Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Anong Nangyari?

Pilit..
Ipinasok sa isip;
hindi ka totoo,
mali ang pagkatao mo,
isa kang bagyo—
ginugulo ang utak ko.
May iba pa;
mas makabubuti sila,
kung pagkakamali ka,
bakit ako tataya?
Hindi ko 'to gusto;
nililinlang ako ng puso ko,
tinutukso ako,
nahuhumaling sa'yo.
Papayagan na sana;
sige, umalis ka,
lumayo nang kusa,
maglahong parang bula.
Ngunit hindi—
may nakabigkis na tali,
isang pagbabakasakali.
Ikaw ang kinandili,
ng pusong namimili.
Nagbago ang ihip
ng magulong pag-iisip,
dahilang di malirip,
pag-asa'y sumilip.
Anong nangyari?
Tanong ng marami,
tanong ko rin sa sarili.
Anong nangyari?
Ikaw.
Nangyari ka sa akin.  

©FortressMeadow
06.06.2016
06:36

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro