|01| Inakalang anghel ang demonyo
INAKALANG ANGHEL ANG DEMONYO.
Ako'y alagad ng Diyos simula pagkabata,
Pag-usal ng dasal at papuri sa Diyos ang nakagawian.
Ngunit 'di naglaon ako'y nagkaro'n ng pinagnanasahan,
Isang babaeng may maganda at hubog na ang katawan.
Naisip kong s'ya ay tikman,
Ngunit naalala kong ako'y isa sa kagalang-galang na sakristan.
Sa kabila ng aking kaalaman,
Hindi napigilan ang sarili't s'ya ay hinila papunta sa talahiban.
Nagpumiglas at nanlaban ito-
Nag-usal pa ng saklolo.
Ngunit sadyang kay swerte ko,
Walang nakarinig ni isa sa mga hinanaing nito.
Nagtagumpay ang aking plano,
Natikman ko ang dalagang pinagnanasahan ko,
Ngunit nang muli ko 'tong harapin ay may hawak ng bato-
Inunahan ko't s'ya ay aking pinukpok ng malakas sa ulo.
Ako'y napatulala sa hangin matapos ang nagawa ko,
Oh Diyos ako pa ba'y mapapatawad mo?
Sa kademonyohang ginawa ko?
Kahit pa alam kong labag 'yon sa batas ng tao maging sa mga mata mo.
Oh Ama akala ko'y isa ako sa mga anghel mo,
Ngunit nagkamali ako't isa pala ako sa mga nararapat mapunta sa impiyerno.
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro