PMH 14
Aziel Martinez
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang paningin ko sa paligid. Sigurado akong wala ako sa bahay namin dahil iba ang structure nito kumpara sa nakasanayan kong tahanan.
Dahan-dahan akong tumayo at naramdaman ko ang pananakit ng sintido ko. Nalaglag din ang blanket na nagsisilbing takip ng pang-itaas na bahagi ng katawan ko at sakto ring natumbok ng mga mata ko ang natutulog na si Eve sa kabilang sofa.
Nanlaki ang mga mata ko nang magkaroon ng conclusion sa utak ko.
Maya-maya pa'y naalimpungatan naman si Eve at agad na tumayo upang lumapit sa akin ngunit bahagya akong umatras.
"A-anong ginawa mo sa'kin?"
"Huh?" Naguguluhang tanong n'ya.
"Bakit mo ako dinala rito? May ginawa ka sa'kin habang wala akong malay 'no?"
"Pinagsasasabi mo lalaki? Adik ka ba? Naka-drugs ka?" Namimilog ang mga matang tanong n'ya.
"Yung damit ko, nasaan?"
"Naka-hanger, nilabhan ko."
"Hindi mo ba ako pinagsamantalahan?"
"Ano? Bakit ko naman gagawin 'yon? Ikaw pa nga 'tong tumawag-tawag sa'kin kahapon. May pa I need you, Eve ka pang nalalaman tapos madadatnan kong putok ang labi mo't nakaratay ka sa damuhan, walang malay at may bote pa ng alak sa tabi mo. Ngayon, paano mo nasabing pinagsamantalahan kita? Ang kapal mo oy." Napahiya ako sa mga sinabi n'ya kaya inalala ko ang mga nangyari kahapon.
"Sorry," paghingi ko ng paumanhin nang ma-realize ang mga nangyari.
Umalis s'yang walang imik sa harapan ko kung kaya't inisip kong masama ang loob n'ya sa akin. Susundan ko sana s'ya pero kaagad din s'yang bumalik.
"Oh ayan. Tuyo na po ang damit mo, mahal na prinsipe." Inihagis n'ya ang sleeve ko at sinambot ko naman agad iyon.
"Thanks."
"Magbihis ka na para makapag-almusal ka na rin."
"Hindi na, aalis na rin naman ako."
"Ay wow. Pagkatapos ng lahat, ganun-ganun lang 'yon? Anong tingin mo sa akin, katulong?" sarcastic na sabi n'ya.
"Ikaw kasi ang una kong naisip na tawagan."
"Ano ba kasing nangyari?"
"Wala."
"Sus, kunwari ka pang ako ang una mong naisip samantalang nand'yan naman sina Leigh. Crush mo lang ako e."
"Baka ikaw."
"H-hoy hindi ah, kapal mo!"
Napatawa na lang ako sa mga inasta n'ya.
"Sige na, dito na ako kakain bago umalis."
"Sumunod ka sa'kin." Sinuot ko muna ang sleeve ko at gaya ng sinabi n'ya ay sumunod ako sa kan'ya.
"Oh gising na pala kayong dalawa. Halina't mag-almusal na kayo," wika ni ng mama ni Eve habang nilalapag ang mga pagkaing niluto n'ya sa mesa.
Naupo na kaming dalawa ni Eve sa bakanteng upuan.
"Kumain ka ng marami, iho. Mukhang walang laman ang t'yan mo kagabi," sabi pa n'ya.
"Salamat po tita." Nginitian naman n'ya ako bilang tugon.
"Ate, boyfriend mo s'ya?" tanong ng kapatid ni Eve. Agad namang nasamid ang kumakaing si Eve na nasa tabi ko.
"Ano bang pinagsasabi mo, Yvo? Hindi ko s'ya boyfriend, kaibigan ko s'ya and at the same time, s'ya rin ang model partner ko. Kung ano-anong iniisip ko," defensive na sabi ni Eve.
"Totoo ba, Kuya Aziel?" Binalingan n'ya ako at tinanguan ko naman s'ya ngunit ngumisi lamang ito.
Weirdo, pero buti na lang hindi s'ya nagmana kay Eve.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin kaming kumain.
"Maraming salamat po sa pagkain, tita!" Nakangiting saad ko sa kan'ya.
"Walang anuman, iho. Sa susunod, mag-iingat ka na. Baka hindi lang 'yan ang abutin mo. E, nag-aalala itong anak kong si Eve."
"Mama!" Napatawa kami sa inasal ni Eve.
"Mauuna na po ako tita, maraming salamat po ulit!"
"Dumalaw ka ulit dito, iho."
"Kapag may free time po."
"S'ya, sige." Nginitian ko sila bago tumalikod at naglakad palabas ng subdivision na ito. Pumara ako ng taxi at pinaderetso iyon sa kompanya.
°°°
Eve Aguirre
"Oyyy, si ate, namumula." Panunuya ng kapatid ko.
"Huwag mo nang itanggi, Eve. E simula pa man noon, gusto mo na 'yang Aziel na 'yan." Gatong pa ni mama.
"Hmp! Samantalang dati, halos pagbawalan mo ako sa paghanga sa kan'ya pero ngayon, ipinagtutulakan n'yo na ako sa kan'ya," kunwari nagtatampong saad ko.
"Huwag ka na ngang magkunwari, Eve. Para namang hindi kita anak. Mother knows best." Kinindatan pa n'ya ako at nagpatuloy silang dalawa sa pang-aasar sa akin.
Hindi ko na sila pinansin at bumalik sa sala upang iligpit ang blanket at unang ginamit ni Azi kanina.
Matapos kong magligpit, biglang nahagip ng mga mata ko ang cellphone ni Azi.
"Hays, ang lalaking 'yon talaga." Dinampot ko ito at kinuha ang coat ko upang tumungo sa kompanya. Sure naman akong naroon 'yon dahil doon naman s'ya madalas naroroon. Isa pa, half day naman kami ngayong araw kaya hindi ako nag-aabalang pumasok sa school.
Bago ako makalabas ng bahay ay pinagdaanan ko muna ang pang-aasar ni mama at ni Yvo.
Nang marating ko ang kompanya, pinapasok agad ako sa loob since hindi naman na ako bago rito.
Hinanap agad ng mga mata ko si Azi hanggang sa makasalubong ko si Ate Gaynell.
"Oh Eve, bakit ka naririto? Hindi ba dapat nasa school ka? Hindi pa naman weekends ah?"
"Half day po kami at hinanap ko po si Azi, naiwan n'ya po kasi itong cellphone n'ya."
"Ah si Azi ba? Nakita ko s'ya kanina pero hindi ko na alam kung nasaan na s'ya ngayon."
"Sige po ate. Salamat po, mauuna na po ako." Tinanguan lang ako nito bago kami naghiwalay ng landas.
Naglakad pa ako nang naglakad. Pinuntahan ko na s'ya sa opisina n'ya pero wala s'ya roon.
Heck! Ang hirap mo namang hanapin, Azi!
"Hey, Eve!" Lumingon ako sa tumawag na 'yon at bumungad agad sa akin ang nakangiting si Leigh.
"Oh Leigh, anong ginagawa mo rito? Model ka na rin?"
"Hindi, may inutos lang si Ninang Venus."
"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong n'ya pa.
"Uhm, hinahanap ko si Azi."
"Si Azi? Nasa gym s'ya nang huli ko s'yang makita."
"Ah sige, pupuntahan ko muna s'ya," pagpapaalam ko ngunit bago pa man ako makaalis, natisod ako at nawalan ng balanse. Bago ako tuluyang bumagsak, nasalo na ako ng dalawang kamay ni Leigh.
Nagkatitigan kami.
"U-uhm, pasens'ya na," paumanhin ko at inayos ang aking sarili.
"Okay lang."
"A-alis na ako."
"Sandali lang, Eve." Hinawakan n'ya ang mga kamay ko at iniwasan ko naman ang mga tinging ipinupukol n'ya sa akin.
I know what's going to happen.
"Eve..." Hindi ako umimik at kumibo, hinayaan ko lang s'ya sa mga susunod n'yang sasabihin.
"Eve, I know it's too early and it's just a week. I don't know how and why but I want you to know that I like you since day one." Bakas sa mga mata n'ya ang sinseridad matapos bitawan ang mga salitang iyon.
I did expect this to happen.
"I know, it's obvious." Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.
"I've confessed these things to you because I don't want you seeing in pain anymore knowing that you're in love with him. I just want you to feel the genuine love you're searching for."
"And you think that's you?"
"If you would let me."
"I'm sorry Leigh, I don't feel the same way. I can't teach my heart for now." Ngumiti s'ya ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa kan'yang mga mata.
I'm sorry Leigh, I don't want to hurt you.
"Hmm, it's alright. I understand."
Hindi pa kami natatapos sa aming pag-uusap ni Leigh nang may isang baritonong boses ang tumawag sa pangalan ko.
"Eve." Nilingon ko s'ya at nakita ko si Azi na nakatayo sa 'di kalayuan. Naniningkit ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa amin.
"Azi, kanina ka pa?" tanong ko.
"Kararating ko lang. Bakit ka nandito?"
"Naiwan mo kasi 'yong cellphone mo sa bahay. Gusto ko lang ibalik sa'yo kaya ako naririto." Iniabot ko sa kan'ya ang cellphone n'ya at kinuha n'ya naman iyon.
"Tapos na ba kayong mag-usap?" madiing tanong n'ya sa aming dalawa.
"Oo, paalis na nga sana ako para hanapin ka kaso bigla kang dumating," sagot ko.
"P'wede ba tayong mag-usap, Leigh?" Imbis na pansinin ako ay binalingan n'ya si Leigh.
"Sige."
Hindi na nila pinansin ang presensya ko at umalis na silang dalawa sa harapan ko at naiwan akong nakatanga habang pinapanood ang paglisan nila.
°°°
Aziel Martinez
Nang masigurado kong nakalayo na kami kay Eve, tumigil na ako sa paglalakad at gano'n din ang ginawa ni Leigh.
Pumikit ako bago nagpakawala ng isang malalim na hininga tsaka nagwika.
"Do you like her?" panimulang tanong ko.
"I do like her," deretsang sagot n'ya. Kaagad na uminit ang dugo ko sa sagot n'yang 'yon.
"Back off," matigas na pagkakasabi ko.
"I don't want to stain and ruin the friendship that we have," dagdag ko pa.
"So, you're saying that you like her already and forgot all about Shanelle?" He asked but I didn't respond.
"I confessed to her but she then rejected me." Natigilan ako sa sinabi n'yang 'yon.
"For the reason that she likes someone else and that lucky person is you. You're the reason why she's crying and in pain when we're in the resort," pagpapatuloy n'ya pero wala pa rin akong imik.
I'm guilty.
"You're numb. You're just ignoring the love she gives to you."
"You know nothing, Leigh."
"What? I'm just exposing the truth."
"Just stay away from her."
"Okay, fine. Ipauubaya ko s'ya sayo hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil nakikita kong sayo s'ya masaya pero sa oras na malaman kong umiiyak at nasasaktan ulit s'ya, hinding-hindi ako magdadalawang isip na agawin s'ya sa'yo."
"Do what you want," malamig na tugon ko.
"I will count on you, Aziel. I hope this won't affect our friendship," huling sabi n'ya bago ngumiti at umalis sa harapan ko.
Napabuga na lang ako ng hangin.
"I'm sorry, Eve," naiwika ko sa hangin.
Napagdesisyunan kong bumalik kung nasaan si Eve kanina, umaasang naroroon pa s'ya ngunit wala na rin s'ya ro'n.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro