Smile
"So?"
Napapitlag si Olive nang may nagbagsak ng paper cup na may lamang kape sa table niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay si Gianna pala ang may gawa.
Itinaas ni Olive ang isang kilay niya. "So what?"
Humugot si Gianna ng hangin sabay buga. Matapos ay umupo agad sa silya na nasa harap ng kaibigan.
"So bakit hindi kita mahagilap sa inyo nitong weekend? At aba? Um-absent ka pa kahapon ha?"
"Me time." Tipid na ngiti ang isinukli ni Olive sabay pukol muli ng atensiyon sa paperworks na ginagawa niya.
"Huy, huy, huy. Patingin nga ng mukha mo." Gianna leaned her body above the table and reached for Olive's face. She held it with her two hands.
"Me time ba talaga, Olive?"
Sa puntong iyon ay lumikot na ang mga mata ni Olive. Hindi na siya makadiretso ng titig sa matalik na kaibigan.
Parehong nagpipigil ng tawa ang dalawa. Si Olive ay patuloy pa rin sa pag-iwas ng tingin samantalang si Gianna naman ay hinahabol iyon.
Umupong muli si Gianna sa upuan.
Olive heaved a sigh. "Oo na. Kasama ko lang naman si Nicky."
"Sabi na nga ba eh. I already expect it but I'm still surprised." Ipinatong ni Gianna ang siko sa glass desk ng kaibigan. "Daks ba, girl?"
"Huy!" Hinampas ni Olive ang braso ng kaibigan. "Ano ba 'yang tanong mo!"
"Namumula ka oh. Umamin ka na kasi. Di na tayo mga bata, girl. " Napahagikhik ang dalawa.
Itinaas-baba ni Olive ang dalawang balikat. "Hmmm?" Iniangat niya ang isang kamay sabay iminuwestra ang hintuturo at hinlalaki sa hangin na parang may sinusukat. "Oo, Gi. Daks nga. Just like this."
Nag-apir ang dalawa dahil sa pag-amin ng dalaga.
"Nakakaloka ka! Kaya pala ang blooming mo lately. May dumidilig pala sa 'yo!"
"Gusto mo bang ikuwento ko ang mga nangyari in detail?"
"Loka. Keep it to yourself na lang!" Natatawang-naiiling lang si Gianna.
Sinimsim ng dalawa ang kani-kaniyang hawak na kape.
"Siya nga pala. Binulabog kita ng ganito kaaga kasi may chika ako sa 'yo." Pinagkrus ni Gianna ang mga hita. "'Yun kasing magaling mong ex e paroo't parito sa office mo kahapon."
"Kahapon?" Kumunot ang noo ni Olive. "Sino? Si Gino?"
"Loka ka. May iba ka pa bang ex na hindi ko kilala?"
"Wala. Oh go, proceed. Pabitin eh."
"So 'yun nga. Maghapon kang hinintay. Kakausapin ka yata tungkol sa bahay. But I doubt it. Ewan. Iba ang pakiramdam ko sa ex mong 'yun."
"Kung tungkol pala sa bahay e bakit hindi niya isinama si Roxanne?"
Gianna shrugged her shoulders.
Lumangitngit ang pinto ng office ni Olive. Isang ulo ang sumungaw roon.
"Good morning, ladies."
"Speaking of the devil," mahinang sabi ni Gianna. Sapat na para marinig ni Olive.
"Maiwan ko na muna kayo, Mr. Revadulla."
Pagkaalis ni Gianna ay lumapit na si Gino sa desk ni Olive.
Inayos ni Olive ang pag-upo at pormal na pinakitunguhan ang dating kasintahan.
"Good morning, Mr. Revadulla." Nakipagkamay ang dalaga sa bagong dating.
Nang magtama ang mga kamay nila ay tila ba ayaw pa iyong pakawalan ng lalaki. Magkagayunman ay 'di rin ito nagtagumpay dahil agad binawi ni Olive ang kamay.
"Maupo ka." Sinabayan ng dalaga ang pag-upo ng lalaki.
"So, Mr. Revadull—"
"Gino. Gino na lang, Olive." Ipinatong ng lalaki ang kamay sa kamay ni Olive na magkasalikop. "Like in the old days."
Marahang iniiwas iyon ng dalaga. Matapos ay kinuha niya ang planner na nasa kanang bahagi ng glass desk niya. "Mr. Revadulla, parang wala yata tayong appointment today?" Binuklat niya ang huling pahina nito na may sulat at ipinakita sa kaharap. "There's none."
Dume-kuwatro ang lalaki at sumandal sa upuan. "Wala nga, Olive. But puwede naman siguro akong magpa-schedule kung gugustuhin ko 'di ba?" Ngumisi ito. "And besides, malaki ang kokomisyunin mo kapag naging successful 'yung transaction natin."
Itinuwid ni Olive ang pagkakaupo. Sa loob-loob niya ay nagtatangis ang kaniyang mga ngipin ngunit tinimpi niya ang sarili.
Kung hindi lang niya kailangan ng pera para sa pamilya ay paniguradong dumapo na ang kamay niya sa makapal na mukha ng dating kasintahan!
Tumango-tango siya. "Alright, Mr. Revadulla. So nasaan pala si Mrs. Revadulla? She should be here too, right?"
Umiling-iling ang lalaki habang nakangiti. "Doctor advised her to stay at home. Mahirap daw siyang magbuntis kaya bedrest muna para makabuo kami. 'Yun ang dahilan kaya ako na ang nag-aasikaso ng bahay."
"Ahhhh..." 'Yan lang ang tanging isinagot ni Olive. Sa inaakto ng lalaki ay para bang gusto nitong ipamukha sa kaniya ang buhay na mayroon siya.
"How can I help you?"
Tiningnan muna siya nang mataman ng lalaki. Para bang inaaral ang bawat detalye ng mukha niya.
"I want you to accompany me again to the house. Gusto ko sanang kuhanan ng picture ang bawat sulok para maipasa ko sa interior designer namin. In that way, we would know what to renovate and what to leave as it is."
"Pictures? Meron akong pictures dito sa laptop. Teka lang, Mr.—"
"No, ahm. What I mean is, ako mismo ang magpi-picture. Gusto ko rin kasing malibot ang buong lugar.
Naisingkit ni Olive ang mga mata. Inaaral ang ikinikilos ng lalaki. "Sige, sasamahan kita. Hintayin mo muna ako sa lobby. May kukuhanin lang ako."
"Sige. Hihintayin kita." Agad na tumayo ang lalaki na para bang nadoble ang sigla sa katawan.
Inihanda ni Olive ang sarili at bago siya lumabas ay lihim niyang kinuha ang pepper spray sa drawer.
♡♡♡
"Tapos ka na bang kumuha ng pictures, Mr. Revadulla?"
Nasa ikalawang palapag sila sa may master's bedroom.
"Actually." Humakbang ang lalaki palapit sa kaniya. "Kanina pa ako tapos."
Napaurong si Olive. Mas nananaig ang galit sa kaniyang katawan.
Kilala na niya ang lalaki. Ilang beses na siya nitong tinangkang galawin noon.
Pinisil siya ng lalaki sa braso at lumapit ito sa puno ng tainga niya.
"Oli— Ahhhhh!"
Hindi na nakahuma ang lalaki nang sabuyan siya ni Olive ng pepper spray sa mukha. Patuloy lang ito sa pagsigaw dahil sa hapdi na dulot ng isinaboy sa kaniya ng dalaga.
"Napakawalang hiya mo, Gino! Hindi ka na ba nahihiya? May asawa ka na pero iniiputan mo pa siya sa ulo! At ako pa ang pagtatangkaan mo? Puwes, hindi na ako ang Olive na kilala mo na maghahabol sa 'yo! Umalis ka na!"
Ipinagtulakan ni Olive ang lalaking noo'y namumula ang mga mata. "Fuck you, Olive! Balang-araw, lalapit ka rin sa akin. Walang bibili ng bulok mong bahay. Pwe!"
Dumura muna ito sa sahig na marmol bago tuluyang lumabas.
"Wala akong pakialam. Hindi ko kailangan ng pera mo! Manyak!"
Halos lumabas na ang ugat sa leeg ng dalaga sa pagsigaw. Abot-langit ang galit niya sa dating kasintahan. Nadagdagan ang rason para kamuhian niya ito at kalimutan.
Pasalampak siyang umupo sa sahig. Kinuha ang files na sumambulat sa paligid niya.
"Paano na 'to?" Isinapo niya ang kamay sa ulo habang nakatungko.
♡♡♡
"Hi, Oliv—"
Tiningnan lang si Nicky ng dalaga. Dire-diretso ang huli paglabas ng office building na kinaroroonan.
Nakapameywang ang binata na noo'y puno ng katanungan ang isip.
"Mr. Blonde Boy, hayaan mo na muna 'yun. Ganiyan talaga 'yun 'pag badtrip." Si Gianna ang nagsalita.
"Ha? Bakit? May alam ka ba kung ano ang nangyari?"
Nagkibit-balikat ang dalaga. "Masyado kasing personal eh. Sorry, Nicky ha?" Dumiretso na ang dalaga sa direksiyon na pinuntahan ng bestfriend niya.
"W-Wait!"
♡♡♡
"Ano 'to? Bakit may fruit basket dito sa desk ko?" Inusisa ni Olive ang nakapatong sa glass desk niya. Kumuha siya ng isang piraso ng ubas na nakalagay sa tangkay. Isinubo 'yun nang buo. Matapos ay iginala niyang muli ang tingin sa mga prutas.
Sa gilid noon ay may napansin siyang isang sulat. "Naks! May note pang nalalaman."
Your smile makes me smile.
Umubo nang peke si Gianna. "Ngiting-ngiti ka riyan. Patingin nga."
Wala nang nagawa si Olive nang hablutin ng kaibigan ang note na hawak niya.
"Your smile makes me... ay sus! May pa-'your smile makes me smile' na. Iba na 'to!" Ngiting-ngiti ang dalaga nang ibalik ang note sa basket.
May pagtataka sa mukha ni Olive. "So you know where it came from?"
"Of course." Itinuktok ni Gianna ang ballpen sa desk ng dalaga. "Kay Mr. Blonde Boy."
"Mr. Blon— S-Si Nicky?"
"Exactly!" May pagkumpas pa si Gianna nang sagutin ang tanong ng kaibigan.
Lalong lumawig ang ngiti sa mukha ni Olive. Gusto man niyang pigilin ay hindi niya magawa. Nagkukusa ang bibig niyang ngumiti.
"Nakow, may pagngiting abot-tainga ka na. Iba na 'yan!"
"Gagi. Wala lang 'to. Hindi ba puwedeng nakaka-appreciate lang?"
"I dunno." Kumuha ng isang orange si Gianna sa basket at binalatan ito.
"In fairness, napaganda nga niya ang mood ko." Naghalumbaba si Olive sa kaniyang mesa. Tinitigan ang basket na ibinigay ng binata. "Paano kaya ako makakabawi sa kaniya?"
"Try to give him a head." Ngayon naman ay saging ang pinupuntirya ni Gianna.
"Head? Ulo ng baboy? Anong klaseng ulo?"
Poker face ang ipinukol ni Gianna sa kaibigan. "Tangeks. Parang ganito." Agad binalatan ng dalaga ang hawak at isinubo iyon nang buo. Dahan-dahang inilabas iyon habang nakapikit.
Tangkang ipapasok muli iyon ni Gianna nang pigilan siya ng kaibigan.
"Oo na, gets ko na!" Hinigit ni Olive ang kamay ng kaibigan na may hawak na saging. "Kadiri naman. Sa harap ko pa nag-demo!"
Napahalakhak si Gianna. "Kasi naman, kung makapagsalita ka e parang wala kang alam."
Olive smirked. "But.... do I really have to do that?"
"Well.." Gianna crossed her legs. "It's up to you. Most men really love that. But you have to do that carefully kasi kung mali 'yung paraan ng paggawa mo, imbes na masarapan siya e mamimilipit siya sa sakit."
"Paano?"
Tumayo si Gianna. "I-google mo na lang 'teh. I'm not a sex guru!" Nag-roll eyes ang dalaga at tinungo ang pinto. "I got to go."
Nanlupaypay ang mga balikat ni Olive. Kumuha siya ng isang saging sa basket at tiningnan. "Kakayanin ko ba ang seven inches?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro