PMH 10
Eve Aguirre
Alas sais na ng gabi at nandito pa rin kami sa rest house, nakatambay lang kami rito at nagpapaantok. Gusto sana naming gumawa ng bonfire kaya lang bawal ang magsindi ng apoy dito. Bukod do'n, wala rin namang space para sa gusto namin, sayang naman ang magagandang damo na nakapalibot dito kung masusunog lang.
"Let's play truth or dare by spinning the bottle!" biglang segunda ni Shion habang hawak na nito ang isang plastic bottle.
"Good idea Shion!" Manager agreed.
Since nakapalibot naman na kaming lahat sa mesa, sinimulan nang paikutin ni Shion ang bote at tumapat 'yon kay Chelsea.
"Chelsea, truth or dare?" pilyong tanong n'ya.
"Syempre dare! Baka may itanong ka pang kung ano sa'kin e!" confident na sabi ni Chelsea.
"Hmm, my dare for you is walk like a duck while roaming around in front of us!" malokong utos ni Shion kaya't napangiwi si Chelsea.
"Ang sagwa naman!" lukot ang mukha ni Chelsea na tumayo at sinimulang gawin ang duck walk sa harapan namin. Tawa kami nang tawa sa ginawa n'ya habang labag naman sa kalooban n'ya.
Sumunod namang tapatan ang isang babaeng staff at pinili nito ang dare na kung saan ay inutusan lamang s'ya ni Chelsea na kumuha ng juice na maiinom sa kitchen which is very piece of cake only.
Sunod si Eli at dare rin ang napili nito, pinaglangoy s'ya ng backstroke sa pool at mukha s'yang asong kakawag-kawag sa lamig ng tubig.
Magkasunod ding pinatalon sa pool ang dalawang staff na lalaki dahil magkasunuran lang naman silang natapatan at kapwa nagsisigaw ang dalawa doon sa labis na lamig.
Truth naman sina Ate Gaynell at manager dahil ayaw nilang gumawa ng kung anumang maisipan ng mga lokong ito na ipagawa sa kanila. Tinanong nila ang dalawa ng mga gusto nilang malaman at maayos naman nila iyong nasagot.
Sumunod na si Leigh at nag-truth naman ito.
"Leigh, here's my question for you. Since, wala ka pa namang girlfriend, anong tipo o gusto mo sa isang babae?" tanong ni manager.
"Hmm... my ideal girl is... simple, natural and strong. Actually, I have already seen her and I might call this, love at first sight," banayad na sagot n'ya.
Tiningnan ko s'ya at deretso s'yang nakatingin sa'kin kung kaya't iniwas ko ang aking paningin.
"Then, who's the lucky girl?" karagdagang tanong ni manager.
"Secret for now. Hindi pa naman kami mas'yadong magkakilala ng babae, maybe sooner. I'll make move, mark my words." Sabay kindat n'ya sa mga ito.
May itsura naman pero hindi ko type. My heart only belongs to Azi, no one can ever change that.
"May pa-secret secret ka pang nalalaman, mabubunyag din naman 'yan!" kantyaw ni Ate Gaynell.
Pinaikot na ni Leigh ang bote at tumapat na ito kay Azi na kanina pa tahimik sa isang tabi.
"Aziel, truth or dare?" Leigh asked.
"Truth," seryosong sagot n'ya.
"Okay! Here's my question sa'yo, kanina ko pa 'to pinag-isipan e. Kumusta na ang status mo sa buhay? Naka-move on ka na ba o hindi pa? O baka naman, may bago nang nagpapatibok ng puso mo?" Nagtataas-baba ang kilay ni Leigh habang nakatingin kay Azi.
Stupid questions.
But deep inside my heart, I wanna know the truth from him.
"The truth is..." panandalian s'yang tumigil kaya lalo kaming na-intriga sa susunod n'yang sasabihin.
I don't wanna hear what he's going to utter next. It's either positive or negative but I'm still hoping that it would be positive.
"I do, still love her." Napako ang tingin ko sa kan'ya at walang kahit anong makikitang emosyon sa kan'yang mukha.
That breaks me. It seems like my weak and fragile heart torn into pieces.
"Ang lakas talaga ng epekto sa'yo ni Shanelle bro!" natatawang sabi ni Shion.
Napayuko ako.
"U-uhm, excuse me, banyo lang ako," ani ko.
Hindi ko na sila hinintay pang tumugon at umalis na rin agad ako.
Tears dripped down on my cheeks.
Wala namang kami pero nasasaktan ako. Isa lang naman akong ordinaryong fan na tumatanaw sa kan'ya sa malayo noon at totoong mababaw pa lang naman ang nararamdaman ko sa kan'ya noon pero ngayong harap-harapan ko na s'yang nakikita't nakakasama, mas masakit pala dahil sa mga lumalabas mula sa kan'yang bibig.
Ang babaw naman Eve.
Pumunta ako sa medyo madilim na lugar upang walang makakita sa akin. Hindi naman talaga ako pupuntang banyo, gusto ko lang umalis sa harapan nila.
Until now, it's still her. No one could ever replace her in his heart. Although, for the past few months, I have always been there by his side.
Tahimik akong humihikbi habang nakatingala sa kalangitan.
I wish I could be like her too. She's perfect that no one could ever ask for.
Sana nanatili na lang akong fan.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga at napagdesisyunan ko na ring tumayo upang makaderetso na sa room namin.
"Eve." Napalingon ako sa tumawag na iyon at nakita kong seryoso at deretso lang s'yang nakatingin sa akin. Agad ko namang pinahid ang mga luhang bumasa sa aking pisngi.
"Leigh, anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Why are you crying? Did something happen?" Lumapit s'ya sa'kin at akmang hahawakan ako.
"Wala ito, wag mo akong intindihin. Ayos lang ako." Iniiwasan ko ang kan'yang mga tingin dahil ayokong makita n'ya akong ganito.
"P-papasok na ako," wika ko.
Hahakbang na sana ako nang hawakan n'ya ang pulsuhan ko.
"Eve... tell me. I'm willing to listen," mahinahong sabi n'ya.
Dahil do'n, naantig ang damdamin ko at tuluyang napaiyak sa kan'yang balikat. Hinagod naman n'ya ang likuran ko upang i-comfort ako.
"Ang sakit Leigh," tanging nasambit ko sa gitna ng aking pagtangis.
"It's alright, Eve," malambing na saad n'ya tsaka hinaplos ang aking buhok.
"It's about him, isn't it?" Iniharap n'ya ako sa kan'ya upang kumpirmahin kung tama ang hinala n'ya ngunit wala akong sinabi.
"Am I right, Eve?" muling pagtanong n'ya kaya marahan ko s'yang tinanguan.
"Stupid man," mahinang sabi n'ya.
"Tahan na," muli n'ya akong niyakap and all I can feel is his warm comfort.
"Leigh." Sabay kaming napalingon ni Leigh sa malalim na boses na iyon.
And there.
Azi's standing in front of us with sharp eyes gazing on our direction while clenching his fists.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro