PMH 3
Eve Aguirre
"OMG! I can't believe what you did earlier! That was insane!" bulalas ni Eli na s'ya namang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi ko.
"Huwag ka nang magpakita sa mga public places dahil paniguradong kukuyugin ka talaga ng mga malditang fans ni Aziel. Good luck girl," nakangising saad n'ya habang nakatingin ng nakakaloko sa'kin.
"Tumigil ka nga bakla!" kinakabahang wika ko sa kan'ya.
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad dahil hindi ako mapakali.
"Paano kung galit sa akin si Azi? Paano kung ipa-blotter n'ya ako?"
"Ang OA mo, umupo ka nga riyan, kanina pa ako nahihilo sa'yo e." Hinila ako nito at pinaupo sa bakanteng upuan na nasa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin ngayon na kaming dalawa lang din naman ni Eli ang customer sa loob.
After what I did to Azi, I immediately grabbed Eli's wrist and runaway together, hanggang sa mapadpad na nga kami sa coffee shop na ito upang makaiwas sa gulo.
"How am I suppose to have a normal life right now? Kung sa bawat paglabas-labas ko d'yan e, may mga baliw na fans ni Azi ang ha-hunting sa'kin," nakangusong saad ko.
"Girl, madali lang solusyunan 'yan." Humarap s'ya at ngumiti nang malapad sa akin na naging dahilan naman upang ma-curious ako rito.
"The perfect solution for that is you have to disguise yourself," masiglang saad n'ya.
"E? Sure ka riyan?"
"Hindi ko naman sinadya 'yon e. Hello? That was just an accident, walang may gustong mangyari iyon," dagdag ko pa.
"Sigurado ka sa mga sinasabi mo riyan? Na walang may gustong mangyari 'yon, hmm?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.
"Ah basta, paninindigan ko iyon. Hindi ko kailangang i-disguise ang sarili ko para lang pagtaguan ko sila. 'Pag inggit, pikit!"
"Ay taray!" sigaw nito na may kasama pang pagpalakpak.
Matapos iyon ay napagdesisyunan na naming lisanin ang coffee shop na ito. Good thing, may suot na cap si Eli kaya pinahiram n'ya muna ito sa akin dahil mainit pa ako sa mata ng mga tao. Baka mamaya kuyugin pa ako riyan at hindi na makauwi ng buhay.
Anytime and anywhere rin ay maaaring lumabas agad ang mainit-init na issue tungkol do'n and I have to prepare myself.
I'mma not think about it for now. I have to go home and rest, baka naghihintay na sa akin sina mama.
"Ma, nandito na po ako." Pinihit ko ang seradura ng pinto at bumungad sa akin ang napakadilim na sala.
Bakit walang mga ilaw? Nasaan sina mama?
Kinapa ko ang switch ng ilaw tsaka ito pinindot at nagliwanag ang buong paligid sa unang palapag ng bahay. Inilibot ko ang aking mga mata upang suriin ang kapaligiran, maayos naman ang lahat.
Bigla akong kinabahan nang may marinig akong kaluskos na nanggagaling sa kusina. Kinuha ko ang dust pan na nasa tabi ko lamang at inihanda ang aking sarili.
"Anak." Napahinga ako ng malalim nang maulinigan ang boses ni mama.
Dahan-dahan s'yang lumabas ng kusina. Teka, tama ba itong nakikita ko? Umiiyak si mama?
"'Y-yong kapatid mo, natutulog na sa taas." Umiiyak na saad n'ya bago tunggain ang bote ng alak na nasa kanang kamay n'ya.
Binitawan ko ang hawak ko at agad s'yang dinulugan tsaka inagaw ang iniinom n'ya.
"Ma, ano ka ba? Ano bang nangyayari sa'yo?"
"A-ang papa mo...," patuloy ito sa pag-iyak.
Agad akong nakaramdam ng inis sa kalooban ko nang banggitin n'ya ang tungkol sa pabaya kong ama.
"What about him?" I asked in a cold tone.
"Nami-miss ko na s'ya." Sumalampak s'ya sa sahig bago muling nagsalita. "Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin ang ama mo, Eve." Nakaramdam ako ng awa sa aking ina, hindi ko kayang nakikita s'yang nahihirapan ng ganito.
Our father left us when Yvo is just 3 years old and I'm 15 years old that time. He left us dumbfounded because of having an affair with another woman. I have witnessed how mama beg for him but still, he left. Hinding-hindi ko s'ya mapapatawad sa pag-iwan n'ya sa amin. Pabaya s'yang ama, hinayaan n'yang itaguyod kaming mag-isa ni mama.
Nananaig pa rin ang galit ko sa kan'ya hanggang ngayon. Ang natitirang pagmamahal ko sa kan'ya noon ay unti-unting napalitan ng pagkamuhi. Pinabayaan n'ya kaming magdusa para lang sa ibang babae. He doesn't even deserves my mom's love for him, mom deserves better.
Hinintay n'ya lang lumaki-laki si Yvo bago n'ya kami tuluyang abandunahin at ang masaklap pa, nambababae na pala ito noon habang buntis pa si mama sa kapatid ko. Pitong taon na rin ang nakalilipas mula nang mangyari iyon. Shame on him.
"Mom, stop with the nonsense words. He doesn't loves us at all and if he really does, he would come back. Ni hindi n'ya nga magawang dumalaw dito kahit isang beses man lang. Ni anino n'ya, wala. Ma, masaya na s'ya sa iba, hayaan na natin siya. Hindi natin s'ya kailangan."
"I can't, Eve." She continues to sobs.
"Ma, kaya mo. Nandito pa kami ni Yvo, hindi ka namin pababayaan, okay?" She just looked at me and cry again.
"Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Yvo sa t'wing magtatanong s'ya tungkol sa ama mo. Ang bata pa n'ya para sa mga ganito, hindi pa sapat ang kan'yang pang-unawa sa ganitong mga bagay."
"He'll understand someday, mom. Sa ngayon, magpahinga ka na muna." Tinulungan ko s'yang makatayo at inalalayan papuntang k'warto nito.
Pinahiga ko s'ya sa higaan n'ya bago ito kinumutan.
"Mom, set it all free. You have to take a rest." I kissed her forehead and stare at her for just a minute.
"I love you, mom."
°°°
"Baaaks!" Mabilis kong tinakpan ang magkabila kong tainga nang umirit na naman si Eli.
"Look, instant famous ka na!" Inilapag nito ang hawak nitong dyaryo at agad ko naman itong kinuha upang sipatin.
Hindi na ako magugulat at magtataka pa kung bakit mabilis kumalat ang chismis, ngunit ang mas ikinainis ko ay ang mga nabasa ko. "A FLIRT TRYING TO SEDUCE MISTER AZIEL MARTINEZ"
"Kung makahusga naman ang mga taong ito, akala naman talaga nila sinadya kong halikan si Azi, ni hindi naman nila alam ang totoong nangyari e," iritadong wika ko habang ginugusumot ang hawak kong piraso ng mga papel bago ito itinapon sa basurahan sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin ni Eli ngayon.
"Ay bakit mo naman tinapon? Babasahin ko pa e. Sa Twitter ko na nga lang titingnan," usal ni Eli bago kinalikot ang cellular nito. Inirapan ko s'ya at kinuha ko rin ang aking cellphone at nagbukas ng Twitter. Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, omg.
Nakalantad ang perfume photoshoot namin ni Azi kahapon sa Pricelessiola's Park na may caption na, "WHOEVER KNOWS THIS GORGEOUS LADY, KINDLY SEND ME A DM. THANK YOU SO MUCH!" Pagbasa ko sa retweet ni Mirai, ang kaklase kong walang ibang ginawa kundi komontra sa buhay ko.
Tiningnan ko ang original post at ini-tweet ito ni Gaynell. Sa palagay ko ay s'ya ang sekretarya ni Azi sa shoot. Ini-stalk ko ang kan'yang Twitter account at s'ya nga, s'ya ang baklang basta na lamang kumaladkad sa akin kahapon.
Binasa ko naman ang caption sa retweet ni Mirai, "Omg, I can't believe this flirty woman! Kung sino-sino na lang ang nilalandi!" Napairap na lang ako sa mga sinabi nito. Pinindot kong muli ang post ni Gaynell at nagbasa ng comments.
"Si Eve Aguirre po 'yan! Kaklase ko po 'yan at talagang nakamamatay ang ganda! Bagay na bagay sila ni Aziii uwaaa!" Komento ni Chelsea, isa rin s'ya sa aking mga kaklase.
"Hindi naman sila bagay ni Azi, ang pangit ni Eve para sa kan'ya. Mas bagay pa rin sila ni Shanelle although wala na sila." Pagkontra ng isa.
Blablabla. Pinatay ko na lamang ang cellphone ko dulot nang pagkainis.
Bakit ba nila ako ikukumpara kay Shanelle? Oo, alam ko namang mas angat ito kumpara sa akin at kailanman ay hindi ko ito mapapantayan.
Kaya nga siguro hindi ito magawang kalimutan ni Azi dahil baka may nakita itong something different from Shanelle na nagustuhan at minahal n'ya nang sobra pero hindi ko alam kung bakit isang araw, bigla na lamang sumabog ang balita tungkol sa kanilang dalawa. Ang dalawang sikat na modelo at paboritong ship slash couple ng lahat ay bigla na lamang naghiwalay sa hindi malamang dahilan dahil wala namang nagtangkang magsalita sa dalawang panig magpahanggang ngayon kaya maraming hindi maka-move on especially on Azi.
Saksi ang lahat, gayundin ako sa pagmamahalan ng dalawa. Talagang masayang masaya si Azi sa piling ni Shanelle. Magkahalong lungkot at tuwa ang aking naramdaman nang maghiwalay ang dalawa. Nalulungkot dahil hindi na palangiti si Azi magmula nang mangyari iyon, palagi na itong seryoso at masungit ang mukha, natutuwa naman dahil bilang isang die hard fan, nangangarap din akong mapansin ng isang kagaya n'ya gayong wala na sila ng babae.
"Hoy Eve!" muli akong bumalik sa aking ulirat nang marinig ko ang boses ni Eli.
"Ano 'yon?" wala sa sariling tanong ko.
"Kaiisip mo 'yan kay Azi, kanina pa kita tinatawag." Umirap ito sa akin.
"Tinatanong kita na kung sakaling magtagpo ulit ang landas n'yo n'yang si Gaynell at inalok kang mag-model, papayag ka ba?" tanong nito.
"Besides, you have the potential. Why don't you try it? Tsaka, nandoon si Azi, makakatrabaho mo 'yon. Malay mo, chance n'yo na 'yon. Go, grab the chance!"
"Handa na akong ipaubaya sa'yo si Azi ko, basta ikaw." Hinawakan pa nito ang aking pisngi na waring nalulungkot.
"So ano, papayag ka ba?" tanong ulit nito.
"Hindi ko sigurado," tanging nasagot ko.
"Magpapatalo ka ba kay Shanelle? Tsaka isa pa, die hard fan ka ni Azi at nangangarap na mapansin din nito 'di ba? The opportunity is already there, you just have to grab the chance," pagkumbinsi nito.
"Sige, sabihin na nating die hard fan ako at nangangarap na mapansin n'ya pero dapat alam ko rin ang limits ko right? Kailangan din ng respect and privacy ng tao. Hindi 'yong sunggab lang nang sunggab. Sometimes, you also have to think wisely," mahabang lintan'ya ko.
"Sabagay, basta kung anong desisyon mo, support kita okay?" Lumingkis ito sa akin matapos iyon sabihin.
Himala, ang bait n'ya ata ngayon. Ano kayang nakain ng baklang ito at hindi masungit ngayon?
Imbis na kontrahin ko ito ay ginantihan ko na lamang ito ng yakap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro