Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PMH 15

Eve Aguirre

Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga sinabi ni Leigh kahapon. Like hello? Dapat ko ba s'yang paniwalaan? Who knows kung seryoso ba s'ya o nanti-trip lang s'ya? Isang linggo pa lang naman ang nakalilipas tas gusto n'ya na agad ako? Ang bilis naman no'n pero sabagay, sabi nga n'ya, unang araw pa lang naman sa resort, gusto n'ya na ako. Ramdam ko naman 'yon sa mga tingin n'ya noon.

Talaga palang totoo ang love at first sight. Ngunit paano nangyari 'yon? Hindi naman kasi ako naniniwala sa gano'ng mga bagay dahil para sa'kin, it takes time to fall in love. 'Yong kailangan mo munang makita ang bad sides ng isang tao bago mo s'ya matutunang mahalin. Just like Mama does.

Panandalian akong napatigil sa aking paglalakad at bumuntong hininga. Bakit ba ang daming kaganapang nangyayari sa buhay ko ngayon at bakit ngayon ko lang 'to nare-realize? Minsan napapaisip na lang ako na kung nanatili siguro akong isang fan, magiging normal pa rin kaya ang buhay ko? 'Yong tipong papasok lang ako sa school at puro school works lang ang iisipin ko. Araw-araw makikipagkulitan kay Yvo at makikipagpatintero kay Mama sa harapan ng banyo para lang makaligo at makapunta sa photoshoot ni Azi.

Uh, I miss the old days.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Narito na ang mga bagay na ito at isa pa nga, ginusto ko rin naman ito kaya dapat lang na panindigan ko ang mga bagay na pinili ko. Sabi nga ni Mama, "Kapag may sinimulan ka, tapusin mo."

Gayunpaman, nag-aala ako para sa kinabukasan ko lalo pa't ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon. Ang nalalapit na next photoshoot project namin ni Azi para sa ikaaangat ng El Siola's Company, ang posibleng pagbabalik ni Shanelle na kinatatakutan ko at... at ang nararamdaman kong hindi ko maamin-amin kay Azi.

"Should I confess my feelings to him?" I asked for myself in a low voice while smoothly walking on the hallway toward our classroom.

Parehong naglalaban ang puso't isipan ko. Ang sabi ng isip ko, huwag na lang dahil may tsansang i-reject ni Azi 'yon sa kadahilanang mahal n'ya pa rin si Shanelle. Ang sabi naman ng puso ko, nararapat lang na malaman n'ya ang nilalaman nito, baka kahit papa'no ay nag-iba ang ihip ng hangin at magkaroon ng maliit na tsansang suklian din n'ya ang nararamdaman ko.

Kumirot ang aking dibdib at nagkaroon ng kalungkutan sa aking mga mata sa pagkakaroon ng isang konklusyon sa loob ng utak ko. Iniisip ko pa lang, ngunit nakakapanghina na.

Paano nga kung totoong bumalik talaga s'ya?

Sa mga iniisip ko, unti-unting nasasaktan ang mahina kong puso sa maaaring mangyari. Ano nga ba naman kasing masama kung bumalik s'ya at magkabalikan sila? Silang dalawa naman talaga ang orihinal na iniidolo ng lahat. Parang lumabas pa tuloy na kontrabida ako sa kanila. Nakakatawa namang isipin.

Pero hindi naman siguro magiging masama kung ako naman ang magpapaka-selfish ngayon 'di ba? Hindi naman magiging masama kung paiiralin ko ang puso ko ngayon na ang tanging gusto lang naman ay sumaya't magmahal.

Tama!

"This time, I will follow the poise of my heart! He ought to know all of these." Ngumiti ako nang malapad sa matatag na paninindigang 'yon bago dere-deretsong pumasok sa classroom namin.

Sasabihin ko sa kan'ya ang lahat ng ito bukas na bukas din.

Pagpasok ko ng classroom ay halos iilan pa lang ang mga estudyante. Chineck ko ang wrist watch ko at alas-siete pa lang pala ng umaga. Masyado na yatang napapaaga ang pasok ko ngayon kumpara sa dati. Well, nasanay na akong gumising nang maaga magmula no'ng pumasok ako sa El Siola. Thanks to that company 'cause my records of being late decreases. What a relief!

Napangiti ako nang mahagip ng mga mata ko si Chelsea na bising-bising nagtitipa sa kan'yang cellphone. Agad ko naman s'yang nilapitan at tinabihan sa upuan ngunit hindi n'ya pinansin ang presensya ko kaya napasimangot na lang ako.

Kinulbit ko s'ya ng ilang beses saka lang n'ya ako pinansin. Naka-poker face lang n'ya akong tiningnan at muling bumalik sa pagce-cellphone. Nag-cross arms ako sa harapan n'ya dahil hindi ako natutuwa sa ginagawa n'ya.

"Nasaan si Eli? Bakit hindi kayo magkasama?" Kinulbit-kulbit ko pa rin s'ya habang nagtatanong ako. Kung wala lang akong kontrol sa sarili ko ngayon, malamang kanina ko pa ito sinabunutan.

"Hindi raw s'ya makakapasok, may sakit." Itinapat n'ya sa pagmumukha ko ang cellphone n'ya na naglalaman ng conversations nila ni Eli na agad ko rin namang binasa. Kaya pala bising-bisi ang bruha.

Ibinaba n'ya na ang cellphone n'ya at isinilid sa bag n'ya dahil saktong dumating na si Sir Delta na professor namin sa Ethics.

"Dalawin natin s'ya bukas after class ng tanghali," bulong sa akin ni Chelsea at tinanguan ko naman iyon. Matapos iyon ay tinuon na rin namin pareho ang atens'yon namin sa professor na nagsasalita sa unahan.

°°°

"Huh?! For real?! Sasabihin mo na after long, long, long, years?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Chelsea nang sabihin ko sa kan'ya ang tangkang pag-amin kay Azi bukas. Nagpapaypay pa ito ng sarili n'yang kamay sa kan'yang sariki kaya naman hinila ko ang laylayan ng damit n'ya at pinaupo sa tabi ko.

"Kailangang malaman 'to ni baks, omg!" Nalolokang sabi pa n'ya.

"P'wede ba, itikom mo muna 'yang bibig mo, p'wede?" sarkastikong tanong ko habang pinandidilatan s'ya ng mata. Umakto naman itong izinipper ang kan'yang bibig saka ako sinenyasan na okay na s'ya.

"Oo, seryoso akong aamin na ako sa kan'ya bukas. Ang tagal ko ring tinago 'tong feelings ko para sa kan'ya 'no."

"Anong tinago? E obvious naman sigurong alam n'ya na pati ng mga taong nakapaligid sa inyo."

"Bali-balita ko kasi na babalik si Shanelle. Narinig ko sa dalawang estudyanteng nag-uusap kahapon."

"Weh?! Kailan pa 'yan, ba't hindi ko nababalitaan 'yan?" Hindi s'ya magkanda-ugaga sa paghahagilap ng cellphone n'ya sa bag n'ya. Malamang, maglilikot na naman ang mga kamay n'ya sa Twitter. Mabilis kong hinawakan ang kamay n'ya para pigilan s'ya sa gagawin n'ya.

"Hindi naman mas'yadong hayag sa mga social media. Kahit sina Manager, mukhang wala ring kaalam-alam. Ang ipinagtataka ko lang kung paano nila nalaman at sa tingin ko rin naman ay kakaunti lang din ang nakakaalam. Baka naman binura na ni Shanelle 'yong post n'ya pero hindi pa rin e, kakalat pa rin 'yon through screenshot," sabi ko sa kan'ya na s'yang nakapagpaisip din sa kan'ya.

"Baka naman nag-iba s'ya ng social accounts tas konti lang nakakakilala sa kan'ya sa accounts na 'yon."

"Paano naman pati nila malalaman na si Shanelle nga talaga 'yon kung nagkalat ang dummy accounts sa panahon natin ngayon? Saka hindi rin naman confirmed kung saang websites nga ba s'ya nag-post," muling wika ko na naging dahilan ng pagsasalubong ng mga kilay n'ya. Maski ako naguguluhan din e. Paano nga ba nangyari 'yon?

"Orrr baka naman konektado sa kan'ya 'yong dalawang babae." Napatango naman ako sa sinabi ni Chelsea.

Oo nga 'no, maaaring tama s'ya.

"Saka na lang natin isipin ang tungkol do'n. Mag-focus ka para bukas, balitaan mo 'ko ah," nangungutyang sabi n'ya na habang tinutusok-tusok ang tagiliran kaya mabilis kong tinapik 'yon at tumigil din naman agad s'ya.

"Hindi na ako makapaghintay para bukas basta sundin mo lang sinasabi at nilalaman ng puso mo. Confess with all your heart and feelings!" Kinikilig-kilig pa n'yang sabi, kulang na lang ay mangisay ito sa sahig dahil mas excited pa s'ya kaysa sa akin. Ano pa kaya kung kasama namin si Eli ngayon?

"Bumalik na tayo sa classroom." Tumayo na ako at kinuha ang bag kong nakapatong sa bangkong inupuan namin kanina at sumunod na rin s'ya.

°°°

Heto na nga ako ngayon at nagmumuni-muni sa k'warto ko, nakaupo sa ibabaw ng kama at nag-iisip ng paraan kung papa'no ko ba gagawin ang plano ko.

I heaved a sigh and put my hands on my cheeks, slowly swaying my body to the left and to the right. What if, 'wag ko na lang kayang gawin? What if, hayaan ko na lang sila at gawin ang parte ko sa kompanya?

Lalong nagulumihanan ang utak ko sa mga iniisip ko. Kanina lang ang lakas ng loob kong magtapat sa kan'ya bukas ngunit ngayon naman, para nang nabahag ang buntot ko.

Marahan akong napalinga sa nagliwanag na screen ng cellphone ko, hudyat na may nagpadala sa akin ng mensahe. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino man ang nag-text na 'yon, si Chelsea lang pala. Binuksan ko ang kan'yang mensahe at nakalagay lang dito ang tatlong salita na maaaring makapagtulak sa akin upang gawin ang pinaplano ko.

'Good luck, girl!'

Ngumiti ako nang bahagya at inihagis na ito sa kama. Hindi pa nagtatagal ay may panibagong mensahe na naman ang dumating. Sinilip ko ito at ngayo'y napuno ng kagalakan ang buong sistema ko nang mag-flash sa screen ang pangalan ni Azi. Agaran ko itong dinampot at nangingiting binasa ang kan'yang mensahe.

From: Azi miloves
-• Are you free tonight? If it's okay with you, shall we go out for awhile? Don't worry, I'll pick you up. I just wanna have a lil bond with you.

His texts gave me butterflies inside my stomach. I can feel the redness on my cheeks. Abot tainga ang ngiti kong nagtitipa ng reply sa kan'ya.

To: Azi miloves
-• Sure!

First time n'ya akong ayain ng ganito at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan n'ya ngayon. Sino ba naman ako para tanggihan ang isang katulad n'ya? Like hello? That's a big blessing for me and also a good chance to let my feelings out of the cage. Yeah, that's it! You're clever tonight, Eve!

Hindi ko maalis ang paningin ko sa cellphone screen ko, naghihintay sa reply n'ya. And there, he's on his way to pick me up. I have to dress myself!

Dali-dali akong nagtungo sa cabinet na pinaglalagyan ng mga damit ko. Pumili lang ako ng casual dress na kulay peach at agad na pinaltan ang damit kong pambahay saka ito pinartneran ng flat black sandals at s'yempre ang paborito kong white sling bag.

Humarap ako sa salamin at inayos ng konti ang nakalugay kong kulot na buhok. Perfect!

Sinipat ko ang relo ko at quarter to 7 pm pa lang naman. Let me enjoy this night with Azi.

Maya-maya pa'y, tumunog na ang cellphone ko kaya't agad ko itong tiningnan.

From: Azi miloves
-• I'm already here.

S'yempre dahil excited ako, dali-dali na akong bumaba at nagpaalam kay mama. Paglabas ko ng pinto ay natanaw ko na ang nakadungaw na si Azi sa bintana ng kotse n'ya. Nginitian ko s'ya at ginantihan naman n'ya ito. Lumapit ako sa kan'ya at lumabas naman s'ya upang pagbuksan ako ng pinto.

"You look dashing tonight," papuri n'ya sa akin.

"Thank you."

"Shall we go?" tanong n'ya nang makapasok na kami sa loob ng kotse n'ya, tinanguan ko naman s'ya bilang sagot. Ini-start n'ya na ang engine ng sasakyan n'ya bago ito minaneho palabas ng subdivision.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe, ni walang nagtatangkang magsalita. Gusto kong ibuka ang bibig ko ngunit wala namang lumalabas na kahit anong salita. Pinanatili ko na lang na tahimik ang aking sarili at pinagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Wala akong ka-ide-ideya kung saan kami pupunta, hindi rin naman familiar sa akin ang lugar kung nasaan kami ngayon ngunit hindi na ako nagreklamo dahil alam ko namang safe ako kay Azi.

"We're here," usal ni Azi habang ipinaparada ang kotse n'ya sa bakanteng lote.

Sa nakikita ko, tulay ang nasa paligid namin. Ano namang gagawin namin dito?

Nang maiparada n'ya na ay muli n'ya akong pinagbuksan ng pinto. Napakurap na lang ako ng ilang beses nang bigla n'yang hawakan ang kamay ko at nagpatianod ako kung saan man n'ya ako dadalhin.

Is this real? Azi's weird tonight.

Luminga-linga ako sa paligid at may natatanaw na akong dagat. Tumingin ako sa kalangitan at napakaraming bituin. Namangha ako sa ganda at kislap nila.

Hindi ko inaasahang muli akong makakakita ng ganito karaming mga bituin, salamat kay Azi. Magmula pa no'ng bata ako, mahilig na talaga akong tumanaw ng mga bituin sa kalangitan.

Nawala ang paningin ko sa kalangitan nang maramdaman ko ang pagbitiw ni Azi sa kamay ko. Nakita ko na lang s'yang nakataas ang pants n'ya hanggang tuhod at nakaupo na sa gilid ng dalampasigan.

"Maupo ka," wika n'ya kaya agad naman akong tumalima. Hindi n'ya naman sinabi na dito kami pupunta, edi sana nag-short na lang ako.

Umupo ako sa tabi n'ya at dinama ang lamig ng buhanginan.

"You might wonder why I've suddenly invited you tonight without telling you the place we're going to," salita n'ya habang deretsong nakatingin sa marahang alon ng karagatan. Hindi naman ako umimik at naghihintay lang ng susunod n'yang sasabihin.

"Would you believe me if I tell you that I just wanted to see you?" I suddenly froze when he turned his gaze to me. His looks, his pure hazel eyes, his perfect lips, his well-defined jaw line. Everything in him is perfect and I could tell that his facial expression isn't lying.

I don't know what to utter back. I'm still sinking those things in my mind.

"U-uhm..." sa wakas ay gumalaw na rin ang mga labi ko.

"A-Azi..." Yumuko ako at naikuyom ang dalawang kamao ko.

"Hmm?"

"A-Azi..."

"What is it, Eve?"

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko upang sabihin sa kan'ya ang nararamdaman ko. Mukhang mapapaaga ata ang pag-amin ko ngayon, bahala na.

"I like you!" Nahihiya man ako at hindi s'ya magawang tingnan ay sinabi ko ito ng buong lakas. Nananatili akong nakayuko at nakayukom ang mga kamao ngunit wala akong natanggap na kahit na anuman mula sa kan'ya.

"I like you since the day I've seen you. I love everything about you. I've been keeping this feelings for a long time and now that I've been given the opportunity, I will never let these things pass out. I know, I know that you're still in love with Shanelle and I don't care about that. I just want to directly confess this stupid feelings to you. Funny to think that, I got hurt whenever you talk about her and it made me effin' jealous!" Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa mga pinagsasabi ko pero hanggang ngayon wala pa rin s'yang tugon sa mga sinabi ko kaya't naglakas ako ng loob na mag-angat ng tingin sa kan'ya at nakita kong nakalobo ang magkabila n'yang pisngi.

Fuck?

What's wrong with him?

Nakakahiya! Dapat hindi ko na lang ginawa. Pero mas nagulat ako sa ginawa n'ya, bigla na lang s'yang humagalpak at napatulala na lamang ako sa kan'ya.

Nakakatawa ba 'yon?

Muli akong yumuko at naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Sabi ko na e! Pinagtatawanan n'ya ako!

Maya-maya pa'y tumigil na s'ya sa katatawa at biglang nagsalita, "I know. Isn't it obvious? You're too apparent and Leigh actually told me the day we conversed." Lalong nag-init ang mga pisngi ko nang malamang may kinalaman pala dito si Leigh. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking 'yon!

"And I actually like you too, Eve." Mabilis na napaangat ang ulo ko sa mga sinabi n'yang 'yon. Banayad s'yang nakangiti at halos hindi ko na makita ang mga mata n'ya dahil nakapikit na ito habang nakatingala sa langit.

"H-huh? But you said before that-" Naputol ang sasabihin ko nang bigla s'yang mangialam.

"Don't think about it anymore. The present is more than important than the past."

Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko mula sa gilid ng mga mata ko. Gusto kong magtatalon dahil sa labis na kasiyahang nadarama ko. Hindi ko inaasang susuklian n'ya rin ang nararamdaman ko para sa kan'ya.

"But of course, courting is a must. I will court you Eve Aguirre on the arrival of tomorrow." Lalo lang akong naging emosyonal sa mga binitawan n'yang salita kaya hinila n'ya ako palapit sa kan'ya upang yakapin at doo'y hinayaang umiyak.

I will never forget and regret this day.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro