Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PMH 1

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Typographical and grammatical errors ahead.

°°°

Eve Aguirre

"Eve!" a familiar voice called out my name. I roamed my eyes around to find out whose voice it was, and that person I was looking for immediately struck by my sight.

It was Aziel Martinez, the love of my life!

He's currently wearing a plain white round neck t-shirt that is tuck in with his beige plain trouser, partnered with white low top sneaker. He looks simple yet attractive but being a model is still seen in him.

We walked toward each other and collided in front of the fountain at Pricelessiola's Park. As we stopped, we're just staring at each other's eyes, we could only hear the noise of the water coming from the mouth of the fountain.

It took a few minutes before he began to speak.

"I finally found you, the girl that I was looking for a long time ago," he uttered. My heart started to pound as I heard those words that came from his mouth.

I couldn't speak, I couldn't hear anything. Only the pounding of my heart that was long throbbing for him.

He held my cheeks and leaned closer to me. I felt the redness on my face when I realized what he was going to do.

This is it! My long dream of being kissed by a model is about to happen! One inch apart before he kiss me when an interruption interrupts us.

Nagising akong pupungas-pungas nang maramdamang may tumamang kung anong bagay sa mukha ko, isang unan. Inilibot ko ang aking paningin at bumungad sa akin ang salbahe kong kapatid na si Yvo. Nginisihan ako nito bago nagwika.

"Maghugas ka na raw ng mga hugasin mo sa baba sabi ni mama."

"Nakakainis naman e! Lumabas ka na nga!"

"Ayoko nga." Nakangisi pa ring saad nito tsaka umupo sa mini couch malapit sa study table ko.

Inirapan ko na lamang ito bago nagtalukbong ng kumot ngunit dahil nasira na ang araw ko, bumangon na ako at nagpapadyak dahil sa inis. Oo, naiinis ako dahil minsan na nga lang managinip ng pagkaganda-ganda, naudlot pa. Ang akala ko totoo na, moment na namin 'yon e! Moment na malabong mangyari sa buong buhay ko.

Nagmartsa na ako patungong pintuan habang bagsak ang aking mga balikat. Hindi ko na pinansin ang kapatid ko at lumabas na lamang ng aking kwarto ngunit narinig ko pa itong humagikhik bago ako tuluyang makababa ng hagdan.

Nang makababa na ako sa hagdan ay agad naman akong napatingin sa wall clock na nakasabit sa itaas ng aming pintuan. It's already 9:00 o'clock in the morning.

Agad na namilog ang mga mata ko nang may maalalang napakaimportanteng bagay nga pala akong kailangang puntahan na hinding-hindi ko p'wedeng palampasin ngayong araw na ito.

It's Aziel shooting today! And as a supportive wife, I have to be there right now!

"Late na ako!" bulalas ko at dali-daling kinuha ang panligo kong t'walya.

Kakaripas na sana ako ng takbo patungong banyo nang biglang humarang si mama sa harapan ko.

"Hep hep hep! Saan ka pupunta? Sa pagkakaalam ko wala ka namang pasok sa eskwelahan dahil sabado ngayon," nakita kong tumaas ang kilay nito sa akin.

"Ma naman, photoshoot ng asawa ko ngayon. Kailangang nando'n ako," pagmamaktol ko.

"Hay nako Eve, tigil-tigilan mo 'yang pagpapantas'ya mo d'yan ah. Hugasan mo 'yong mga hugasan mo ro'n." Itinuro niya ang lababong puno ng hugasan.

Nilingon ko iyon at agad namang nanlumo ang mukha ko. Ano bang niluto ni mama? Bakit gano'n karami ang huhugasan ko? This is a disaster!

"Pupunta akong orphanage ngayon kaya maaga akong nagluto, bibisita ako roon. Matagal na rin mula nang makabisita ako sa mga bata. Kung maaga ka sanang gumising, tapos mo na sanang hugasan ang mga iyan at papayagan na rin sana kitang umalis at dahil tinanghali ka na, manahimik ka d'yan. Maghugas ka muna," huling saad ni mama bago n'ya ayusin ang mga pagkaing niluto tsaka ito isa-isang nilagay sa insulated food bag.

Right, nagtrabaho nga pala roon si mama nang mga panahong wala pa si Yvo ngunit nang magbuntis si mama at nang maisilang ang kapatid ko, tumigil s'ya sa pagtatrabaho roon dahil kinailangan n'ya kaming tutukan, lalo na si Yvo. Since wala na si papa, she became our mother and father at the same time.

"Aalis na kami, anak. Isasama ko si Yvo, walang magbabantay sa kan'ya rito. Paalis ka rin ata, mag-iingat ka," muling wika n'ya bago humalik sa aking pisngi.

"Mag-iingat din po kayo mama." Ginantihan ko rin ito ng halik bago ngumiti.

"Yvo, pa-kiss si ate!" Akmang hahalikan ko na ang pisngi nito nang bigla itong tumakbo palabas.

"Ayoko nga! Ang baho mo! Maligo ka muna!" Narinig kong sigaw nito sa labas at tinawanan lamang iyon ni mama.

"Eve, ang susi nasa drawer. Mauna na kami," paalam ni mama na s'ya namang tinanguan ko.

Nagtungo na ako sa lababo at agad na sinimulan ang paghuhugas. Habang nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa, bigla kong narinig ang pag-ring ng cellphone ko na nasa bulsa lamang ng aking short.

Tinuyo ko muna ang aking mga kamay bago ito kinuha.

I saw his name on my cellphone screen, or should I say, her name. Pinindot ko na agad ang answer button dahil baka mainip ito.

"Baaakksss!" agad kong inilayo ang cellphone ko mula sa aking tainga nang marinig ang nakaririndi nitong boses. Kahit naman matagal ko na itong nakakausap sa telepono, mapa-personal man o kung saan, hindi pa rin ako sanay sa makabasag nitong eardrums. Ang sakit-sakit sa tainga ng napakatinis nitong boses! Lalo na kung sumisigaw.

Hinintay ko s'yang matapos sa pag-irit bago ko muling itinapat ang cellphone ko sa aking tainga at nagwika, "Oh ano? Iinggitin mo na naman ako dahil nand'yan ka nanonood sa photoshoot ng asawa ko?" I rolled my eyes as I said those words.

"E nasaan ka na ba? Kanina pa nagsimula ang photoshoot nina Azi. Akala ko ba maaga kang pupunta? Kaya hindi na kita tinawagan o tinext man lang pero halos magdadalawang oras na ang nakalipas, wala ka pa rin. So yeah, I have decided to call you na," wika nito na may pilantik na boses, alam ko namang umiikot na naman ang mga mata nito ngayon.

Inilapag ko ang cellphone ko sa mesang malapit lamang sa aking tabi upang makabwelo ako sa aking ginagawa tsaka nilaksan ang speaker nito upang marinig ko s'ya. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang mga tanong n'ya.

"Well, napanaginipan ko lang naman ang asawa ko kanina. Hahalikan n'ya na sana ako nang biglang umentra ang aking mahal na kapatid at ang ending, naghuhugas lang naman ako ng mga plato ngayon dahil maagang nagluto si mama para sa mga bata sa orphanage. You know mama, napamahal na s'ya sa mga bata roon," wika ko habang patuloy ang ginagawa.

Maya-maya pa'y narinig ko na ang nakaririnding halakhak nito na s'yang ikinalukot ng mukha ko.

"Iniinsulto mo ba ako, Nelson Acosta?" Nakapameywang na tanong ko. Napangiti ako bigla nang mapagtantong nainis s'ya sa pagtawag ko sa totoong pangalan n'ya.

"Yuck! Kadiri ka talaga! How many times do I have to tell you that just call me by my nickname, Eli? Do you understand?" halata sa boses nito ang pagmamataray na lalo kong ikinatawa ng mahina.

"Duh, you should be proud of your name 'cause that's given by your parents," pambabara ko.

"Whatever! So, ano? Pupunta ka pa ba?" tanong n'ya na ikinabuntong hininga ko.

"I'll try, kung aabot pa ako. Tatapusin ko pa itong ginagawa ko e," sagot ko habang nakatingin sa kawalan.

"Abot ka pa naman siguro. Narinig kong mag-o-overtime raw sina Azi," saad n'ya.

Matapos kong marinig iyon ay para bang may dumaloy na mataas na boltahe ng kuryente sa buong katawan ko at agad akong nabuhayan ng loob.

Pinatay ko na agad ang tawag at minadali ang aking ginagawa.

Nang matapos na ako ay kumaripas na agad ako ng takbo papuntang banyo bitbit ang t'walya ko.

Matapos ang sampung minuto na paliligo, nagbihis na rin agad ako. I'm now wearing a white sleeveless turtleneck paired with pink blacer and pink skirt above the knee, plus lavender pink suede boots beyond my knees.

Tenen! I'm ready to go! Ops, I forgot something.

I walked toward on my mini desk to take my peach lip gloss and put a little on my lips, just so it won't dry out. I'm not totally a fan of lipstick, lip gloss is enough. After that, I took my white sling bag and slung it over my shoulder. Perfect!

"This is it! Masisilayan ko na ulit ang asawa ko, uwaaaaa! Wait for me, Baby Azi, my loves!"

Matapos ang aking pagpapantas'ya ay naisipan ko nang lumabas ng bahay. Sinigurado kong nakakandado nang maigi ang padlock ng aming pintuan, mahirap na, baka malusutan kami.

Hindi na ako nag-atubili pa at pinara na ang taxi-ng paparating upang mas mabilis akong makarating sa Pricelessiola's Park kung saan kasalukuyang nagaganap ang photoshoot ng asawa ko. Nag-message ako kay Eli na susunod ako at abangan n'ya na lamang ako roon.

Medyo may kalayuan din ang parkeng patutunguhan ko kung kaya't inabot ako ng trenta minutos sa b'yahe bago marating ang aking destinasyon. Bumaba na ako mula sa taxi at inilibot ang aking paningin.

At ayon! Natatanaw ko na ang asawa ko, ganun din ang mga taong nagkukumpulan marahil ay nanonood din kay Azi. May mga securities din na nakabantay sa bawat barriers na inilagay nila upang maiwasan ang anumang kaguluhan.

Naagaw din ng atens'yon ko ang kumakaway na si Eli kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin ito.

Tumakbo ako papalapit sa kan'ya ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit sa kan'ya ay may bigla na lamang humatak sa braso ko. Hindi naman sobrang lakas, sakto lang upang madala n'ya ako.

Inis kong tiningnan kung sino mang walang modong tao ang humatak sa akin at agad tumambad sa akin ang mukha n'yang kulang na lang ay maging coloring book.

"You're the perfect lady!" bulalas n'ya at matamis na ngumiti sa akin na s'ya namang nag-iwan ng malaking question mark sa utak ko.

"A-ano pong k-kailangan n'yo?" nauutal na tanong ko. Napansin ko ring nasa gitna na pala kami ng parke at napapalibutan ng mga taong nagbubulungan at kap'wa mga nakatingin sa amin.

"You'll be having partner with Aziel Martinez," saad n'ya na agad namang ikinabilog ng mga mata ko matapos marinig iyon mula sa kan'ya.

Did he just say Aziel Martinez?! Si Aziel magiging partner ko sa photoshoot?! For real?!

"P-po?" Kumurap-kurap ako ng ilang beses at marahang kinurot ang sarili ko, totoo nga.

Hindi ako makapaniwalang magiging partner ko si Azi at sa mismong photoshoot n'ya pa!

Dati pinapangarap ko lang ito pero ngayon mukhang nagkakaroon na ng katuparan ang mga kahilingan ko.

"No more questions! We're in a hurry," saad nito at hinila ako papunta sa shooting spot nila.

Nang makarating na kami sa mismong spot nila, in-instruction-an ako ng baklang ito kung ano ang mga dapat kong gawin.

Kinakabahan ako dahil wala akong alam o experience pagdating sa ganitong mga bagay. Nakakahiya 'yon sa harap ng maraming tao na nakapaligid sa amin ngayon lalo na kay Aziel.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Inhale, exhale, inhale, exhale.

Inipon ko ang lahat ng kabang nararamdaman ko at idinaan sa pagpapakawala ng isang malalim na paghinga.

"Kaya ko ito!" bulong ko sa aking sarili.

"Miss, are you ready? We're now starting," saad no'ng bakla na tinanguan ko naman.

Nagsimula na akong maglakad papunta kay Azi at habang papalapit ako rito ay naaamoy ko na ang napakahalimuyak nitong pabango.

Shit! Ang bango-bango ng asawa ko!

Nang makalapit ako sa kan'ya ay agad namang nagtama ang aming mga paningin kasabay nito ang sunod-sunod na paglagabog ng dibdib ko.

Concentrate Eve! Hindi ito ang tamang oras para sa paglalandi at pagpapantas'ya!

Mabilis kong pinilig ang aking ulo at itinuon ang pansin sa aming ginagawa.

Nagsimula ng iayos ng mga staffs ang aming settings at pum'westo naman ang photographer sa unahan namin habang ang iba naman ay nasa tabi lamang habang nagmamasid sa amin.

Agad na pum'westo si Azi sa gitnang kaliwa at sumunod naman ako rito. Pum'westo naman ako sa gitnang kanan at sinimulan ko ng gawin ang part ko na kung saan ay kinakailangan kong ipatong ang kanan kong kamay sa kaliwang balikat ni Azi habang ang kaliwa ko namang kamay ay nakahawak lamang sa likuran n'ya at ang kanan ko namang hita ay nakataas ng bahagya kapantay lang din ng kan'yang hita. Matapos iyon, tsaka ako nagkunwaring inaamoy ko s'ya kagaya ng mga napapanood kong commercial ng pabango sa telebisyon. Kailangan lang naming mag-akto ng totoo at tama, in the name of Azi's job.

Sinimulan naman n'yang gawin ang part n'ya. Inalalayan n'ya ako ng kanan n'yang kamay sa aking likuran habang ang kaliwa n'yang kamay ay nasa bulsa lamang ng suot n'yang itim na pantalon bago tumingin sa akin na para bang ang sweet sweet naming couple ngayon.

Nararamdaman ko na rin ang hininga n'ya na dumadampi sa aking leeg.

Sa totoo lang, kinikilig ako at the same time, naiilang sa p'westo naming dalawa dahil ang daming nakatinging mga mata sa amin at tila pinagbubulungan pa kami. Nararamdaman ko ring nakatingin sa akin si Azi ngunit hindi ko ito magawang salubungin dahil baka pangunahan na naman ako ng kaba.

"That's perfect!" sigaw ng photographer bago kami kinuhanan ng litrato.

"Okay! I think it's enough!" saad ng photographer habang tinitingnan ang kan'yang camera.

Mabilis ko namang tinanggal ang pagkakahawak ko kay Azi dahil hindi ko na makayanan ang ka-awkward-an sa aming dalawa. Pababa na sana ako ng stage nang bigla akong mawalan ng balanse at sa kamalas-malasang tinataglay ko, nadanggil ko si Aziel at pareho kaming bumagsak sa lupa.

Nadadaganan ko s'ya at ang mas ikinagulat ko pa ay magkalapat ang aming mga labi!

Shit! Malaking kahihiyan at the same time kaguluhan ito! Malamang sa malamang, kukuyugin ako ng mga impukrita n'yang fans!

Mabilis akong tumayo at tutulungan din sana s'yang makabangon ngunit tinanggihan n'ya ito at tumayo mag-isa tsaka pinagpagan ang kan'yang sarili.

Tutulungan ko din sana s'yang pagpagan ang damit n'ya nang bigla itong magwika, "Don't touch me," matapos n'ya itong sabihin ay tinapunan n'ya ako ng isang matalim na tingin bago tuluyang umalis sa harapan ko.

Tumingin ako sa buong paligid ko at masamang mga mata ang s'yang bumungad sa'kin. Anytime, anywhere, p'wedeng p'wede nila akong sakmalin.

Time to escape bitch!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro