Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PMH 11

Eve Aguirre

"What are you two doing here?" tanong ni Azi habang matalim pa ring nakatingin sa amin.

"Eve, I thought you're going to comfort room?" Binalingan n'ya ako ng tingin.

"Can't you see? She's crying because of y-." Pinutol ko ang sasabihing 'yon ni Leigh at tiningnan s'ya sa mga mata, nangungusap na 'wag nang ituloy kung anuman ang balak n'yang sabihin.

"Nagkasalubong lang kami, Azi." Dahilan ko.

"Nagkasalubong pero magkayakap? Nagpapatawa ba kayo?" sarcastic na tanong n'ya kasabay nito ang pagtawa n'ya ng mahina.

"Did you make him cry, Leigh?" This time, he turned his gaze to Leigh.

"What? Why would I do that? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" may halong pagkainis na sagot ni Leigh.

"Leigh, tama na. Ako nang bahalang magpaliwanag sa kan'ya. Iwanan mo na muna kami, nakikiusap ako."

Umiling-iling lang si Leigh bago nagpasyang umalis.

Muli kong tiningnan si Azi at gano'n pa rin ang kan'yang tingin.

"Azi, 'yong nakita mo kanina, he's just trying to comfort me dahil sa problemang dinadala ko. Nagkataong nagawi lang s'ya rito kaya gano'n ang nadatnan mo." I explained.

I'm wondering why I'm doing this in front of him. I mean, there's nothing between us and I shouldn't explain my side to him.

"That's not the point here. I don't care what's going on to the both of you. Ang sagwa lang tingnan na, dito ko pa kayo makikitang nagyayakapan."

His words really are breaking me.

"Sorry," tanging nasabi ko.

"Magpapahinga na ako." Tinalikuran ko na s'ya. Alam kong bastos 'yon para sa kan'ya but my feelings matter.

°°°

Kinabukasan paggising ko, kapansin-pansing mugto ang mga mata ko dahil nagpatuloy ang pag-iyak ko nang gabing pumasok ako sa k'warto.

"Eve, anong nangyari? Bakit gan'yan ang mga mata mo?" Nag-aalalang tanong ni Chelsea.

"Oo nga, hindi ka na rin bumalik sa rest house kagabi. Mayroon ba kaming hindi nalalaman?" Sinipat ako ni Eli.

"Wala ito, nami-miss ko lang sina mama." Masigla ko silang nginitian.

"Pa'no, lalabas na muna ako." Sumenyas ako sa dalawa at tumango naman ang mga ito.

Umupo ako sa lounge chair at inaliw ang aking sarili sa gumagalaw na tubig.

"Hey, Eve!" Tumabi sa akin ang nakangiting si Leigh, ginantihan ko naman 'yon ng isang tipid na ngiti.

"Are you feeling better now?" tanong n'ya.

"A lil bit," tipid kong sagot.

"Salamat nga pala kagabi at pasens'ya na rin," dagdag ko pa.

"Wala 'yon basta ikaw!"

"Leigh, kung p'wede sana huwag mo na munang ipagsabi kahit kanino ang tungkol do'n."

"Makakaasa ka, Eve."

Pareho kaming natahimik at wala na ulit nagtangkang magsalita pa.

"Eve, p'wede ba tayong mag-usap?" Bumalik ako sa aking ulirat nang maulinigan ang malalim na boses ni Azi. Tiningnan ko s'ya at nakatayo s'ya sa gilid ko.

"Sige."

"Leigh, mag-uusap muna kami saglit." Tumango naman s'ya.

Sinundan ko si Azi papuntang rest house at tahimik na umupo.

"Sorry." Pagbasag n'ya sa katahimikan naming dalawa.

"I knew I hurt you and the words were rude yesterday."

"It's alright, you don't have to say sorry."

"Sana okay pa tayo at 'yong friendship na namagitan sa atin sa loob ng mga nagdaang buwan."

"Ano ka ba, Azi? Okay lang, hindi maaapektuhan ang friendship na 'yon, okay?"

"Just tell me your problems if you want someone to lean on, alright?"

"Oo naman!"

"That'll never gonna happen again. Our friendship still matters."

Hmm, we're just friends.

Aziel Martinez

Kasalukuyan pa rin kaming nasa rest house ni Eve at nakaupo.

I don't know what's going on her and why did she cry yesterday.

Gusto kong ako ang pagsabihan n'ya ng mga problema n'ya pero pakiramdam ko, lumalayo ang loob n'ya sa akin ngayon just because of my stupid words.

She's still a woman and I know she's sensitive. I'm not that dumb not to feel about that. I already experienced that on Shanelle.

"Can I ask?" tanong ko sa kan'ya na tahimik na nagmamasid sa pool.

"Ano 'yon?"

"Why did you cry yesterday? I'm just curious."

"A-ah, wala 'yon. Personal problems lang."

"But you told about it with Leigh?"

"No."

"Nagkataon lang na naabutan n'ya akong umiiyak that's why he comforted me." Tinanguan ko ang kan'yang mga sagot.

She's lying.

I know, there's deeper than that.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko nang maramdamang nagba-vibrate ito.

I looked at the caller ID.

Ate Soleil.

"Ate, bakit ka napatawag?"

[A-Aziel, si m-mama...] Nanginginig ang tono ng kan'yang pananalita na tila iiyak anumang oras.

"Ano si mama? Anong nangyari sa kan'ya?" Kinakabahang tanong ko.

[Isinugod s'ya sa hospital kanina nina manang. Nandito na rin ako ngayon upang alamin ang kalagayan n'ya. Pumunta ka na agad dito Aziel, kailangan tayo ni mama. Ite-text ko na lang ang address sa'yo.] Umiiyak na sambit n'ya.

Ibinaba ko na agad ang cellphone ko at mabilis na tumayo upang lumabas ng rest house.

"Azi, okay ka lang? Saan ka pupunta?" tanong ni Eve. Nakalimutan ko na ang kan'yang presensya sa labis na pag-aalala.

"Kailangan ko nang umalis, Eve. Isinugod si mama sa hospital, pasensya ka na."

"Sasama ako."

"Hindi na, dito ka na lang. Ikaw nang bahalang magpaliwanag kina manager. Aalis na ako, sorry." Hindi ko na s'ya hinintay pang sumagot at mabilis na akong lumabas ng resort.

Naririnig ko pa s'yang tumatawag ngunit hindi ko na muna s'ya inintindi.

Pumara agad ako ng taxi at agad na sinabi sa driver ang address ng hospital.

Mom, hold on. Wait for me, you can't leave us.

"Manong, pakibilisan ho," utos ko sa driver na s'ya namang sinunod nito.

Nang marating ko ang address ng hospital na itinext sa akin ni ate ay agad din akong pumasok sa loob at tinanong sa nurse na naroroon kung anong room number ni mama.

Nang malaman ko 'yon, tinungo ko agad ang lugar at bumungad sa akin ang nagtatakbuhang nurses at doctor. Sinundan ko iyon ng tingin at papunta silang lahat sa room ni mama.

And there, I saw Ate Soleil and manang crying really hard outside the door.

"Ate, bakit ang daming nurses at doctor sa room ni mama? Anong nangyari sa kan'ya?" halos alugin ko na ang umiiyak kong kapatid.

"Nag-seizure si mama kanina," humahagulhol na sagot n'ya.

Tinanaw ko si mama sa screen at nakita ko na lang na nire-revive s'ya ng doctor.

Lumapit ako roon at nagsimulang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Ma, lumaban ka. Hindi mo kami p'wedeng iwanan. Kailangan ka pa namin ni ate." Humagulgol ako at sumalampak sa pader habang nakayukom ang dalawang kamao ko.

Maya-maya pa'y lumabas na ang doctor at nurses kung kaya't mabilis ang naging paglapit namin ni ate.

"Doc, kumusta po ang lagay ni mama? Stable na po ba s'ya?" Umaasa ako sa sagot n'ya ngunit tiningnan n'ya lang ako at sa tingin ko'y hindi maganda ang ipinahihiwatig nito.

"I'm sorry, iho. We did our best but she didn't make it," mahinahong sagot n'ya.

Parang gumuho ang mundo ko sa mga narinig mula sa kan'ya.

"Hindi, hindi totoo 'yan! Buhayin n'yo s'ya! Magbabayad kami kahit magkano, mabuhay lang ang mama ko!" Pagsusumamo ko sa kanila.

"Aziel, tama na." Nanghihinang wika ni ate.

"Excuse me." Nagsialisan na ang mga nurses at doctor sa harapan namin at naiwan kaming nakatanga.

Pumasok kami sa loob at doo'y nakita ang walang buhay na katawan ni mama.

"Sinabi ko naman kasing tumigil na s'ya katatrabaho sa kompanya dahil anumang oras ay maaari s'yang atakihin ng sakit n'ya sa puso," umiiyak na usal ni ate habang nakatingin sa katawan ni mama.

"Manang, ano bang nangyari?! Bakit nagkaganito?!" Binalingan ko ang nakatayong si manang at hinihintay ang kan'yang mga kasagutan.

"S-Sir, paalis na po kasi s'ya kanina patungo po sanang kompanya nang bigla po s'yang atakihin. Sinabi ko pong doon na muna s'ya sa bahay at magpahinga ngunit makulit po s'ya e," sagot nito kaya't napapikit ako ng mariin.

"Kilala mo naman si mama, Aziel. Palagi n'yang dinadahilan na ipagpapatuloy n'ya ang naiwan ni papa gayong kayang-kaya ko namang gawin 'yon." Sisinghot-singhot na sabi ni ate.

"Ma, bakit naman?" Sumalampak ako sa katawan n'ya.

Ang bigat bigat sa pakiramdam ng mawalan ng isang ina.

"Nawala na nga si papa tapos sumunod ka pa, ang daya ma. Paano na kami?" Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Wala na akong pake kung anuman ang itsura ko ngayon, ang gusto ko ay mailabas ang lahat ng bigat na nasa dibdib ko ngunit hindi pa rin ito sapat.

Ang sakit sakit.

"Maaa!" Sinuntok ko nang paulit-ulit ang pader hanggang sa magdugo ang kamao ko.

"Aziel, tama na, ano ba? Wala na tayong magagawa, tanggapin na lang natin na iniwan na tayo ni mama." Pag-awat ni ate kasabay nito ang pagyakap n'ya sa akin.

Kapwa nag-iiyakan na lamang kami dahil sa pagkawala ng aming ina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro