Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

CHAPTER 17

NASA balkonahe si Tyron at nakatingin sa ibaba kung saan naroon si Raine at Dark. Masayang nag-uusap ang dalawa at magkahawak pa ang kamay! Kumuyom ang kamay niya sa sobrang selos na nararamdaman.

Natigilan si Tyron ng maramdamang may yumakap sa kaniya mula sa likuran.

"Tyron." Boses iyon ni Careen. "Gusto mo mag date tayo?"

Hindi siya kumibo. Nakatutok lang ang mga mata niya kay Raine na nasa ibaba.

Sinundad ni Careen kung saan siya nakatingin. "Tingnan mo, oh, masaya si Raine na kasama ang ibang lalaki. Halatang hindi ka namang espesyal sa kaniya."

Humarap siya kay Careen saka pinakatitigan ang dalaga. This woman had been his on and off girlfriend for three years. Why not give their relationship another try.

"Careen."

Nag niningning ang mga mata nito ng salubungin ang tingin niya. "Yes, Tyron."

"Gusto mo mag-date tayo?"

Bumadha ang gulat sa mukha nito saka malapad na ngumiti. "Of course!"

Susubukan niya. Susubukan niyang ibaling ang atensiyon niya kay Careen. Halata namang masaya si Raine sa piling ni Dark. Palaging magka-usap ang dalawa. Siguro naman hindi siya mahihirapan kasi ex-girlfriend naman niya si Careen. He already knew what made Careen smile, unlike Raine na kakikilala palang niya.

He had to date Careen. At least, he had to try. Ilang araw palang niyang nakakasama si Raine, samantalang si Careen ay matagal na.

Maybe... it was just lust.

Yeah. Maybe.

Sinapo niya ang mukha ni Careen saka hinalikan ang dalaga. Napakunot ang nuo niya ng wala man lang siyang maramdamang kakaiba, hindi katulad ng nararamdaman niya sa tuwing naglalapat ang mga labi nila ni Raine.

Tyron quickly pulled away. "Saan mo gustong mag-date?"

Malapad na ngumiti si Careen at yumakap sa kaniya. "Sa Baguio, babe."

"Baguio it is."

NASA labas ng bahay si Raine at Dark, nag-uusap ng kung ano-ano. Wala sa sariling nag-angat siya ng tingin sa balkonahe ng bahay. Parang may pumiga at yumurak sa puso niya ng makitang sinapo ni Tyron ang mukha ni Careen at hinalikan ang babae.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang isang butil ng luha na malaglag sa pisngi niya pero nabigo siya.

Mapait siyang ngumiti saka ibinalik ang atensiyon kay Dark na nakatingin din pala sa magkasintahan sa balkonahe.

Ibinalik ni Dark ang tingin sa kaniya. "Ayos ka lang?"

Umiling siya. "Ilang araw palang kaming magkakilala at magkasama ni Tyron." Itinuro niya ang dibdib niya kung nasaan ang kaniyang puso. "Hindi ba nakapa-imposible naman na mahalin ko siya ng ganito? Nang halikan siya kahapon ni Tyron ang sakit-sakit. Parang sinasakal ang puso ko, Dark. Pero mas masakit palang makita na si Tyron ang humalik kay Careen. Hindi lang sinakal ang puso ko, pinatay pa."

Tinuyo ni Dark ang luhang nagkalat sa pisngi niya. "Love really hurts, Raine. Alam na alam ko 'yon. I'm inlove with this woman, but she doesn't even know that I exist. Napakasakit na makita ang mahal mo na may kahalikang iba, pero 'yon na 'yon e. Wala na tayong magagawa kung ang mahal natin ay may mahal na iba. Tyron is a jerk for hurting you, but I really believe that he loves you, Raine."

Umiling siya habang mapait na nakangiti. "Tama na, Dark. Hayaan mo na 'yon. Wala namang sinabi sakin si Tyron na mahal niya ako habang magkasama kami. All along, alam kong kasintahan niya si Careen. At wala akong laban do'n. Oo nga at mahal ko siya pero pagmamahal nga ba ang nararamdaman ko? We just met."

Hinaplos ni Dark ang pisngi niya saka bumuntong-hininga. "Love is not measure through time and days, Raine. Love is measured through here," tinuro nito ang puso niya. "Kung mahal mo ang isang tao, nandiyan siya sa puso mo at naka-ukit ang pangalan niya riyan. Walang kinalaman ang oras at araw sa pag-ibig. Love is complicated, Raine. It's an unsolved mystery. If you love someone, you just felt it. And you did... with Tyron."

Pilit siyang ngumiti. "Ayokong umiyak at namnamin ang sakit ng puso ko. How about you take me on a date? Nuong nasa Canada tayo, palagi mo akong inaaya."

"At palagi mo akong tinatanggihan." Nakangiting wika nito.

"Well, pumapayag na ako ngayon."

Mahinang tumawa si Dark. "Saan mo gustong mag-date?"

Nagkibit-balikat siya. "Kahit saan. Basta mawala lang si Tyron sa isip ko."

Hinawakan ni Dark ang kamay niya saka hinila patungo sa nakaparada nitong motorsiklo. Nang makasakay sila, kaagad na pinaharurot iyon ni Dark palayo sa bahay nila Tyron.

For the meantime, kakalimutan muna niya ang nararamdaman para sa binata at magsasaya siya.




NANG makarating sa Baguio si Tyron at Careen, nagsimba muna sila bago nagtungo sa Mall para mamasyal. Para ulit silang magkasintahang dalawa na magkahawak ang kamay.

But Tyron didn't feel like they were a couple. Something was missing.

"Nuod tayo ng movie, Ty." Hinila siya ni Careen patungo sa pilahan ng ticket. "Anong gusto mong panuorin?"

Nagkibit-balikat siya. "Ikaw ang bahala."

Careen grinned. "Okay."

Ito ang pumili sa papanuorin nila at sumunod lang siya rito. Siya ang nag-aya ng date pero kaagad siyang nawalan ng gana.

Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Dahil ba hindi si Raine ang ka-date niya? 'Yon ba ang dahilan?

God! He felt so confused!

Mula ng mag-umpisa ang pelikula hanggang sa sa matapos iyon, nakatulala lang si Tyron sa kawalan. His mind is filled with thoughts of Raine and how it would be nice if she's here with him.

Pero si Careen ang kasama niya. He should focus on her. Sila ang magkasama.

After watching a movie, nag-dinner sila sa isang Japanese restaurant. Panay ang kuwento ni Careen sa kaniya at panay naman ang tango niya. Nagku-komento siya paminsan-minsan pero si Raine pa rin ang laman ng isip niya habang kasama niya si Careen. Hanggang sa nagmamaneho siya pauwi ay wala siya sa tamang pag-iisip.

Nang makarating sila sa bahay, mag-aalas-sais palang ng gabi.

Akmang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan ng pigilan siya ni Careen.

Bumaling siya rito. "Ano 'yon?"

Nang-aakit na ngumiti ito sa kaniya sa dumukwang para halikan siya sa mga labi.

The kiss felt so bland but Tyron kissed her back. Gusto niyang may maramdaman sa halik na 'yon. Pero kahit anong lalim ang halik na igawad niya kaya Careen ay wala talaga siyang maradaman. Ni hindi nag-init ang katawan niya at hindi lumabas ang tibok ng puso niya.

Tyron was the first to pull away. Lumabas siya ng sasakyan, tamang-tama naman na kapapasok lang ng motorsiklo ni Dark sa garahe.

"That was fun!" Malapad ang ngiting sabi ni Raine kay Dark habang tinutulungan ito ni Dark na makababa sa motor nito.

Dark grinned. "Oo nga. Sa tingin ko ang dami kong nakain."

Natatawang tinampal ni Raine ang balikat ni Dark. "Ikaw naman kasi, e. Halos lahat ng nasa menu ay inorder mo. Aminin mo na kasing matakaw ka, Dark."

Sumimangot si Dark. "Hindi no. Tingnan mo naman ang abs ko," itinaas nito ang laylayan ng puting t-shirt na suot para ipakita ang abs nito. "Sa tingin mo tiyan ito ng matakaw?"

Tinampal ni Raine ang tiyan ni Dark at natatawang umiling-iling. "Kahit kailan talaga Dark, palabiro ka."

Natatawa ring inakbayan ni Dark si Raine. "I'm happy that I made you smile and laugh today, Raine." Iginiya nito ang dalaga patungo sa pinto na hindi man lang tumitingin sa dereksiyon nila. "Anyway, date ulit tayo bukas?"

"Sige ba."

And the duo entered the household.

Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Malakas ang tibok niyon kanina habang nakatitig siya sa masayang mukha ni Raine. He wished that it was him who was making her smile and laugh. Kinakain ng selos ang buo niyang pagkatao habang nakatingin sa dalawa na halata ang kasayahan sa mukha.

At habang nakatingin kanina kay Raine at Dark, napagtanto ni Tyron na hindi lang pagnanasa ang nararamdaman niya para sa dalaga. It wasn't just her body that he wanted. He wanted her smile, her laughter, and everything about her.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro