CHAPTER 19
CHAPTER 19
RAINE smiled grimly when Dark hugged her to say good bye. Nanatili ito sa Panggasinan sa loob ng isang linggo sa kagustuhan nitong pagselosin si Tyron pero wala naman itong napala. Hind kasi nakinig sa kanya e. Sinabi na niyang walang manyayari pero nagpilit pa rin ito.
He was really persistent to invest in Tyron's company.
Wala sa plano nito na sa Panggasinan magpalipas ng bagong taon pero dahil sa kanya at sa plano nito na wala namang kinahantungan ay sa Panggasinan ito nagpalipas ng bagong taon.
"Magiging okay ka lang ba rito?" Tanong nito ng kumawala sa pagkakayakap sa kanya.
"Oo."
Tumango-tango ito. "Kailan ang balik niyo sa Canada?"
"Three days from now." Huminga siya ng malalim. "Next month pa sana kami kaya lang tumawag ang SunLife Financial Insurance para sa insurance ni daddy. Kailangan nila kaming makausap before the tenth of January. Mag-i-expire na raw kasi ang kontrata at kailangan ang signature namin ni mommy para makuha ang pera."
Dark smiled, then messed her hair. "Well, see you in the office then."
"See yah, sir."
Lumambot ang mukha nito habang matamang nakatitig sa kanya. "Just hold on tight. Naniniwala pa rin ako na mahal ka ng mokong na iyon."
Nagbaba siya ng tingin. "Umalis ka na nga, baka ano pa ang masabi mo na puro naman kasinungalingan."
Dark chuckled lightly. "Okay, agape. Stay strong." Dumukwang ito at hinalikan siya sa pisngi na ikinagulat niya. "Happy New Year again. Have a safe trip."
Hanggang sa makaalis ang sasakyan nito sa harapan niya, nakatanga pa rin siya sa kawalan. Did he just kiss her? Mabilis niyang ipinalibot ang tingin baka may nakakita.
Nakahinga siya ng maluwang ng makitang wala naman pero biglang nahagip ng mga mata niya ay isang taong matalim ang tingin sa gawi niya.
Tyron... Her heart whispered. Kaagad na nawala ang pagka-miss ng maalala niya si Careen na nakayapos sa mga braso nito palagi nitong mga nakaraang araw.
Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pumasok sa kabahayan. Dapat siguro tanggapin na niya na hinding-hindi mapapasakanya si Tyron.
THE BEAST inside of him was roaring in so much anger and jealousy. He had been reining his jealousy and anger towards Dark every time he saw him with Raine, talking and laughing.
Sa araw-araw na nakikita niya sa Dark sa bahay nila ay gusto niya itong itaboy at palayasin pero ang ina niya mismo ang nag-offer sa binata na sa bahay muna nila ito manatili hanggang sa gusto nito. Kaya naman ng malaman niya mula kay Iuhence na uuwi na sa manila ngayon si Dark ay gusto niyang magbunyi.
Pero ang pagbubunyi na iyon ay kaagad na nalusaw dahil ng makita niyang hinalikan ni Dark sa pisngi si Raine.
Tyron gave out a sigh of relief when Dark straddled his Ducati and drove away.
And then it felt like the sun had shine on him after a long week of pure darkness when those magnificent argentine eyes stared back at him. Gusto niyang tumalon sa ikatlong palapag patungo rito para yakapin ito at halikan pero bago pa siya makatalon nagbaba na ito ng tingin at pumasok sa loob ng bahay.
Napabuntong-hinga nalang siya sa mga nangyayari at nararamdaman niya.
Nang makapasok siya sa kuwarto niya, naabutan niya roon si Careen na nakahiga sa kama niya.
"Careen, lumabas ka sa silid ko," aniya na pinipigil ang galit sa sumabog.
Mapapagalitan na naman siya ng mommy niya kapag nalaman nitong narito si Careen sa silid niya.
His mom really disliked Careen.
"Bakit?" May pang-aaki sa boses nito. "Para namang hindi tayo nagsi-share noon ng kama—"
"Lumabas ka na sa silid ko, Careen," m ahinahong wika niya at umupo sa gilid ng kama.
"No. Hindi ako lalabas." Yumakap ito sa likuran niya at akmang hahalikan ang leeg niya pero umiwas siya. "Make love to me, Tyron."
Kunot ang nuo na tumingin siya kay Careen na hinahalikan ang balikat niya. "Stop doing that, Careen."
Sinapo nito ang mukha niya. "Bakit? Tyron, tatlong taon ang pinagsamahan natin. Tapos ipagpapalit mo lang iyon sa babaeng 'yon? Come on, kiss me back."
Binaklas niya ang braso nito na nakayakap sa kanya at tumayo saka humarap dito. "I don't want to be harsh to you, Careen. I've already hurt you enough. So please, tanggapin mo nalang na wala na tayo at hindi na tayo magkakabalikan kahit ano pa ang gawin mo. Sinubukan ko naman e, sinubukan kong bigyan ng pagkakataon ang relasyon natin pero wala talaga."
Naglakad siya patungo sa pinto ng kuwarto niya. Bago siya lumabas ay nilingon niya ang babae na may luha sa mga mata. "Umuwi ka sa inyo, Careen. Wala kang maasahan sa akin. Makikilala mo rin ang lalaki na para sayo. Ang lalaki na mamahalin ka ng buong-buo at hindi ako ang lalaking 'yon. I tried to, Careen. I'm sorry. I expect you to be gone when I return." Pagkasabi niyon ay lumabas siya ng silid.
Pababa siya ng hagdan ng makatanggap siya ng text mula sa ina.
'Tyron, pumunta ka sa labas ng bahay. Sundin mo ang sasabihin ni Iuhence.' That was her mother's message for him.
Kahit naguguluhan, nagmamadali siyang naglakad patungo sa labas ng bahay. Nilapitan niya si Iuhence na nakasandal sa bumper ng sasakyan nito.
"Hey, may kailangan ka sa akin?" Tanong niya sa kaibigan ng makalapit dito.
"Yeah." Iuhence smiled, then handed him his car key. "Sasabay ako kay Lander patungong Manila. Ikaw na ang nagmaneho sa kotse ko."
"What the— I'm not going to Manila." He said with a deep frown.
May misteryusong ngiti sa mga labi ni Iuhence. "Sure you will. Tita Marian said that you'll drive my Bugatti for me." He grinned slyly at him. "Take care of my honey," anito na ang tinutukoy ay ang sasakyan nito.
Nang makaalis si Iuhence, he slid inside Iuhence's Bugatti and started the engine. It roared. Akmang i-a-atras niya iyon para i-garahe ng biglang bumukas ang passenger seat at pumasok doon si Raine.
"Let's go, Iuhence, pra makarating kaagad tayo sa Manila ng maaga," anito habang abala sa pagsusuot ng seat belt.
Ang plano ni Tyron ay ibalik ang sasakyan ni Iuhence sa garahe pero nagbago na ang isip niya. Mabilis na pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa bahay nila.
Hindi pa sila nakakalayo masyado sa bahay ng marinig niya malakas na suminghap si Raine. "Tyron?"
Bahagyang pinabagal niya ang takbo ng sasakyan at binalingan ang dalaga sa passenger seat at nginitian ito. "Hey, sweetheart. Miss me?"
KUMATOK si Raine sa pinto ng kuwarto ng mommy niya. After a minute, bumukas iyon at bumungad sa kanya ang ina niya at si tita Marian. Nginitian niya ang mga ito at lumapit sa ina niya para magpaalam.
"Hey, mom." Aniya. "Magpapaalam sana ako e."
Kumunot ang nuo ng ina. "Saan ka naman pupunta?"
"Sa Manila po."
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng nuo nito. "Ano naman ang gagawin mo sa Manila, anak?"
"Aayusin ko po 'yong insurance ni Dad," aniya. "May branch pala sila rito sa Pilipinas. Itatanong ko lang kung dito nalang natin asikasuhin. Alam ko naman na ayaw mo pang umuwi, mommy."
Ngumiti ito. "Salamat, anak."
"Salamat naman kung ganoon," tita Marian interjected. "Sana nga puwede, no? Sige, ipapahatid kita kay Tyron—"
"No need na po, tita Marian," pigil niya sa ginang na akmang lalabas na ng silid. "Iuhence— Tyron's friend—offered to drive me to Manila since babalik siya ngayong araw na 'to. At saka, kaya ko na po ang sarili ko."
"Okay, sweetie. Mag-ingat ka," ani ng Mommy niya at niyakap siya. "Kailan ka babalik?"
"Bukas na siguro. Magho-hotel nalang po ako roon. I'm okay, mom. I can take care of myself."
"Sige. Ingat ka."
"Opo."
"Take care, my dear," ani Tita Marian habang abala sa pagta-type ng kung ano sa cell phone nito.
Tumango siya at lumabas ng silid. Kanina pa ibinaba ni Iuhence ang maliit na backpack na dadalhin niya at siya nalang ang hinihintay nito sa garahe para makaalis na sila. Kay Dark sana siya sasabay pero naka-motor ito kaya kaya kay Iuhence nalang. Si Lander ay uuwi na rin sa Manila pero ayaw niyang makisabay dito. She could endure Iuhence no filter mouth but Lander rude attitude? No. Si Train naman ay pumunta sa Baguio sa hindi niya malamang kadahilanan.
Pababa siya ng hagdan ng makasalubong niya si Careen. Tumalim ang tingin nito ng magtama ang mga mata nila.
It had been a week since Careen arrived. Isang linggo na rin ang nakakaraan mula ng magbago ang mood ni Tyron. He was always shouting and in the bad mode. Parang ginawa na nitong past time ang mang-singhal ng tao na nagtatanong dito.
Kapag nagkakasalubong naman sila ni Tyron, halos sakmalin siya nito sa uri ng pagkakatingin sa kanya. In the deepest part of her heart, she was hoping that he would visit her in her room, but he didn't.
Pero kahit hindi na sila nag-uusap at palagi nitong kasama ang mahadirang babaeng iyon, masaya pa rin siya. And she had tita Marian to thank for that. Ito kasi ang nag-insist na hindi mag-share ng kuwarto si Careen at Tyron. She could also see that tita Marian was the antagonist of Tyron and Careen's relationship which made her happy.
"Well, well, well." Careen clicked her tongue, making her head snapped at the direction of the woman she considered a vile creature on earth. "Ang mang-aagaw."
Tumigil siya sa pagbaba sa hagdan at taas nuong sinalubong niya ito ng tingin. "Good morning. How's your day?"
Careen sneered at her. "Wala akong panahon makipag-plastikan sa'yo."
Gusto niya itong taasan ng kilay pero hindi niya ginawa. "Hindi ako plastic na tao. May sinabi ka kasi at alam ko naman na ako tinutukoy mo."
Nanguuyam itong ngumisi. "Guilty?"
"Oo," pag-amin niya. "Bilang isang babae, alam kong masakit ang ginawa ko. Alam kong may kasintahan na si Tyron pero pinatulan ko pa rin. Kaya naman humihingi ako ng tawad sa ginawa ko. I'm sorry, Careen."
She went rigid when Careen's slapped her. Hard. Pakiramdam niya at nagdilim ang paningin niya sa lakas ng impact niyon pero hindi siya nag-react. Hindi siya lumaban. She knew that she deserved that slap.
"Para 'yan sa pang-aagaw mo nang sa'kin." Then she strode towards her in a threatening manner. "Isaksak mo sa kokote mo na akin si Tyron. Akin siya! At sa oras na makita kong lumalapit ka sa kanya—"
"Pinapangako ko na hindi na ako lalapit sa kanya. Malapit na akong bumalik sa Canada at hindi ko na siya makikita pa," putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Pero siguraduhin mo rin na hindi na siya lalapit sa akin. Because as far as I can remember, I keep pushing him away but he insists on staying. Hindi ko na kasalanan kung pupunta siya sa Canada para makita ako." Yeah, right. As if that will happen. Me and my hopes.
"Ang kapal rin ng mukha mo." Nanlilisik ang mga mata nito. "Hindi ka niya hahabulin kasi ako ang mahal niya." Isang nanunuyang ngiti ang kumawala sa mga labi nito. "Ako ang mahal niya. Hindi pa ba sapat ang isang linggong parati kaming magkasama para isiksik mo riyan sa kukuti mo na ako ang mahal niya at isa ka lang laruan?"
Parang may kumakatay sa puso niya at ginigiling iyon sa sobrang sakit dahil sa sinabi nito.
Raine wanted to cry, but she would not give this woman a satisfaction. No way!
So with her head held high, she smiled at Careen. "Have a good day. May pupunta pa ako."
Tuluyan na siyang bumaba sa hagdan at nagtungo sa labas ng bahay. Nang makita ang Bugatti na pag-aari ni Iuhence, sumakay siya sa passenger seat at inayos ang seat belt na suot niya.
"Let's go, Iuhence. Para makarating kaagad tayo sa Manila ng maaga." Aniya sa lalaki.
Mabilis na humarurot ang sasakyan palabas sa gate ng Zapanta Mansion.
Napatigil siya sa pagaayos ng seat belt ng magumpisang nanuot ang pamilyar na pabango ni Tyron.
Mabilis na bumaling siya sa driver seat at halos malaglag ang panga niya sa nakita. Hindi niya napigilan ang malakas na mapasinghap. "Tyron..."
Bumagal ang takbo ng sasakyan at nagtama ang mga mata nila ng binata.
His butterscotch eyes smiled. "Hello, sweetheart. Miss me?"
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro