Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

CHAPTER 2

WALANG IMIK si Raine habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Tyron. Pakiramdam niya lumiliit ang sasakyan. She could feel Tyron's presence. She could hear him breathing. She could also feel him glancing at her from time to time. Aware na aware siya sa presensiya nito at hindi iyon normal! At hindi nakakatulong ang pabango nito na parang inaakit siyang lumapit dito at amuyin 'yon.

It looked like Tyron wanted to break the awkward silence between them so he opened the Radio. Selena Gomez's song 'The heart wants what it wants' blasted on the Radio.

Napangiwi siya sa kanta. Ano ba naman 'yan? She liked Selena but this song of hers really annoyed her. Sa lyrics palang masasabi mo ng tanga ito. Siguro nga ganoon ang pag-ibig at deep down inside her, natatakot siya na mangyari sa kanya 'yon na kahit nasasaktan na nagmamahal pa rin at nagtatanga-tangahan nalang.

"So, hanggang kailan kayo titira sa bahay?" Anang boses ni Tyron na para bang hindi ito sang-ayon na makasama siya sa iisang bubong.

Binalingan niya ang binata saka ibinalik ang atensiyon sa harapan. Maayos niyang narinig ang tanong nito kahit pa maingay ang radyo.

"Three weeks? A month? Hindi ko alam," sagot niya, sabay kibit-balikat.

He clicked his tongue. "Bakit hindi mo alam? Dapat alam mo. Kasama ka sa nagbabakasyon 'di'ba?"

Tumaas ang isang kilay niya. She felt insulted. Parang ayaw sila nitong patirahin sa bahay nito. "Kung ayaw mong tumira kami sa bahay mo, just say so. Hindi naman namin ipipilit ang mga sarili namin. We can live in a Hotel if that will make you sleep better at night." Puno ng sarkasmo ang boses niya.

"You're my parents visitor." His voice was flat.

"It doesn't matter if we are or we aren't," mariing sabi niya. "Period."

"But you are," pamimilit nito.

Nagpakawala siya ng isang mahabang buntong-hininga. "Fine. We are. Happy?"

Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang makipag diskusyon tungkol sa mga walang kwentang bagay. At bakit ba nito pinipilit na bisita sila samantalang halata naman sa mga tanong nito na ayaw silang patirahin sa bahay nito? Paki naman niya kung ayaw nito. Hindi naman yata siya mamamatay kung hindi ito pumayag.

"I'm just stating a fact." Ani nito. "You are my parents visitor."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "You are a jerk, alam mo ba 'yon?"

Halatang nagulat ito na tinawag niya itong 'jerk'. Wala pa ba ritong tumatawag na ganoon?

"I'm not a ... jerk." He replied grimly.

She chuckled nonchalantly. "Anong hindi? Pinapamukha mo sa akin na hindi ka sangayon sa pagtira namin sa bahay niyo. That's okay. Wala akong pakialam kung ayaw mo. But if you see me as an unpleasant bug visitor in your house, then that's how you see my mom, too. So yeah, you're an asshole for rubbing it in my face that we are not welcome. How rude can you be?"

Napipilan ito at humigpit ang pagkakahawak sa monabela. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

"Whatever. Makipag-usap ka sa hangin." Pagtataray niya.

Ihinilig niya ang ulo sa gilid ng bintana at tumingin sa labas ng sasakyan. Ang aga-aga, nabi-buwesit at naiirita na siya. Ano ba ang problema nito sa kanya? Sa pagkakaalam niya, may kapatid din ito. Hindi rin ba ito sang-ayon na manatili sila sa bahay ng mga ito? Hope not. Baka umuwi siya sa Canada kahit walang pahintulot ng Mommy niya. Pero wala rin naman siyang gagawin sa Canada dahil on leave siya at ang kaibigan niyang si Mhel ay kasama ang pamilya nitong nagbabakasyon sa Santorini.

"I'm sorry, Raine," anang boses ni Tyron. He sounded guilty. "It was rude of me."

Her heart flipped. The way he say her name, it sounded like he just sang her favorite song. Dang it! Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Kailan pa siya na-apektuhan ng ganito ng isang lalaki? This was weird. She was being weird.

Humugot siya ng isang malalim na hininga para pakalmahin ang pusong parang nakikipag-karera. For Christ's sake! Nakikilala palang niya ito! Pakialam naman niya rito? Mananahimik nalang siya. Aalis din naman siya after New Year.

"How's your flight? Nakakapagod ba?" Tanong ni Tyron na pinagwalang bahala niya. "Come on, Raine, kausapin mo naman ako. I already said I'm sorry," ani nito ng hindi siya nagsalita.

Nanatili siyang walang imik. Hindi niya maintindihan kung bakit apektado ito sa pananahimik niya.

Kung makapagtanong ka naman, parang hindi ka rin apektado sa kaniya.

Napabuntong-hinga siya. Yeah, they just met and she wouldn't deny the fact that she found him handsome, but that was all there was. Kahit pa nga parang nagpa-parkour ang puso niya kapag tumitingin siya sa mukha nito at sa tuwing malapit ito sa kanya, hindi pa rin iyon sapat para magpa-apekto siya rito. Dapat hindi siya magpa-apekto rito.

Baka nani-nerbiyos lang siya.

"Raine, please, kausapin mo naman ako."

She sighed then glanced at Tyron. "Bakit ba? Huwag mo akong kausapin na para bang close tayo because we are not."

Nagpapasalamat siya ng tumigil ang sasakyan nito at nakita niyang tumigil din ang sasakyan nila Tito Tim na nasa harapan lang nila at lumabas ang mga ito ng sasakyan.

Mabilis niyang binuksan ang passenger side door at lumabas. Huminga siya malalim at tinapik-tapik ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Para siyang nakawala sa hawla. Shit! Bakit ba niya ito nararamdaman?

Narinig niyang bumukas ang driver side door at ng tumingin siya roon, palabas na ng sasakyan si Tyron at tumuon ang mga mata nito sa kanya. He, then, put a sunglass on and then smiled at her.

Her heart flipped at that. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin ng pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga at bumalik sa pakikipagkarera ang puso niya.

"Raine, halika na." Tawag sa kanya ng Mommy niya na naglalakad na patungo sa kung saan.

"Nandiyan na," tugon niya.

Tatakbo sana siya patungo sa Mommy niya ng may pumigil sa braso niya. Kaagad niyang naramdaman ang kakaibang daloy ng kuryente sa braso niya. Alam kaagad niyang si Tyron ang may-ari ng kamay na 'yon. His hand on her shoulder was warm and it felt ... nice.

Tyron feels nice.

Ano ba ang nangyayari sakin?

Palihim niyang ipinilig ang ulo at tumingin kay Tyron. "Bakit mo ako pinigilan?"

"Don't run. Madulas ang sahig, baka madapa ka," ani Tyron.

Pasimpli niyang inagaw ang braso niya na hawak nito ng maramdamang parang mas lumala pa ang kuryenteng dumaloy sa braso niya kapagkuwan ay walang imik siyang naglakad patungo sa direksyon na tinatahak ng ina niya at nila Tita Marian.

Umakto siyang parang walang pakialam habang naglalakad, pero ang totoo, ramdam na ramdam niya ang presensiya ni Tyron sa tabi niya. Hindi nakakatulong ang paminsan-minsang pagdidikit ng braso nito sa braso niya.

Pasimpli siyang lumayo rito at kinuha ang cell phone sa bag at naglaro ng candy crush.

Pagkalipas ng ilang minuto, narinig niya ang boses ni Tyron.

"Anong level ka na?"

Nanigas siya at napatigil sa paglalakad ng ma-realize na nasa likod niya si Tyron. His face must had be so close to her because he could feel his breath fanning her face, making the hair on her nape rose up.

Napalunok siya ng maramdaman niyang parang nanginginig ang tuhod niya kaya naman bago pa siya bumagsak sa sahig, malalaki ang hakbang na pumasok siya sa Early Bird Breakfast na nakita niyang pinasukan nila Tita Marian kasama ang ina niya.

Shit! Ano ba ang nangyayari sa kanya? This is not normal!



WALANG imik si Raine habang naka-upo at hinihintay na i-serve ang inorder nila. Gusto niyang makipag-usap o kaya naman ay magtaas ng tingin pero hindi niya magawa. She could feel Tyron's eyes staring at her, kung makatingin ito ay parang sinusuri ang buo niyang pagkatao at nagri-react ang puso niya.

Sa tanang buhay niya, hindi pa niya naranasang kapusin ng hininga ng dahil sa isang lalaki, mas lalo naman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. She never experienced it with a man before kaya naman naguguluhan siya kung bakit nararamdaman niya iyon kay Tyron ngayon. She just met him!

Hindi niya alam kung bakit titig na titig ito sa kanya. Wala namang dumi sa mukha niya. Wala rin nan siyang ginawa rito. Hay, naku naman. Ano ba ang problema ng lalaking 'to sa kanya?

"May trabaho ka ba ngayon, Raine?"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa nagtanong. Ang ama 'yon si Tyron na si Tito Tim.

"Yes, po." Magalang niyang sagot. "Actually, kaga-graduate ko lang sa kursong Journalism six months ago. Now, I'm a Journalist in State Trend Magazine."

"State Trend Magazine?" Gagad ni Tito Tim. Parang nagulat ito.

"Yes po." Magalang niyang sagot.

"Wow!" Tito Tim exclaimed in amazement. "That's a very big company in the U.S. You must be very brilliant to be one of their journalist. And at a young age, too. Hindi ba twenty-one ka lang ngayon?"

"Opo." Matipid siyang ngumiti. "Hindi naman po ako brilliant. Nagkataon lang siguro na naaayon sa requirement nila ang skills ko."

"Naku, hija, don't belittle yourself. Magaling ka kaya nakapasok ka sa kompanya na 'yon." Wika naman ni Tita Marian na nakangiti.

Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita pang muli.

Wala sa sariling napatingin siya sa gawi ni Tyron at nagtama ang mga mata nila. She wanted to look away, she wanted to drag her eyes away from him, but she couldn't.

Pinilit niyang ibaba ang tingin pero ng dumako ang mga mata niya sa mga labi nito, doon naman siya napatitig. His lips were rubicund and there was a feeling inside of her that wanted to kiss those ruddy lips of his.

Nakita niyang tumaas ang gilid ng labi ni Tyron ng mapansing nakatingin siya sa mga labi nito kapagkuwan ay kinindatan siya.

Heat exploded on her face. She was pretty sure that she was blushing profusely.

Mabilis siyang nagbaba ng tingin sa plato na may tatlong pancake at may tatlong strawberry sa gilid at dalawang maliit na lalagyan ng honey at chocolate syrup. Hindi niya namalayang dumating na pala ang order niya.

Nararamdaman niyang nakatitig pa rin sa kanya si Tyron habang kumakain siya. Sobrang naiilang siya sa ginagawa nito, hindi niya magawang i-enjoy ang pancake na inorder niya. Hindi niya malunok ang kinakain dahil naiilang talaga siya.It annoyed her.

Fuck it!

Sino ba ang lalaking ito para mailang siya ng ganito?

Nag-angat siya ng tingin at matapang na sinalubong ang titig nito. Sa pagkakataong 'to, hindi siya magbababa ng tingin.

Pagkalipas ng ilang segundong pagtititigan nila, tinaasan niya ito ng kilay at tumalim ang mga mata niya.

Tyron chuckled and then he looked down on his plate.

Hmp! I won! Puno ng pagmamalaki na aniya sa sarili.

Ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain.

Raine felt happy that she won their staring contest. Akala siguro nito magpapatalo siya. Hmp! Take that, jerk!



PAGKATAPOS nilang mag-agahan, nag aya mag-shopping si Tita Marian at Tito Tim. Kung siya ang tatanungin ayaw niyang mag-shopping. Gusto na niyang ipahinga ang katawan at matulog. Pero kailangan niyang makisama.

"Medyo pagod na ako." Wika ng kanyang mommy na ipinagpasalamat niya. "Eighteen hours kaming naka-upo sa eroplano. Medyo masakit sa likod." Dagdag pa nito."

Tumingin sa kanya si Tito Tim. "Ikaw, Raine, napagod ka ba sa biyahe?"

Tumango siya. "Kinda. I just want to lie in a bed and sleep," she answered honestly. There was no point in lying. Alam niyang halata ang pagod sa mukha niya.

Kumapit si Tita Marian sa braso ng mommy niya at naglambing. "Grace, puwede ba mamaya na kayo magpahinga? Mag shopping muna tayo. Nakaka-miss mag shopping kasama ka." Tumingin ito sa mommy niya at pinalambot ang mga mukha. "Please, Grace. Naalala mo ba nuong mga bata pa tayo? Ang hilig nating mag-shopping."

Dito sa Pilipinas lumaki ang ina niya. Nag-migrate ito kasama ang lola at lolo niya nuong fourth year high school ito at sa Canada na ang mga ito tumira. Doon siya ipinanganak at doon din lumaki. Never pa siyang nakaapak sa Pilipinas. Ngayon palang pero magaling siyang magsalita ng Tagalog dahil sa bahay nila sa Canada tagalog ang lengguwahe na ginagamit nila.

Her mother smiled softly at Tita Marian. "Oo, naaalala ko." Nagpakawala itong ng isang buntong-hininga at malapad na ngumiti. "Sige na nga, mag-shopping ta'yo."

Tita Marian giggled. "Yes! Come on! I'm so excited."

Her mother giggled excitedly. "Let's go." Bumaling ito sa kaniya. "Come on, Raine. Sama ka sa'min. Mag shopping tayo."

"Pagod na ako, mommy." Aniya na hindi itinago ang pagod na nararamdaman.

Lumapit sa kanya si Tita Marian at hinaplos ang pisngi niya. "Aww. I'm sorry, Raine. Okay lang naman kung hindi ka sasama sa amin. Halatang pagod na pagod ka." Dumako ang tingin nito kay Tyron. "Huwag ka nang sumama samin, samahan mo si Raine sa condo mo. She needed to rest. Susunod nalang kami mamaya."

Nalaki ang mga mata niya. Anong condo? Tyron's condo? What the hell?

No! Please, say no, Tyron!

"Sige." Ani Tyron.

Aalma sana siya pero tumalikod na si Tita Marian at naglakad palayo sa kanila ni Tyron kasama ang mommy niya. Pati na rin si Tito Tim na tinapik ang balikat ng binata bago umalis.

Napakurap-kurap siya sa papalayong bulto ng mga ito. How unlucky can I get?

Narinig niyang napabuntong-hininga si Tyron na ikinairita niya.

Kailan ba nitong bumuntong-hininga ng ganoon? Para sa kanya, senyales iyon na ayaw siya nitong makasa. Kung tutuusin mas gugustuhin pa niyang matulog sa kalye kaysa matulog sa condo kasama ito dahil sa mga kakaibang niyang nararamdaman kapag kasama niya ito. Pero syempre, kailangan niyang makisama kaya nilingon niya ang binata.

"Lead the way," aniya na walang emosyon ang boses.

Tumitig ito sa mukha niya na para bang may mali doon bago nagsalita. "Come on."

Nauna na itong naglakad sa kanya. Mabilis niyang sumunod dito at siniguro niyang may distansiya ang mga katawan nila ng ilang pulgada. Hindi niya gusto ang pakiramdam kapag nagdidikit ang balat nila.

Nang makarating sila sa lobby ng condo nito, iginiya siya ng binata patungo sa elevator. Habang hinihintay iyon na bumukas, humarap sa kanya si Tyron.

"Okay lang sa'yo na makasama ako sa condo? We will be alone there," wika nito na ikinakunot ng nuo niya.

"Why won't it be okay? Hindi ka naman siguro nangangain ng tao."

May naglarong ngiti sa mga labi nito. "I don't."

She pressed her lips together. "Okay."

Nagpasalamat si Raine ng bumukas ang elevator dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na mag-iwas ng tingin. Pero sa kasamaang-palad, walang laman ang elevator.

Mabilis siyang pumasok sa loob at hinintay na makapasok si Tyron. When Tyron entered the elevator, he pressed the 40th floor.

Habang pataas ang elevator, nakatalikod sa kanya si Tyron. Ni hindi ito lumingon para alamin kong ayos lang ba siya. At bakit naman siya hindi magiging maayos?

Gaga! Gusto mo lang na lingunin ka niya para makita mo ang gwapo niyang mukha. Ani ng isang bahagi ng isip niya.

Ipinilig niya ang ulo at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Don't do that." Biglang basag ni Tyron sa katahimikan.

Napatitig siya sa likod nito. "Ha?"

Humarap ito sa kaniya. "Don't sigh nor gave out a deep breath. Kanina mo pa yan ginagawa. Mula pa sa airport. Kapag nasa harap ka ng iba, ngumiti ka. Mas bagay sa'yo 'yon."

Nagsalubong ang kilay niya. "Pati ba naman 'yon pakikialaman mo? I sigh because I want to. That's how I let out my stress."

"It's irritating." Pagdidiin nito.

"No, it's not." Tumalim ang mga mata niya. "I'm just sighing."

"Don't you know that it gives people a different connotation?" Umiling-iling ito na para bang isang krimen ang pagbuntong-hininga niya. "Kapag bumubuntong-hininga ka, you give off a bad vibe. Iisipin ng ibang tao na ayaw mo silang makasama."

"Paki ko naman sa iisipin nila. As long as sighing can't damage other people physically, it's okay to sigh."

"But it can damage the person mentally."

Naningkit ang mga mata niya sa inis. "Ano bang problema mo? Pati ba naman ang pagbuntong-hininga ko issue sayo?"

Hindi ito nakasagot dahil bumukas na ang elevator. Nauna na siyang lumabas at hinintay ito. Nang lumabas ito sa elevator, naglakad ito sa pinakamalapit na pintuan at binuksan iyon gamit ang key-card. Then he motioned his hand for her to enter.

Pasimpli niya itong inirapan at pumasok sa loob ng condo. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro