Someday, mangyayari rin sa mga ito ang nangyari sa kanya at siya naman ang tatawa.
NANG tumigil ang sasakyan nila sa airport, kaagad na may lumapit sa kanilang lalaki na naka-uniform na puti. Hula niya ay security guard ito ng airport.
"Your plane ticket, madam?" The security guard's voice sounded sexy and manly.
Dahil sa suot nitong cap, hindi niya makita ang mukha nito. Only his thin kissable lips and pointed nose ang nakikita niya.
Ipinakita ng mommy niya ang ticket nila.
Tinulungan sila ng guard na kunin ang mga gamit nila sa back compartment ng sasakyan at dinala iyon ng lalaki sa bag scanner. Walang reklamo na sumunod ang mommy niya, si tita Marian, at tito Ben kaya naman sumunod nalang siya sa mga ito.
When they reached the gate that led them inside the plane, she frowned when the guard let tita Marian and tito Ben in. Hindi lang iyon ang ipinagtaka niya. Bakit pinapapasok na sila ng guard sa plane samantalang three PM pa ang flight nila.
It was just twelve ten.
Pero bago siya makapagreklamo o makapagtanong, pumasok na ang mommy niya sa loob habang hila-hila siya, kasama si tita Marian at tito Ben.
Nang makapasok siya sa loob ng eroplano, napalingon siya ng biglang sumara ang pinto ng eroplano at pumasok ang security guard sa cockpit ng eroplano.
What the hell is going on?
"Mom, don't you find this weird?" Tanong niya sa ina na abala sa pakikipag-usap kay tita Marian.
Ngumiti lang ang ina niya. "Sweetie, just sit and relax," anito at bumalik na naman sa pakikipag-usap kay tita Marian.
Bumuntong-hinga siya at sinunod ang inabi ng ina. Umupo siya sa first row, isinuot ang seatbelt at naglagay ng ear phone sa tainga.
Raine was listening to Maroon 5 song Sugar when she felt the plane took off. Mabilis na tinanggal niya ang ear phone sa tainga at tumingin sa labas ng eroplano.
Halos lumuwa ang mata niya ng makitang nasa himpapawid na sila. When she saw the sign that it was okay to unbuckle the seat belt, tinanggal niya iyon at lumapit sa ina niya na nakikipag-usap pa rin kay tita Marian.
"Mom," tawag niya sa pansin nito. "The plane just took off!"
Tulad kanina, ngumiti lang din ito. "I know, sweetie."
"You know?" Kinunotan niya ito ng nuo. "Then why are you not panicking? Mom, look at the whole plane. Tayong apat lang ang sakay—"
"Hush, my dear," tita Marian cut her off with a smile. "Everything will be fine."
Napamaang siya sa nakangiti nitong labi. What the hell? Nanaginip ba siya? Ano ba ang nangyayari?
She was about to search the whole plane when a song blasted on the speaker. It was Selena Gomez's song; The Heart Wants What It Wants.
From nowhere, Tyron Zapanta showed up with a bouquet of tulips on his hand. He was wearing a black tuxedo which suited him perfectly. His gorgeousness nearly caused her knees to wobble. Mabuti nalang nakahawak siya sa isa sa mga upuan ng eroplano.
Raine looked at Tyron with pure disbelief in her eyes. No way. This can't be true! But it feels so real. Nananaginip ba siya?
"Anong ginagawa mo rito?" Paanas niyang tanong.
Sa halip na sagutin siya, ibinigay nito sa kaniya ang bulaklak. "Para sa'yo."
Napatitig siya sa bulaklak. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Tinitigan lang niya ang bulaklak.
Tyron let out a long, nervous breath, then he spoke. "I pick red tulip because for me, red symbolizes love," he started. "And that is what I feel for you." Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinaplos ang pisngi niya. "Maybe you don't remember this but you crashed onto me in the airport when you first got here."
Naalala niya 'yon. "Ikaw 'yong nabangga ko?"
Ngumiti ito at tumango. "Yeah. That was me. You crashed onto me and I never thought that you'll be part of my life. I always believe in fidelity. I grew up believing that cheating is wrong. I have a personal issue about infidelity but then that belief of mine was soon forgotten when my eyes meet your tantalizing argentine ones. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. I hate infidelity. But when I saw you, nakalimutan ko ang mga paniniwala ko; nakalimutan ko si Careen. Nakalimutan ko ang lahat maliban sa kagustuhang kong maangkin ka. It was my first time wanting to own someone. Heart. Body. Mind. And soul. I pretty much forgot everything but the need to kiss you ... the need to own you and to claim you as mine. I can't stop—no, it's more like I didn't stop myself from wanting you. I was sorry for hurting Careen like that. But, I don't think I can love another woman but you.
"It was my first time to meet the green beast they called jealousy. It was my first time to meet the dark and dangerous beast they called possessiveness. It was my first time to meet cupid's beast named Love. Everything I feel for you is new to me and I didn't know how to control what I feel for you. Akala ko pagnanasa lang ang nararamdama ko para sa'yo, pero nang lumaon, nag-iba na, unti-unting lumalalim ang nararamdama ko. Bago sa akin ang mga emosyong nararamdaman ko kaya naman naguluhan at natalot ako. For me, love is just a word you said to someone special to you. And then I met you. You give meaning to the word love. You made me experience what love really is. Yes, Raine, I am irrevocably and unconditionally in love with you. Every part of me is in love with you. My mind. My body. My soul. And my heart.
"Natakot ako na baka iwan mo rin ako kasi diba babalik ka sa Canada pagkatapos ng bakasyon mo? Natakot ako na baka hindi mo ako mahal. Natakot ako na baka pinaglalaruan mo lang ako at pinapaasa. Natakot ako na baka kapag ibinigay ko sayo ang puso ko ay pipirapirasuhin mo iyon. Pero ayoko ng matakot. I need to face my fear for you. I have to conquer my fear in order for me to be with you. So here I am, facing my fear that you might reject me. Pero, bahala na. Because if you reject me now, I have plan B and plan C and plan D and we have a long list of alphabets and I will never stop planning how you will fall for me until you say you love me, too."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para mapigilan ang sarili na hindi umiyak. God! She really loved this man.
"I—" She cleared her throat. "When I met you, I knew, right there and then, that if given a chance, mahuhulog ang loob ko sayo. I just knew it." Mahina siyang natawa. "And after what happened in your condo, I knew I was doomed. I already know that I'm in love with you, I'm just in denial about my feelings for you." She smiled. "So, you don't need plan B, plan C and plan D. I am already madly and deeply in love with you, Tyron."
Tyron howled in happiness then he dipped his head to capture her lips. And when their lips parted, they stared at each other lovingly. Kapagkuwan ay malakas siyang napasinghap ng biglang lumuhod si Tyron sa harapan niya.
"Tyron..."
Matiim itong tumitig sa mga mata niya. "Raine Lynn Dizon," sabi nito. "Will you give me the privilege of calling you my wife?"
Napangiti siya sa tanong nito. "Kailangan ko pa bang sagutin 'yon? Sa tingin ko ay alam mo na ang sagot ko."
"Answer it sweetheart and make me the happiest man alive."
Kinuha niya ang singsing na hawak nito at isinuot iyon sa daliri niya at nakangiting tumingin sa mukha ng fiance niya. "I do," she told him. "Yes, I will marry you."
She and Tyron came out from their own little world when they heard giggles and sobs. Nang tingnan niya kung sino iyon, it was her mom and tita Marian. They were crying as they giggled in happiness.
"Kita mo na, mare. Sabi ko nang bagay sila e," wika ni Tita Marian sa ina niya. "Ang galing talaga natin mag match make. Buti nalang pumayag ka na magbakasyon dito sa Pilipinas para magkakilala ang mga anak natin."
"Oo nga." Her mother laughed. "Magbalae na tayo!" Tili nito.
"Congratulation, son," Ani ni Tito Tim na tango lang ang isinagot ni Tyron.
"Excited na ako balae. Excited na akong maging lola." Her mom and Tita Marian giggled.
Nagkatinginan sila ni Tyron at nagkatawanan.
"Mina-match make nila tayo wala man lang tayo kaalam-alam," natatawang sabi niya
"Oo nga," sang-ayon ni Tyron na ngayon ay fiancé na niya. "I'm glad they matched-make us. Because of them, I met you."
"I love you, Tyron," She said lovingly at her fiancé.
"I love you more, Raine."
"Am I late?" Wika ni Iuhence ma may dalang box na puno ng petals. "Did you already say yes?" Tanong nito sa kanya.
"Oo."
Iuhence sighed in annoyance then throw all the petals at her and Tyron. "There. Romantic." Pagkasabi niyon ay naglakad ito patungo sa kung saang parte ng eroplano.
Nagkatawanan sila ni Tyron at kapagkuwan ay naglapat ang mga labi nila.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro