Treat
Isang bata ang nakatalungko sa may baitang ng hagdanang nilulumot na.
Napapahikbi pa ito. Hindi na niya maaninaw ang nasa harap dahil natatakpan ang mga mata niya ng luha.
Nasa ganoon siyang estado nang may marinig siyang mga paghakbang mula sa taas. Sa pagkakataong iyon ay napatigil ang paghikbi niya upang talasan ang pakiramdam.
Dumagundong ang puso niya nang mausisa na palapit sa kaniya ang may-ari ng paghakbang na iyon. Napagtanto niya dahil sa mga tunog ng pagtapak noon sa mga tuyong dahong nakakalat sa hagdanan.
"Yaya... Yaya..." Umatungal na sa pag-iyak ang batang lalaki dahil sa takot. Nasa loob kasi siya ng compound ng isang abandonadong mansion at pumasok siya roon nang palihim lamang.
"Bata, bakit ka umiiyak?" Napatigil sa pag-iyak ang batang lalaki. Tumayo at pinagpagan ang sarili. Hinarap ang pinagmulan ng boses.
Isang batang babaeng nasa walo o siyam ang edad ang ngayo'y nasa harap niya. May full bangs ito, nakasuot ng jumper shorts, at ang kapansin-pansin niya ay ang biloy nito sa pisngi.
Pinahid ng batang lalaki ang mga luha gamit ang likod ng kaniyang palad. "Naglalaro ako kanina tapos napalakas ang pagbato ko ng bola ko. Napapunta sa kabila ng bakod nito kaya pinasok ko. Kaso hindi ko makita."
Kumurba pababa ang labi ng lalaki. "Bigay ni daddy 'yun sa akin."
"Huwag kang mag-alala. Tutulungan kitang hanapin 'yung bola mo."
Lumiwanag ang mukha ng bata. "T-Talaga?"
Masiglang tumango ang batang babae. Inabot ang palad sa kaharap. "Tara?"
Magkahawak-kamay nilang sinuyod ang kabuuan ng hardin ng mansion at wala pang sampung minuto ay nahanap na nila ang bola.
"Salamat sa pagsama sa akin, bata."
"Biyang. Tawagin mo na lang akong Biyang."
"Ako si Nicholas. Mula ngayon ay friends na tayo." Inilahad nito ang kamay para makipagkamay.
"Friends!"
Mula nga noon ay lagi nang nagkikita ang dalawa para maglaro. Ang lugar na kinatatakutan ng ibang bata ay parang paraiso sa kanila dahil kapag magkasama sila rito ay labis ang kanilang kasiyahan.
Madalas ding imbitahan ni Biyang ang kaibigan sa maliit nitong kubo sa bahay ng kaniyang lolo at lola.
"Nicholas, kumain ka lang diyan ha? Marami pa 'yang bopis. Huwag kang mahihiyang kumuha."
"Thank you po, Lola Gets!" Maganang kinain ni Nicholas ang nakahain.
Simula nga noon ay naging paborito na ng bata ang luto ng lola ni Biyang kaya sa tuwing pumupunta ang bata roon ay palagi siyang ipinagluluto ng matanda ng bopis.
Minsang nakatambay sina Biyang at Nicholas sa balkonahe ng mansion ay nag-usap sila.
"Biyang. Alam mo, crush kita."
Napatingin ang batang babae sa kaibigan niya. "Crush? Ano 'yun?"
Kumibit-balikat ang bata. "Yun daw 'yung nararamdaman kapag humahanga ka sa isang tao. Halimbawa e nagagandahan ka sa kaniya, nababaitan. Basta kapag may isang bagay o higit pa sa kaniya na nagustuhan mo, crush na raw 'yun.
"Ay gano'n?" Napahawak sa baba si Biyang. "Eh 'di crush din kita, Nicholas!"
Kumabog ang puso ng bata sa hindi malamang dahilan. "C-Crush mo rin ako?"
Nakangirit na tumango si Biyang. "Kasi, bukod sa pogi ka, mabait ka rin saka lagi mo akong binibigyan ng chooey choco kaya crush din kita!"
Umisod-isod ang batang babae para yakapin ang kalaro. Mas lalo iyong nagpalakas ng pagtambol ng dibdib ni Nicholas.
Gumanti ng yakap ang bata at ngayo'y magkayakapan na sila.
♡♡♡
"Biyang, sabi ni Daddy pupunta na raw kami sa Manila sa isang araw."
"Ha? Bakit?" sumalarawan ang simangot sa mukha ng batang babae.
"Kasi nalulugi na raw 'yung negosyo namin dito sa Albay at kailangan naming magsimulang muli sa siyudad." Halata ang garalgal sa boses ni Nicholas.
Walang pagbabadyang bumagsak ang luha sa mga mata ng bata. "Mami-miss kita, Nicholas."
"Ako rin, mami-miss kita."
Nagyakapan ang dalawa na tila ba ito na ang huling beses na maibibigay nila 'yun sa isa't isa.
♡♡♡
"Nicholas, hapon pa naman kayo aalis 'di ba?"
Tumango ang bata. "Bakit?"
"Ligo muna tayo sa ilog!"
"Ilog? Hindi ba delikado roon?"
Kumunyapit ang bata sa braso ng kaibigan. "Hindi 'yan. Gamay ko ang tubig doon. Saka sa tabi lang naman tayo."
"Okay. Mahihindian ba kita?"
Agad na tumungo ang dalawa sa ilog na hindi kalayuan sa abandonadong mansion na pinaglalaruan nila.
"Catch!"
Agad na inabot ni Biyang ang bolang ibinato ni Nicholas.
"Oh, ikaw naman, Nicholas. Catch!"
Naghanda ang bata sa pagsalo sa bola ngunit nabitin ang pag-abot niya nito kaya napapunta ang bola sa tubig.
"A-Ang bola ko!"
"Nicholas, huwag kang kikilos. Ako na ang kukuha!"
Hindi na nakasagot ang batang lalaki dahil nilangoy na ni Biyang ang kinaroroonan ng bola.
Malapit na siya roon ngunit nang dahil sa gumagalaw na tubig ay napalayo pa lalo ang bola. Hindi naman sumuko ang bata sa pagkuha nito kung kaya hinabol niya pa rin ang laruan ng kalaro.
"B-Biyang! Bumalik ka na rito. Hayaan mo na 'yang bola ko!"
"Makukuha ko rin 'to, Nicholas. Wait ka lang!" Nag-thumbs up pa ito sa kalaro.
Alam niyang hindi magpapapigil ang kaibigan kaya iniwan niya muna ito upang takbuhin ang bahay ng lolo at lola ng kalaro.
"Lola Gets! Si Biyang po, nasa ilog!"
"Jusko! Delikado roon!" Ibinaba ng matanda ang hawak na panukat ng bigas. "Gustavo, puntahan natin 'yung apo natin sa ilog!" Si Gustavo ang asawa nito. Siya ang lolo ni Biyang.
Agad nilang tinakbo ang pinagmulan ng dalawa ngunit tahimik na ang lugar. Tanging pares lamang ng tsinelas ni Biyang ang naroon. Ang bola naman na nasa may kalayuan ay nanatiling nagpalutang-lutang sa tubig.
"J-Jusko po. Ang apo ko!"
Halos dalawang oras na hinanap ng mag-asawa ang apo nila. Hiningi na rin nila ang tulong ng mga kapitbahay ngunit hindi pa rin natatagpuan ang kaawa-awang bata.
"Nicholas, nandito ka lang pala."
"Daddy." Nangangatog ang tuhod ng bata nang mausisa kung sino ang tumawag sa kaniya. Agad lumapit ang ama niya at hinablot siya sa may palapulsuhan.
"Tara na, aalis na tayo."
"P-Pero Daddy, hinahanap pa po namin si Biyang."
Nagkatinginan ang daddy ni Nicholas at ang lola ni Biyang.
"Sige na po, sir. Kami na ang bahala sa apo namin." Pinukol ni Lola Gets ang atensiyon sa bata. "Nicholas, huwag kang mag-alala. Hahanapin namin si Biyang. Pangako."
Iniabot ni Lola Gets ang bola sa batang lalaki.
"Lola, hanapin po ninyo siya please. Hanapin n'yo po ang kaibigan ko." Humahagulgol na ang bata sa pagkakataong iyon.
"Let's go." Wala nang nagawa si Nicholas nang buhatin na siya ng kaniyang ama palayo roon."
♡♡♡
"Sir Nicky, ano ang insights ninyo tungkol dito?"
Napatigil sa pagbabalik-tanaw ang binata nang pukawin ng Marketing Head ang kaniyang atensiyon.
Iniayos niya ang pag-upo at itinuon ang pansin sa powerpoint presentation sa harap nila.
Tumango-tango ang binata. "We already have fifty million pesos income from Alluring White Soap with Snail Extracts during its first week. That's unbelievable. Twenty five million pesos lang ang expected sales natin, right?"
"Yes, sir. Hindi namin inasahan kung gaano kataas ang demand ng market kaya nagdagdag ng manpower sa pag-produce ng naturang sabon. Many sellers are actually requesting bulk orders but we cannot accommodate them due to lack of supply. Medyo natataranta na po 'yung mga tao sa factory natin pero manageable naman po," saad ni Miss Dela Paz, ang manufacturing head nila.
Tumango si Nicky. "Kung kakailanganing magpa-overtime tayo ng staff, gawin ninyo. Just make sure our people are well-paid. In addition to that, give them free meals if they render additional work hours. Ayoko ng napapagod ang mga tauhan ko."
"Masusunod po, Sir Nicky."
Nasa ganoong puwesto ang binata nang tumunog ang cellphone niya. Nang silipin niya iyon ay nakita niyang may mga mensahe si Olive.
Dalawang araw na niya itong hindi pinupuntahan o tine-text habang nag-iisip-isip siya. Dalawang araw na rin siyang kinukulit ng dalaga.
"Excuse me." Tiningnan ng binata ang mga ka-meeting niya. Matapos makakuha ng approval ay binuksan niya ang isang mensaheng mula sa dalaga.
Do you think I have undies on right now?
Sa ibaba noon ay ang larawan ng dalawang hita ng dalaga. Natatakpan ang kalahati nito ng maigsing pencil-cut skirt.
Napahugot ng malalim na paghinga si Nicky. Nakaramdam siya ng paggising ng nasa pagitan ng hita niya.
Sa kuryosidad ay binuksan niyang muli ang pangalawang mensahe nito.
Why can't I just be lying beside you on the bed instead of working... 🙁
Sa pagkakataong ito ay hindi na niya mapigil ang pagtayo ng kanina'y nagtatago sa loob ng pantalon niya. Kumakatok ito na ibig makawala sa hawla.
"T-Team, I have an emergency." Tumayo na si Nicky at pasimpleng iniharang ang suitcase sa pantalon niya. "Let's reschedule another meeting anytime this week."
Agad niyang tinungo ang pinto at tumalilis na pababa ng office building.
"This woman must pay for turning my thing at full mast."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro