Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PMH 7

Aziel Martinez

After I left the company, I headed to the bar which I was always used to go to whenever I'm having an unwanted mood.

"Oh pare, napapadalas na ata pagpunta mo rito mula nang mawala si Shanelle," bungad ni Shion.

"Maybe he's trying to move on. First love n'yan si Shanelle e and that's definitely hard for him to move forward." Leigh added.

Hindi ko sila pinansin at kinuha ang natitirang bote ng alak na nakalapag sa mesa nila at agad na nilagok iyon.

I wanna drown myself in liquor but it doesn't help to lessen the pain. I am still wondering why she suddenly disappeared without any words and that's fucking painful until now.

"Bali-balita ko rin na magkakaroon ka ng bagong mode partner. Eve Aguirre right? Maybe, she's the one. Try to open your heart with someone. Do not let the pain eats you, try to forget the past little by little, it might help, bro." Muling wika ni Shion.

"You know that I can't and I don't have any interest with that girl, only on Shanelle," usal ko kasabay nang pag-inom ng natitirang alak sa boteng hawak ko bago ito nilapag.

"At hindi s'ya 'yong tipo ng babaeng magugustuhan ko. Such a careless woman," sabi ko pa.

"Well, we have nothing to do with your decisions anymore. We'll support you instead." Leigh tapped my right shoulder.

"I have to go." Tumayo na ako at iniwan sila sa loob. Dere-deretso na akong lumabas ng bar at nag-drive pauwi.

Eve Aguirre

Alas dyes na nang makarating ako sa bahay. Ang hirap naman kasing sumakay kapag lumalalim na ang gabi, wala nang gaanong naliligaw na sasakyan sa kalsada kung kaya't tatlong oras ang ginugol ko sa paghihintay bago makarating dito sa aming tahanan. Tumanggi naman ako sa alok ni Ate Gaynell na ihatid ako rito dahil nahihiya na ako sa kan'ya. Pakiramdam ko ay isa akong batang paslit na kailangang asikasuhin palagi. Hello? Nasa tamang edad na ako 'no!

"Mama, nandito na po ako." Hinanap agad ng aking mga mata ang presensya ni mama ngunit hindi ko na naman s'ya makita.

Maya-maya pa'y nakarinig ako ng iyak na nanggagaling sa ikalawang palapag ng bahay kung kaya't nagmadali akong umakyat.

I knew it's my brother's weep.

"Ma, what happened?" Tarantang tanong ko. Bumaling sa akin si mama at nakita kong humihikbi ito.

"Ito kasing kapatid mo, ayaw maniwala sa akin." Nasapo ni mama ang kan'yang noo.

"Tungkol saan ma? Tungkol saan?"

"Tungkol sa papa mo."

"Hinahanap ng kapatid mo ang papa mo, Eve."

Tiningnan ko si Yvo na umiiyak sa isang sulok. Nilapitan ko s'ya at hinaplos ang kan'yang pisngi.

"Yvo, wala na si papa." Labag man sa kalooban kong sabihin ang katagang "papa", ngunit kailangan.

"E nasaan ba s'ya? Bakit hindi s'ya umuuwi rito? Naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi lahat sila may papang sumusundo sa kanila sa school, ako lang ang wala!" Tumakbo ito palabas ng kwarto at agad ko naman itong sinundan.

"Yvo!" Hinanap ko s'ya sa baba at nakakubli ito sa likod ng sofa kung kaya't muli ko s'yang nilapitan.

"Yvo." Malumanay na pagtawag ko sa kan'ya at pinantayan ko s'ya sa pagkakaupo n'ya.

"He's gone okay?" I tried my best to convince him.

"Pero saan ba talaga s'ya nagpunta? Bakit hindi s'ya nagpapakita sa'tin?" Patuloy s'ya sa pag-iyak at wala akong ibang magawa kundi ang maawa sa kan'ya.

He's too young to know and understand the whole truth. I admit that it is really hard to grow without a father.

"Yvo, listen to me. He's gone far away and he doesn't even have a plan to return to us. Do you understand?"

"Hindi, ayoko, ayoko! Babalik si papa, babalik s'ya!"

"Yvo, ano ba?! Wala na s'ya, iniwan n'ya na tayo! Bakit ba hindi mo maintindihan?! Tayo na lang nina mama ang magkakasama ngayon at kailangan nating magpakatatag."

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, naging emosyonal na rin ako at sinaluhan s'ya sa kan'yang pagtangis.

Why do we have to suffer like this?

E s'ya naman ang puno't dulo ng lahat kung bakit kami naghihirap ng ganito.

Argh! I despise this life so much!

°°°

Alas sais na nang umaga nang magising ako. Kinailangan ko na agad bumangon dahil may pag-eensayo pa akong gagawin. Mabigat man ang aking nararamdaman ngayon ngunit pinilit ko pa ring ngumiti sa harap ng salamin.

Hindi dapat ako magpakalugmok ng ganito dahil naniniwala akong palaging may magandang mangyayari sa araw ng bukas.

"Stay positive always, Eve! I know you can surpass these challenges!" Pagchi-cheer ko sa aking sarili sa repleksyon ng salamin.

Nagmadali na ako at nag-commute na lamang papuntang El Siola dahil doon ko gagawin ang pag-eensayo ko since may sarili naman silang gym and good for weight loss talaga.

Nakapasok na akong kompanya at binilisan ko na ang aking lakad dahil late na ako sa tagal ng traffic. Tiyak na naghihintay na si Ms. Mytha sa akin doon, ang trainer ko.

Sa pagmamadali ko'y nakabunggo ako ng kung sinumang haharang-harang sa daraanan ko.

"Pasensya na." Paghingi ko ng paumanhin pero nagulat ako nang hinawakan n'ya ang kaliwang braso ko kaya't dahan-dahan kong tiningnan kung sinuman ang taong 'yon and to my surprise, it was Aziel.

His looks are intimidating as if he would eat me alive.

"A-Azi." Nauutal na sambit ko.

"I told you to be careful. You are such a stupid woman." Agad na nagpanting ang dalawang tainga ko na naging dahilan nang pag-akyatan ng lahat ng dugo ko sa aking ulo.

"I am not stupid as what you think. I already said sorry. Was that not enough?" Sinalubong ko ang matatalim n'yang titig sa akin. Hindi ako magpapatalo sa kan'ya.

"Aziel, Eve, ano bang ginagawa n'yo? Nag-aaway ba kayo?" Kapwa kami natauhan nang dumating si Ate Gaynell at binitawan din naman agad ako ni Aziel.

"Eve, kanina pa naghihintay sa'yo si Ms. Mytha, so you better hurry," usal pa ni Ate Gaynell.

"Papunta na po ako Ate Gaynell, pasensya na po." Nagtuloy na ako sa paglalakad at pinasadahan ko muna ng isang matalim na tingin si Azi bago ito tuluyang mawala sa aking paningin.

Ang laki talaga ng pinagbago n'ya. Hindi na s'ya ang dating nakilala kong Azi na palangiti. Kung hindi lang dahil sa isang babae, hindi s'ya magkakaganito. Nevertheless, I pity him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro