Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tit for Tat

Isang buwan na ang nakalipas mula nang magsama sa isang bubong sina Olive at Nicky. Unti-unti na rin silang nakapag-a-adjust sa bagong buhay na sinimulan nila.

May tatlong negosyo na ring pinagkakaabalahan si Nicky kaya madalas siyang wala sa bahay. Isa na ang pagiging jeepney operator. Bumili siya ng limang jeepney mula sa pinagbentahan ng bar kaya kumikita siya mula sa boundary na nire-remit araw-araw ng drivers ng jeep niya.

Nicky's Hotdog Cart naman ang ikalawa. Nagpapa-franchise siya ng food cart sa San Sebastian kung saan sila nakatira pati na rin sa mga karatig-bayan. Sa kasalukuyan ay may labindalawang food carts na siyang naibenta at sinu-supply-an ng stocks.

Ikatlong business ay ang pag-aangkat ng mga lamang-dagat partikular na ang sugpo. Direct seller siya ng high-end restaurants kaya malaki talaga ang kinikita niya sa bawat angkat. He always has someone to show up to the restaurant owners tuwing may transaksiyon. Ayaw niyang may makakilala sa kaniya dahil baka makarating iyon sa kaniyang ama. Pumupunta lang siya ng Maynila kung talagang kailangan.

Si Olive naman ay pinasok na ang online selling. Bumibili siya ng tsinelas, sandals, doll shoes, at boots sa kilala niyang shoemaker. Kumikita siya ng singkuwenta hanggang isandaang piso bawat pares na maibebenta niya. Malaki-laki rin ang kinikita niya rito dahil marami ang kumuha sa kaniya bilang supplier. Nagre-rebrand din kasi siya ng mga ibinebenta niya. Ibig sabihin ay puwedeng mag-request ang customers ng kung ano ang gusto nilang ilagay na pangalan sa mga sapatos na binibili nila para makalikha sila ng sariling brand.

Gustuhin man ni Olive na magtrabaho na tulad sa pinanggalingan niya ay wala siyang mapasukan. Probinsiya ang kinaroroonan nila at mas gusto ng mga taong gawin ang sarili nilang bahay kaysa ang bumili ng gawa na.

♡♡♡

"Hi, baby." Niyakap ni Olive ang binata na noo'y pinapawisan na. Abala ang huli sa pagtingin sa listahan habang nagmamando sa mga tauhan niyang nagbubuhat ng ice boxes na may mga lamang-dagat.

"Baby." Gumanti ng yakap si Nicky sabay halik sa noo ni Olive.

"Matagal pa ba 'yan? Naghanda na ako ng tanghalian."

Binilang ni Nicky ang natitirang ice boxes na hindi pa naisasakay sa truck. "Kaunti na lang, baby. Hihintayin ko lang na makaalis itong truck. Give me ten minutes."

Olive rubbed Nicky's arms softly. "Okay. Nagluto ako ng tahong at tilapia. I'm sure masasarapan ka, baby." She winked at him.

Nicky chuckled softly and bit his lower lip. Hinarap niya ang dalaga. "Baby, sabik na akong tikman ang tahong at tilapia mo."

Nagtinginan nang makahulugan ang dalawa habang nakangisi sa isa't isa.

"Sir Nicky. Ayos na 'to. Alis na po kami," saad ni Benjie, ang katiwala ni Nicky. Ito ang nakatoka sa pakikipag-usap sa restaurant owners.

"Sige, Benj. Balitaan n'yo na lang ako. Mag-iingat kayo."

Sinundan ni Nicky ng tingin ang truck na umalis. Nang masiguro ay isinara na niya ang gate at pumasok na sa bahay.

♡♡♡

"Hmm, ang galing mo talagang magluto, baby. Pa-kiss nga."

Nakangiting pinuntahan ni Olive ang binata. She sat on his lap and gave Nicky a kiss.

"Thank you for appreciating." Olive looked at the table. "Hindi talaga ako nagluluto pero natuto ako mula nang magsama tayo. Baka kasi makahanap ka ng iba na magaling magluto." She smirked.

Hinapit pa ni Nicky ang dalaga palapit sa kanya. "Hindi na ako maghahanap ng iba 'noh. Ang sarap-sarap kaya ng tilapia at tahong mo." He kissed Olive's jaw.

Olive pinched Nicky's side. "Ikaw ha? Kanina mo pa ine-emphasize 'yung tilapia at tahong na 'yan tapos titingin ka sa akin nang nakaloloko."

"Teka lang, baby." Iniharap ng binata si Olive sa kaniya. "Sino kaya ang promoter ng pagdo-double meaning ng tilapia at tahong ha?" Sinundot-sinundot ni Nicky ang tagiliran ng dalaga. Napahagikhik ang huli sa kiliti. "Sino? Sino?"

"Oy, baby! Tama na. Hahahaha!" Umalingawngaw ang halakhak ni Olive sa loob ng bahay dahil sa pangingiliti ng binata.

Tuluyan na siyang binuhat nito papasok sa kuwarto para lantakan ang isa pang 'tahong' at 'tilapia'.

♡♡♡

"Baby, I really want to cuddle with you more. Kaso ngayon ang deliver ng new stocks sa food cart. I have to go to our warehouse," sabi ni Nicky habang nagbubutones ng suot niyang polo.

Olive lied on her stomach on their bed. "Okay." She looks down on the floor. "Baby..."

Nicky looked at Olive. "Uhm?"

"Alam mo ba ang araw ngayon?"

Tiningnan ni Nicky ang kalendaryong nakasabit malapit sa pinto. "Huwebes."

"I mean... petsa?"

"Petsa? Hmm..." Nicky looks closer to the calendar. "April 17. Why, baby?"

Umiling-iling si Olive at tipid na ngumiti. "Wala naman." She stood up and approached Nicky. Inayos ang collar ng polo nito at sinigurong walang gusot. "Umuwi ka nang maaga. I'll prepare a nice meal."

Nicky kissed her right cheek. "Lagi mo naman akong ipinaghahanda ng masarap na pagkain. At hindi lang pagkain..." He licked his lips seductively.

"Ayan ka na naman. Naku, baka hindi ka na makaalis kase-seduce mo sa akin." Itinulak ni Olive nang marahan ang binata palabas. "Sige na, mauna ka na. Baka nandoon na 'yung delivery truck."

She gave Nicky a smack on the lips.

"See you later, baby."

♡♡♡

Wala na ang kotse ng binata ay nakatanaw pa rin si Olive sa labas. Kanina pa siya ngingiti-ngiti at para bang hindi iyon mapagkit.

Mula nang maging sila ni Nicky ay nagpaka-girlfriend na talaga siya sa binata. She did her best that she could para sa relasyon nila kahit kinakapa pa lang niya ang sarili niya noon kung ano ba ang tunay niyang nararamdaman sa binata.

Hanggang sa dumating na lang ang isang araw na pati puso niya ay nakikisabay na sa katawan niya sa pag-usal ng pangalan ng lalaki. That no matter how much she try to suppress that feeling, she cannot do anything to control. Her heart has its own ability to feel what it want to feel.

Nang mangalay si Olive ay umupo muna siya sa sofa. Muli niyang naalala 'yung huli nilang pag-uusap ni Nicky.

"Monthsary namin ngayon pero mukhang hindi niya naalala." Olive smiled a bit. "But it's okay. Not a biggie. Makakalimutin talaga ang mga lalaki. Ako na lang ang magpapaalala sa kaniya mamaya."

Olive prepared herself. She sprayed a bit of perfume and wear a casual dress. Mamamalengke siya.

♡♡♡

Nakauwi na siya at nagsalang na ng lutuan. She decides to cook roasted chicken and kare-kare for tonight. Alam niyang gustong-gusto ito ng binata.

She's smiling while preparing the ingredients. Ini-imagine niya kung paano magre-react ang binata mamaya sakaling makita ang iniluto niya. Plus, isusuot niya 'yung red silk nightie na bagong bili niya.

"How could I forget him complimenting me while I'm wearing the red gown we bought at the boutique?" Napangiti siya nang alalahanin kung paano siya tingnan ng lalaki nang sukatin ang gown na isinuot niya noong birthday ng binata.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbubulay-bulay nang umilaw ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa.

"Oh, napatawag ka, Gi?" Inipit ng dalaga ang cellphone sa pisngi at balikat niya. Naghihiwa kasi siya ng sibuyas at bawang habang nakikipagtawagan.

"Girl, kanina pa ako paikot-ikot dito sa grocery store. Hindi ko makita 'yung Alluring White Soap with snail extracts!"

"Ay girl. Hanapan na pala ako ng nawawalang gamit?"

"No. What I mean is... Ang weird." Tumigil muna ito ng ilang sandali bago nagpatuloy. "Bigla na lang kasing nawala 'yung istante kung saan dini-display 'yun. Nakatatlong store na ako pero wala talaga."

Napakunot ang noo ni Olive. "Try mo kayang magtanong sa disers diyan 'no?"

"Siya nga ano? Teka." Humina ang boses ni Gianna nang ilayo nito ang cellphone sa mouthpiece ng phone. Dinig pa rin naman siya ni Olive.

"Kuya, nasaan na 'yung Alluring soap ninyo?"

"Ma'am, wala na po kaming binebentang gano'n. P-in-ull out po ng company 'yung lahat ng stocks. Phased out na daw po."

"Ay gano'n? Mabenta kaya 'yun. Bakit daw kaya?"

Walang naisagot ang diser kay Gianna. Muli nitong binalikan si Olive. "Girl, dinig mo naman siguro 'no? Hayst. Sayang. Effective pa naman sa akin 'yun."

Napakibit-balikat na lang si Olive nang matapos ang tawag nila ng matalik na kaibigan. Hindi na siya nagulat dahil inaasahan na niya iyon.

Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Nicky.

Baby. :(

Agad tinawagan ng dalaga ang binata dahil hindi siya makapag-type.

"Baby..." May lungkot ang tinig ni Nicky nang mabungaran niya ito.

"Hulaan ko 'yung sasabihin mo. Is it about the pulling out of Alluring white soap from the market?"

Nicky sighed in dismay. "Oo, baby. Total pull out daw. Shane even told me that your billboards were replaced. For sure si Dad ang may gawa nito."

"Shhh... Kalma ka lang."

Hilaw na napatawa si Nicky. "I can't believe it. Milyong-milyong revenue ang ipinapasok ng Alluring white soap sa company pero p-in-ull out niya pa rin dahil lang ang mukha ng model ay ang mukha ng babaeng pinili ko? That's unreasonable." Napatigil sa pagsasalita si Nicky. "Anyways, kaya talaga ako tumawag is I want to check on you, baby. Kasi alam kong affected ka rin. Nag-aalala ako sa 'yo."

"Huwag mo akong isipin. Believe me, matagal na akong handa sa pagdating ng araw na ito." Olive sighed. "I know you're upset right now. Umuwi ka nang maaga. I'll give you a perfect massage."

"Will do. Thanks, baby!"

Napakapit na lang si Olive sa cellphone nang matapos ang tawag nila ni Nicky. Matapos ay tumingin sa kawalan habang nag-iisip ng plano mamayang gabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro