Siya👩,Ikaw👨 at Ako👸
Siya, siya ang taong mahal mo,
Ako, Ako na hanggang tingin lang sayo,
At ikaw, Ikaw na siyang nalilito dahil di mo alam kung sino ba samin ang totoong mahal mo.
Nakakatawa diba? Mahal mo siya pero nalilito ka,
Mahal mo ako pero siya pa rin pala yung laman ng puso mo sinta
Puso mo na akala ko, ako lang ang laman,
Puso mo na laging nasasaktan sa bawat pagkakataong nakakagawa ako ng mga kasalanan.
Siya, Siya na may mahal nang iba.
Ako, Ako na umaasa,
at IKAW. Ikaw na nakapagitna saming dalawa,
Ikaw na naiipit sa gitna.
Nahihirapan kang magdesisyon dahil sa bawat pagkakamaling magagawa mo,
Alam mong masasaktan kaming PAREHO.
Ngayon alam ko na,
Mahal ka pa rin niya,
di niya lang mapadama,
dahil pinangungunahan siya ng kaba,
Ngayon, Ako yung naiwan sa gitna,
Ako ngayon yung walang wala.
Sa wakas. Nabuo na din ang salitang KAYO.
dahil binuo ito ng isang katulad mo
at ng babaeng pinakamamahal mo.
Ngayon alam ko na,
Mahirap palang magmahal ng taong di pa TAPOS magmahal ng iba.
Mahirap umasa,
lalo na kung alam mong lagi ka lang PANGALAWA.
👫👫👫👫
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro