Chapter 11
Author's Note:
Dahil ang dami na nag-pm saakin na mag-update na raw ako. Heto na po ang UD ko. O siya mga ilang buwan ulit siguro bago ako mag-UD. charot. Pero seryoso, nahihirapan kasi talaga ako gawin ang story na ito. Ayaw kong maka-offend. Pinag-aaralan kong mabuti si Andrea. Yung mga tao sa paligid niya. At pati na rin babasahin ko pa ulit kasi mejj foggy na ulit siya saakin dahil naging busy ako. Naging sobrang busy ako T__T. Gustong-gusto ko itong i-update pero hindi kasi siya basta-basta. Sana maunawaan niyo po. Pero dahil gusto ko nga siya i-update, heto na ang update. Medyo binasa ko pa yung apat na chapters bago ulit nag-update XDDD
Dedicated nga pala itong chapter sa lahat ng nag-pm saakin mula kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako dinagsa ng PM patungkol sa PMW. Siguro kasi nakita niyo ang sipag ko mag-update dun sa dalawa. Pero sa totoo lang pinapahaba ko lang ang A/N ko para mambwisit. Nainis ko ba kayo? O siya sige, magbasa na kayo! HAHA
AY! Wait! There's more! Kapag may mga nakita kayong error, i-comment niyo lang kasi hindi ko na binabasa ulit kapag nag-uupdate ako o kaya naman sadyang 'di ko lang talaga napansin. Alam niyo naman, hindi talaga mapapansin ang sariling pagkakamali. huehuehue.
Chapter 11
“So…” Bungad ni Zydn saakin pagkaalis na pagkaalis palang ng prof namin. Inaayos ko ang mga gamit kong nakalapag sa desk ko ngayon.
“So?” I asked without looking at him.
“Pinapansin mo na ako.” He said. At alam kong kahit hindi ako nakatingin sakanya ay nakangiti siya. “Kung may gusto kang malaman, pwede mo akong tanungin kahit kailan mo gusto. Hindi ko nga lang alam kung masasagot ko lahat dahil hindi ko naman alam ang lahat ng nangyari.”
Huminga nalang ako nang malalim bago tumayo. Iniisip ko ring mabuti kung ano ba ang pinakadapat kong itanong sakanya.
“Hey, iniiwan mo nanaman ako.” He’s now walking beside me. Nakapamulsa pa siya ngayon. “Ako na ang magdadala ng bag mo.”
“Ayoko.” Simpleng sagot ko. “Baka mapagkamalan pa nilang may relasyon tayo.”
“Wala ka naman dating pakialam kung mapagkamalan nila tayo.” Naging seryoso na ang boses niya ngayon. “In fact, ang alam nilang lahat ay boyfriend mo ako at may anak tayo.” Tama siya. Yun naman talaga ang alam ng karamihan tungkol saamin. Hindi naman ako sumasama sa iba. Hindi naman ako nakikipagkaibigan sa iba at sa tuwing tinatanong nila si Zydn ay lagi lang naman niyang nginingitian ang mga iyon at kung minsan pa ay sinasagot pa niya na akala mo siya talaga ang ama ni Shin.
“Siguro panahon na para malaman nilang hindi naman talaga tayo.” Matagal bago siya sumagot sa sinabi ko. Ang totoo niyan ay wala naman akong pakialam kung anong tingin nila saamin. Hindi naman kasi kailangan na malaman pa nila kung may boyfriend ba ako o wala. Kung may ama ba si Shin o wala na.
“Paano si Shin? Anong sasabihin mo sa mga nag-aakalang ako ang ama ni Shin?”
Hindi naman ako nagpaliguy-ligoy pa. “Nothing. Wala naman dapat silang malaman. Isipin nila ang gusto nilang isipin.”
“Then what about Shin?” Ulit niya pa. “Oo, alam ko namang wala kang pakialam sa mga nasa paligid mo but what about your son?” Patuloy lang kami sa paglalakad at hindi ko alam kung saan kami patungo ngayon. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Basta naglalakad lang ako. “For me, Shin is my son too. Dee naman,-”
“Okay lang naman saakin na puntahan mo si Shin. Pero hindi ko na ulit siya patutulugin sainyo. Okay lang din saakin na makipaglaro ka sakanya pero please, huwag ka na magpatawag na daddy sakanya.”
“Dahil ba nalaman mong nagkarelasyon tayo noon kaya ka ganito ngayon?” Nasa lobby na kami ng department namin nang napahinto kami sa paglalakad. This conversation is getting more serious than I thought. “Hindi ka naman ganito noong hindi mo pa alam na nagkaroon tayo ng relasyon. Hindi ka naman ganito kahit na alam mong mahal kita.” Napapalakas na ang boses niya at alam kong nakaka-attract na kami ng ibang tao because we’re making a scene.
I’m trying to compose myself. I’m trying not to tell him but I just can’t shut myself anymore.
“Kung talagang mahal mo ako, bakit ka nanligaw ng ibang babae noon? I know this is so yesterday pero nang malaman kong nagkarelasyon nga tayo at iniwan mo ako tapos bigla kang bumalik ulit noong hindi na kita maalala, bakit nanligaw ka ng iba? Hindi naman sa nanunumbat ako pero sana noon palang ay sinabi mo na kaagad. Kahit sana nanligaw ka ng iba basta sana sinabi mo saakin! Hindi yung kinaibigan mo ako na para bang wala lang yung nakaraan saiyo!” Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ako muling naglakad palabas sa building.
“Sinubukan ko lang naman na kalimutan ka!” This time ay talagang malakas na ang pagkakasabi niya nito. “Pero Dee, hindi ko kaya. Not when some random guys were talking and flirting with you and not when Andie was there for you and I’m not!” Feeling ko ay nanlalambot ako dahil sa mga sinasabi niya. Tingin ko ay namumula ako ngayon dahil sinabi niya ito sa harapan ng ibang tao. “Damn Andrea! Mahal na mahal kita at wala akong pakialam kung marinig nilang lahat itong sinasabi ko. Oo gago rin naman ako katulad ng iba. Oo, karapatan mong malaman ang lahat ng dapat mong malaman pero Dee hindi naman kasi simple ‘yong sitwasyon. Kung alam mo lang kung paano ko sisihin ang sarili ko dahil iniwan kita at dahil wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako.”
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at lalo pa itong nagtuloy-tuloy nang makita ko nanaman ang imahe ni Celine nang bigla niya akong iniwan. Bigla nalang akong nakaramdaman ng takot at kaba. Agad akong napapikit pero mas lalo ko lang nakita si Celine na ngayon ay malayo na.
Niyakap ko ang nangingiig kong katawan. Naiinis akong hindi ko mapigilan ang panginginig ko. Unti-unti na rin akong umupo. Halos dumugo na rin ang bibig ko dahil sa pagkakakagat ko nito.
“Shit!” Hindi ko alam kung anong ginawa niya dahil mabilis siyang nakarating sa harapan ko. “Calm down. I’m sorry.” Naramdaman ko rin ang mahigpit na pagyakap niya saakin at ang agad ding pagluwag nito para dahan-dahang tapikin ang likuran ko. “I’m sorry. I’m sorry.” Paulit-ulit pa niyang paghingi ng tawad saakin. “I’m sorry. Hindi ko dapat ipinapaalala ang mga iyon saiyo. I’m sorry.”
Niyakap ko rin siya dahil natatakot ako.
Natatakot na rin ako ngayon sa mga taong nasa paligid ko at dahil sa kadahilanan na rin na tanging si Zydn lang ang familiar saakin ngayon.
“Gusto ko na umuwi. Zydn… Uuwi na ako.” Hindi pa rin nawawala ang panginginig ko at tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.
“Tahan na. Ihahatid kita kaagad kapag kalmado ka na, okay?” Tumango nalang ako at napapikit muli ako nang maramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko. Somehow, I know that I’m safe when I’m with him. Maybe this is the comfort that I am looking for or maybe this is what I am longing for.
“I’m sorry.” I said. “I can’t even respond to your confession.” I whispered.
“It’s okay. I won’t push you, Dee. Maghihintay ako at wala akong pakialam kung gaano katagal basta maghihintay ako.”
“Zydn…” Nakapikit lang ako pero alam kong buhat-buhat na niya ako ngayon. “I’m going to sleep.” I wrapped my arms around his neck and buried my face against his chest.
“You should be.” He whispered. They were only three words but I felt safe and secured. So, I let myself fall asleep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro