Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

uunahan ko na kayo. medyo magulo ang chapter. mejj naguluhan din ako. mejj wala kasi akong plot MUAHAHAHAHHAA

Maikling UD for you guys!

Chapter 8

 

“Dee! Tingin mo maganda saakin ang damit na ito?”

 

“Syempre naman! Lahat naman saiyo bagay e.”

 

“Pero kahit na sinasabi niyong lahat na maganda ako, bakit hindi pa rin ako nagugustuhan ng taong mahal ko? Ang pinsan ko hindi rin ako pinapansin masyado. Bakit silang lahat may gusto saiyo?”

 

“Celine---“

 

“It’s okay. It’s fine with me. Alam ko namang hindi mo gustong magustuhan ka nila. Ang akin lang kasi parang lagi akong naeechapwera. Sa buong buhay ko si Zydn ang lagi kong kasama. Lumaki akong kasama siya pero tignan mo ngayon… Nagsawa na siya sa pinsan niya. Ang taong gusto ko naman nasa kabilang school. Hindi niya ako gusto. Lagi lang siyang nagtatanong tungkol saiyo.”

 

“Celine.”

 

“Okay lang talaga Dee. Okay lang talaga ako kasi nandyan ka naman sa tabi ko. Kasi kahit na nainis ako saiyo at nagpakalat ng kung anu-ano hindi mo pa rin ako iniwan. Inintindi mo pa rin ako. I’m glad that you’re my best friend. Dee huwag mo akong iiwan, hah?”

 

 

 

Nagising ako nang hating-gabi dahil sa panaginip kong iyon. Kausap ko si Celine, ang best friend ko, pero hindi ko alam kung sino ang isang lalaki pang tinutukoy niya. Gusto kong alalahanin ang lahat. Gusto kong malaman ang lahat.

Napansin kong umiilaw ang cellphone ko dahil nakasilent lang ito sa tabi ko.  Zydn calling…

 

Hinayaan ko lang ito hanggang sa naging missed call nalang siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya. He was my lover? I can’t even imagine myself being in an intimate relationship with him. Well maybe before.

Muli nanamang umilaw ang cellphone ko at muli nanamang nagflash ang pangalan ni Zydn. Should I answer it? Napapikit nalang ako at huminga nang malalim. Parang may sariling isip ang kamay ko dahil bigla ko nalang kinuha ang cellphone saka sinagot ito.

Tahimik lang siya sa kabilang linya at tanging ang paghinga niya lang ang naririnig ko. Ilang beses din siyang huminga nang malalim bago tuluyang magsalita. “Andre---Dee.” Napapikit ako nang tawagin niya ako sa pangalang iyon.

Ako si Dee. Ang babaeng kinalimutan ko na. Ang babaeng hindi ko na halos matandaan. Ang babaeng hinahanap ko pa.

“Alam ko nagulat kita dahil sa nasabi ko kanina.”

“At alam mo na rin siguro na ngayon marami akong gustong malaman. Marami akong gustong itanong pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa dahil hindi ko nga alam kung ano ang mga dapat kong itanong.” Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak. Hindi ganito si Andrea. Hindi siya isang babaeng mahina.

“Alam ko at maski ako hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo ang mga nalalaman ko.”

“Bakit hindi kita matandaan? Zydn, bakit hindi ko alam kung kalian kita nakilala?”

“Bakit ako nagkagusto sa iba kung talagang mahal kita?”

Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko na ito makontrol pa. Bakit ko siya nakalimutan? Paano ko nakalimutan ang isang mabuting tao?

“Siguro dahil galit ka noon sakin. Siguro dahil patong-patong na yung problema nating dalawa noon. Siguro dahil noong kailangan mo ako, wala ako sa iyong tabi.”

“Duwag ka! Kung aalis ka sana sinabi mo saakin kaagad! Hindi yung nagmumukha akong tanga! Kung kinausap ka man ni daddy--- Zydn hindi mo naman kasalan na isa kang Ruazol. Hindi naman natin kasalanan. Wala tayong kasalanan. Away nila yun at hindi atin.”

 

“Andrea hindi naman kasi yun!”

 

“Then what?”

 

“Bullsht! Tama na Andrea. Hindi ako tanggap ng daddy mo kaya tama na. Katulad din ng sinabi niya, bata pa tayo at dahil isa akong walang kwentang anak ng walang kwenta kong tatay hinding-hindi pa rin niya ako matatanggap! Aalis ako hindi dahil sa gusto ko kung hindi dahil wala naman akong magagawa. Alam mo naman that I’ve been living in hell these past few months. At ngayon lang ang pagkakataon na maayos ang pamilya namin. Hindi ko na kaya ng isa pang problema Andrea. So I’ll give you up instead.”

 

 

Nabitiwan ko nalang ang hawak kong cellphone dahil sa isang pangyayari na naalala ko. Isa akong pabigat. Nanginginig ako ngayon dahil sa naalala ko. Naguguluhan ako.

Ayoko siyang makita.

Ayoko na ring makaalala pa kung punong-puno lang din ng masasakit na pangyayari ang buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: