Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

CHAPTER 18

WHEN Dark said that she launched an angry beast, hindi siya pinaniwalaan ni Raine. Paano naman siya maniniwala na may gusto sa kanya si Tyron samantalang palagi nitong kasama ang kasintahan nito na tinatawag niyang mahadira sa isip niya. And she saw them kissing in the balcony. 'Yan ba ang lalaking may gusto sa kaniya, naghahalik ng ibang babae?

"Eat up, Madam Raine," ani Train at naglapag ng pinggan sa harapan niya na puno ng pagkain.

Nag-angat siya ng tingin dito at nginitian ito. "Thanks, Train."

Ngumiti ito. "Sino pa ba ang magluluto sa'yo kung hindi ako? Ako lang naman ang cook sa bahay na 'to maliban kay Manang Azon. Saka nakakahiya manatili sa bahay na ito kung wala man lang ako maitutulong."

"You really love cooking, huh?"

"Yeah. Just like you love Tyron," anito at kinindatan siya.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Hindi ko mahal si Tyron." Pagkakaila niya kahit ang puso niya ay pangalan ng binata ang sinisigaw.

Nanunuksong ngiti ang kumawala sa labi nito. "Huwag kang magsinungaling sakin, Madam Raine. Nakikita ko 'yon sa mga mata mo."

Mabilis siyang nag-isip para i-divert ang usapan. Ayaw niyang pag-usapan ang nararamdaman niya para kay Tyron.

"So, Train," she drawled. "Who is Krisz Romero in your life?" She laughed in amusement when she saw Train paled. "Nakausap namin siya sa Baguio. Ano mo siya? Sinabi na ba sayo ni Tyron ang pinapasabi ni Krisz Romero?"

Uneasiness glimmered on Train's pale charcoal eyes. "She's ahm, she's—" Tumikhim ang binata. "My mother's god daughter. Ever since my twenty-third birthday, my family and hers had been planning our wedding. Akala ko nagbibiro lang sila. But no, they were serious as hell and I'm really getting married next year." He gave out a shaky laugh. "See how crazy that sounds? I mean, I am going to marry a woman who is a stranger to me until two weeks ago. That's sick. Pinagtataguan ko nga siya e. Ayokong makasal sa babaeng hindi ko nga kilala. Sana lang ay hindi atakihin sa puso si Dad. Talagang mapipilitan akong magpakasal sa kaniya kapag nagkataon."

"So sa halip sa sabihin sa kaniya na ayaw mong magpakasal, pinagtataguan mo siya?"

Tumango ito. "That's my plan."

Naawa siya sa binata. If that would happen to her, she would go ballistic. "Bakit ayaw mo siyang pakasalan? Maganda naman siya."

"Ayoko pang matali, Raine. I'm only twenty-three and I haven't seen her up close, so, yeah."

Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. "Train, God has reasons."

He snorted. "Yeah, right."

Napatigil sila sa pag-uusap ng pumasok si Tyron sa kusina. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang gwapo niyang mukha. Oh, how she missed to caress that face and kissed his lips.

Madilim ang mukha ng binata. Gumagalaw ang panga nito tanda na galit ito.

"Hey, Ty," ani Train. "Gusto mo ipagluto kita?"

Hindi sumagot ang binata. Binuksan nito ang refregirator, kumuha ng isang bote ng tubig, at malakas iyong isinara. Sa sobrang lakas, nayanig iyon. Nang makalabas ang binata sa kusina, nagkatinginan sila ni Train.

May nanunudyong ngiti sa mga labi ni Train. "See? He is definitely jealous."

Itinirik niya ang mga mata. "Puro ka biro."

Train was about to contradict her when Iuhence and Dark entered the kitchen.

Kaagad na lumapit sa kanya si Dark ng makita siya at niyakap siya saka hinalikan ang nuo niya. "Good morning, agape. Kumusta ang tulog mo?"

"Torturous." Si Iuhence ang sumagot para sa kanya na ikinangiti niya.

"Paano naman naging torturous?" Tanong niya kay Iuhence na abala sa pagtitimpla ng kape.

Tinapos muna ni Iuhence ang pagtitimpla ng kape saka humarap sa kaniya. "Honey, your room is adjacent to Tyron's. And Careen is here. So, duh, sigurado akong nag-sex sila kagabi."

Nag-iwas siya ng tingin para itago ang sakit sa mga mata niya. "Careen's room is in the second floor. At mahigpit na pinagbabawal ni tita Marian na hindi sila mag-share ni Tyron ng kuwarto."

Iuhence chuckled annoyingly. "Wow. You've been keeping track. Amazing." Dala-dala ang tasa nito na may lamang kape, umupo ito sa upuan na kaharap niya. "So." His emerald eyes search her face. "Kailan mo balak na agawin si Tyron? Tell me and I'll help you. I never liked that woman." Kinindatan siya nito. "Pero bago mo agawin siguraduhin mo munang mahal ka niya. Malay mo. Hindi naman pala. Nagsayang ka lang ng effort."

Napailing-iling si Dark. "Damn, Iuhence. Your mouth doesn't have a filter."

Iuhence snorted and smirk. "Don't need one."

"You should buy a filter." Hinawakan siya ni Dark at hinila patayo. "Halika, sa labas na tayo kumain."

Nagdilim ang mukha ni Train sa sinabi ni Dark. "Is there something wrong with my cooking?" Train asked dangerously.

Sumipol si Iuhence. "Yeah, is there something wrong na sa labas pa kayo kakain?" Nakangising tanong nito na ginatungan pa si Train. "Man, you've insulted the heart of our chef." Tumayo ito at tinapik ang balikat ni Train. "Don't worry, bud, para sakin, ikaw pa rin ang pinakamagaling sa Chef sa buong mundo."

Kaagad na lumiwanag ang mukha ni Train sa sinbai ni Iuhence. "Really? Thanks, man."

"Don't mention it." Sumimsim ng kape si Iuhence. "So, kailan natin pag-uusapan ang birthday ni Mommy? You offered to cook, remember?"

Sasagot sana si Train ng tumunog ang cell phone nito. There was a grim expression on his face when he looked who the caller was. "It's Dad. Excuse me." Lumabas ito ng kusina.

Dark gave Iuhence an arched look.

"What?" A mixture of innocence and slyness was painted on Iuhence's face. "Train offered to cook for mom's birthday. Tinanggap ko lang. And, hey, it is free so don't blame me."

"God, man. You earn more than a billion peso per year. Hindi ka mamumulubi kung magbabayad ka ng caterer," ani Dark na hindi makapaniwala. "You do realize that your mother is a very well-known woman. There would be thousands of guests."

"Whatever. I'm still taking Train's offer."

Natigilan silang tatlo ng pumasok si Tyron habang nakayapos sa bisig nito si Careen. She looked away when she felt her heart being mowed over and over again. Para siyang naso-suffocate sa sobrang sakit na nararamdaman, kaya ibinaon niya ang muksa sa matitipunong dibdib ni Dark para itago ang luhang kumawala sa mga mata niya.

"Hey, Ty." Ani Iuhence. "May plano ka ba ngayong araw?"

"Wala." Walang buhay ang boses ng binata.

Oh, I miss his voice.

"Hmm. Too bad," Iuhence drawl. "This two love birds over here, Dark and Raine, are going to eat outside. Magdi-date na naman ang dalawang 'to."

Napaigtad siya ng may marinig na nabasag.

Tiningnan ni Raine ang pinanggalingan ng tunog at nakita niyang may hawak si Tyron na basag na pinggan. The shattered part of the plate was on the sink and Tyron's dark expression could scare even the wildest animal in the forest.

"Ty, bakit mo naman binasag ang pinggan?" Anang boses ni Train na kakapasok lang sa kusina.

"Sorry." Tyron didn't sound sorry at all. "It slipped." Tinapon nito ang hawak na basag na plato sa basurahan na nasa gilid ng kusina at walang lingon-likod na lumabas ito.

"Babe, hintayin mo ako." Mabilis na hinabol ni Careen ang papalayong si Tyron.

Sumipol si Iuhence para basagin ang katahimikan na namayani sa kusina.

"Man, if I don't know any better, I will say that Tyron is jealous of Dark." His emerald eyes were dancing in amusement as he stared depth into her eyes. "Ano sa tingin mo Raine? Nagseselos ba siya o hindi?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumayo. Hindi niya sinagot si Iuhence. Sa halip ay nagpaalam siya sa mga ito at umalis ng kusina. Nawalan na siya ng gana mag-agahan. Umuokilkil sa isip niya ang pagyapos ni Careen sa braso ni Tyron at halos matanggal na lahat ng ngipin niya sa sobrang selos at panggigigil.

May karapatan nga ba siyang magselos? Hindi naman niya pagmamay-ari si Tyron. And he would never be hers now that his girlfriend was here. I'm just fooling myself that somehow, deep down, Tyron feel something for me. What a lie!

After walking away from the kitchen, Raine found herself in the garden sitting on the edge of the small pond. Nag-iisip siya kung anong dapat niyang gawin ng marinig niya ang baritonong boses mula sa likuran niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng baritonong boses. "Shouldn't you be in Dark's arms?" Halata ang pagka-irita sa boses nito.

Sinalubong niya ang tingin ng binata. "Tyron..."

Kaswal itong namulsa. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ulit nito.

"Nag-iisip," sagot niya. "Ang gulo kasi ng isip ko nitong nakalipas na araw, e."

"Pareho lang pala tayo," anito sa mahinang boses, pero narinig pa rin niya ito.

"Bakit naman magulo ang isip mo?" Tanong niya rito at tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng pond. "Minsan ba, naisip mo ako? May mga pagkakataon ba na naalala mo ako?"

Matiim siya nitong tinitigan kapagkuwan ay nagsalita. "How about you? May pagkakataon ba na naalala mo ako habang kasama mo si Dark? Minsan ba, naisip mo ako? Pag sapit ng gabi at mag-isa ka lang sa kama, naalala mo ba ako at ang pinagsaluhan natin?"

Bago pa siya makasagot, isang matinis na tinig ang tumawag sa pangalan ng binata.

"Tyron? Babe? Nasaan ka ba?" Boses iyon ni Careen.

Huminga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin. "I really want to answer you but your girlfriend is looking for you. Bumalik ka na sa kanya. Saka nalang tayo mag-usap."

Akmang lalampasan niya ito ng magsalita ang binata.

"Careen ... she's ... she's not my girlfriend anymore."

Mapait siyang ngumiti. "If she's not, then why is she here? Bakit kasama mo siya? Bakit ka niya hinalikan? Bakit mo siya hinalikan? I have too many questions, Tyron and that 'she's not my girlfriend' confession of yours can't answer all of them."

Tuluyan na siyang lumabas sa harden. As she walked away from Tyron, tears fell from her eyes. Mabilis niyang pinahid ang luha niya. Her father once told her, Love hurts. Because if it doesn't hurt, then it's not love. So if you love someone, hold on tight and ready yourself for a bumpy ride.




NANG makapasok si Raine sa loob ng bahay, sinalubong siya ng kanyang ina at may iniabot sa kanyang cell phone.

"Huh? What is this?" Naguguluhang tanong niya.

"Naka-roaming ang cell phone ko. Buti nalang pala," ani ng Mommy niya. "Mhel is calling. Hinahanap ka niya. Mukhang nakabalik na siya sa Canada from her vacation in Santorini."

Happiness filled her heart when she heard the name of the woman she considered as best friend. Mhel was half-Filipino, half-German. Ang tatay nito ang German pero sa Canada ang nga ito nananatili. Ito ang matalik niyang kaibigan mula pa nuong freshmen siya sa college. Mhel was a transferee from Germany. They were classmates, and coincidentally, Mhel lived next door.

Halos dalawang buwan din ito sa Santorini. Natutuwa siya na nakabalik na ito sa wakas!

Tinanggap niya ang cell phone at inilagay iyon malapit sa tainga niya. "Hello, Ms. Mhelanie Tschauder," bati niya rito gamit ang buo nitong pangalan na alam niyang hindi nito gusto na nilagyan pa niya ng miss sa unahan. Kaya hindi na siya nagulat ng hindi ito nagsalita. "How's your vacation, Bes?"

The woman in the other line puffed a breath. "Cut the Miss. Cut the surname. Just call me Mhel. Alam mong ayokong tinatawag ako sa full name ko. Si daddy lang ang gumagawa no'n." Bumuntong-hinga ito. "Anyway, my vacation is boring as hell. Wala ka roon kaya napaka-boring! Puro lang business ang inatupag ni Daddy. Si Mommy naman, andoon, kasama ang mga amigas niya. Hay! Nakakainis. Buti nalang umuwi na kami. Finally! I can live my life the way I want to."

Napailing-iling siya. "Mhel, you do know that your father won't let you live your life the way you want it. He's a retired Navy after all. Napaka-strict ng father mo. Halos lahat ng galaw mo e kailangan alam niya."

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga. "Alam ko. It's just that, I'm already twenty-one and a fresh graduate at that and he is still controlling me. Kagabi, sinabihan niya ako na pupunta kami riyan sa Pilipinas para makilala ko ang lalaking napili niya para sa akin. He said that this man is a good business man and the son of my mother's best friend. I mean what the fucking hell?! Buhay ko 'to! At bata pa ako para mag-asawa!"

"Relax, Bes." Naaawa siya sa kaibigan. "Pupunta kayo rito sa Pilipinas? Sasama ka talaga?"

"May pagpipilian ba ako?" Galit nitong tugon. "At saka naisip ko na baka diyan ako sa Pilipinas makalaya. Wala diyan si Daddy kasi aalis din daw siya after we attend the birthday party of mom's best friend and I'm staying. So, I'm free to do whatever I want." Malakas itong napabuntong-hinga. "I'm now packing my things. After New Year, we're off to the Philippines. See yah!"

She sighed. "Mhel, uuwi na kami ni mommy a week from now. May natanggap kasi akong e-mail from dad's financial insurance."

"Oh." Disappointment filled her voice. "That's too bad."

"Yeah. Sorry."

"It's okay. See you soon—" There was a long pause. Akala niya ay wala na sa kabilang linya ang kaibigan, pero kapagkuwan ay narinig niya ulit ang boses nito. "Sorry, that's my dad. I have to bounce. Bye, Bes."

"Bye, Bes. See yah," aniya at pinatay ang tawag.

Bumuntong-hinga siya at ibinalik ang cell phone sa kaniyang ina na nakatayo sa harapan niya habang kausap niya ang kaibigan.

"Anong sabi ni Mhel?" Tanong ng ina niya.

Nahagip ng mga mata niya si Tyron at Careen. Nag-uusap ang dalawa. Biglang sumama ang pakiramdam niya.

"Magpapahinga po muna ako, Mommy. Medyo masama ang pakiramdam ko. Mamaya ko nalang po sasabihin sa inyo ang napag-usapan namin ni Mhel," aniya at tinungo ang silid na nasa third floor.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro